Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi niya na nakuhang ipaalam sa nobyo na siya'y nagdadalang-tao. Sa paglipas ng anim na taon, muling pagtatagpuin ang landas nila. Ngunit kagaya ng ipinangako ni Sydney sa sarili, ay hinding-hindi na siya kailanman magpapa-apekto sa dating kasintahan na nanakit at nanloko sa kanya. Ngunit gano'n pa man, ay hindi niya habambuhay na maitatago sa anak kung sino ang ama nito, sa kadahilanang unti-unti na itong nagtatanong sa kanya.
Romance
9.657.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Lovelies

Lovelies

Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran. At dahil doon... Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon. Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya. At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Cold Hearted Gangsters

The Cold Hearted Gangsters

Sa loob ng labing-pitong taon na pamumuhay lumaking ignorante, walang-muwang sa paligid, isip-bata, at kulang sa kaalamang pantao ang dalagang si Alyana. Ang kagandahang taglay at kainosentihan ng pag-iisip nito ay may nakapaloob na mga misteryo sa kaniyang pagkatao. Pero paano na lang kung sa isang iglap ay makawala siya sa bahay na pinaglulungaan niya? Makakaya niya kaya makipaghalubilo sa ibang tao? Lalo na sa mga GANGSTER na kung saan ay babago sa panibagong pamumuhay niya sa labas ng seldang pinagkulungan niya sa loob ng maraming taon.
Romance
1015.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
343 viewsOngoing
Read
Add to library
Through the Waves of Tomorrow

Through the Waves of Tomorrow

Ririmavianne
Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtatagpo, may mabubuo nga bang pag-iibigan kung nagsimula lamang ang lahat sa kasinungalingan? Saksi ang alon sa mga nangyaring karahasan sa nakaraan. Ngunit sa pagsira sa kasulukuyan, anong mangyayari sa bukas na inaasahan? How can a spark of love survive over deep-seated hatred, life-altering decisions, and a desire for vengeance? Sa tabing dagat nagsimula ang lahat, doon nga rin ba magtatapos?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PADRE TIAGO

PADRE TIAGO

Si Padre Santiago Baldemor o Tiago ang bagong talagang kura-paroko sa San Sebastian. Kinahuhumalingan siya ng mga tao at kabataan sa bayan dahil sa kanyang kabaitan at pagiging aktibo sa simbahan. Ngunit hindi ito ang kanyang mukha sa kanyang sampung sakristan sapagkat kinatatakutan siya ng mga ito, maliban lamang kay Angelo. Sa tuwing nag-iisa ang sakristan na si Angelo sa presensya ni Padre Tiago, ito naman ang panahon na lumuluhod siya hindi sa altar kundi sa harapan ng kura-paroko. Araw-araw sa ano mang oras, luluhod siya upang sambahin ang katawan ni Padre Tiago. Para kay Angelo, nagsisilbi itong bendisyon sa kanyang uhaw na pagkatao.
LGBTQ+
1029.2K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Boss Twin Babies

Her Boss Twin Babies

Si Laura ay isang babae na namulat sa madumi at magulong buhay sa lansangan. Maagang naulila sa magulang kaya mag-isang nilalabanan ang hirap ng buhay, ngunit hindi nagpatalo ang musmos niyang katawan at pag-iisip. Gamit ang sariling pagsisikap at diskarte sa buhay, iniahon niya ang sarili mula sa lugmok na kapalaran. Ngunit sa kasabay ng pag-angat ni Lara ay ang pag-pasok ni Eugene sa kaniyang buhay, na hindi nagtagal ay inibig narin niya. Ang nararamdaman niyang ito ay maghahatid sakaniya ng isang malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na babaliktad sa mundo niya at labis na dudurog sa pagkatao niya. Nakahanda ba siyang ipag-patuloy ang pag-ibig sa taong may may mahal pang iba? Handa ba siyang tumayong Ina para sa anak na nagmula sa babaeng kaagaw niya?
Romance
1055.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
Other
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
HIS UNMITIGATED DISASTER

HIS UNMITIGATED DISASTER

Red Solace
Walang matandaan si Mark sa kasunduang nagdala sa kanya sa cruising trip na kasama si Marlyn at Wanda, magkapatid na nakilala lamang niya dahil sa hindi inaasahang pagkakatuklas niya sa kataksilan ng kasintahang si Cleo na dapat sana ay aalukin na niya ng kasal. Sila ang mga berdugong dapat ay magbibigay katuparan sa hangarin niyang mamatay nang gabing iyon--as it turned out, the siblings were tour guides specializing in executing euthanasia to travelers with a death wish. But fate had better plan in store for them. Sinalubong sila ng malakas na bagyo sa gitna ng paglalayag. They were left with nothing but the company of each other and a dead engine that could get them nowhere. Napadpad sila sa isang isla kung saan masusukat ang haba ng pisi ni Mark. Masusukat maging ang kakayahan niyang lumaban sa tukso. Lalo at habang tumatagal sila sa isla, nagkakaroon siya ng hindi maipaliwanag na damdamin para sa dalawa. Umibig siya ng sabay sa dalawang babae na hindi niya puwedeng angkinin pareho. Muli ay natagpuan niya ang sarili sa isang sitwasyon na higit pang kumplikado sa delubyong nagdala sa kanila sa islang iyon. Ano ang naghihintay na kapalaran sa kanilang tatlo sa isla? Sino sa dalawang babae ang higit niyang kailangan at dapat niyang piliin? Kung isip ang piiralin niya, wala siyang pipiliin sa magkapatid para pare-pareho ang laban. Walang masasaktan. Walang magdidiwang. Ngunit dumating siya sa puntong kailangan pa rin naman niyang mamili. Kung sino kina Marlyn at Wanda ang magwawagi sa puso niya, tadhana na ang magtatakda.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status