Share

Kabanata 6

Author: DIVINE
last update Huling Na-update: 2025-03-19 18:24:50

BUMALIK sa mga alaala ni Mia ang lahat. Kung paano niya inakala na ang lahat ay okay lang sa kanila ni Alonzo. Akala niya ay kilala niya na ng lubusan ang nobyo. Bawat masayang sandali ay parang kutsilyong humihiwa sa kanyang puso, pinapahirapan siyang huminga dahil sa mga nangyayaro. Ang dami niyang tanong kay Alonzo. Bakit siya nito pinaasa ng ganun katagal? Ano ‘yun? Nagkukunwari lang ito na mahal siya sa loob ng siyam na buwan na maging magkarelasyon sila?

Muling pumatak ang kanyang luha...

Hindi niya alam kung gaano katagal ang naging biyahe nila dahil sa traffic, ngunit sa wakas huminto ang Land Rover sa harap ng villa. Sa bahay ni Nicholas. Ang laki ng bahay nito. Halos kasinglaki ng bahay ng mga magulang nito.

"Pwede ka ng bumaba,” wika sa kanya ni Nicholas. Ito na ang magiging bago mong tahanan kapag nagpakasal tayo,” walang bakas ng emosyon boses nito. “Ikaw nalang ang kulang sa bahay na ‘yan.”

Mabilis naman na bumaba si Martinez at pinagbuksan siya ng pinto. Tinalo pa nito ang driver kung umasta.

Kahit bukas na ang pinto ng sasakyan ay hindi pa rin siya bumaba. Nanatiling nakaupo rin si Nicholas sa tabi niya, tila hinihintay ang kanyang magiging desisyon.

Huminga siya ng malalim. "Hindi ko alam kung bakit pero... pumapayag na ako. Magpapakasal ako sayo," wika niya sa lalaki.

"Good. Kung ganon ngayon na tayo magpakasal. Tatawagan ko lang ang kaibigan kong mayor na pwedeng magkasal kaagad sa atin.”

“Akala ko ba bukas pa?”

“Hindi na. Paano kung pagbago pa ang isip mo? Hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Kailangan kong makatiyak na pakakasalan mo ako.”

Tahimik na tumango na lamang siya at pinabayaan na lamang ang gusto ni Nicholas. Tumutol man siya ay mukhang wala rin namang mangyayari.

Agad na isinara ni Martinez ang pinto at bumalik sa upuan ng driver. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan palayo ng villa.

Hindi kailanman naisip ni Mia na isang araw ay magiging bahagi siya ng isang contract marriage, at lalo pang hindi niya naisip na ang mapapangasawa niya ay walang iba kundi ang kuya ng lalaking dating minahal niya.

Sa opisina ng mayor sila ikinasal ni Nicholas. Walang kung ano mang seremonya na nangyari. Walang imbitado na kamag-anak at bisita. Maliban sa pulis na si Martinez na naging saksi sa pagpapakasal nilang dalawa ni Nicholas. Hindi ito ang kasal na kanyang pinangarap. Gusto niya pa rin na ikasal sa simbahan at masaksihan ng kanilang mga pamilya at kaibigan pero hindi niya na iyon naisip. Hindi naman si Nicholas ang lalaking pinangarap niya na maghaharap sa kanya sa altar. Ang lalaking gusto niya ay ibang pugad ang inaasikaso.

Nakakalungkot lang isipin na ang lalaking pinakasalan niya ay hindi ang lalaking minahal niya nang matagal. Hindi niya akalaing ang tadhana ay magbibiro sa kanya nang ganito. Ang lalaking kanyang pinakasalan ngayong araw ay si Nicholas Madrigal.

"Masama ba ang loob mo?" malamig na tanong ni Nicholas sa kanya habang tinitingnan siya, bago muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Napansin nito ang pagiging walang kibo niya pagkatapos ng kanilang kasal. Sa isang iglap ay may suot na siyang wedding ring na ayon kay Nicholas ay para daw dapat kay Gemma.

Umiling siya.

"Martinez, pumunta tayo sa mall," ani Nicholas.

"Opo, Major!"

Natigilan siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Isang matamis na kanta ang biglang tumunog mula sa kanyang cellphone. Ang ringtone niya ay ang favorite song nila ni Alonzo. Ang ringtone na iyon ay para lamang kay Alonzo kapag ito ang tumatawag.

Napangiwi siya. Aminado siyang mahihirapan siyang makalimutan si Alonzo.

Noon, sa tuwing tumatawag ang numerong iyon, agad niyang sinasagot nang hindi nag-aatubili. Pero ngayon, wala siyang ganang marinig ang boses ng lalaki.

Mabilis niyang pinindot ang reject button.

Muling tumunog ang cellphone niya. Inabot niya ulit ito para i-reject, ngunit bago pa niya magawa ay may isang malaking kamay na humawak sa kanyang pulso.

"Sagutin mo. Pamilya na tayo ngayon. Magkikita pa rin kayo nang madalas. Walang mangyayari kung iiwasan mo siya," malamig na sabi ni Nicholas sa kanya bago muling ibinalik ang kamay niya sa kanyang kandungan.

Nag-aalangan siya. Hindi pa siya handang harapin si Alonzo, pero hindi niya maitatanggi na may punto ang sinabi ni Nicholas. Ngayon, siya na ang hipag ni Alonzo. Sa ayaw at gusto niya ay magtatagpo ang landas nilang dalawa.

Dahan-dahan niyang pinindot ang answer button at inilapit ang cellphone sa kanyang tenga.

"Nasaan ka? Ayos ka lang ba?" tanong kaagad sa kanya ni Alonzo. Halatang nag-aalala ang boses ni Alonzo sa kabilang linya… Alam niyang natatakot ito na baka may mangyari sa kanya dahil tiyak na ito ang mananagot sa kanilang pamilya.

"Nasaan ako? Mahalaga pa ba ‘yon sa'yo?" malamig na sagot niya.

"Mia... I’m sorry."

"Ayos lang ako," sagot niyang gusto na naman umiyak pero pinigilan niya ang sarili.

"Pasensya ka na sa nangyari. Magpahinga ka muna. Pupuntahan na lamang kita para makapag-usap tayo. Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo," seryoso ang boses na wika ni Alonzo sa kanya.

"Babawi ka? Ibig mong sabihin, bibigyan mo ako ng pera?" malumanay na tanong niya na puno ng pang-iinsulto.

"Oo, Mia. Sabihin mo lang kung magkano ang kailangan mo, ibibigay ko."

Bahagyang ngumiti siya sa narinig. Kapalit ng nine years ay pera. Iyon lang pala ang kanyang katumbas niya.

"Kung ganon, ibigay mo sa akin ang Madrigal Corporation?" ani niya kung kaya natigilan ang kanyang kausap. Alam niya naman na hindi iyon gagawin ni Alonzo. Masyado nitong mahal ang posisyon. Napatingin na lamang siya kay Nicholas habang sinasabi niya iyon kay Alonzo.

Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ni Alonzo kapag nalaman nitong pinakasalan niya ang kapatid nito. Siguradong hindi nito magugustuhan ang ginawa niya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 152

    “Lumayas ka! Lumayas ka ngayon din!” sigaw ni Mia nang may halong takot at galit. Hindi inasahan ni Alonzo ang ganoong reaksyon ni Mia. Agad siyang nataranta, lumapit kay Mia at tinakpan ang bibig nito. “Mia, hinaan mo naman ang boses mo… Gusto mo ba'ng magising ang lahat ng tao sa bahay?” Malakas

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 151

    NAMULA ang mukha ni Mia, pero hindi na niya naiwasan ang tanong kaya tumango na lang siya. “Opo…” "You're already married?" Mia gave another silent nod. Napataas ang kilay ni Zyd, at may bahagyang lungkot na sumilay sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi na dapat siya nagtatanong pa, pero hindi n

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 150

    PAGKAALIS ng dalawang kapatid, tumayo si Zia Bernardo mula sa sofa habang dala pa rin ang baseball bat. Pagdaan niya kay Mia, sandali itong tumigil at tinitigan siya habang nakakunot ang noo. “Ano’ng pangalan mo?” tanong niya. “Mia po. Mia Madrigal,” sagot niya dahil kasal naman na siya kay Nichol

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 149

    As soon as the car left the Madrigal family villa, Nicholas reached out and gently took Mia’s hand. He looked at her and said calmly, “Sometimes, you don’t have to mind what others say. You’re the one starting this job, and what really matters is that you give it your best. As long as you’re determi

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 148

    Napabuntong-hininga si Gemma sa huli, at muling itinaas ang kamay para punasan ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. "Gemma, sana maintindihan mo pa si Alonzo. Siyam na taon din siyang naging magkasama ni Mia. Isipin mo, kahit pusa o aso lang ang alagaan natin, mayroon pa rin tayong nararamdaman s

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 147

    NANG makita ni Alonzo masaya si Mia at tila excited na magtrabaho sa bagong kumpanya ay nakaramdam siya ng pagkainis at kaunting pagkadismaya. Nang marinig niyang pinag-uusapan ng kanyang ama ang Bernardo Group of Companies o kilalang BGC. Kilala niya ang pamilya ng BGC, masasama ang ugali ng mga i

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status