Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I love you, Sister

I love you, Sister

Bata pa lamang si Bianca ay pangarap na niyang maging isang madre, kaya naman kahit mayaman ang pamilya nila ay walang nagawa ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang pumasok sa kumbento after niya makagraduate ng Business Administration sa college. Ngunit noong gabing iyon bago niya tuluyang tanggapin na nakatadhana na siyang maglingkod sa Diyos buong buhay niya ay niyaya siya ng mga kaibigan niya na icelebrate ang last minute ng kanyang pagiging single, dahil kinabukasan ay magpapakasal na siya kay Lord. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalasing siya at nakainom siya ng alak na may halong ecstasy. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang kuwarto sa itaas ng bar para sana makapagpahinga, pero pinasok siya ng isang estranghero at may nangyari sa kanila. Kahit hindi na malinis ay ipinagpatuloy pa rin ni Sister Bianca ang pagpasok sa kumbento, at pilit kinalimutan ang nangyaring noong gabing iyon. Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Nanganak siya ng lihim at dinala sa bahay-ampunan ang kanyang anak, pero nalaman niya na inampon ito ng biggest donor nila sa simbahan, ang milyonaryong si Mr. Vaughn Avery. Paano niya ngayon mababawi ang anak niya? Panahon na ba para lumabas siya ng kumbento? Ito na ba ang sign na matagal na niyang hinihingi sa Diyos?
10160.7K viewsOngoingAdded to Library 3.9K Times as tulog na siya
Show Reviews (15)
Read
+Library
GINALYNVELANTE ZANO
Ang ganda po Ng story ni bianca at Vaughn for sure magugustuhan nyo please read po dahil Hindi lng kwento ni Vaughn At Bianca Ang mag papakilig sainyo my Book 2 din po thank you po author Rain tlga nmn pinakaabangan q araw araw Ang daily update u.
Donanito
Maganda sana story pero diko mafeel na madre siya. Sa unan pa lang puro kasalanan na ginagawa. Red flag siya nagkataon lang story niya ito so siya yung bida kahit napakapangit ng character niya. Actually mas bagay siyang GRO
Read All Reviews
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
1011.0K viewsOngoingAdded to Library 441 Times as tulog na siya
Read
+Library
One Night with my Obsessed Billionaire Partner

One Night with my Obsessed Billionaire Partner

Dahil sa isang gabing pakikipagsiping ni Nellia sa isang bilyonaryo na nagngangalang Anderson. Kailan man hindi na siya pinakawalan nito. Subalit, isang araw bumalik ang fiance ni Anderson at ginawa ang lahat para mawala sa buhay ni Anderson si Nelia. Isang araw binalita ni Menda na buntis siya kay Anderson. Subalit, nagawa pa rin ni Nelia ang tanggapin ang lahat. Hanggang sa nalaman na rin ni Nelia na buntis rin siya Kay Anderson. Ngunit isang lalaking kaibigan ni Anderson ay nagawang magpanggap na siya ang ama sa dinadala ni Nelia.
9.927.4K viewsCompletedAdded to Library 575 Times as tulog na siya
Read
+Library
Not a One-Night Stand

Not a One-Night Stand

Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot. Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama. Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?
102.7K viewsOngoingAdded to Library 105 Times as tulog na siya
Read
+Library
NINONG SENATOR (SPG)

NINONG SENATOR (SPG)

Pinalaki ng isang single mom si Almarie Grace Santos. Dahil sa kagustuhan ng mommy niya na maging maayos ang future niya ay mas pinili nito na pag-aralin siya sa ibang bansa dahil siya ang hahawak ng company nila kapag naka-graduate na siya. Habang nasa US siya ay dinadalaw siya ng Ninong niya kapag nagbabakasyon ito. Ang kapatid ng kanyang Stepfather. Ninong niya ito sa kumpil kaya naman hindi pa ito ganon ka tanda. Katunayan ay isa ito sa pinakabatang naging senador ng Pilipinas. Habang tumatagal ay hindi niya namamalayan na nagkakaroon na siya ng lihim na pagtingin sa kanyang ninong. Sa kanyang ninong na si Roderick Aze Florez na ubod naman talaga ng gwapo. Kaya bang pigilan ni Almarie ang nararamdaman niya sa kanyang ninong? O mas lalalim pa ito, na mauuwi sa isang lihim na relasyon?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 32 Times as tulog na siya
Read
+Library
THE CEO'S ENTERTAINER

THE CEO'S ENTERTAINER

Sanay si Belle Elfero mamuhay sa makasalanang mundo. Tumagal siya sa trabaho niya bilang entertainer sa loob ng anim na taon at nananatiling protektado. Isa siyang berhin, na nakakuha ng attention ng isang doctor na tumingin sa kaniya sa health center. Naging dahilan iyon upang bisitahin siya ng lalaki sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Hindi niya akalain na iyon ang simula ng pagbabago ng kaniyang buhay. Mahalaga para sa kaniya ang salitang first time at kasal, nais niyang makamit ito sa isang lalaking mahal niya sakaling magkaroon siya. At ang alas na mayroon siya ay ang pagiging berhin niya. Ngunit ang doctor na iyon, na nakilala niya bilang Hivo Soulvero, isa rin palang CEO at nais siyang bilhin upang gawing legal na asawa sa milyones na halaga. Nagkataong nagkaproblema siya sa kaniyang pamilya at talagang kailangan niya ng isang milyon. Wala siyang ganoon kalaking halaga at ang tanging paraan lamang niya ay ang tanggapin ang kasal na alok ng doctor na CEO. Papayag kaya siyang magpakasal sa isang lalaking binibili lamang siya?
1026.9K viewsCompletedAdded to Library 995 Times as tulog na siya
Read
+Library
The Day I Left the Coldhearted Billionaire

The Day I Left the Coldhearted Billionaire

Pagkatapos ng nakaraan ni Diana Potterton sa mundo ng pag-ibig, pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya basta-basta mahuhulog sa mga lalaki. Na hindi-hindi na siya basta-basta bibigay alang-alang sa kapakanan niya at ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Nadala na siya sa ginawa ni Scott Atticus Alveron— ang ka-isa-isang lalaki na kanyang iniibig. Sinaktan lang naman siya nito. Nalagay sa alanganin ang reputasyon ng pamilya nila dahil sa kagagawan nito. Kaya napagdesisyunan niya na talikuran ito, ibaun sa limot ang nararamdaman niya at lisanin ang mundong ginagalawan. Subalit sa kanyang pagtalikod, isang serkreto rin ang pili niya'ng pinuprotektahan at tinatakpan. Isang sekreto na dasal niya sa tanang buhay ay sana hindi siya mabuko ni Scott Alveron.
1054 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as tulog na siya
Read
+Library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
9.1132.4K viewsCompletedAdded to Library 4.9K Times as tulog na siya
Read
+Library
Tamed by Uncle Roxo (SSPG)

Tamed by Uncle Roxo (SSPG)

"I undeniably say that I tamed you, Snow." Over the years, hiding her wedding ring from her pocket was so hard for Snow. Hindi rin naman siya mahal ng napangasawa niya. Nakakadiri naman talaga kasing ikasal ka sa Tito mo, sa kapamilya mo, kaya paano siya mamahalin? Kaya napagdesisyonan niyang magparumi ng pangalan at budhi. "You wouldn't be anywhere without my control, Snow! Be grateful!" Kailan sila magdidivorce? Ayaw niya sa tito niya! Hindi iyon puwede sa mga mata ng tao! Kaya habang kontrolado na niya ang asawa'y sisirain niya ito. Gusto niyang magalit ito at siya na mismo ang magputol sa tali na namamagitan sa kanila! Pero paano kung isang araw, malaman niya na lang na hindi niya kailanman nakontrol ang asawa? Na sa simula pa lang ay siya na ang kinokontrol nito? Paano kung imbes na siya ang magloko, ay siya pala ang niloloko nang paulit-ulit? Ano ang gagawin ni Snow? Gayong iyong plano niyang umalis ay napalitan ng pagtitiis na manirahan sa iisang bubong... kasama ang Tito na kinakasuklaman niya?
10163 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as tulog na siya
Read
+Library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
538 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as tulog na siya
Read
+Library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status