Home / Romance / Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy / Chapter 7: Trapped in Silk and Shadows

Share

Chapter 7: Trapped in Silk and Shadows

Author: Ember
last update Last Updated: 2025-02-14 22:39:10

"M-Mali ba ako ng napasukang kwarto?" mahina niyang sambit, nakatungo, pilit itinatago ang pamumula ng kanyang mukha.

Ramdam niya ang bigat ng katahimikan na sumunod sa kanyang tanong—isang nakakabinging saglit na tila sumasakal sa kanya. Alam niyang nakatingin ito sa kaniya, nararamdaman niya ang mabibigat na mga titig nito.

Hanggang sa marinig niya ang malamig at matigas na tinig ni Lewis.

"No. We're going to sleep in the same room and the same bed, Cali. That's how we start our contract."

Parang may tumigil sa paggalaw sa kanyang loob.

Nanatili siyang nakatungo, pinipilit iproseso ang bawat salitang binitiwan ni Lewis. Ngunit sa isang iglap, biglang lumilinaw sa kanya ang realidad ng sitwasyong ito—kung bakit siya narito, kung ano ang inaasahan sa kanya. Hindi lang ito basta isang kasunduan sa papel.

Ang kontratang iyon ay may kasama pang kasunduan na hindi lang sa legalidad umiikot.

Kailangan nilang magsama. Sa iisang silid. Sa iisang kama.

Humigpit ang kapit niya sa laylayan ng tuwalya, pilit pinapatatag ang sarili. Kung dati, iniisip niyang ang lahat ng ito ay isa lang hakbang ni Lewis para iniisin o gantihan si Devin, ngayon ay mas lumalalim ang kanyang pang-unawa.

Hindi lang ito paghihiganti.

Dahil si Lewis ay isang lalaking hindi kailangang gumamit ng babaeng tulad niya para lang gumanti. Kayang-kaya niyang sirain si Devin sa isang kumpas ng kanyang daliri.

Pero bakit kailangan siyang alukin nito ng ganitong klase ng tulong?

Bakit hindi isang babaeng may mataas na estado sa buhay, may pangalan, may kakayahang itapat sa kanya? Ang isang tulad niyang mayaman, gwapo, at makapangyarihan ay hindi nauubusan ng pagpipilian.

"Bakit ako?" hindi niya napigilang itanong, mahina ngunit sapat para marinig ni Lewis.

Mula sa kanyang kinatatayuan, bahagyang napaangat ang tingin niya at nagtagpo ang kanilang mga mata. Wala siyang mabasa sa mukha nito—parang isang matibay na pader na walang puwang para sa emosyon.

"Dahil ikaw ang pinakamadaling pakawalan."

Parang sinuntok ang dibdib niya.

Mabilis siyang napaatras, pilit iniwas ang tingin.

Dahil alam niyang may katotohanan sa sinabi nito.

Wala siyang halaga. Wala siyang maaaring ipagmalaki.

Isa lang siyang babaeng naipit sa isang sitwasyon na hindi niya ginusto.

Napili siya hindi dahil espesyal siya—kundi dahil siya ang tipo ng babae na walang kakayahang sumira sa buhay ni Lewis.

At ang sakit ng pag-iisip na iyon ay bumalot sa kanya, nanunuot sa kanyang laman, sinasakal siya sa hindi maipaliwanag na kirot.

Ngunit hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan.

Hindi sa harap ni Lewis.

Muli siyang lumunok ng pait at tinapalan ng kawalan ng emosyon ang kanyang mukha.

"Okay," mahina niyang sagot, ngunit sa loob-loob niya, hindi siya kailanman naging mas hindi sigurado sa sarili.

Sa isang segundo, nakita niya ang paggalaw ng panga ni Lewis, na parang may kung anong pumitlag sa loob nito. Ngunit agad din iyong nawala.

"Magbihis ka na," malamig nitong utos, saka tumalikod. "May pupuntahan tayo bukas kaya matulog ka nang maaga."

Pinanood niya ito habang unti-unting tinatanggal ang butones ng sleeves nito, saka marahang hinubad ang suot na coat. Sa ilalim noon ay ang puting dress shirt na bahagyang kumakapit sa matigas nitong katawan. Mula sa pagkakatayo niya, nakita niya kung paano gumalaw ang muscles nito nang iikot ang balikat, at agad siyang napalunok.

Napalunok hindi dahil sa paghanga—kundi dahil sa kaba.

Dahil sa gabing ito, sa kwartong ito… wala na siyang ibang matatakbuhan.

Kaya bago pa siya muling lamunin ng sarili niyang emosyon, mabilis siyang tumalikod at naglakad papasok sa closet.

Pagkapasok niya roon, marahan siyang humugot ng buntong-hininga, ipinikit ang mga mata, at saglit na nilasap ang panandaliang pakiramdam ng laya.

Dahil alam niyang sa oras na lumabas siya mula rito… babalik siya sa realidad kung saan siya lang ang kailangang magpanggap na hindi siya unti-unting nadudurog.

Pagkapasok niya sa loob ng closet, agad niyang napansin ang mga nakahanay na mamahaling damit panglalaki. Mula sa perpektong pagkakaayos ng mga suit, dress shirt, at luxury ties, walang duda—lahat ng ito ay de-kalidad, gawa mula sa pinakamahal na brand. Hindi niya kailangang tingnan ang tatak para malaman.

Hinaplos ng kanyang mga mata ang bawat piraso ng tela, ang maingat na pag-aayos nito, na para bang kahit ang damit ni Lewis ay hindi maaaring maging magulo. Ang closet ay napakaorganisado, at sa bawat sulok nito ay sumisigaw ang kapangyarihan at kayamanan.

Para bang pati ang espasyo nito ay kontrolado, bawat bagay nasa tamang lugar—walang labis, walang kulang.

Napakurap siya, biglang bumalik sa realidad.

Hindi dapat siya humahanga rito. Hindi dapat siya nai-intimidate.

Hinayaan niyang gumapang ang malamig na hangin sa kanyang balat habang lumalapit sa bahagi kung saan nakalagay ang mga pambabaeng damit—ang mga kasuotan na, sa unang tingin pa lang, ay halatang pinili para sa kanya. Mula sa malalambot na tela ng silk dresses hanggang sa eleganteng pang-araw-araw na kasuotan, kitang-kita niya kung paano pinili ang bawat isa upang umayon sa kanyang katawan.

Marahil ay may utusan si Lewis na nag-asikaso nito, o baka naman sadyang nais lang nitong tiyakin na kahit sa pinakamaliit na bagay ay kontrolado siya.

Humugot siya ng malalim na hininga at marahang iniabot ang pinaka-simpleng pantulog na kanyang makita—isang malambot na silk pajama na kulay cream. Kahit pa ito ay mukhang mamahalin, wala siyang magagawa. Wala naman siyang ibang pagpipilian.

Sa loob ng ilang minuto, mabilis siyang nagpalit, pinilit na huwag intindihin ang pakiramdam ng tela sa kanyang balat—masyadong magaan, masyadong malambot, na para bang hindi ito nababagay sa isang babaeng tulad niya.

Matapos niyang matapos, lumabas siya ng closet at saka niya napansin na wala na si Lewis.

Narinig niya ang mahinang tunog ng tubig mula sa banyo.

Naliligo na ito.

Saglit siyang natigilan, saka muling humugot ng malalim na hininga bago lumapit sa kama.

Doon, sa ibabaw ng malinis na kama, ay isang hair dryer na mukhang bagong bukas lang. Ang kahon nito ay nasa tabi pa, na para bang may sinadyang maglagay nito doon para sa kanya.

Bahagya siyang napahinto.

Tumingin siya sa direksyon ng banyo, pinakikinggan ang patuloy na lagaslas ng tubig.

Si Lewis ba ang naglagay nito?

Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung paano dapat maramdaman. Hindi niya alam kung ito ba ay isang simpleng kabutihan, isang paraan ng pagkontrol, o isang bagay na mas malalim pa roon.

Pero may kung anong mainit na pakiramdam ang gumapang sa kanyang dibdib—hindi niya mawari kung ito ba ay pasasalamat, pagtataka, o panibagong pagkalito sa misteryosong kilos ng lalaking iyon.

Sa huli, umiling siya.

Hindi niya maaaring hayaang guluhin siya ng simpleng bagay na ito.

Kinuha niya ang unang damit na nahugot kanina saka muling ibinalik sa closet. Pagkatapos, umupo siya sa gilid ng kama, kinuha ang hair dryer, at sinimulang patuyuin ang kanyang buhok. Pinakikinggan niya ang ingay ng hangin mula rito, sinasakop ang kanyang isip, pinapalitan ang mga gumugulo sa kanya.

Nang matapos ay agad niyang inukupa ang ilalim ng comforter sa kaliwang bahagi. Sumusubok na makatulog bago pa matapos si Lewis sa paliligo.

Ngunit ng maramdaman niya ang bahagyang pagbigat ng kabilang bahagi ng kama, tila nabura lahat ng katatagan na pilit niyang binubuo.

Hindi siya kumilos.

Nanatili lang siyang nakatagilid, nakatitig sa malaking glass window, pinipilit panatilihing kalmado ang sariling damdamin. Ngunit kahit ipikit niya ang kanyang mga mata, kahit pilitin niyang wag maramdaman ang init ng katawan nito na bahagyang lumalapit sa kanya, alam niyang hindi siya makakatulog nang maayos.

At sa gabing iyon, hindi siya nakatulog.

Hanggang sa muling sumikat ang araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 54: The Morning After

    Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 53: Steady. Solid. Real.

    Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 52: Before The Truth Sinks In

    Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 51: Somewhere Safe

    Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 50: Moments He Hides

    Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 49: A Day Like Sunlight

    Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status