SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan.
Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagawang mali. Tumalikod nga lang ito saka nagbihis. Sa ganitong sitwasyon ay dapat inaaway niya ang asawa. Ngunit iba si Zia. Pinalaki siyang may disiplina at class. Dapat siyang magmukhang walang pakialam kahit nasasaktan na. Nang matapos sa pagbibihis si Louie ay naglakad ito patungo sa pinto. “Sandali lang,” wika ni Zia. “May gusto lang sana akong sabihin.” Lumingon si Louie at tinitigan ang ayos niya sa kama. “Bakit, nakukulangan ka pa sa nangyari kagabi, gusto mo pa ng isa?” Isa iyong biro ngunit pwede namang totohanin ni Louie dahil wala naman itong pakialam sa mararamdaman ni Zia. Hindi siya mahal ang asawa at pinakasalan lang ni Louie dahil sa isang aksidente. “Kung may sasabihin kay gawin mo na’t baka ma-late pa ‘ko,” saad nito. “Pwede ba akong magtrabaho?” Tumitig si Louie nang matagal bago maglabas ng tseke sabay bigay sa kanya. “Hindi bagay sa’yo ang magtrabaho. Dito ka na lang sa bahay at maging full-time house wife ko.” Matapos ay binuksan ang pinto upang lumabas ngunit agad humabol si Zia. “Pero gusto ko talagang magtrabaho, Louie. Pwede naman akong tumugtog ulit ng violin gaya ng dati.” “Late na ‘ko!” Pambabalewala nito. Bago tuluyang makalayo ay humabol pa ng salita si Zia, “Birthday ni Papa sa sabado, may oras ka ba?” “Titingnan ko.” Sabay sara sa pinto. Nanatiling nakatayo malapit sa pinto si Zia at ilang sandali pa ay maririnig ang ugong ng papalayong kotse mula sa labas. Hindi nagtagal ay dumating ang ilang katulong para kunin ang mga damit na kailangan labhan. “Ma’am Zia, gusto niyo po bang kami na ang maglaba at plantsa ng damit ni Sir?” tanong nito. “Sige po, Ate. Hand wash lang kung maaari,” aniya. Dahil sensitibo si Louie pagdating sa mga gamit. Maging sa pagkain ay mapili rin ito at ayaw na ayaw ng magulo at maduming lugar. Kaya nga pinagsikapan ni Zia na matuto ng gawaing bahay para sa asawa. Hangga’t maaari ay gusto niyang perpekto ang lahat para sa lalaking minamahal kahit na… wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Pagkaalis ng katulong ay saka lang binalingan ni Zia ang hawak na tseke. Noong nakaraang taon ay gumuho ang mundo ng pamilya niya, ang Cruz. Dinala sa kulungan ang kapatid na si Chris at na-ospital naman ang ama na si Arturo dahil sa biglaang pagkakasakit. Kaya kinailangan niya ng malaking halaga upang hindi mahirapan si Maricar, ang kanyang step-mom sa maliit na perang naibibigay niya buwan-buwan. Allowance niya iyon mula kay Louie ngunit hindi pa rin sasapat sa pangangailangan ng kanyang pamilya. “Asawa mo ang CEO ng Pharmaceutical group. Lahat ng meron siya ay sa’yo rin,” saad pa ni Maricar noon sa kanya. Pero iyon nga ba talaga ang totoo? Hindi siya mahal ni Louie at ang kanilang relasyon ay nauuwi lang sa romansa, tawag ng laman. Ni hindi nga siya pinapayagang magbuntis. Sa tuwing may nangyayari sa kanila ay lagi nitong pinapaalala na uminom siya ng contraceptive pills. Kaya sa tuwing naaalala niya ang mga pinagdaanan ay hindi niya maiwasang maging emosyonal. "Anim na taon... gano’n katagal kitang minahal Louie,” bulong niya pa sa hangin… Ganoon katagal niyang minahal ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang nito nagawang suklian ang pagmamahal na iyon. *** BIYERNES NG GABI habang hinihintay na bumalik si Louie mula sa Batangas ay isang balita ang nagbigay takot kay Zia. Ayun kay Maricar ay may tiyansang makulong ng hindi bababa sa sampung taon ang kapatid. Habang ang ama naman ay isinugod sa ospital dahil sa acute hemorrhage at kailangang operahan agad. Dali-dali namang napasugod si Zia sa ospital habang tinatawagan ang asawa. Ngunit hindi ito sumasagot at nag-iwan lang ng mensahe. Louie: Nasa Batangas pa ako. Kung may kailangan ka’y si secretary Alice na ang kausapin mo. Tumawag siyang muli hanggang sa sumagot ito. “Louie… si Papa,” iyak niya. “Kailangan mo ba ng pera? Nag-text na ‘ko na si Alice na lang ang kausapin mo…” Biglang natigilan si Zia nang makita sa telebisyon ng ospital ang asawa. Ayon sa caption na mababasa sa ibaba ng screen ay nasa fantasy world si Louie kasama si Bea habang nagpapaulan ng fireworks sa kalangitan. Kitang-kita sa kuha ng camera ang saya sa mukha ni Bea habang nasa wheelchair. Muli niyang inilapit sa tenga ang cellphone at nagtanong habang hindi inaalis ang tingin sa telebisyon, “Nasa’n ka ngayon?” Makikita na may kausap sa cellphone si Louie. Sa madaling salita ay live ang napapanuod at naririnig niyang ingay sa kabilang linya. “Busy ako ngayon, Zia. Kausapin mo na lang si Alice.” Matapos ay binaba na ang tawag. Pumatak ang luha sa mga mata niya nang lumapit si Maricar. “Nakausap mo na ba si Louie? Nahingan mo na ba ng tulong…” nabitin ang sasabihin nito nang makita kung ano ang kanina niya pa pinapanuod. “Nagpunta ba siya sa Batangas para sa babaeng ‘yan? Sandali… natatandaan ko siya. Hindi ba ‘yan ‘yung babaeng laging bumibisita kay Louie noong na-coma ito? Sinasabi ko na nga ba na may hindi tama sa dalawang ‘yan!” galit na wika ni Maricar. Ngunit ilang sandali pa ay natauhan din. “Z-Zia, ’wag mo na lamang pansinin iyong sinabi ko. Kailangan natin ang tulong ni Louie. Siya lang ang pag-asa natin ngayon,” patuloy nito. Marahas na pinunasan ni Zia ang luha at tinawagan si Alice. Baka sakaling mabigyan siya ng isa pang tseke o hindi kaya ay ang access sa mga alahas ni Louie. “Ma’am Zia, hindi ko po kayo mapagbibigyan kung wala pong pahintulot ni Sir Louie.” Ngunit kailangan na talaga ni Zia ng pera para sa ama. Kaya kahit labag sa kalooban ay hinubad niya ang diamond wedding ring. “’Ma, isangla niyo ‘to.” Nabigla naman si Maricar. “Zia! Nahihibang ka na ba?” “Hindi, ‘Ma. Hindi pa ‘ko nasisiraan…” Baka pa lang kung patuloy siyang magtitiis. Habang nakatingin sa makukulay na fireworks sa telebisyon ay isa lang ang nasa isip ni Zia ng mga oras na iyon. Gusto na niyang makipaghiwalay kay Louie.ISANG mahabang katahimikan ang namayani sa kanila matapos iyong sabihin ni Patricio.Napatingin si Archie sa Ina at kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sunod naman niyang tiningnan si Jewel na nananahimik sa kinauupuan, ang tingin ay nasa sahig.Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mata nilang dalawa pero awtomatiko itong umiwas, tinatago ang mukha pero huli na para roon.Hindi nakaligtas sa paningin ni Archie ang mugto at namumula nitong mga mata. Kaya sa halip na maupo sa tabi ng magulang ay pumuwesto siya malapit sa kinauupuan ng dalaga.Habang nag-uusap ang matatanda ay pilit naman niyang kinukuha ang atensyon nito. Gumagawa ng paraan para makausap pero hindi siya pinapansin ni Jewel.Para siyang hangin na nararamdaman at naririnig pero hindi nakikita. Mabuti sana kung napaayos niya ang phone para may paraan para makausap ito kahit sa message lang."Jewel..." mahina niyang tawag dito. Paulit-ulit niya iyong ginagawa pero hindi talaga siya magawang tapunan ng t
NAGLAKAD palapit si Patricio saka sinabi ang nais na mangyari, "Ang gusto ko ay pakasalan mo ang anak ko."Hindi lang si Jewel at Archie ang nabigla sa sinabi nito dahil maging si Jian ay nagulantang. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari.Ang nais niya ay mapagalitan ang kapatid at pagbawalan ng makipagkita kay Archie hanggang sa tuluyang maghiwalay ang dalawa.Noon pa man ay gusto na niya ang binata pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit dito. Siya dapat ang ka-blind date at magiging girlfriend pero sinalo iyon ni Jewel dahil wala siyang mga panahon na iyon. "D-Daddy, baka naman pwedeng huminahon ka muna," aniya sa ama. "Masiyado pang maaga para ipakasal mo si Jewel."Tumango-tango naman si Archie, sang-ayon sa sinasabi nito saka tiningnan ang ama. Umaasang sasalungat ito sa gustong mangyari ni Patricio ngunit umiwas lang ito ng tingin.Hindi man sang-ayon si Chris sa nais nitong mangyari ay mas gugustuhin na lamang niyang iyon ang maganap. Ang makasal ang anak para
TILA isang gadget na nag-malfunction si Jewel sa narinig. Tuloy, nabigla at nagtaka ang grupo ng mga babae napagtanungan niya."A-Ayos ka lang, Miss? Hindi mo ba boyfriend 'yang kasama mo?" tanong ng isa sa mga ito.Nilingon muna niya si Archie bago sumagot, "B-Boyfriend."Medyo natawa ang babae. "Bago lang ba? Ayos lang 'yan, magpapahinga lang naman kayo. Saka, tulog na tulog, o. Walang mangyayari."Tumango-tango na lamang si Jewel saka nagpasalamat. Pagkaalis ng grupo ay may napagtanto siya. Kulang na lamang ay pukpukin ang ulo. "Ba't hindi ko 'yun agad naisip?!" Pagkatapos ay hinalughog ang bag, hinahanap ang phone pero... wala! "Nasa'n na 'yun?!" Nasa puntong babalik na siya sa bar nang mapansin na tila may umiilaw sa loob ng sasakyan ni Archie. Pagsilip...Ayon. Nasa ibaba ng upuan ang phone niya, marahil ay nahulog kanina.Napadaing siya sa inis. Kaya ang sunod niyang ginawa ay hinagilap ang phone ni Archie na nakuha niya sa bulsa. Pero...May crack na ang screen at ayaw mag-on.
HINIHINGAL na tumigil si Chantal, animo ay tumakbo siya ng pagkalayo-layo. Matapos ay nilingon ang pinanggalingan kahit pa hindi naman makikita ang banyo sa kanyang puwesto.Wala man lang kaide-ideya na nasa malapit si Felip, nakatanaw.Nang ibalik ang tingin ay nabigla pa si Chantal ng makita ito. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Habang naglalakad palapit.Umiling si Felip. "Pupuntahan na nga sana kita. May nangyari ba?" Dahil pansin niya ang pamumutla nito, tila naka-encounter ng hindi maganda.Napakurap si Chantal sabay iwas ng tingin. "W-Wala, may narinig kasi ako kaya, a'yon, natakot bigla." Sabay tawa para itago ang katotohanan."Sila Archie ba, hindi mo napansin?"Tinuro ni Chantal ang direksyon patungo sa banyo. "Sa restroom. Tara, nagugutom na 'ko," aniya sabay hila sa kamay nito pabalik sa dining area at nagpatianod naman si Felip."Sina Archie at Jewel?" tanong naman ni Chris matapos bumalik ang mga ito."Nando'n pa, 'Pa," tipid na sagot ni Chantal.Matapos ay isang mahabang kata
MATAPOS ay parehong natahimik ang mag-asawa... iniisip ang mga anak."Akala ko pa naman, magiging normal ang buhay pag-ibig ng mga bata... Kasing gulo rin pala ng sa'tin," ani Shiela."Napapaisip naman ako kay Chantal... Nabanggit ni Felip na pinaplano niyang manirahan abroad dahil nagpo-focus na siya sa negosyo nila sa States.""Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa'kin?" mahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Shiela."Plano pa lang, hindi pa rin naman niya nasasabi kay Chantal.""Kapag nalaman 'to ni Archie, paniguradong magkakagulo na naman," ani Shiela."Kaya nga dapat na hindi niya malaman."MALALIM na ang gabi pero katatapos pa lamang ni Felip na mag-shower dahil late na siyang nakauwi. Habang nagpupunas ng basang buhok ay napatingin siya sa asawa na natutulala sa kama, nakatingin sa labas ng bintana."Ayos ka lang ba?"Napalingon si Chantal at ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga mata ang tuwa. "Medyo napagod lang ako, ang dami namin pinuntahan ni Mommy," tukoy kay Yolanda.Na
NATIGILAN si Jewel matapos iyong marinig, mababanaag sa kanyang mukha ang kalituhan at pagkabigla. "N-Nasisiraan ka na ba?!" hindi niya napigilang isatinig.Nais nitong totohanin ang pagpapanggap nilang magkarelasyon?!"Seryoso ako," ani Archie.Nasapo na lamang ni Jewel ang noo, nasi-stress sa pinagsasasabi nito. "Sa tingin mo ba'y masusulosyunan ang--""I don't care, ang mahalaga lang sa'kin ay ang result."Mas nadepina ang kunot sa noo ng dalaga. "Anong result ang sinasabi mo?""Ano bang gusto mong kapalit?" sa halip ay balik tanong ni Archie."Wala.""Are you sure? Magbe-benefit sa'yo ang pakikipagrelasyon sa'kin.""Nababaliw ka na ngang talaga," anas niya at ilang sandali pa ay napaisip. "Sige, kung anong gusto mo." Hindi maamin na may punto ito, malaking tulong sa kanya kung tototohanin nila ang relasyon kahit kunwari lang. Matutuwa ang magulang kapag nalaman ng mga ito na boyfriend niya si Archie. "Pero ayoko ng gulo, baka sugurin ako ng dati mong fiancee, mahirap na." Hindi na