The Billionaire's Masked Desire
Isang bagyo ang saksi sa pagkawala ni Saphira, ang batang isinilang pero agad ding nawala sa piling ng pamilya niya.
Lumaki siyang ampon ng mga Imperial, tagabantay lamang ng anak nilang si Danica ang dalagang bulag na muling nakakita pagdating ng ika-labingwalo nitong kaarawan dahil sumailalim sa isang operasyon.
Sa araw ng pagbabalik ng liwanag ni Danica, natagpuan naman ni Saphira ang tunay niyang pamilya… at ang lalaking magpapabago sa buhay ni Saphira, si Lior Del Fierro, isang business tycoon na masyadong misteryoso para pagkatiwalaan, ngunit imposibleng hindi maramdaman.
Ngunit paano kung sa pagbalik ng kanyang nakaraan… ay ang lalaking minamahal niya rin ang dahilan kung bakit siya nawala noon?