Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10522 viewsOngoing
Read
Add to library
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
She Once Married The Duke (ZL Lounge Series 05- 2nd Gen)

She Once Married The Duke (ZL Lounge Series 05- 2nd Gen)

Ang maging chef ang pinaka pangarap ni Everlee Moore talaga. Lahat na kasi meron siya kaya nakatutok lang siya sa pangarap niya. Sa ikakasiya niya. Pinanganak siyang may gintong kutsara na sa bibig. Hindi na niya kailangang magtrabaho din sa kumpanya nila dahil nandyan naman ang mga kapatid niya. Gustong-gusto niyang magluto. Para sa kanya, food is life. At iyon ang naging dahilan para mag-enroll siya sa isang cooking school sa England. Dalawang school iyon. Isa sa Bedfordshire, kung saan kasalukuyang Duke si Davey Kristoff or DK Ward Collin. Matalik na makaibigan ang pamilya nila. Kaya humingi siya nang tulong dito nang mawala ang bagahe niya sa airport. Walang natirang gamit sa kanya at walang naibalik. Kinupkop siya nito at pinatira sa palasyong tinitirhan nito. Hindi pwedeng malaman ng magulang niya ang nangyari sa kanya, dahil baka pababalikin siya ng mga ito sa Pilipinas. Kaya inilihim nila ni DK ang lahat. Pero hindi akalain ni Everlee na may mabubuong pagmamahalan sa kanila ni DK habang nasa poder siya nito. Akala niya dahil sa utang na loob lang kaya siya pumayag na maging Duchess ng Bedford. No. Mahal na pala niya si DK. Ngunit isang aksidente ang pumutol sa pagmamahalang iyon. Hindi siya maalala ni DK na pinakasalan siya nito. Dahil sa respeto nito umano sa magulang at kapatid niya, dinivorce siya nito bago pa malaman ng pamilya niya. Kaya nang muli silang magkita sa Pilipinas, tanging sambit lang ni Everlee sa sarili sa tuwing nakikita si DK, she once married that Duke…
Romance
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)

Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)

Pseudonym
Napilitan si Claire na pakasalan si David Buenavista dahil sa mga magulang nilang pilit silang ipagkasundong ikasal. Nagkahiwalay si Claire at ang kaniyang nobyo sa kadahilanang pareho sila ng sitwasyon. Pinagkasundo rin ang nobyo nitong ikasal sa matalik nyang kaibigan na si Irene. Paano nga ba mamuhay kasama ang lalaking hindi nya pa lubos na kilala? Paano ba sila magkakasundo at makipag kilala sa isat-isa kung pareho silang hindi interesado sa isat-isa?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
I STOLE MY SISTER'S HUSBAND AND HIS HEART

I STOLE MY SISTER'S HUSBAND AND HIS HEART

Paano kung ipinalit kang ipakasal sa isang ruthless Mafia boss na may 60 days na lang para mabuhay? Si Adeline Mendez o mas kilala sa tawag na ‘Ada’ ay walang nagawa nang pilitin sya ng mga magulang na ipalit sa nakakatanda nitong kapatid na ikakasal na sana sa isang Business Tycoon at Billionaire na si Segno Velarde, sa kadahilanang tumakas ang kanyang kapatid bago pa man ito makatungtong sa simbahan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sundin ang gusto ng mga magulang nito. Kaya sa isang iglap ay naging asawa na ito ng isang Bilyonaryo. Pero ang akala nitong magiging buhay ay taliwas sa nasaksihan nya. 'Ni hindi sya pinapansin ng asawa nito at parang hangin lang sya sa pagkalaki-laki nilang Mansion. Hanggang sa may madeskubri nya ang lihim ng asawa-- may 60 days na lang ito para mabuhay? Paano kung ang pinakasalan mong lalake ay may kunting panahon na lang para mabuhay? Ano ang gagawin ni Adeline para sulitin ang kakarapot na panahong ito para makasama ang asawa kung hindi naman sila magkasundong dalawa? Paano uusbong ang pagmamahalan sa pagitan ng lalakeng maraming lihim sa kanyang pagkatao? Masusulit kaya ang 60 days para matutunan nilang mahalin ang isa't-isa?
Mafia
10159 viewsOngoing
Read
Add to library
Anticipating

Anticipating

Tipikal na babae lamang si Sheryll Denubre, masipag, mapagmahal sa magulang pero tila lagi na lang siyang may kaakibat na malasan. Ngunit ni minsan ay hindi iyon naging hadlang para pilitin niya makamtan ang ninanais na kaligayahan. Pero dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa kanyang buhay ay napilitan siyang makagawa ng ilang bagay na hindi niya lubos akalain na makapagbabago sa kanyang buhay.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Ms. Uncertainty, the Runaway bride

Ms. Uncertainty, the Runaway bride

elreina
A popstar was involved in a huge affair scandal. Para maresolba ang problema, napagkasunduan nila kasama pamilya ng kalove team niya na magpakasal, hanggang sa madesolve ang mga issue tungkol sa kaniya. But, her impulsiveness and uncertainty made her encounter an accident that changed her life. From a famous popstar, she became an ordinary person who left her life, together with her memories, in the past.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Perfect Stranger

Perfect Stranger

Glimmerrrrrr
Mujer Ricas Series #1 : Perfect Stranger Hadley Aaliyah talented, smart, rich and beautiful halos nasa kanya may mababait na kaibigan na maasahan niya sa lahat ng bagay, lahat ay abot kamay niya, lahat ay pinagkakaloob sa kanya ngunit may tatlong bagay ang wala sa kanya. Pag mamahal, kalayaan at atensyon ng mga magulang niya. Alam niya sa sarili niya na may kulang sa kanya at alam niya ang yaman na meron siya ay mag dadala sa kanya sa isang bagay na ayaw niya.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Grayson Contract Love

Mr. Grayson Contract Love

Halos gumuho ang mundo ni Scarlett nang makita niya sa balita ang tungkol sa scandal niya. All the videos about her are spreading now online. Halos manlambot ang mga tuhod niya habang nakatingin sa malaking flat screen tv niya. Lahat ng video na lumalabas online ay walang katotohanan. Tinawagan niya ang kaniyang boyfriend/loveteam pero hindi ito sumasagot ganun din ang kaniyang kaibigan pero lingid sa kaniyang alaman na they are having a good night in the hotel. They are cheating on her. She thinks to end her life dahil sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kaniya ng fans nilang dalawa ni Eric. Inisip niyang tapusin ang buhay niya sa pamamagitan nang pagpapasagasa pero ang taong nakasagasa sa kaniya ay si Mr. Grayson. Mr. Grayson is the King of Entertainment.
Romance
1051.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status