Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Wonderful Mistake

A Wonderful Mistake

LiCaixin
Nagplano ng suprise bachelorette party ang kapatid at kaibigan ni Anya para sa kaniya, isang gabi bago ang nakatakda niyang kasal. Hindi tinanggihan ni Anya ang surpresa nilang one night stand dahil sa sobrang atraksyon sa inakala niyang simpleng escort. Nang malaman ng fiancé ni Anya ang tungkol sa one night stand ay iniatras nito ang kasal. Itinakwil din siya ng pamilya niya. Ilang linggo matapos ang trahedya nalaman ni Anya na siya ay nagdadalang-tao. At kung akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya, muling nabuhay ang lihim ng nakaraan nang hindi inaasahang magkita ang anak niya na si Althea at ang bilyonaryo nitong ama na si Trevan Cervantes. Ang isang gabi ng pagkakamali na sumira sa dapat ay masaya niyang buhay ang babago sa kasalukuyan niyang kapalaran. “Some mistakes are wonderful”
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Arrangement Between Strangers

Arrangement Between Strangers

EMRLDX
"I-I just married a stranger!" Isang kasunduang kasal ang naganap sa pagitan ng mga estranghero, maisakatuparan lang ang kanya-kanyang layunin. Ang negosyo ng pamilya Alvarez ay unti-unti nang nalulugi na siya ring dahilan ng unti-unti nitong pagbagsak. Isa nalang ang paraan upang maisalba lahat ng pinaghirapan nila, iyon ay ang ipagkasundong ipakasal ang anak nilang si Elle, sa anak ng mag-asawang Martinez. Si Ashton Klyde ang natatanging binata na ipinagkalooban ng naipong mana mula sa angkan ng Martinez. Ngunit, makukuha lang nito ang lahat kung siya ay ikinasal na. At sa kagustuhang maipasa sa kanya ang mana, pumayag siya sa isang kasunduang labag rin sa loob niya... Ang kasunduang ikasal sa taong wala siyang pagkakakilanlan. Dalawang bagay lang ang kailangan nilang gawin upang magtagumpay, ang tumira sa iisang bubong at magpanggap bilang mag-asawang nagmamahalan. Ngunit, may mabubuo kayang pag-ibig sa kasal na wala namang pagmamahal? At, pauusbungin pa ba nila ang mga nararamdaman nila sa oras na malaman nila ang tunay na pagkakakilanlan ng taong pinakasalan nila?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
His Rebel Wife

His Rebel Wife

Inbluence
Sa kagustuhang maipagamot ang kaniyang ina at matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid, susuungin ni Chivalry Sandimar ang lahat ng maaaring pasukin; marumin man, mahirap o delikado—na siya ring naging dahilan upang makilala niya si Gavin Ladeo Ambrosia. Inalok siya nito ng isang kasunduan: ang mabigyan ito ng anak. Ngunit taliwas sa inaasahan, hindi lang isa ang nabuo kundi dalawa. Paano niya ipauubaya ang kaniyang mga anak sa lalaking nagkaroon na ng malaking parte sa buhay niya? Lalo pa't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na hindi na purong trabaho ang namamagitan sa kanila... 'pagkat kusa siyang nagpaubaya nang gabing iyon dahil sa lihim na pagmamahal niya para rito. Makakaya ba niyang panindigan ang kontrata o tatanggapin niya na lang ang karampatang parusa?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Take Me Back In Your Arms

Take Me Back In Your Arms

Martyr na kung tawagin pero kayang gawin lahat ni Zhang para lang sa lalaking minamahal niya kahit na pilit siyang tinataboy nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Zhang na takaw gulo si Zech, kaya hangga't maari ay gumagawa siya ng paraan para mapabuti ito at mabawasan ang pagiging suki nito sa Detention Office. Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya at pagmamahal ni Zhang para kay Zech? Sapat na ba ito para manatili siya sa tabi ng nasabing lalaki kahit na makailang beses na siyang sinaktan at binalewala?
YA/TEEN
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
After Divorce : Marrying My First Husband Again

After Divorce : Marrying My First Husband Again

Napilitang magpakasal ang tanyag na abogadong si Elias Macini sa isang anak ng maid na si Dasha Rivera, sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi niya pinakitaan ng kabutihan ang babae, ngunit sa kabila nito ay pagmamahal pa rin ang binabalik ni Dasha. Natapos ang kanilang pagsasama noong nalaman ng lalaki na nagdadalang tao si Dasha, kaagad na nakipag-divorce si Elias sa kaniya at sumama sa tunay nitong mahal. Umalis ng mansyon si Dasha at isang aksidente ang nangyari na naging dahilan upang muli niyang makita si Samuel Valdez, ang una niyang naging asawa. Sa gitna ng kaguluhan sa kaniyang buhay at sa pag-alalang walang tatayong maging ama ng kaniyang anak, muli niyang pinakasalan si Samuel na walang kaalaman na ito ang desisyon na pagsisihan niya buong buhay.
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10363 viewsOngoing
Read
Add to library
Sleeping With Mr.Ruthless Billionaire

Sleeping With Mr.Ruthless Billionaire

liv
Matapos ibigay ang sarili sa lalaking nakilala sa isang bar, natagpuan ni Rhaenyra Celestine Rockwell ang sarili sa uhaw na posisyong makitang muli ang lalaking kanyang nakaniig. Ang hindi niya alam ay tadhana na pala ang gagawa nito dahil ang lalaki pala ang magiging boss niya sa inapplyang kompanya. Ngunit ang saya ay mabilis na napalitan ng pait at lungkot dahil sa malamig na tratong ibinibigay sa kanya ng lalaki. But one steamy night changes all the circumstances between them. He became sweet and caring that made her fall inlove with him even more which eventually led to them becoming lovers. But little did she know, the man he love was only using her to get revenge on her older brother. At ang inakalang pagmamahal ay pawang kasinungalingan lamang pala.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Hanggan kailan kita mamahalin

Hanggan kailan kita mamahalin

Tiraycute062
Hanggan kailan kita mamahalin ang mga salita binitawan ni Vee PasCua sa loob ng dalawa tao simula ng makilala niya si Dylan Lucario minahal na niya ito ngunit hindi tulad sa kaibigan niyang si Bhella at sa asawa nitong Cy na kapatid ni Dylan ay siya lamang ang nagmamahal dahil may iba mahal at hinihintay ang binata. hanggan kailan hahabol at magpakatamga si Vee sa pagmamahal niya sa lalaki kung hindi naman nito masuklian ang pag ibig na ibinigay niya at sa pagbabalik ng taong mahal ni Dylan lalo niya nalaman na hindi talaga siya mahal ng lalaki. bibitaw na ba siya o kakapit pa na may pag asa mahalin din siya ng lalaki o mananatili lamang siyang mag isang nagmamahal
Romance
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status