Share

Kabanata 5

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-03-19 18:24:12

NAPAHALAKHAK ng malakas si Mia dahil sa mga naririnig mula kay Nicholas.

"Nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mo na ang lalaking mahal ko ay kasama ng fiancée mo at kung pakakasalan kita sa tingin mo ba ay magiging okay ang lahat? Do you think everything will turn out romantic?” ano niya kay Nicholas. Hindi maipaliwanag ni Mia kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon… Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang naririnig mula sa lalaki.

"Ang kailangan mo lang sabihin sa akin kung pakakasalan mo ba ako o hindi?" seryoso pa ring sagot sa kanya ng lalaki.

"Hindi ako papayag… Hindi kita mahal, kaya bakit kita pakakasalan?" mariing sagot niya. “Hindi ako papayag sa gusto mo.”

"Hindi mo ba siya mahal? Kung pakakasalan mo ako ay makikita mo si Alonzo araw-araw. Nakikita mo naman siguro na paralisado ang aking mga binti kaya kahit magpakasal tayo, ay hindi kita mahahawakan. Magiging mag-asawa lang tayo sa pangalan, Mia. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil hindi ko matanggap ang nangyari… Ikaw? Natanggap mo na ba na wala na si Alonzo sayo at ganun ka na lamang niya ipinagpalit?” wika pa sa kanya ni Nicholas.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Nicholas. Bahagya siyang natigilan.

Isa lang siyang normal na tao, may damdamin at puso. Pinagtaksilan siya ng lalaking pinakamahalaga sa kanya—paano siya basta-basta makakapagpatawad? Kung hindi siya naapektuhan sa mga nangyayari bakit siya iiyak ng ganito? Ano ‘to… trip niya lang?

"Gusto kong magpakasal tayo dahil pareho tayong nasa parehong sitwasyon. Pareho tayong niloko. Wala nang ibang tao ang makakaunawa sa sakit na nararamdaman mo ngayon kundi ako. Hindi ka ba nagseselos habang nakikita silang masaya? Kapag pinakasalan mo ako, magiging hipag ka ni Alonzo at sa tingin ko hindi siya magiging komportable kapag nakikita ka niya. Makikita mo rin kung nahihirapan siya---na baka mahal ka pa rin niya. Isa pa, makalipas ang tatlong buwan ng kasal natin ay maaari kang humiling ng annulment anumang oras sa akin. Mayroon akong bahay rito sa Maynila at kapag naghiwalay na tayo, ibibigay ko sayo ‘yun.”

“Paano kung kabaliktaran ang nangyari? Sa tingin mo ba ay hindi tayo masasaktan kapag nakikita natin silang magkasama? Nakalimutan mo yata na nagawa nila tayong lokohin? Ipinagpalit tayo mahal nila ang isat-isa. Narinig mo ‘yun? Mahal nila ang isat-isa,” ulit niya pang wika sa kausap.

Huminga ng malalim si Nicholas dahil sa kanyang sinabi.

“Nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin. Sabi ko nga sayo kanina…. Ang gusto ko lang marinig ay oo at hindi. Ngayon, pwede ka ng bumaba ng sasakyan."

Napahawak siya sa kanyang mga kamay. Naguguluhan siya. Dapat lang na tanggihan niya ito pero ang sinabi ni Nicholas sa kanya ay nagpagulo sa kanyang isipin. May point din naman ito. Niloko silang dalawa at hindi ‘yun katanggap-tanggap.

"Sandali,” ani niya at baka ibaba siya nito. “Pwede ba talaga akong mag-file annulment kahit kailan?"

"Pagkalipas ng tatlong buwan. Basta gusto mo ay papayag ako. Kung ang iniisip mo naman ay ang gastusin. Don’t worry. Ako na ang bahala dun. "

Napatingin siya sa mga binti ni Nicholas.

"Sa pangalan lang tayo mag-asawa. Wala na akong kakayahang maging tunay na lalaki. Hindi kita kayang bigyan ng kaligayahan pero maaari kang humiling ng ibang bagay," diretsong sagot ni Nicholas habang nakatitig sa kanya. Hindi niya mapigilan ang hindi maawa sa lalaki. Hindi niya alam kung paano na umabot sa ganito ang sitwasyon nito. Baka kaya siguro naghanap ng iba si Gemma dahil hindi na maibigay ni Nicholas ang gusto nito. Lalo lamang siyang namuhi kay Gemma. Masyado itong makasarili. Naniniwala pa rin siya na kapag mahal mo ay handa kang ipaglaban ito kahit pa ano ang kondisyon nito.

"Sorry," namula ang mukha ni Mia at hindi niya alam kung ano ang sasabihin pa.

“Hindi mo kailangang humingi ng tawad…Sanay na ako," sagot ni Nicholas na walang emosyon. "Kailan mo ako bibigyan ang sagot sa tanong ko?" ulit pa nitong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam," sagot niya.

Magulo ang kanyang isipan at hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung tama ba na pakasalan niya si Nicholas.

"Sa villa tayo," ani ni Nicholas kay Martinez.

Ang hinihintay niya ay ang pababain siya nito ng sasakyan.

"Opo, Major!" sagot ni Martinez.

"Sa bahay mo?" tanong niyang naguguluhan kay Nicholas. “Akala ako ba----

"Sa tingin mo ba makakauwi ka sa kalagayan mo ngayon?" tanong sa kanya nito. “Naisip ko lang na baka magtaka ang kasama mo sa bahay kapag nakitang may benda yang ulo mo,” ani pa nito sa kanya.

“Pero kanina lang ay gusto mo akong bumaba ng sasakyan mo.”

“Kanina ‘yun.”

Hindi na sumagot pa si Mia sa sinabi ni Nicholas. Ayaw niya rin na magtaka ang kanyang ina kapag nakita siya.

Mula nang pumanaw ang kanyang ama siyam na taon na ang nakalipas ay siya na lang ang naging tanging pag-asa ng kanyang ina sa buhay. Pinangarap ng kanyang ina na mapangasawa niya si Alonzo Madrigal. Kung uuwi siya ngayon at sasabihin ang lahat ng nangyari, tiyak na mas matinding dagok iyon sa kanyang ina kaysa sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

Hindi siya maaaring umuwi. Hindi niya kayang makitang masasaktan ang ina.

Mahigpit na hinawakan ni Mia ang kanyang bag, pakiramdam niya ay may malaking butas sa kanyang puso dahil sa sakit. Akala niya ay ito ang pinakamasayang araw niya sa tanang buhay niya. Kaninang umaga lang iniisip pa niya na baka mag propose sa kanya si Alonzo sa kanya ngayong araw. Kung malapit na kaya niyang maisuot ang pinapangarap niyang wedding gown? Magiging pinakamasaya at pinakamagandang nobya sa mundo?

Ngunit ngayon, lahat ay naglaho. Galit ang kanyang nararamdaman ngayon.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 181

    PAKIRAMDAM ni Gemma ay mag-isa lamang siya sa ospital. Walang nagbabantay at katulong lamang ang kasama. Ang biyenan niya ay hindi na bumalik pero naintindihan niya naman ito. Marahil hindi rin talaga kinaya ng kanyang biyenan ang dalawang malalaking pangyayari na halos sabay na dumating sa pamilya.

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 180

    “Ma, inatake si Papa kagabi. Nagkaroon siya ng cerebral hemorrhage at naoperahan na rin. Sabi ng doktor, naging matagumpay ang operasyon kaya huwag po kayong masyadong mag-alala.” Pagkarinig nito, lalo pang nag-alala si Melinda. Sa paglipas ng mga taon, itinuring na rin niyang parang kapamilya si M

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 179

    Pagkarinig nito, lalo lang nag-init ang loob ni Gemma, lalo’t pabor pa rin si Alonzo kay Mia. Tumagilid siya at umiwas ng tingin. “Pinagdududahan mo rin ako! Umalis ka na!” singhal ni Gemma. Tumayo si Alonzo, tinitigan siya sandali at sabay sabing, “Sige, pupuntahan ko muna si Papa. Baka magtaka na

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 178

    PAGLAON nabalitaan ni Nicholas na may relasyon na si Alonzo kay Mia. May bahagya siyang naramdamang panghihinayang noon, ngunit alam niyang malaki ang agwat ng edad nila at imposibleng magkatuluyan sila. Pero ang tadhana, madalas magbiro. Kayang paiyakin, pahirapan, at sirain ka… pero bibigyan ka r

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 177

    Tumayo si Nicholas at pinakiusapan si Mia na samahan muna ang kanyang ama, saka siya mabilis na lumabas ng silid para tawagin ang doktor. Agad na dumating ang doktor at masinsinang sinuri si Mike. Lumabas sa resulta na matagumpay ang operasyon na ginawa sa kanya kahapon ng madaling-araw, at kung maa

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 176

    “Sige nga, sabihin mo sa akin, may kinalaman ka ba sa nangyari?” tanong ni Nicholas. Umiling si Mia, bakas ang pagkaawa sa sarili. Ang totoo, biglaan ang pangyayari, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maintindihan kung ano talaga ang nangyari. “Hindi ko talaga alam. Ang bilis ng mga pan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status