Chapter 6
Iminulat ko ang aking mga mata nang biglang tumunog ang aking phone kaya agad ko itong tinignan kung sino ang tumatawag. Bf-C Calling! ! ! "Hello!" paos kong wika dito. " Hoy, natutulog ka pa ba, babae? 6 pm na 'ha!" sagot agad ni Celyn sa akin. Kaya agad kong inilayo ang aking phone sa aking tainga upang makita ko ang oras. Mabilis kong tinignan ang oras sa phone ko at saka bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita muli. "Napasarap ang tulog ko, salamat sa pagtawag at paggising mo sa akin. By the way, bakit mo ako tinatawag?" tanong ko agad sa kabilang linya. "Checking lang, wag magluto kasi BH ang dala ko, hehehehe!" sabay hagikhik nito sa kanilang linya. "Sige, anong oras ka uuwi?" tanong ko dito. Agad naman itong sumagot sa aking tanong. "Ten (10) pm!" laglag ang panga ko sa kanyang sagot. "Ano ka ba, Celyn!" kunwaring nagmaktol kong sabi. "Umuungol na ang alagang dragon ng tiyan ko na si Celyn, kapag ten (10) pm kapa uuwi!" dagdag kong sabi. Alam ko na biro lang -yun ni Celyn kaya sinakyan ko ang kanya biro. "We'll be there around 7:30 pm," tugon n'ya sa akin. "Siguraduhin mo girl, ikakalat ko ang tsismis na umihi ka ng panty sa kolehiyo!" pananakot ko dito. "Hoy! Okay, I'll be there by 7 pm, sige magpapaalam na ako sa aking Boss. Okay, bye!" sambit nito na parang nagdadalawang isip pang magsalita. "Okay, bye, ingat ka!" tanging tugon ko. Ibinaba ko ang telepono at saka agad akong tumayo para ayusin ang mga gamit ko sa closet. Hindi nagtagal ay natapos na ko na ang pag-aayos ng lahat na gamit ko ay umupo muna ako sa kama upang makapag-pahinga ng kaunti. Tiningnan ko ang oras sa phone, six-trirty 6:30 pm na pala. Kaya agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto, na hindi alam ang aking gagawin, pumunta ako sa kusina para i-marinate ang lulutuin ko bukas ng umaga. Inilabas ko ang manok at beef, at agad kong sinimulan ang aking gawain. Pagkatapos, inilagay ko ang marinated na ulam sa isang transparent na lalagyan at inilagay ito sa refrigerator bago linisin ang kalat. Hindi nagtagal ay din akong natapos kaya pumunta ako sa sala para manood ng TV. Habang naghihintay sa aking kaibigan. Hindi ko maiwasang humanga sa isang matagumpay na negosyanteng nagngangalang Dixon Stanley Floyd na, sa murang edad, ay nakapagsimula ng sariling negosyo. "Ang swerte mo, kahit mayaman ang mga magulang mo, may sarili ka pa ring negosyo. Ang swerte ng magiging asawa mo!" komento ko habang nakikinig sa balita. "Hmm, parang maraming babae ang konektado sayo. Tsk! Kawawa naman ang magiging asawa mo kung hindi ka magtutuwid." Saka pailing-iling ang aking ulo at iniba ko ang channel dahil bigla nalang ako nakaramdam ng paninikip ng aking dibdib sa narinig ko sa balita. Sa pag-ikot ko sa mga channel, sa wakas ay nakita ko ang paborito kong cartoon, sina Tom at Jerry. Nakatuon ang aking mata sa panonood at pagtawa na lang ako mag-isa, na ikinagulat ko nang may biglang nagsalita ng malakas sa aking tainga. " Nasa bahay ako!" "Ay, kabayong malaking itlog!" tumalon pa ako sa sofa. Pero tinawanan lang ako ni Celyn kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumigil ito sa pagtawa at saka iniabot sa akin ang dala niyang pagkain. Mabilis kong kinuha iyon at pumunta sa kusina para ihain. Pagkatapos kong ihain ay tinawagan ko ito para kumain pero busog na busog daw sya, kaya sa huli ako na lang ang kumain. Nang matapos ay naghugas na ako ng pinggan at pumunta sa sala dahil may balak kaming pumunta sa dating tirahan ni Celyn para kunin ang mga gamit nito. Hindi nagtagal ay agad kaming nakarating sa tinitirhan dati ni Celyn. "Hoy Celyn, bakit ngayon ka lang" tanong ng isang binata habang nakatingin sa akin. "Ay, oo nga kasi dumiretso kami sa bago kong tirahan!" sagot naman ni Celyn dito. "Oh, I see, by the way, sino yang kasama mo?" tanong nito kay Celyn. "Siya?" sabay turo sa akin. " Kaibigan ko pero may asawa at anak yan!" ngising wika nito. Na ikinakamot sa ulo ng binata dahil sa sinabi ni Celyn kaya agad akong nakasinagot. " Naku, akala ko nakita ko na ang para sa akin!" wika nito. Napakamot na lang ako ng ulo at sinulyapan si Celyn. Naintindihan naman niya ko kung ano ang nais kong iparating, kaya dali-dali kaming umalis at pumasok sa isang gate, ito siguro ang apartment na tinutuluyan nito. "Pasok ka Anne, maupo ka lang dyan, kukunin ko lang mga gamit ko!" sabi ni Celyn. "Tutulungan na lang kita, para mabilis matapos!" tugon ko. " Sigurado ka ba?" sambit nito. "Syempre naman," agad kong sagot. "Okay, para mabilis akong matapos!" Kaya agad kaming umakyat sa itaas upang simulan na ang pagligpit sa gamit nito. Nasa kalagitnaan kami ng pagliligpit ay biglang tumunog ang phone nito, kaya sinagot nito ni Celyn saka ni loudspeaker ito kaya narinig ko ang taong nagsasalita doon. "Hello!" bati sa aking kaibigan. "Nasaan ka?" tanong agad sa kabilang linya. Napahinto ito sa kanyang liligpit dahil hindihindi sa taong tumawag at mukhang hindi inaasahan na tatawag ang Boss nito sa kanya, kaya napatingin sa akin at tumawa. "Boss, ikaw pala!" sagot nito. "Where are you, woman?" tanong nito nanparang galit pa. "Andito ako sa dati kong apartment, Boss! Bakit Boss?" tanong naman ni Celyn dito. Pero agad rin kami ng tingnan dahil walang sumagot doon tanging 'tot tot tot' lang ang aming narinig. "Tingnan mo ang bastos ng lalaking 'yon. Tsk!" usal ni Celyn kaya agad akong napataas ng kilay sa inasta nilang dalawa. "Baka may ginawa kang kasalanan sa kanya kaya ganoon lang -yun!" sabi ko dito saka pinapatuloy ang pagliligpit. "Wala 'ha!" sagot nito agad kaya agad ko itong tiningnan kong magsasabi ba ito ng totoo. Ngunit agad din iyong umiwas ng tingin kaya agad akong nagduda sa kanya pag-iwas ng tingin. Alam ko na ayaw n'ya sabihin sa akin kong anong ginawa nya kaya nanahimik na lang ako. Hanggang nagsalita ako. "Celyn may ipagtapat ako sayo?" sabi ko dito. "Ano -yun?" tanong n'ya agad sa akin. "Nakipag six ako sa taong hindi ko kilala!" pagtatapat ko dito. "Anooo!?"Chapter 114 The Final Makalipas ang ilang buwan, naging opisyal na ang "Anne’s Light Foundation". Sa araw ng paglulunsad, napuno ng mga tao ang event hall—mga bata, magulang, at mga kaibigan. Si Amara, sa kanyang simple ngunit eleganteng damit, ay tumayo sa entablado, hawak ang mikropono. Iba na ang kanyang aura ngayon—matatag, puno ng kumpiyansa, at may bagong pag-asa. "Mahal ko si Mom," panimula ni Amara, nagpipigil ng emosyon. "Hindi madaling mawalan ng isang magulang, lalo na kapag sila ang ilaw ng iyong buhay. Pero natutunan ko na ang ilaw na iyon ay puwedeng ipasa sa iba—sa mga batang nangangailangan ng gabay at pagmamahal." Tumingin siya sa akin mula sa entablado, at alam ko na ang susunod na sasabihin niya ay hindi lamang para sa mga tagapakinig, kundi para rin sa aming. "Ang "Anne’s Light Foundation" ay hindi lamang para kay Mom, kundi para sa lahat ng mga batang nawalan ng magulang, upang ipakita na hindi sila nag-iisa. May pag-asa, at may mga taong handang mag-ab
Chapter 113 Dixon POV Habang pinagmamasdan ko ang proyektong inilunsad ng aming mga anak bilang alaala sa kanilang yumaong ina, si Anne, dama ko ang saya at pagmamalaki habang nakikita ko ang kanilang mga ngiti. Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon, hindi pa rin naitatago ng kanilang mga mata ang lungkot, lalo na ni Amara, ang aming panganay, na lubos na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ina. Samantala, ang dalawang kambal ay abalang masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Si Sitti, na likas na masayahin, ang laging nagbibigay liwanag at ngiti sa amin. Sa kabilang banda, ang kanyang kakambal na si Stanley ay mas malalim mag-isip at laging may malawak na pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang nagiging sandigan namin, habang si Amara, mula nang pumanaw ang kanyang ina, ay naging mas seryoso at mas nagtuon sa lahat ng bagay. Si Amara ang pinakaapektado sa pagkawala ng kanyang ina. Mula noon, bihira ko na siyang makitang ngumiti. Naging seryoso ito sa trabaho
Chapter 112 Stanley POV Ang araw na iyon ay puno ng kalungkutan, ngunit habang naglalakad kami palayo sa libingan ni Mom, isang pakiramdam ng responsibilidad ang bumalot sa akin. Si Sitti at ako, kami ang natitirang mga anak, at sa aking puso, alam kong kailangan kong maging haligi ng pamilya. Kailangan kong ipakita ang lakas, hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa kanila. Habang naglalakad, nahulog ang aking tingin sa lupa. Ang mga alaala ni Mom ay bumabalik—ang mga tawa niya, ang mga payo sa buhay, at ang mga simpleng sandaling kasama siya. Saksi ako sa kanyang lakas sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinarap niya. Pero ngayon, ang tanong ay; 'Paano ko siya mapapangalagaan sa kabila ng kanyang pagkawala?' “Stanley,” sabi ni Sitti, lumingon siya sa akin. “Anong iniisip mo?” “Iniisip ko kung paano natin maipagpapatuloy ang lahat ng ipinaglaban ni Mom,” sagot ko. “Kailangan nating ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.” Ngumiti siya ng mahina. “Oo, para kay Mom. Pero pa
Chapter 111 Sitti POV Ang araw ng paglilibing ni Mommy Anne, ay isa sa pinakamabigat na araw sa buhay ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga bagay na tila hindi ko matanggap. Habang nakatayo ako sa tabi ng kanyang puntod, ramdam ko ang bigat ng bawat pagkilos at salita. Ang bawat mukha sa paligid ay nagdadala ng sariling kwento ng sakit at pagkawala, ngunit sa akin, ang sakit ay mas malalim. Nakita ko si Ate Amara sa tabi ng aming ama, hawak ang mga kamay nito, at alam kong kahit gaano kalalim ang kanyang sakit, nariyan pa rin ang katatagan sa kanyang puso. Pero sa akin, parang isang bagyong dumaan—wala akong nakitang liwanag. Ang lahat ng alaala namin ni Mom ay nagiging ulap sa aking isipan, parang mga larawan na unti-unting naglalaho. “Bakit ganito, Mom?” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa hukay. “Bakit kailangan mo pang umalis?” Luminga-linga ako sa paligid, tila hinahanap ang sagot sa mga mata ng mga tao. Wala. Sila rin ay nababalot ng lungkot. Nakita ko ang m
Chapter 110 Amara POV Bata pa lang ako, alam ko na espesyal si Mom. Hindi lang dahil sa palaging mainit ang mga yakap niya o masarap siyang magluto—iba siya. Palagi niyang pinaparamdam sa amin na mahalaga kami, na kahit anong mangyari, andiyan siya para sa amin. Pero habang lumalaki ako, napansin kong unti-unti siyang nagbabago—ang mga ngiti niya, kahit totoo, ay may halong lungkot. Ngayon, alam ko na ang dahilan. Noong una kong nalaman na may sakit si Mom, hindi ako makapaniwala. Palagi kong iniisip na magiging masaya at buo ang pamilya namin magpakailanman. Hindi ko lubos naisip na maaaring mawala siya. Pero nang makita ko siyang humihina, doon ko napagtanto ang katotohanan. Napakahirap tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Sabi nga ni Mom noon, "Ang buhay ay parang isang libro—may simula at may katapusan, pero mahalaga kung paano natin isinusulat ang mga pahina." Nang mas maramdaman ko ang bigat ng kanyang sitwasyon, mas naging malinaw sa akin kung gaano s
Chapter 109 Dixon POV Wala nang mas masakit pa sa pag-alam na unti-unti nang nawawala ang pinakamamahal mong tao. Ang mga simpleng bagay na dati kong hindi pinapansin—ang mga ngiti ni Anne, ang kanyang mga kwento, ang kanyang mga yakap—ngayon ay nagiging kayamanang mahirap bitawan. Alam kong hindi ako handa, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang pigilan. Simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Anne, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Ang bawat araw, bawat sandali, ay tila binibilang ko na. Lahat ng ginagawa namin ay parang may halong lungkot, kahit na sinisikap kong gawing masaya ang mga natitirang araw namin bilang isang pamilya. Isang umaga, habang nasa veranda si Anne at nagmumuni-muni, pinanood ko siya mula sa loob ng bahay. Ang tahimik niyang pagmamasid sa mga ulap ay parang isang paalala na ang bawat sandali ay mahalaga. Hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko gustong ipakita sa kanya ang takot ko, pero hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko. Lumapit