Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan. Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama. Kanselado ang kasal. Tinakwil siya ng pamilya. At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon. Buntis siya… Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva. Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya? Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?
Romance
9.8763.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)

Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)

WARNING: CONTAINS MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK: SUPER SPG Dahil niloko ng nag-iisang lalaking minahal at pinagkalooban niya ng sarili, naging mapaglaro si Tasya sa pakikipagrelasyon at hindi na muling nagseryoso. Isang gabi, sa isang hotel, nakaranas siya ng hindi inaasahang experyensa. Nagkaroon siya ng sexcapade kasama ang apat na lalaki. Sa apat na lalaking iyon, may isang lalaking nakaagaw ng kanyang pansin. Hanggang sa naging pantasya niya ito gabi-gabi, sa kanyang pagtulog hanggang sa kanyang panaginip. Makalipas ang limang taon, nakiusap ang kapatid na matagal na hindi niya nakita na makipagsex siya sa asawa nito at magpabuntis. Kapalit ng sampong milyon, gusto nitong dalhin niya ang magiging tagapagmana ng asawa nitong bilyonaryo. Hindi kasi ito binibiyayaan ng anak dahil sa isang kondisyon. Pini-pressure na rin ito ng mga magulang ng lalake. Na kapag sa tatlong taon na palugit at walang anak, kailangan nitong hiwalayan ang asawa. Iyon pala ang magiging pinto para magkaroon ng kaganapan ang mga pantasya ni Tasha. Dahil ang brother in law niya ay walang iba kundi ang lalakeng laman palagi ng panaginip at kanyang pantasya. A forbidden desire she can't resist.
Romance
1043.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Billionaire's Captive Bride

Billionaire's Captive Bride

“Sa ‘kin ka na, Ava. Isang taon lang ‘to… pero pagkatapos noon, hindi ka na makakatakas sa akin kahit gusto mo pa.” Pakiramdam ni Ava Lim ay wala na siyang lusot sa mundo. Isang talented wedding gown designer na halos mawalan ng lahat—ang bahay, ang negosyo, at ang inang may malubhang sakit. Walang ama, walang kapatid, mag-isa na lamang siyang lumalaban. Hanggang isang araw, dumating si Sebastian Rivas—ang pinakamakapangyarihan at pinakakinatatakutang bilyonaryo sa bansa, ang tinaguriang “Demon of Real Estate.” Hindi siya nag-alok ng awa. Nag-alok siya ng kontrata: magpakasal sila sa papel at sa publiko, titira sa kanyang pribadong isla sa Palawan, at kapalit nito, babayaran niya ang lahat ng utang, gagamutin ang ina ni Ava, at bibigyan pa ito ng bagong simula. Pumayag si Ava—walang choice. Pero hindi alam ni Ava na may mas malalim na dahilan si Sebastian. Ginagamit niya ang kasal para makapasok sa lihim ng pamilya Lim—at mahanap ang katotohanan sa pagkamatay ng kapatid niya na hindi niya matanggap na aksidente lang. Sa bawat titig, bawat haplos, bawat gabing magkasama sa malaking kama, unti-unting nawawala ang lamig ni Sebastian. Nagiging obsessed siya—selos na selos sa kahit sinong lalaking lumalapit kay Ava, hinahawakan ito na parang pag-aari, at handang sirain ang mundo para mapanatili siyang malapit. Pero kapag natuklasan ni Ava na ang pamilya niya mismo ang maaaring may kinalaman sa trahedya ni Sebastian… magagawa pa kaya niyang manatili sa piling ng lalaking nagsimula sa kontrata pero nagtapos sa pag-ibig na parang tanikala? Makakalaya ba si Ava mula sa mala-presong kasal na ito… o siya mismo ang magiging dahilan para mas lalong lumalim ang dilim na hawak ni Sebastian?
Romance
10207 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ava's Playful Boss

Ava's Playful Boss

itsloveren
Ang pagkakaalam ko ay Personal Assistant ang magiging trabaho ko sa boss na si Ethan Dela Torre. Pero bakit nga ba pati ang pagsisinungaling sa mga babae nito ay kasama na sa kailangan kong gawin? Minus points na ako sa langit kaya siguro pati sarili kong lovelife ay napabayaan ko na. May babae kayang makakapagpatino sa lalaking walang ginawa kung hindi ang maglaro sa pag-ibig?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Wife Is The Hidden CEO

My Wife Is The Hidden CEO

Ang buhay ni Edward Martel ay isang bangungot na nilikha ng kanyang sariling pamilya. Pinagtaksilan, inmanipula, at pinilit sa isang walang pagmamahal na kasal, gumuho ang mundo ni Edward nang hindi sinasadyang nakipaghiwalay siya sa tanging taong tunay na nagmamahal sa kanya, si Sasha Raine Zorion. Punong-puno ng galit at pagsisisi, tiniis niya ang malupit na kamatayan, ngunit muling nabuhay na may pagkakataong itama ang mga pagkakamali.
Romance
109.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Confidently Beautiful

Confidently Beautiful

jhowrites12
Hoy baboy! Tabatchoy! Piggy ,oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! 'E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha! I'm confidently beautiful. So walang kokontra! Samahan niyo ako sa aking mundo. At ang paghahanap ko sa magiging prince charming ko
Romance
1010.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
JOIN ME: Rigel Skye

JOIN ME: Rigel Skye

Ako ang anak na pinapangarap nila, at siya ang lalaking pinalaki para sa akin. Hindi kami magka-apelyido o magkadugo ngunit magkapatid ang turingan namin sa loob ng bahay at sa harap ng mga magulang ko. — Heaven Abellana Bata pa lang ay alam ko kung bakit ako pinalaki. Matagal akong naghintay at walang makakapigil sa kagustuhan kong makuha siya. Dapat lang na kunin ko ang bagay na pinangako nila. — Rigel Skye
Romance
1021.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Secret Wife of My Boss

Secret Wife of My Boss

"Sa opisina, ikaw ang sekretarya ko. Sa bahay, asawa kita. At walang sinuman ang dapat makaalam sa totoong estado natin." Hindi inakala ni Stella na magbabago ang buhay niya sa isang iglap. Napilitan siyang pakasalan si Ayres — ang CEO na malamig, arogante, at malupit sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Sa gitna ng lihim at pang-aalipusta, magagawa kaya ni Stella na mapasuko ang puso ng lalaking laging nagpaparamdam na wala siyang halaga?
Romance
1036.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Endless Love (gxg)

Endless Love (gxg)

Gayreenn
Shevaya Calderon She has no friend, kahit naman kasi subukan niya'ng makipag-kaibigan ay walang may gusto sa kanya. She's a victim of bullying, a silent type of girl, kinikimkim ang bawat sakit sa tuwing makaka-rinig siya ng lait patungkol sa pangangatawan niya. She entered L.I.S with one goal, at iyon ay ang makapag-tapos ng pag-aaral with or without gaining friends. Okay na sana e', she's having a good time studying, kahit na paminsan-minsan ay tampulan siya ng tawanan. Okay lang, not until she met this professor. Lots of students and professors are afraid of her. Aside from the fact that Portia Amor Salvidar, is a daughter of one of the founder of L.I.S, siya rin ang future president ng naturang unibersidad. She can do what she wants, kick a student if she wanted to, fire someone that she doesn't like. Walang pumipigil sa kan'ya. And it's giving her the satisfaction, knowing that people are afraid of her. Reputation is a cornerstone of power, ika nga nila. She intimidate everyone, she can easily empress anyone. But when she saw Shevaya, eating alone while crying, it hurts her. That colorful and mysterious eyes that full of tears, the blandness and timid, it looks like Shevaya became a magnet, magnet of attention for that, she manage to take the attention of the untamed professor.
LGBTQ+
5.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

May karapatan pa ba ang lalaking itinapon ka noon na bawiin ka ngayon? Sa ika-25 linggong pagbubuntis, nahuli ni Gaile Enriquez ang sarili niyang asawa, hindi sa kama, kundi sa ospital, habang siya’y nagpapa-check up para sa anak nilang ipinagbubuntis niya. Tinawag pa siyang “Aunt” ng bata at magandang babaeng na kabit ng asawa niya. Ang mas masakit, walang makikitang kahit kaunting hiya, ni katiting na awa sa mga mata ni Kaiden Montelvar, isang ruthless trillionaire CEO na sanay mangwasak hindi lang sa negosyo, pati na ng puso. Para sa kaniya, si Gaile ay isang babaeng social climber, isang babaeng handang gawin ang lahat para umangat, kahit gamitin ang kama upang itali siya sa isang kasal. Ang hindi niya alam, walong taon na siyang lihim na minamahal ni Gaile. Kaya sa isang iglap, walang paliwanag. Walang awa. Divorce papers ang inabot niya. Sa araw na iyon, gumuho ang mundo ni Gaile. Walong taon ng pagmamahal, sakripisyo, at pananahimik, lahat binura sa isang pirma. Nanganak siya. Umalis. At tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Bumalik si Gaile, malayo sa dating babaeng minamaliit. Isa na siya ngayong makapangyarihang negosyante. Elegante, matalino, at hinahabol ng mga lalaking handang ibigay ang mundo sa kanya. Ngunit... hindi pa pala sila tuluyang na-divorce ni Kaiden. At nang ipinahayag ni Gaile ang kanyang engagement sa ibang lalaki, tuluyang nawala sa kontrol si Kaiden. “Marry another man?” aniya, mapait at puno ng sakit ang boses habang kinukulong sa kaniyang bisig si Gaile nakadantay sa pader. “Over my dead body, Gaile. I’ll take you back, kahit sa anumang paraan. You’re still my wife. Sa akin ka lang.”
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status