Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

last updateLast Updated : 2025-02-20
By:  RoseMarieOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
119views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Mrs. Herrera, I'm really sorry... pero hindi talaga namin kaya na masigurado na pareho kayong magiging ligtas ng anak mo," umiiling na sabi ng doctor sa akin. "I suggest na habang maaga pa ay magpa-abort ka na—"

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga sa hospital bed at inalis ang mga nakakabit sa akin. Galit kong tinapunan ng tingin ang doctor at nag-iwas naman siya bahagya ng tingin.

"You have to do something, doc! Doctor kayo, huwag niyo sabihan sa akin na wala na kayong magagawa para tiyakin na magiging ligtas kami pareho ng anak ko!" singhal ko sa kanya. "Tatlong taon ko hinintay ang pagkakataon na ito at hindi ko ipapalaglag ang anak ko!"

Nagbuntong-hininga ang doctor at lumapit sa akin para pakalmahin ako, pero tinabig ko ang mga kamay niya.

"Mrs. Herrera, mahina ang puso mo. Unti-unti na rin lumalaki ang butas nito. Kung ipapagpatuloy mo ang pagbubuntis ay magkakasama iyon sayo, pwede kang macomatose o kaya naman ay mamatay."

Nagkaroon ako ng takot sa sinabi niyang iyon, pero mas lamang pa rin sakin ang paniniwala na makakaya ko itong lagpasan. Ang pagkakaroon na lang ng anak ang tanging kinakapitan ko para maisalba ang relasyon namin ni Nicholas. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.

"My decision is final," pagmamatigas ko at tumayo na. "Tawagan mo na lang ako kapag araw na ng check-up ko." Dinampot ko na ang handbag ko at naglakad palabas ng silid na iyon.

I dialed my husband's number para ibalita na magiging daddy na siya. Nag-ring ang cellphone niya, pero ilang sandali lang iyon at bigla na lamang pinatay ang tawag.

Nasa meeting ba siya?

Papasok na sana ako sa elevator nang may matanaw ako na pamilyar na pigura mula doon sa kabilang hallway.

"N-Nicholas?" bulong ko sa sarili. 

Hindi ako pwede magkamali. Si Nicholas ang lalaking naroon, ako ang pumili ng suit na isusuot niya ngayon kaya alam ko. Nakatalikod siya at may babaeng inaalalayan. Malapit na sila lumiko at mawala sa paningin ko kaya mabilis ako sumunod sa kanila.

Muli kong tinawagan ang number niya. Nakita ko ang pagtingin niya sa cellphone niya, bago nagbuntong-hininga niya at sinagot ang tawag ko.

"What?" iretableng bungad ni Nicholas sa akin. Humarap siya sa may gawi ko kaya mabilis akong nagtago sa likod ng pader.

"N-Naistorbo ba kita?" kagat labi kong tanong, kinakabahan. "Nasa... meeting ka ba?"

"Oo, nasa meeting ako. May kailangan ka ba?"

Hirap akong lumunok at ibuka ang mga labi ko sa narinig mula sa kanya. Nagsisinungaling siya sakin.

"Magluluto ako ng dinner. Pwede ka ba umuwi nang maaga? May good news—"

"I have to go. Baka malate rin ako ng uuwi."

Nakita kong ibinalik niya ang cellphone sa bulsa niya at muling inalalayan ang babaeng kasama niya. Bago sila pumasok sa isang silid ay doon ko nasilayan ang mukha at katawan ng babaeng kasama niya.

Kamuntikan pa ako matumba. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

Hindi lang basta babae ang kasama ni Nicholas. It was his first love, Beatrice.

Si Beatrice ang girlfriend ni Nicholas bago kami ikasal. Iniwan niya si Nicholas noon para piliin ang career niya sa ibang bansa. At nang sabihin ni daddy na kailangan ko pakasalan si Nicholas para mas maging matibay ang negosyo namin ay pumayag naman si Nicholas sa kasunduan ng pamilya namin. Ang akala ko, kapag ikinasal kami ay matutuon ang atensyon niya sa akin at makakalimutan na niya si Beatrice, pero hindi pala.

Nagkikita sila ng hindi ko alam. Niloloko nila akong dalawa.

"Thanks, doc," boses iyon ni Beatrice.

Nagpunas ako ng luha nang bumukas ang pintuan sa silid kung saan pumasok kanina sina Nicholas at Beatrice. Halos isang oras na ang lumipas at naroon lang ako, nakatayo at naghihintay sa paglabas nilang dalawa.

"In the next three months, malalaman na natin kung babae o lalaki ang magiging anak mo. Pero sa ngayon ay alagaan mo ang asawa mo, Mr. Herrera. Maselan ang pagbubuntis niya." Tumalikod na ang doctor at iniwan silang dalawa.

Natigilan naman sila pareho at unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi nang makita ako.

"Josephine..." tawag ni Nicholas sa pangalan ko. "What are you doing here?"

Nagpalipat-lipat ang mata ko kay Beatrice at sa tiyan na. Buntis din siya? Pinagsabay kami ni Nicholas?

"Hindi ba't dapat ako ang magtanong sayo niyan?" gigil kong sabi at ikinuyom ang kamay ko. "Ano yun?" Itinuro ko ang doctor na umalis. "Ano yung... sinabi niya? Buntis si Beatrice...?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang hirap na paghinga. Ipinikit ako sandali ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili.

Hinawakan ako ni Nicholas sa braso. "Sa bahay tayo mag-usap. Huwag ka dito gumawa ng eskandalo."

"Kaninong eskandalo ba ito?" singhal ko sa kanya. Napatingin naman sa amin ang ilang tao na dumadaan, pero hindi ko sila pinansin. Galit na galit ako ngayon at pakiramdam ko ay sasabog na ako. "Ang sabi mo ay bibigyan mo ang chance ang relasyon natin!"

"I did," ngitngit ni Nicholas sa akin, hindi pa rin ako binibitawan. "Sinubukan ko, Josephine. Pero anong magagawa ko kung si Beatrice lang ang gusto ng puso ko?"

Binalingan ko si Beatrice na tahimik nakatingin sa amin, pero kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya ang nakikita na ganito ako ngayon.

Marahas kong itinulak si Nicholas at akmang susugurin si Beatrice, pero humarang si Nicholas at itinulak ako. Bumagsak ako sa sahig at tumama ng malakas ang balakang ko.

"Enough! Hindi ako papayag na saktan mo siya at ang magiging anak namin!" Nag-aapoy sa galit na turan ni Nicholas. Ngayon ko lang nakita na ganito siya. Kadalasan ay tahimik siya at cold. "Umuwi ka na sa bahay at doon tayo mag-uusap!"

Tinalikuran nila akong dalawa at iniwan doon. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at tinulungan ang sarili ko na tumayo habang pinapanood sila na mawala sa paningin ko.

Sa halip na umuwi sa bahay namin ni Nicholas ay ay tumungo ako sa bahay ng adopted parents ko. Naabutan ko silang masayang nagtatawanan habang kumakain ng dinner.

"Josephine?" Kumunot ang noo ni Mommy nang makita ako. Sumulyap siya sa likuran ko at nang makita na nag-iisa lang ako ay umismid siya sa akin. "Umalis ka naman sa bahay niyo. Paano kung biglang umuwi ang asawa mo galing sa trabaho at wala ka roon?"

Nilapitan ko siya at niyakap, pero itinulak niya ako palayo. "Ano na namang drama ito, Josephine?"

Hindi ako nakasagot dahil inunahan na ako ng pag-iyak. Hindi matapos-tapos ang luha na kanina pa bumabagsak.

"What happened?" tanong naman ni daddy, tunog hindi rin natutuwa.

"N-Nicholas... Nicholas cheated on me," pagsusumbong ko, umaasa na kakampi sila sa akin ngayon.

"Lahat naman ng lalaki ay nagloloko, Josephine," natatawang sagot ni mommy. "Ang mahalaga ay sayo pa rin siya umuuwi. Ikaw pa rin ang asawa niya."

"Mom, nakabuntis siya! Magkakaanak na siya kay Beatrice!"

Natahimik ang mga magulang ko at nagkatinginan, ilang minutong walang nagsasalita sa amin, tanging ang pag-iyak ko lang ang maririnig sa buong dining room.

"Hindi malulutas ang problema mo kung narito ka. Huwag mo na pasakitin ang ulo namin ng daddy mo. Huwag ka papayag na may ibang babae na mas makinabang sa asawa mo." Dinaluhan ako ni mommy at hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi pwede mawala sa pamilya natin si Nicholas. Don't disappoint us, Josephine. We need him."

Sa pamilyang ito, para lang akong isang gamit. Kailan man ay hindi ko naramdaman na itinuring nila akong anak. Wala akong lugar dito.

Mapait akong ngumiti kay mommy at tumango. Hindi na ako nagtagal pa roon at umalis na rin.

Naabutan ko si Nicholas na naghihintay sa sala. Patay na ang ilaw sa buong bahay, mukhang tulog na ang mga kasambahay.

"Nasaan si Beatrice? Inuwi mo ba siya rito?" tanong ko at ibinato sa kanya ang handbag ko. Tumama iyon sa mukha niya at alam kong masakit, pero wala siyang naging reaksyon.

Sa halip ay dinampot niya ang itim na folder sa sofa at inabot iyon sa akin. "Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file ako ng divorce."

Itinapon ko ang folder sa sahig. "I'm not going to sign this! Hindi ako papayag na iwan mo ako at sumama sa babaeng yun, Nicholas!"

Malamig niya akong tinitigan. Magkaibang-magkaiba kung paano niya titigan si Beatrice. "Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Josephine. Tama na ang tatlong taon, palayain na natin ang mga sarili natin. You can this house and other property." Iyon ang huling mga salita na binitawan niya bago ako iniwan.

Lumipas ang dalawang araw na hindi siya umuuwi ng bahay. Ako nama ay hindi lumalabas ng kwarto ko. Bawat sulok ng bahay ay nakikita ko ang mukha ni Nicholas. Hindi man kami ang tipikal at masayang mag-asawa ay marami naman kaming ala-ala sa bahay na ito.

Bandang hapon ng araw na iyon ay pumunta ang secretary niya para kunin ang divorce paper na pinirmahan ko.

"Pero saan ka naman pupunta kung hindi ka uuwi sa mga magulang mo?" nag-aalang tanong ni manang sa akin nang sabihin ko na aalis na rin ako sa bahay namin ni Nicholas.

"Hindi ko pa po alam, manang. Pero kailangan ko muna mapag-isa." Niyakap ko siya sa huling pagkakataon, bago ako sumakay ng taxi.

Dalawang oras ang layo mula sa city ay nagrenta ako ng maliit na apartment. Pinutol ko ang communication sa mga magulang ko at sinubukang mamuhay ng tahimik at kalimutan ang mga nangyari kahit masakit iyon.

Habang lumalaki ang tiyan ko ay mas nararamdaman ko ang sakit ko. Madalas na akong kinakapos ng hininga, sumasakit ang dibdib. Nilulukuban ako ng takot na baka hindi ko kayanin na mag-isa ang pagbubuntis ko. Pero sa awa naman ng diyos ay hindi pa rin niya ako pinapabayaan.

"Makakarma rin yang ex husband mo sa ginawa niya sayo!" inis na komento ni Carla, ang babaeng nakatira sa tabi ng apartment ko. Matapos kong ikwento sa kanya kung nasaan ang asawa ko at kung bakit ako mag-isa ngayon ay gigil na gigil siya. "Tama lang na pinirmahan mo ang divorce!"

Natawa ako sa reaksyon niya. "Kaya ikaw, kung hahanap ka ng magiging asawa ay piliin mo yung mahal ka, hindi yung mahal mo..." Napadaing ako nang maramdaman ang sakit ng tiyan ko. "Aray! M-Masakit..."

Nanlaki ang mga mata ni Carla at mabilis akong nilapitan. "Anong nangyayari?" taratanta niyang tanong.

Kumapit ako sa kanya nang maramdaman na naman ang pagkahingal at paninikip ng dibdib ko. "M-Manganganak... na yata ako! Tumawag ka ng... taxi! Bilisan mo!"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status