Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chained To My Husband's Uncle

Chained To My Husband's Uncle

Tatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
Romance
10260 viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage for Convenience

Marriage for Convenience

Misa_Crayola
Si Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally kissed my Enemy

Accidentally kissed my Enemy

Miss A.
Nalaman ni Tessa na nagloloko sa kaniya Ang boyfriend niyang si Mark kaya naman humila siya ng lalaki na nasa tabi niya lang at hinalikan ito upang ipakita Kay Mark na hindi siya naapektuhan... ngunit Ang hindi niya alam ay ang nahalikan niyang lalaki ay Ang lalaking pinakasusuklaman niya
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Abandoned Wife Sweetest Comeback

His Abandoned Wife Sweetest Comeback

She gave him three years. He gave everything to someone else. Matapos ang tatlong taon na walang saysay na kasal, pinili ni Aella Ramirez na tapusin ang pagiging asawa ni Theodore Larson—ang kilalang malamig at sikat na CEO ng multi-billion e-commerce business—sa kadahilanan palagi nitong inuuna ang first love nito kaysa sa pamilya nito. Iniiwan siya sa mga mahahalagang okasyon ng kanilang pamilya gaya ng libing ng lola nito, isinasantabi rin siya sa kanyang trabaho at kinalimutan ang kanilang wedding anniversary. Sa huli ay binato niya sa mukha nito ang annulment paper bago iniwan kasama ang anak nila. Sa halip na masaktan ay muli siyang bumangon. Ibinalik niya ang dating negosyo na di kalaunan ay kumita ng bilyon-bilyon at nagtagumapay rin siya sa iba't ibang larangan. Ngunit, ang lalaking tumalikod sa kanya ay biglang nagsisi at nagmamakaawa na bumalik siya. Handa ba siyang balikan ito, lalo na‘t dumating si Matthias Sullivan—ang makapangyarihan at mapang-akit na kasosyo niya na handa siyang ipaglaban? Sino ba ang pipiliin niya—ang nakaraan o ang lalaking kailanman ay ‘di siya bibitawan?
Romance
1040.7K viewsCompleted
Show Reviews (17)
Read
Add to library
Sue mae
Maganda sana sa simula pero habang tumatagal pangit na yong storya. Haba na ng chapter yong divorce nila di pa rin tapos ang dami ng eksena yong divorce hindi umuusad. Tapos laging kawawa yong aella sa eksena. Nakakaumay basahin.
Winter Red
Baliw tong MARIA na ito, minsan magkaparehas na ang mga stories kasi cliché na lahat! depende sa akin kung paano ko lagyan ng plot twist pero pagsabihan ako ng AI gawa ko, hindi na tama iyon. Please lang po, tumahimik na lang kayo kung ayaw niyo ng libro ko. Thanks!
Read All Reviews
Demon’s Forbidden Wife’s Son

Demon’s Forbidden Wife’s Son

Tearsofpaige
Si Allyce Sheina ay isang normal na tao at pinakasalan niya si Demon Shaitan sa edad na dise-nuebe pa lamang. Hindi niya alam na isa palang demonyo ito. Nang malaman niya ang masakit na katotohanan, at dahil na rin sa pagiging relihiyosa ay iniwan niya ito at nagpakalayo-layo. Makalipas ang pitong taon, bumalik si Demon Shaitan sa mortal world upang hanapin at makasama ang kaniyang asawa at napag-alamang nagkaroon sila ng anak ni Allyce. Tatanggapin pa rin ba siya ni Allyce na isang demonyong tunay at kalimutan kung sino siya upang mamuhay sila nang mapayapa? o tataguan pa rin siya nito tulad nang ginawa ni Allyce sa loob ng pitong taon?
Fantasy
1010.1K viewsOngoing
Read
Add to library
till I found you

till I found you

Umuwi si Aliya probinsya nila. Gusto niyang ipahinga muna ang sarili sa toxic na mundo ng trabaho niya ang pagiging call center agent. Lalo na at gusto din ng kanyang ama at kapatid na magbakasyon siya. Doon niya makilala ang binatang mekaniko na si Jayson Fuentebella, na kapit bahay din nila. Madaming babaeng umaaligid dito at mga nagpapalipad hangin. Pero ang labis na ipinagtataka ni Aliya, ay ang pagiging masungit nito sa kanya. Habang, hindi naman nagsusungit sa iba at maayos naman ang pakikitungo nito sa ibang kadalagahan na katulad niya. Kapag bumibili siya sa grocery store nito ay palaging pasinghal, at hindi man lang kakikitahan ng lambing tulad sa iba. May pag-asa pa kayang mapalambot ni Aliya ang matigas at masungit na binata? Kung sa simula pa lang na lalapit siya ay itinataboy na siya nito.
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
THE PLEASURE GAME

THE PLEASURE GAME

(SPG) The 32 years old, multi-billionaire. Member of the BLACK MAFIA ORGANIZATION. The International model. The business tycoon. Pero sa likod ng kan'yang pagkatao, he is a ruthless. A beast. Pero ginulo ng isang babae ang kan'yang buhay. Ang babaeng siningil siya ng utang na hindi niya alam kung paano siya nagkautang. Siya si Nurse Samuelle Luna. Ang nurse na umabot sa edad na 34, dalaga pa rin ito. Paano mapapaamo ni Nurse Samuelle ang isang guwapong Mafia?
Romance
9.963.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Anning
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Romance
457 viewsOngoing
Read
Add to library
Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo

Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo

HIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging kaibigan niya na rin. Unlike the other girls, she dressed like a man. Malaki ang shirt, malaki ang short at may sombrero palagi. Mahilig siya kumain ng lollipop at masayahin siyang Babae kahit sa kabila ng pamumuhay nila. Parati siyang ipinapahamak ng ina niya sa iba't-ibang trabaho na ikinakainis niya, subalit gano'n man ang ina niya ay mahal niya ito at parating pinagbibigyan. Takot na baka magkautang na naman sila. Ngunit, papaano kaya kung ipasok siya ng nanay niya sa isang corporation na hindi niya alam? At isang araw ay may isang lalake na gusto siyang e-hire bilang asawa nito at wala siyang kaalam-alam sa klase ng trabaho na tatahakin niya? Mapapahiyaw nalang siguro siya sa inis lalo na kung malalaman niyang guwapo at appealing ang makakasama niya at magiging asawa pa niya talaga for 3 months! Kaya kaya nitong tunawin ang boyish niyang puso, at mapa-ibig sa ka-guwapohang charms nito?
Romance
1015.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status