Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Professor Loves Me

My Professor Loves Me

coffeesu
Maxine Ynstuk, a heir. Mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo at gusto niyang makasama ito habang buhay. Pero may isang problema. Tutol ang mga magulang ni Maxine sa kanilang dalawa dahil sa hindi malamang rason. Ibubuhos na lang ba ni Maxine ang lahat ng kaniyang oras sa pag-aaral o ipaglalaban niya ang pag-ibig na hindi pinahintulutan? Habang nag-aaral si Maxine ay maraming magmamahal sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari kay Maxine kung mawalan man siya ng mahal niya sa buhay? Makakayanan kaya ni Maxine ang hamon sa kaniya ng buhay o susuko na lang siya? May lilitaw na isang tao na tiyak ikagugulat ni Maxine, ano kaya ang pakay nito? Makakapagdesisyon kaya si Maxine ng tama? At the end Maxine had to decide and choose wisely.
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless CEO (Tagalog Version)

The Heartless CEO (Tagalog Version)

Wala nang sasakit pa ang itakwil ka ng sarili mong mga magulang dahil mas pinaniniwalaan ng mga ito ang taong itinuring niyang tunay na kaibigan. Ang akala ni Nicole na mapabuti ang buhay sa tulong ni Danica ay kabaliktaran ang nangyari. Ginamit siya nito upang matupad ang ambisyon sa buhay—ang maikasal sa isang arogante at may pusong bato na si Steven. Hindi na nagtaka si Nicole kung bakit nagawa siyang traidurin ng kaibigan dahil sa lalaking ito. Bukod sa milyonaryo na, angkin pa nito ang katangiang kinababaliwan ng kababaihan sa isang lalaki. After six years, babalik si Nicole upang agawin ang bagay na inangkin ni Danica, kasama na ang lalaking nagbitaw ng isang salitang hindi siya karapat-dapat maging ina ng anak nito.
Romance
10199.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

In a marriage built on convenience, will she finally find the love she’s been denied all her life? *** Si Chloe Lazaro ay isang babaeng walang boses sa sariling pamilya, tinatawag na malas, tinataboy, at walang halaga. Sa bawat araw na kasama ang mga magulang at kapatid, unti-unti niyang nakalimutang karapat-dapat din siyang mahalin. Hanggang sa dumating si Jiro Ramirez . Isang makapangyarihan at mayamang lalaki na kilala sa malamig na ugali at imposibleng lapitan. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, si Jiro lamang ang unang kumupkop kay Chloe, ang unang humawak ng kanyang kamay, at ang unang nagsabi ng mga salitang hindi niya narinig kailanman: “Don’t be nervous… you’re my wife now.” At sa piling ng isang lalaki na estranghero, matutuklasan ni Chloe na may mga kasal na hindi lang papel ang nagbubuklod… kundi puso.
Romance
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Midnight Lover

Midnight Lover

Puot at sakit sa puso ang dinamdam ni Crystal Fuentes matapos magpakasal sa kanyang kapatid ang long-time crush niyang si Royce Consunji. Sa mismong gabi ng kasal, laking gulat niya na dinalaw siya nito sa kanyang silid at isang pagkakamali ang kanyang nagawa matapos ibigay ang sarili dito. Ngunit hindi lang iyon isang beses na nangyari, nasanay siyang dinadalaw siya nito tuwing hating gabi, at kahit alam niyang mali, tinanggap niya sa sariling kabit siya nito. Iyon nga lang, nasasaktan siya kapag umaakto itong parang walang nangyayari sa kanila sa tuwing kaharap ito sa umaga. Hanggang sa nalaman niyang buntis siya ngunit sakto ring buntis ang ate niya. Makasarili man, siya mismo ang nagsiwalat ng relasyon niya sa asawa nito. Ngunit dumoble lang ang sakit na nararamdaman niya matapos nitong itanggi ang lahat maging ang pinagbubuntis niya, gulat na gulat pa ito at sinabing ni minsan ay hindi siya dinalaw sa kanyang silid. Sa galit ng kanyang mga magulang ay ipinatapon siya sa ibang bansa upang pagtakpan ang kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa kanyang pagbabalik, nagulat siya noong muli siya nitong bisitahin sa kanyang silid sa kalagitnaan ng gabi. Galit na galit ito. "How dare you leave me and hide my daughter, Crystal?"
Romance
1084.3K viewsCompleted
Show Reviews (12)
Read
Add to library
M.A. R. Chan
Maganda ang kwento, di mo agad mahuhuli ang takbo ng isip ni author if paano magpaikot ng character. The last chapter update makes me feel sad and even cried for Crystal's character. Feeling ko pag nalaman nya yung betrayal sa kanya ay babalik ung dating Crystal na independent at matapang.I wished.
Yenoh Smile
(May 18, 2023) Sorry po sa slow update, na-busy lang po sa trabaho. Bawi na lang po ako kapag hindi na hectic schedule ko sa work. Don't worry my ending po ito. Unahin ko lang tapusin ang "Entangled with Mr. Ruthless" Thank you po sa pagbabasa at paghihintay! Ingat!
Read All Reviews
Ava's Playful Boss

Ava's Playful Boss

itsloveren
Ang pagkakaalam ko ay Personal Assistant ang magiging trabaho ko sa boss na si Ethan Dela Torre. Pero bakit nga ba pati ang pagsisinungaling sa mga babae nito ay kasama na sa kailangan kong gawin? Minus points na ako sa langit kaya siguro pati sarili kong lovelife ay napabayaan ko na. May babae kayang makakapagpatino sa lalaking walang ginawa kung hindi ang maglaro sa pag-ibig?
Romance
106.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10587 viewsOngoing
Read
Add to library
SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

Arnoldd
Si Candice ay isang ulila. nakapagtapos siya ng nursing dahil sa bestfriend na si Elora, hiniling kasi nito sa kanyang mga magulang na pag-aralin si Candice. pagkatapos ng graduation ay lilipad na sana papuntang US si Elora para doon mag-aral nang medicina, ngunit nagkaraon ito ng malaking problema nang hilingin ng isang mayamang pamilya na si Elora ang maging kabayaran sa malaking utang ng kanyang mga magulang. Hindi gusto ni Elora na ikasal siya sa lalaki kaya nakiusap siya kay Candice na akitin ito. Pumayag si Candice sa kasunduan at huli na ng malaman niya na ang CEO na dapat niyang akitin at ang lalaking kinamumuhian niya ay iisa, ano ang gagawin nya?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Someone Is Secretly In Love With You

Someone Is Secretly In Love With You

“Pakasalan mo ako!” lasing at wala na yata ako sa hulog habang namunungay ang aking mga matang nakatitig kay Omeng, my body guard/ secretary. Ito lang ang paraan ko para matigil na ang kalokohan ni Mommy. Gusto kong galitin si Mommy, makaganti man lang ako kahit paano sa ginawa niyang pag iwan sa amin ni Daddy fifteen years ago. Alam kong manggagalaiti si Mommy kapag pinakasalan ko ang isa sa mga tauhan ko. Sakto si Omeng, my body guard secretary. Hah, sino bang magulang ang matutuwang magoakasal ang anak nya sa isang hampas lupang gaya ni Omeng? Pero bakit ang yabang ni Omeng? Bakit parang unti unti, ako ang nalulunod? Bakit parang habang tumatagal, sarili ko na ang pinaparusahan ko sa pekeng relasyon naming ito ni Omeng?
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1020.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status