Pagdating nga ni Neri sa ladies room, ay pumasok agad ito sa CR at umihi. Maya-maya, nang matapos siyang mag-flash… bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo.Pakiramdan rin niya ay masusuka siya. Hinawakan pa niya ang kanyang noo at hinilot ‘yon. Hndi na nga niya napigilan ang kanyang sikmura, at naduwal na siya. Tapos agad niyang naisuka ang lahat ng kinain niya sa anidoro.Lumabas naman agad siya ng Cr pagkatapos niyang i-flash ang sinuka niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa lababo na may salamin para ayusin ang sarili.“Damn it! That woman is so, careless!” biglang sabi ng isang babae na lumabas sa kabilang CR…at pamilyar agad kay Neri ang boses nito.Mabilis niya naman itong nilingon at hindi nga siya nagkamali. “Kayla?!" gulat na ani Neri at gano’n din si Kayla. "Neri,” kunot noo namang ani Kayla, at agad itong tumalikod.“Kayla, tigil!" malakas na ani Neri, at hinablot niya agad ang braso ng babae, bago pa ito makapunta sa may pintuan.“Argh! Ano ba, Neri! Let me go!" Pag
Wala nga lang isang oras… nasa isang fine dining restaurant na sina Neri at Elleon. At habang kumakain sila ay napinsin ng lalake ang pagiging matakaw ni Neri. Pero, naaliw lang si Elleon habang pinagmamasdan ang babae. Nakangiti siyang ngumunguya habang nakapatong ang siko sa mesa at nakadampi ang palad sa pisngi.“B-bakit?" tanong naman ni Neri nang mapansin nito ang nakatitig na si Elleon.“Wala naman. Ang cute mo lang tingnan pag matakaw ka," may ngiting sagot ng lalake…tapos inabot nito ang gilid ng bibig ni Neri na may naiwang sauce.Pinahiran ‘yon ni Elleon gamit ang hinlalaki nito at ipinasok sa bibig ng babae. Na agad rin namang sinipsip ni Neri."S-sorry, lovey. Gutom na gutom kasi ako. Wala kasi akong ganang kumain lately. Ngayon nga lang ako nagkagana, eh,” paliwanag ni Neri, at tinuloy na nito ang paglamon."I see. Pansin ko nga sa bahay. ‘Di mo na nga inuubos ang food mo, eh. Feeling ko tuloy hindi ka na nasasarapan sa luto ko," tila nagtampo namang ani Elleon."Uy, h
Matapos ang isang buwan.“Hoy, gising! May gustong kumausap sayo!” malakas na sabi ng jail guard sa preso na natutulog sa loob ng selda. At ito’y walang iba kundi si Brando—’yong spy ng Infinity Jewels.Matapos itong maka-recover mula sa mga tama nito ng baril sa katawan, ay agad itong dinala sa kulungan nang ma-discharge sa ospital. Bumangon naman agad si Brando at tumayo.Maya-maya…naroroon na ito sa isang visiting room…at pagpasok palang nito ay bumungad agad sa kanya si Elleon. Nakaupo ito ro’n at naka-crossed arms, habang nakakunot ang noo."Ikaw na naman?! Ang kulit mo talaga, noh?!" Nainis agad na reaksiyon ni Brando. Mabilis namang tumayo si Elleon at dahan-dahang lumapit sa lalake. "Kung ako sayo, umamin ka na lang para matapos na ‘to,” seryosong ani Elleon, at matalim ang mga titig nito kay Brando.“Eh ano nga ang aaminin ko? Wala nga akong alam. Pagkatapos kong makuha ang perang binayad sa’kin ni Carlota…wala na kaming connection pa,” maangas na pag-sagot ni Brando."Rea
Dahil nga sa nangyari ay nasagot na ang katanungan sa isipan ni Cherry, tungkol sa babae na gusto ni Calvin, at hindi ito makapaniwala sa narinig.“Tsk! Sa dami ba naman ng babae sa mundo…ba’t sa bruhang Kayla pa na ‘yon?” malungkot at tulalang anito sa sarili, habang naglalakad sa gilid ng kalsada."Peep! Peep! Peep!”"Ay kalabaw!” Gano’n na lamang ang gulat nito nang biglang may bumusina…at ito’y walang iba kundi si Lexter. "Hey, sakay na!” sabi ng lalake at ngumiti ito nang pilyo.“Wala ka talagang manners, noh?" nainis namang sabi ni Cherry."Sorry naman, Cherry cake. Tara na… sakay,” aya ni Lexter nang may ngiti."Hindi na. Magta-taxi na lang ako," tanggi naman ni Cherry at tumuloy na ‘to sa paglalakad.Ngunit likas na makulit si Lexter at sinundan pa rin nito ang babae.“Peep! Peep! Peep!" “Hey, matatagalan ka lang makasakay dahil rush hour ngayon," sabi muli ni Lexter, pero hindi pa rin humihinto si Cherry."Peep! Peep!” Pangungulit pa rin ng lalake, at noo’y pinagtitinginan
Nang makarating na nga si Calvin sa Kusina Ni Inang. Nagmadali agad itong lumabas ng kotse, at pumasok sa loob ng restaurant."Dude…what happened?” nag-alalang tanong agad nito sa may pintuan pa lang. Pero ang lahat ay tahimik lang at seryoso ang mukha, lalo na si Elleon."Eh ikaw, Calvin? Wala ka bang sasabihin sa ‘min?" tanong din ni Elleon at matalim ang mga titig nito sa kaibigan."W-what do you mean, dude?" maang-maangan namang ani Calvin…kahit pa may kutob na itong alam na nila Elleon ang tungkol sa pagtulong nito kay Kayla."Talaga ba, huh, Calvin? Wala ka talagang sasabihin?” nayayamot nang tanong ni Elleon, kaya pinakita na nito sa kaibigan ‘yong tablet na may CCTV footage.Nanlaki naman kaagad ang mga mata ni Calvin matapos nitong makita ang mga mukha nila ni Kayla sa footage.“D-dude, let me explain," nauutal na nito.“What’s the meaning of that, huh, Calvin? Tell me…matagal na ba kayong nagkikita ni Kayla? or should I say…alam mo ba kung sa’n sila nagtatago, huh?” sunod-s
Dahil nga sa nangyari kay Neri at Elleon, ay napasugod agad sina Vivian at Zia sa Kusina Ni Inang. “Are you sure, son, na okay lang kayo ni Neri? Do you want me to call our family doctor?” tanong ni Vivian sa nag-aalala nitong tono. "Ah…okay lang naman po ako, Mommy Vivian," sagot naman ni Neri. "Me too, mom. I'm okay…don't worry," sabi lang din ni Eon, at ngumiti ito sa ina. “What happened ba kasi, cous? Ba’t muntik nang masagasaan si Neri? Nahuli na ba ng mga police ‘yong driver?” mausisang tanong naman ni Zia. "Hindi pa namin alam, Z. Wala pang update ang mga pulis,” sagot ni Elleon, tapos napahilot ito sa kanyang noo. “Son…what if may kinalaman dito sina Carlota at Kayla?" hinala naman ni Vivian. "Naiisip ko rin ‘yan, mom. But, hintayin muna natin ang tawag ni Diego. Pinapunta ko na siya sa police station para makibalita,” sagot lang ni Elleon. Habang sina Kayla at Calvin naman sa mga oras na iyon ay tuluyan na ngang nakatakas sa mga pulis. Kasalukuyan na silang nasa isa