Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Matagal ding nagtiis si Sarah Joy mula sa pantataksil ng kanyang asawa na si Derick Dane at pang aalipusta ng kanyang mga in-law bago siya tuluyang magdesisyon na makipag divorce. Bandang huli, lubos na pinagsisihan ni Derick ang naging divorce nila ni Sarah dahil noon niya lang din nalaman na ang binabalewala niyang dating asawa ay walang iba kundi ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Ilang taong tinago ni Sarah ang kayang tunay na pagkatao mula sa kanyang ex-husband at sa pamilya nito. Sa sobrang pagkadesperado, ginawa ni Derick at ng kabit nito ang lahat para malimas ang mga ari-arian ni Sarah. Ngunit ang lingid sa kaalaman ng mga ito, si Sarah pala ay tinutulungan ng dalawang sobrang gwapo at yamang mga lalaki. Ano kaya ang magiging ending ng love story ni Sarah? Mahahanap niya kaya ang kanyang true love?
1089.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.9K kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sweetlyruined12
Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay umaapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit kapag iyong mahal at pinagkakatiwalaan mong tao ang siyang mangloloko sa iyo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, nagpunta siya sa isang club at doon nagpakalasing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan ay iba ang kanyang namulatan, nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niya ay isang gabi lamang iyon ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
106.9K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 138 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
Mr. Lovato, Marry Me

Mr. Lovato, Marry Me

Emina_Daisuki
Tempest Williams is not only known for her beauty and excellence in the modeling industry but she had also long been known as the sole heiress of the Atlantis Ridge Company. But behind her glittering gold life, she often struggles to hide her fantasy-like identity of being a half-fae. And what’s more? She would find herself ignorantly entering the webs of troubles surrounding two opposing mafia bosses, who shall either bring her to her demise or happy ending. *** Nagsimula ang lahat sa isang proposal at hindi inaasahan ni Tempest na ang simpleng pag-aaya niya ng kasal kay Cohen Ranger Lovato ay siyang makapagpababago sa kaniyang tahimik na buhay. Bukod sa malalaman ng iba ang tunay niyang katauhan ay maiipit din siya sa matinding alitan ng dalawang mafia bosses na magre-resulta sa pagkamatay ng isa. And when the fateful day would arrive, Tempest would be forced to choose… will she save herself from the doom of death or will she save the man whom she unknowingly brought into grave danger after failing to protect his brother?
103.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 142 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
The Untold Story of Jewel

The Untold Story of Jewel

Sa murang edad ay nakasanayan na ni Jewel ang mamuhay at makisalamuha sa ibat-ibang estado at ugali ng tao. Lumaki at nagkaisip siya sa isang bahay ampunan sa probinsya. Nang tumuntong sa edad na dalawampu, ay nilisan niya ang lugar na kaniyang kinalak'han, nagbabaka-sakaling matagpuan niya ang tunay niyang mga magulang. Ngunit dahil sa kakulangan sa edukasyon, experience at dokumento, natagpuan ni Jewel ang sarili niyang sumasayaw sa saliw ng maharot na musika sa isang bahay aliwan. Kilala bilang star of the night, crowd's favorite at man's desire, sa Club-V na kaniyang pinapasukan. To make the story short, Jewel was a paid woman. But then, Steven Anderson suddenly appeared in one steamy night. A happy go lucky C.E.O/businessman whose obsessed in sexy, beautiful and expert in bed woman. He's willing to pay millions just to bedded women that will spice his night. What if their paths cross in one steamy night? Are they going to spice each other's night, or create another untold story?
1027.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 576 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
Secretly in love with my brother

Secretly in love with my brother

BOOK 1- SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER BOOK 2- MY ADOPTED BROTHER Lumaki si Dahlia Selena Santillan sa piling ng kanyang dalawang kuya. Isang araw ay bigla na lang tumibok ang kanyang puso sa kanyang Kuya Axel. At doon nagsimula ang kanyang lihim na pagtingin para sa kanyang kapatid. Nalaman niya na half brother pala niya ito. Pilit niyang itinago ang damdamin na kanyang nararamdaman para sa kanyang kuya. Hanggang sa nabunyag ang isang lihim. Hindi pala niya ito tunay na kapatid. Isang gabi ay may namagitan sa kanilang dalawa at inilihim ito ni Dahlia. At dahil sa magulo nilang pamilya ay dinukot sila. At doon nalaman ni Dahlia na may lihim rin na pagtingin sa kanya ang kanyang kuya. Paano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung sa mata ng batas ay magkapatid sila? May pag-asa kaya na magkaroon sila ng happy ending?
1066.6K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2.1K kali sebagai tunay nabuhay
Tampilkan Ulasan (29)
Baca
+Pustaka
Xienne Gutierrez
Yeeeyyy finally Dahlia you reach your dream....all dreams do come true! Tyaga lng tlga...Ganda next sana nmn may kalaro na Ang kambal at sana kambal din Ang anak nila hehe Happy and Prosperous New Year Author and more brilliant ideas come along your way! God Bless Us All Always. Thanks!
CALLIEYAH JULY
COMPLETED STORIES 1. MY SECRETARY IS A SINGLE MOM 2. MR. BLAKE, THE MYSTERIOUS BILLIONAIRE 3. LOVING, MR. CHEF 4. PROFESSOR'S MAID 5. TRAPPED BY A HOT PROFESSOR 6. LOCK ME IN YOUR HEART 7.HIDING THE MIRACLE HEIRESS 8. MIREYA, THE MIRACLE HEIRESS
Baca Semua Ulasan
Claimed by the father In-low

Claimed by the father In-low

Si Zania ay naging asawa lang ni Lance para gamitin at maliitin. Nang malubog ito sa utang, ibinenta siya nito sa sarili niyang ama—si Damian Vance, ang makapangyarihan at kinatatakutang amo. Napilitang pumirma si Zania sa kontrata, ngunit doon niya nalaman ang katotohanan: matagal na pala siyang hinahangad at inaabangan ni Damian. Hindi siya binili para lang bayaran ang utang, kundi dahil siya ang tanging bagay na hindi nito kayang palampasin. Inilayo siya ni Damian at itinuring na kayamanan at reyna, habang itinaboy at binalaan ang sarili niyang anak. Sa kabila ng bawal nilang ugnayan, ipinaramdam ni Damian kay Zania ang tunay na pagmamahal at halagang kailanman hindi naibigay ng asawa niya. Ngayon, sa ilalim ng proteksyon at pagmamay-ari ni Damian, nalaman ni Zania na kahit anong sabihin ng mundo... sa huli, ang mahalaga lang ay isa lang ang katotohanan: siya ay kanya, at kanya lang.
102 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
246 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 8 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
451 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 15 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
Love Language (Queen and CEO)

Love Language (Queen and CEO)

LOVE and HATE are sometimes considered to have the same feeling and effect. It requires the same amount of intensity. When you fall in love you always think about that person while when you hate someone you also do the same. Is it possible that hatred could turn into love? Can love forgive and forget the pain of the past? Queensley Hernandez ay kilalang-kilala sa industry na kinabibilangan niya. Brand ambassador kasi siya ng isang kilalang clothing line at cosmetic company. Magandang mukha, makinis, katawan na may magandang kurbada at marangyang buhay. Halos lahat ay nasa kanya na pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin sa buhay niya. Kaakibat ng kasikatan niya ay ang panghuhusga ng mga tao sa paligid niya. Kinababaliwan siya ng mga kalalakihan samantalang sinusumpa naman siya ng mga kababaihan. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao dahil alam niya na wala naman siyang tinatapakan na tao. Marami ang nagagalit sa kanya at hinusgahan siya ng hindi muna siya kinikilala. Isa sa mga taong iyon ay ang nag-iisang anak ng taong kumupkop sa kanya si Mark Joseph Donovan. Kinababaliwan at hinahabol siya ng mga kababaihan dahil sa taglay niyang kagwapuhan pati na rin sa kanyang reputasyon. Wala siyang panahon makipagrelasyon dahil mas naka-focus siya sa pagpapalago ng negosyo. Kinatatakutan naman siya ng mga tao sa industriya na ginagalawan niya dahil sa pagiging matalino, agresibo at strikto. Iniwan niya ang kumpanya ng magulang niya at nagtayo ng sarili niyang kumpanya. Galit siya sa Papa niya kaya umalis siya at nabuhay mag-isa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kailangan harapin niya ang Papa pati na rin ang babaeng kinasusuklaman niya. Ano ang kalalabasan ng paghaharap nila? Posible ba na mabago pa ang pagtingin ni Mark kapag na kasama niya si Queensley?
105.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 181 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7

THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7

Ad Sesa
Kinatatakutan ang mafia boss na si Trood Moherra sa criminal underworld. Maliban kasi sa eksperto siya sa illegal trafficking ay wala siyang awa kung kumitil ng buhay sa mga traydor nilang kasamahan. Wala siyang sinasanto basta para sa grupo nilang IRON BLADES. Subalit isang araw, sa gitna ng kaguluhan sa mundo ng mga kriminal ay pinakiusapan siya ng pinakamataas nilang leader na si Mattias na pangalagaan niya ang pangalawa nitong asawa na si Monica na noon ay nagdadalang tao. Ginawa naman niya ang lahat upang iligtas ang babae sa kanilang mga kalaban. Iniuwi niya ito sa probinsya upang maprotektahan pati ang sanggol sa sinapupunan nito. Ang hindi nga lang inasahan ni Trood habang sila ay tumatakas ay siya namang panganganak nito. Napilitan tuloy siya na mag-highjack ng isang pampublikong bus upang makahanap ng magpapaanak dito. Nakilala niya sa bus ang pasaherong si Avely Venoza, ang isang nurse ng Moherra Birthcare Center sa probinsya ng Galero. Nagtulungan sila upang mailigtas si Monica at ang sanggol sa sinapupunan nito. Sa kasamaang palad, naging huli ang lahat, pinanawan pa rin ng buhay si Monica pati na rin ang sanggol. Nang malaman ni Trood ang nangyari ay binayaran niya si Avely upang ito na ang bahala sa mag-ina dahil kinailangan na niyang bumalik sa magulong mundo ng mga mafia. Doon nagalit sa kanya ang dalaga. Inakala kasi ni Avely na asawa at anak ni Trood ang mag-inang namatay. Hiniling ni Avely na sana hindi na magkukurus pa ang landas nila ng walang kuwentang ama, kahit pa sa bandang huli ay nalaman niyang nabuhay pala ang sanggol. Wala man siyang karapatan ay isinumpa ni Avely na hindi siya makakapayag na magkita pa ang mag-ama.
1.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 41 kali sebagai tunay nabuhay
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
2526272829
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status