Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
An Oath To Love You

An Oath To Love You

byeoluvve
“I love you. I love you so much that I’m willing to do everything to have you. I’ll give you my heart, my body, and my soul just to prove my loyalty. You can own me. You can have me. You can have my everything.” Sinong mag-aakla na ang isang tulad ni Zeikko Jox Teng ay marunong magmahal nang totoo? Na isang babae lang pala ang magpapaamo sa isang tulad niya? He is ruthless. He is cold. No one ever dares to mess up with him. But when this girl named Krystal came across his life — he changed. She is lost. She always feels alone. No one ever dares to get her out in the dark. She was once hurt because of love. She is broken. However no matter how hard Zeikko tried to heal her, to save her from pain and from everything . . . he knows that the only person can do so is his own brother, Kiel Jiro Teng — ang lalaking pinili siyang saktan upang iligtas siya sa kamay ng kanyang magulang. But when the story began to unfold . . . Sino ang pipiliin ni Krystal? Ang lalaking bang una niyang minahal at ginawa niyang buhay? O ang lalaking hindi siya sinukuan at ginawa ang lahat upang iparamdam sa kanya ang tunay na pagmamahal? “Krystal, this is an oath. AN OATH TO LOVE YOU.”
103.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 119 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
True Love, True Heir (Filipino)

True Love, True Heir (Filipino)

Jay Sea
Yumaman na lang bigla si Stella dahil sa isang malaking bag na may lamang five hundred million pesos mula sa lalaking hindi nila kakilala ng kaibigan niya na si Janice na hinahabol ng mga kapulisan. Imbis na dalhin 'yon sa kapulisan ay hindi na lang nila ginawa sa takot na madawit pa sila. Umalis sila ng kaibigan niya sa tinitirahan nila. Gamit ang perang 'yon ay nagbago ang buhay nilang dalawa. Naging mayaman sila. Nagkaroon sila ng sariling negosyo at kompanya. Nakilala ni Stella si Elmo na nagmamakaawa sa kanya na bigyan ng trabaho dahil kailangan nito ng pera para mabuhay. Naawa siya sa lalaking ito kaya binigyan niya ng trabaho. Unang kita pa lang niya kay Elmo ay aminado na siya sa sarili niya na gusto niya ito. Naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa magkaroon ng namamagitan sa kanila. Walang kaalam-alam si Stella na ang pagdating ni Elmo sa buhay niya ay ang magbubukas ng pinto sa nakaraan niya upang malaman niya kung sino nga talaga ang tunay niyang mga magulang at nagmamay-ari ng perang ginamit nila ng kaibigan niya na si Janice upang yumaman sila.
3.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 101 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Mheilin, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid na si Percival sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Monica, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Carlos Fuentevilla, ay labis na umiibig kay Monica at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ng kapatid niya mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Carlos, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Monica. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para kay Percival ngunit pilit niya itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
10640 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
One Night Stand With My President

One Night Stand With My President

Isang gabi ng pagkakamali. Isang lalaking walang maalala. Isang babaeng kailangang magpanggap na walang alam. Si Adeline Hensley ay isang tahimik at masipag na assistant sa Thomson Group—isang babaeng sanay ilagay sa huli ang sariling damdamin. Si Harrison Thomson naman ay isang makapangyarihan, malamig, at perpektong CEO na hinahangaan ng lahat… ngunit walang sinumang tunay na nakakakilala. Isang gabi, dahil sa isang madilim na sabwatan, nagtagpo ang kanilang mga mundo sa isang paraang hindi nila kailanman inakala. Para kay Harrison, isa lamang itong gabing wala sa alaala. Para kay Adeline, isang gabing tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Habang inuutusan siyang imbestigahan kung sino ang babaeng nakasama ng kanyang boss, unti-unti namang nahuhulog ang loob ni Adeline sa lalaking hindi niya maaaring angkinin. At habang unti-unting nararamdaman ni Harrison ang kakaibang paghila ng damdamin patungo sa sarili niyang assistant, hindi niya alam na ang babaeng hinahanap niya… ay matagal na niyang kasama araw-araw. Sa gitna ng mga lihim, intriga sa opisina, at mga pusong takot umamin— Magiging sapat ba ang pag-ibig upang labanan ang katotohanang itinago? O tuluyang mawawasak ang lahat kapag lumabas ang sikreto? Isang kwento ng pag-ibig na isinilang mula sa pagkakamali… at susubukin ng tadhana.
544 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
1011.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 370 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
1021.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 493 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
1012.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 425 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)

Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)

"Isang milyon kapalit ng isang sayaw. Isang kontratang nakatali ang puso at katawan niya." Para madugtungan ang buhay ng kaniyang ina, walang pag-aatubiling ibinenta ni Kikay ang sarili bilang isang high-class entertainer sa Crimson Cloud Nine. Ang nakabili sa kaniya? Isang misteryoso, makapangyarihan, at malupit na 'VIP'. Pero ang tunay na bangungot ay nagsimula nang dumating ang lalaking inatasan ng VIP para maging 'handler' niya. Si Rhamesis Wilton. Ang bilyonaryong CEO. Ang lalaking nandurog sa puso niya limang taon na ang nakararaan. "You think he owns you now, Kikay?" paos at mariin nitong bulong habang kinukulong siya sa dilim, ang mainit nitong hininga ay sumusunog sa kaniyang balat. "He only bought your contract. Pero ako... ako ang magpapasunod sa katawan mo." Akala ni Kikay, kaya niyang tiisin ang bawat mapanuksong haplos at agresibong pag-indayog ni Rhamesis para sa perang kailangan niya. Wala siyang kaalam-alam na sa likod ng mapanganib na laro ng poot at pagnanasa, ang lalaking pilit siyang inaangkin ay ang mismong demonyong may hawak ng kaniyang kontrata. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga balat, sino ang unang bibigay? Ang babaeng pilit isinisigaw na pera lang ang habol niya... o ang lalaking handang sunugin ang buong mundo makuha lang siyang muli?
106.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 169 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
Chasing Solace

Chasing Solace

[Salfuego Girl's Series #1] Pamela Salmonte is the breadwinner of her family. Siya rin ang pangunahing provider, lalo na sa mga kapatid niyang nag-aaral at sa kanilang ina na may sakit. Swerte siyang nakapasok sa isang malaki at kilalang hotel, ang Salfuego Palace, kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo. Siya ang tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng pamilya, kahit na hindi niya mabili ang mga bagay na kailangan niya para sa sarili. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad, may boyfriend siya, isang Japanese na si Albie Yuan Hiroshi. Masaya na siya kahit paano dahil sa pagkakaroon ng isang understanding na boyfriend na laging nasa tabi niya. Pero mali ang akala niya, dahil ang inaasahan niyang marespeto at gentleman ay kabaligtaran pala sa tunay na ugali nito. Nang malaman niya ang totoo, she breaks up with him right away. In the middle of her heartbreak, she crosses paths with the hotel owner, Drevin Onyx Salfuego. Habang nakakasama niya si Onyx, hindi inaasahan ni Pamela na mapapalagayan niya ito ng loob. Sa kabila ng mga sakit at pagtitiis niya sa pamilya, tila nakahanap siya ng totoong tahanan, sa mismong tabi ni Onyx. But she didn't know, being with Onyx would bring her even more heartaches.
101.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)

Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)

Siya si Natalie Flores-Vergara. Dating 18 years old, ngunit pagkatapos ng isang trahedya, bigla itong nagising sa ospital—may asawa, dalawang anak, at isang kasal na nasa bingit ng pagkawasak. Sa isang idlap, siya na si Natalie Vergara na 24 years old, anim na taon ang nakalipas. Ang dating mahina at bulag sa pag-ibig na babae ay nawala na. Sa halip, bumalik ang isang babaeng muling ipinanganak sa bagong panahon—matapang, matalino, at handang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya. Habang unti-unti niyang binabawi ang tiwala ng kanyang mga anak at ginagamot ang mga sugat ng nakaraan, natuklasan niyang ang lalaking kaniyang minsa’y nasaktan—si Alexander Vergara, ang misteryosong CEO na minsang minahal niya—ang tunay na nagligtas sa kanya anim na taon na ang nakalipas. Ngunit habang isinusulat ni Natalie ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang ang Miracle Doctor Thalie at bilang Ms. Flores, ang pinakamakapangyarihang babaeng negosyante sa industriya, muling lilitaw ang lalaking minsang sinira siya—Dominic Almeda, ang lalaking minsan niyang minahal nang buong puso. Sa pagitan ng paghihiganti, paghilom, at pag-ibig, pipiliin ni Natalie kung sino ang karapat-dapat manatili sa kanyang muling nabubuong mundo… Ang lalaking minsan siyang nilason, o ang lalaking minsan niyang nasaktan?
103.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 102 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
PREV
1
...
3839404142
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status