Paid Pleasure
"I'm a billionaire. I own several enterprises and tons of money. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya akong bayarang lalaki." Nagngingitngit at hindi makapaniwalang tinitigan niya ang perang iniwan ng dalaga. "And am I really only worth 150 pesos?!" lalo pa siyang nainis.
Kayde Guijo has it all-looks, money, and power. For him, women are just past time, and love is a word he doesn't even bother to spell.
Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Bambi Tubiano-isang brokenhearted woman na nagkamaling isipin na isa siyang call boy matapos ang isang one-night stand. At ang mas masakit? Iniwanan pa siya nito ng bayad!
Sanay si Kayde na siya ang nang-iiwan. Pero ngayong pride niya ang tinamaan, handa siyang ipakita kay Bambi kung sino talaga siya... kahit pa sa prosesong ito, baka siya mismo ang matutong magmahal.