Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

Loveinyoung
Sa kagustuhang makatakas sa kamay ng mga hindi kilalang dumukot sa kanya ay nabundol siya ng sasakyan dahilan kung bakit naratay siya ng matagal sa Hospital. Ngunit sa kanyang pagising ay wala siyang maalala sa nakaraan maging ang kanyang pangalan. Halos mawalan na siya ng pag-asa sa sarili dahil sa malaking pinsala na natamo ng kanyang katawan. Kinupkop siya ni Carlos Montenegro ang lalaking nakabangga sa kanya inaalagaan siya nito, binihisan at binigyan ng pangalan. Lubos niyang hinangaan ang binata at hindi niya maikakailang may nararamdaman na siya para rito subalit unti-unti nang bumabalik ang kanyang alaala at patuloy siyang tinutugis ng kanyang nakaraan...nang kanyang mga nagawang kasalanan na kailangan niyang pagbayaran lalong lalo na sa binata. Hindi maatim ng kanyang konsensya kaya bago pa ang lahat ay inunahan niya na ito. Sa pamamagitan ng liham ay ipinagtapat niya ang Katotohan ng kanyang pagkatao at sa kanyang pagtalikod ng gabing iyon ay kasabay na rin doon ang paglimot sa binata. Hindi rin nakaligltas sa pandinig Kay Carlos ang pag-alis ni Rose. May parte sa puso niyang pigilan ang dalaga subalit nanaig parin ang galit at pagkasuklam niya rito. Para sa kanya walang karapatang mabuhay ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang nobya na si Angelica at isinusumpa niyang magdurusa ito habang buhay subalit paano niya lalabanan ang damdaming iyon kung laging ipinapaalala sa kanya ang magandang imahe ng dalaga lalong lalo pa at dinadala nito sa sinapupunan ang nag-iisang maging tagapagmana ng kaniyang angkan.
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
Romance
106.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10404 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1016.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
Romance
211.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1234567
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status