Share

Chapter 37

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-06-30 22:40:42

NAGLAKAD palapit si Patricio saka sinabi ang nais na mangyari, "Ang gusto ko ay pakasalan mo ang anak ko."

Hindi lang si Jewel at Archie ang nabigla sa sinabi nito dahil maging si Jian ay nagulantang. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari.

Ang nais niya ay mapagalitan ang kapatid at pagbawalan ng makipagkita kay Archie hanggang sa tuluyang maghiwalay ang dalawa.

Noon pa man ay gusto na niya ang binata pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit dito. Siya dapat ang ka-blind date at magiging girlfriend pero sinalo iyon ni Jewel dahil wala siyang mga panahon na iyon. "D-Daddy, baka naman pwedeng huminahon ka muna," aniya sa ama. "Masiyado pang maaga para ipakasal mo si Jewel."

Tumango-tango naman si Archie, sang-ayon sa sinasabi nito saka tiningnan ang ama. Umaasang sasalungat ito sa gustong mangyari ni Patricio ngunit umiwas lang ito ng tingin.

Hindi man sang-ayon si Chris sa nais nitong mangyari ay mas gugustuhin na lamang niyang iyon ang maganap. Ang makasal ang anak para
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 37

    NAGLAKAD palapit si Patricio saka sinabi ang nais na mangyari, "Ang gusto ko ay pakasalan mo ang anak ko."Hindi lang si Jewel at Archie ang nabigla sa sinabi nito dahil maging si Jian ay nagulantang. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari.Ang nais niya ay mapagalitan ang kapatid at pagbawalan ng makipagkita kay Archie hanggang sa tuluyang maghiwalay ang dalawa.Noon pa man ay gusto na niya ang binata pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit dito. Siya dapat ang ka-blind date at magiging girlfriend pero sinalo iyon ni Jewel dahil wala siyang mga panahon na iyon. "D-Daddy, baka naman pwedeng huminahon ka muna," aniya sa ama. "Masiyado pang maaga para ipakasal mo si Jewel."Tumango-tango naman si Archie, sang-ayon sa sinasabi nito saka tiningnan ang ama. Umaasang sasalungat ito sa gustong mangyari ni Patricio ngunit umiwas lang ito ng tingin.Hindi man sang-ayon si Chris sa nais nitong mangyari ay mas gugustuhin na lamang niyang iyon ang maganap. Ang makasal ang anak para

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 36

    TILA isang gadget na nag-malfunction si Jewel sa narinig. Tuloy, nabigla at nagtaka ang grupo ng mga babae napagtanungan niya."A-Ayos ka lang, Miss? Hindi mo ba boyfriend 'yang kasama mo?" tanong ng isa sa mga ito.Nilingon muna niya si Archie bago sumagot, "B-Boyfriend."Medyo natawa ang babae. "Bago lang ba? Ayos lang 'yan, magpapahinga lang naman kayo. Saka, tulog na tulog, o. Walang mangyayari."Tumango-tango na lamang si Jewel saka nagpasalamat. Pagkaalis ng grupo ay may napagtanto siya. Kulang na lamang ay pukpukin ang ulo. "Ba't hindi ko 'yun agad naisip?!" Pagkatapos ay hinalughog ang bag, hinahanap ang phone pero... wala! "Nasa'n na 'yun?!" Nasa puntong babalik na siya sa bar nang mapansin na tila may umiilaw sa loob ng sasakyan ni Archie. Pagsilip...Ayon. Nasa ibaba ng upuan ang phone niya, marahil ay nahulog kanina.Napadaing siya sa inis. Kaya ang sunod niyang ginawa ay hinagilap ang phone ni Archie na nakuha niya sa bulsa. Pero...May crack na ang screen at ayaw mag-on.

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 35

    HINIHINGAL na tumigil si Chantal, animo ay tumakbo siya ng pagkalayo-layo. Matapos ay nilingon ang pinanggalingan kahit pa hindi naman makikita ang banyo sa kanyang puwesto.Wala man lang kaide-ideya na nasa malapit si Felip, nakatanaw.Nang ibalik ang tingin ay nabigla pa si Chantal ng makita ito. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Habang naglalakad palapit.Umiling si Felip. "Pupuntahan na nga sana kita. May nangyari ba?" Dahil pansin niya ang pamumutla nito, tila naka-encounter ng hindi maganda.Napakurap si Chantal sabay iwas ng tingin. "W-Wala, may narinig kasi ako kaya, a'yon, natakot bigla." Sabay tawa para itago ang katotohanan."Sila Archie ba, hindi mo napansin?"Tinuro ni Chantal ang direksyon patungo sa banyo. "Sa restroom. Tara, nagugutom na 'ko," aniya sabay hila sa kamay nito pabalik sa dining area at nagpatianod naman si Felip."Sina Archie at Jewel?" tanong naman ni Chris matapos bumalik ang mga ito."Nando'n pa, 'Pa," tipid na sagot ni Chantal.Matapos ay isang mahabang kata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 34

    MATAPOS ay parehong natahimik ang mag-asawa... iniisip ang mga anak."Akala ko pa naman, magiging normal ang buhay pag-ibig ng mga bata... Kasing gulo rin pala ng sa'tin," ani Shiela."Napapaisip naman ako kay Chantal... Nabanggit ni Felip na pinaplano niyang manirahan abroad dahil nagpo-focus na siya sa negosyo nila sa States.""Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa'kin?" mahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Shiela."Plano pa lang, hindi pa rin naman niya nasasabi kay Chantal.""Kapag nalaman 'to ni Archie, paniguradong magkakagulo na naman," ani Shiela."Kaya nga dapat na hindi niya malaman."MALALIM na ang gabi pero katatapos pa lamang ni Felip na mag-shower dahil late na siyang nakauwi. Habang nagpupunas ng basang buhok ay napatingin siya sa asawa na natutulala sa kama, nakatingin sa labas ng bintana."Ayos ka lang ba?"Napalingon si Chantal at ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga mata ang tuwa. "Medyo napagod lang ako, ang dami namin pinuntahan ni Mommy," tukoy kay Yolanda.Na

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 33

    NATIGILAN si Jewel matapos iyong marinig, mababanaag sa kanyang mukha ang kalituhan at pagkabigla. "N-Nasisiraan ka na ba?!" hindi niya napigilang isatinig.Nais nitong totohanin ang pagpapanggap nilang magkarelasyon?!"Seryoso ako," ani Archie.Nasapo na lamang ni Jewel ang noo, nasi-stress sa pinagsasasabi nito. "Sa tingin mo ba'y masusulosyunan ang--""I don't care, ang mahalaga lang sa'kin ay ang result."Mas nadepina ang kunot sa noo ng dalaga. "Anong result ang sinasabi mo?""Ano bang gusto mong kapalit?" sa halip ay balik tanong ni Archie."Wala.""Are you sure? Magbe-benefit sa'yo ang pakikipagrelasyon sa'kin.""Nababaliw ka na ngang talaga," anas niya at ilang sandali pa ay napaisip. "Sige, kung anong gusto mo." Hindi maamin na may punto ito, malaking tulong sa kanya kung tototohanin nila ang relasyon kahit kunwari lang. Matutuwa ang magulang kapag nalaman ng mga ito na boyfriend niya si Archie. "Pero ayoko ng gulo, baka sugurin ako ng dati mong fiancee, mahirap na." Hindi na

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 32

    HINDI lang si Chantal ang nabigla sa sinabi nito dahil maging ang secretary ay napatigalgal sa narinig.Soon-to-be wife?!Saksi siya sa nangyaring date kagabi ng dalawa at alam niyang hindi naging maganda ang kinalabasan kaya naguluhan nang husto ang secretary.At isa lang ang dahilan kaya umaakto nang ganoon si Archie... walang iba kundi si Chantal. Gustong makita na magselos ang dating nobya.Tuloy, parang may dumaan na kung ano kaya natahimik silang lahat doon. Si Yolanda na nakangiti pa ay nagtaka rin at nagpalipat-lipat ang tingin sa mga ito. "May problema ba?"Agad naman natauhan si Chantal at ngumiti. "N-Ngayon ko pa lang kasi siya nakita at hindi ko akalaing ang ganda niya pala."Bumalik ang tuwa sa mukha ni Yolanda. "Siyang tunay kaya bagay na bagay sila."Si Jewel naman ay hindi kumbinsido sa sinabi ni Chantal. Open secret sa malalapit sa pamilya Cruz ang naging relasyong ng dalawa. At kabilang na ang pamilya niya roon sa nakakaalam.Sinamantala naman ni Archie ang sitwasyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status