Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Lalaki Sa Salamin

Ang Lalaki Sa Salamin

Paano nga ba magkakaroon ng katahimikan ang buhay ni Cecily kung gabi-gabi ay binabangungot siya? Ayos na sana sa kaniya kung sa unang parte ng panaginip niya ay may humahaplos at nagro-romansa sa kaniya. Pero hindi, dahil pagdating sa gitna ng panaginip niya ay biglang mapapalitan..... At iyon ay biglang makikita niya ang mukha at maririnig ang boses ng lalaki na gusto siyang isama sa kaniyang mundo. Ang masahol pa roon ay nasa loob ito ng salamin.
Paranormal
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Kataksilan Ang Siyang Ugat

Kataksilan Ang Siyang Ugat

Don Leonardo De Capre; His eyes my look a little more crinkled around the edges but his face, a tad more weather-beaten,pero Leonardo De Capre ay hindi pa naman malapit sa kanyang edad ang taglay na kakisigan at kagapwuhan. Leonardo,fourty years of age. Owner of a Paradise Resort. Happily married for ten years to Minerva Matamis May nag-iisang anak, ang prinsesa nang kanilang tahanan Reyna Lynvy Marie. Siya ang taga pagmana ng isla mula sa kanyang ninuno at namana ng kanyang Daddy Leonardo. Ngunit natuklasan niyang mayroon nang ibang taong nag mamay-ari niyon--si Hanz,isang lalaking may tatlong M's--mayaman,masama ang ugali at mayabang.Pilit siyang pinapa-alis sa isang isla na mana raw niya mula sa kanilang Papa Leonardo.Pero sa isang tulad niya ay hindi aalis sapagkat sa kanya ang isla na iyon.Magkamatayan man sila! Donya Minerva Matamis; Legal na asawa ni Don Leonardo De Capre,kabiyak sa sampung taong pagsasama. Sa personal niyang buhay,siya ay nagpapagaling mula sa naghihinalong kasal kay Don Leonardo. Ang tubong Isabelenia ay isang sikat na Modelo ng magazine.She was travelling around the world because of her career. Until she heard humor that his loving husband are having affair with other womens. Kaya nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas kasama ang kanyang Reyna Lynvy Marie. Para sa pagtutuos niya sa kanyang asawa at sa kabit nito. Na kung sino man siya. Lintik lang ang walang ganti!
Romance
8.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Asawa Kong Artista

Ang Asawa Kong Artista

“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.” Ang mga salitang ito mula kay Luigi Ibarra ay parang kutsilyong tumagos sa puso ni Nami Santiago—isang mayaman ngunit nerdy na babae na matagal nang may lihim na paghanga kay Luigi. Si Luigi, ang pinakasikat na aktor sa bansa, ay napilitang magpakasal kay Nami upang mapanatili ang legacy ng kanyang pamilya. Ngunit kahit kailan, wala itong patak ng pagmamahal para sa kanya. She was the complete opposite of his type, and she knew it. Pero masyado lang talaga siyang martir. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat. Nahuli niyang may ibang babae si Luigi—ang ka-love team nitong si Sasha Alvarez. Sa puntong iyon, tuluyan na niyang binitawan si Luigi. Pero kasabay ng kanyang paglayo ay natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Four years have passed, at nabaliktad ang sitwasyon. Si Luigi na ngayon ang naghahabol nang malaman niyang may anak sila ni Nami. Will she choose to forgive him, or will she move on and choose Arren Corpuz, another famous actor who stood by her side when everything fell apart?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Nang Magmakaawa ang CEO

Nang Magmakaawa ang CEO

"Miss Summers, sigurado ka bang gusto mong burahin ang lahat ng iyong identity records? Kapag nabura 'to, parang hindi ka na nag-exist, at walang makakahanap sa iyo." Nagpahinga si Adele nang sandali bago tumango nang mariin. "Oo, 'yon ang gusto ko. Ayoko nang hanapin ako ng sinuman." May bahagyang pagkagulat sa kabilang linya, ngunit agad silang sumagot, "Naiintindihan ko, Miss Summers. Ang proseso ay tatagal ng mga dalawang linggo. Mangyaring maghintay nang may pasensya."
Short Story · Romance
3.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang asawa kong Bilyonaryo

Ang asawa kong Bilyonaryo

Walang magagawa si Stella kundi ang sumunod sa huling hiling ng kumupkop sa kaniya at tumayong ina na pakasalan ang kaisa-isa nitong anak. Mayroon itong malubhang sakit at may taning na ang buhay ngunit ang hindi niya inaasahan na ang lalaking anak nito—si Ace Alcantara—ang ama ng kaniyang anak. Apat na taon na ‘rin ang nakakaraan mag-mula ng magkita ang dalawa. Magagawa ba nilang lutasin ang problema sa nakaraan ng magkasama o hahayaan nila na lamunin sila ng nakaraan at tuluyan nang magkalayo?
Romance
10142.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Ikatlong Misis Lagdameo

Ang Ikatlong Misis Lagdameo

“I liked you. And when I grow up, I promise to marry you.” Totoo palang mapagbiro ang tadhana. Dahil nang maglayas si Francesca at mapadpad sa mansyon ng mga Lagdameo; hindi niya akalaing magkukrus muli ang landas nila ni Leandro — ang lalaking bumihag sa kaniyang batang puso noon. Kaya sa halip na mabawasan ang problema, ay mas lalo lang nakadagdag sa isipin ang kakaibang kabog ng kaniyang dibdib sa tuwing makikita ang lalaki. Ano’ng gagawin niya? Paano ba niya sasawayin ang pesteng puso sa kakatwang pagtibok nito?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Mine ang Baklang CEO

Mine ang Baklang CEO

"Mine ang baklang CEO!" Lakas loob na sigaw ni Janina habang titig na titig siya sa mata ng lalaking isinusuka siya. Janina Marie, isang babaeng pilit iaangat ang sarili para sa dignidad na dati'y taglay ng kaniyang pamilya. Handa siyang maging pambayad utang kung kapalit noon ay ang puso ng baklang CEO. Xavier Wesley, the ruthless CEO. Walang kasal ang kayang baguhin ang puso niyang kasing tigas ng bakal, lalo na kung ang mapapangasawa niya ay isang babaeng baliw na baliw sa kan'ya. Ngunit paano kung biglang sumingit sa kasal nila ang isang Jake Admerson, kakayanin bang panoorin ni Xavier ang unti-unting pagkawala ng pag-ibig na dati'y nakalaan sa kan'ya? Tuluyan na nga bang bibitawan ni Janina ang kaniyang baklang CEO para sa isang pag-ibig na wagas?
Romance
9.877.0K viewsCompleted
Show Reviews (25)
Read
Add to library
Aish
Tatak Magic Heart talaga. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari dahil kilala siya sa mga twists na hindi inaasahan. Gusto ko nang maniwala sa mga rebelasyon pero knowing its author, mas gusto kong sundan ang story kasi feeling ko ay magsisisi ako kapag hindi ko ito tinapos.
Andrea
ang ganda...... para saken pwede to sa mga young adult kc hindi sya rated spg...️ very inspiring ang character ni JM at c Xavier naman napaka family oriented kaya love q talaga sila......️ Hindi boring kahit wala pang totoong bed scenes sa main characters very modest...️ Salute to you author magic heart...️...️...
Read All Reviews
AANGKININ KO ANG LANGIT

AANGKININ KO ANG LANGIT

Bawat babae ay nangangarap ng masaya at perpektong love story. Hindi naiiba roon si Jamilla, isang ordinaryong dalaga na nagmahal ng lalaking langit ang tinatapakan. Pag-ibig ang nagbigay kulay at buhay sa kanyang mundo, ngunit iyon din pala ang wawasak sa pilit niyang binubuong magandang kuwento. Pinili ni Jamilla ang lumayo upang hanapin ang muling pagbangon. Pero ipinapangako niyang sa kanyang pagbabalik, aangkinin niya maging ang langit. Abangan!
Romance
9.710.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
56789
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status