LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate
tanong ni Papa na parang tiwalang tiwala siya na masasagot ni Ate Larah ang tanong niya.
“Since magtu-twenty na po siya, yun ang age na nasa pagitan ng teenage years and full adulthood. Hindi na siya bata pero hindi pa rin siya totally adult... So I suggest, Masquerade ang theme.”
Mabilis akong napalingon sa kanya.
“Ate, yan yung may suot na mask diba, parang Zorro.” sabi ko. Nakita ko na kasi yung Masquerade na sinasabi niya sa isang movie na napanood ko.