Share

Chapter 17: Soft Side Of Him

ILANG sandali pa kaming nanatili roon bago namin marinig ang katok sa may pintuan. Si Yuka at sinabing handa na raw ang tanghalian. Sabay na kaming naglakad ni Silas habang inaalalayan akong bumababa sa hagdan. Pareho pa nga kaming natatawa dahil maya't maya ang tigil ko dahil napapagod ako hanggang sa nagsuhestyon pa ngang lumipat ako sa first-floor pero sinabi kong ayos lang sa akin sa second floor. Dahil bukod sa maganda ang tanawin mula roon, mainam din sa kalagayaan ko ang pag-aakyat baba ng hagdan para hindi na ako gaanong mahirapang manganak.

Hindi pa man kami tuluyang nakalalapit sa dining table ay amoy na amoy ko na ang aroma ng mga pagkain. Tuloy ay napalunok ako ng laway sa sobrang pagkatakam! At mas lalo nga akong naglaway nang makita ang mga iyon! Seafood! Iba't-ibang klase ng seafood!

"Mukhang nagugustuhan ng ating buntis ang inihanda natin," si Manong Domeng. Nahihiya tuloy akong nag-iwas ng tingin. Halatang-halata ba? "Huwag kayong mahiya ma'am, talagang normal laman
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status