Share

CHAPTER (7)

last update Last Updated: 2025-03-12 16:59:30

Kabanata 7: Mga Panuntunan ng Laro

"Sa isang kasunduan, ang malinaw na mga patakaran ang nagtatakda ng hangganan. Pero paano kung sa laro ng kasinungalingan, ang mga patakaran mismo ang unang malabag?"

Tahimik si Emma habang nakaupo sa harapan ni Chase. Nasa loob sila ng isang pribadong dining hall sa isang mamahaling restaurant sa Makati. Silang dalawa lang ang naroon, ngunit sa pakiramdam niya, para siyang nasa isang interrogation room.

Sa pagitan nila ay isang dokumentong halatang maingat na pinag-aralan—ang kasunduang magbubuklod sa kanila bilang mag-asawa… kahit sa papel lang.

"Basahin mo," malamig na sabi ni Chase, ipinapakita sa kanya ang kontrata. "Dito nakasaad ang lahat ng terms and conditions ng kasal natin."

Bumuntong-hininga si Emma. Kinuha niya ang papel at sinimulang basahin. Habang sinusuyod ng mata niya ang bawat linya, mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya.

Kasunduan ng Pansamantalang Kasal:

1. Ang kasal ay tatagal ng isang taon bago ito maaaring tapusin.

2. Sa harap ng publiko, dapat silang magpanggap bilang isang tunay na mag-asawa.

3. Walang emosyonal na pagkakaugnay ang dapat mabuo sa pagitan nila.

4. Kailangang tumira si Emma sa penthouse ni Chase upang mapanatili ang imahe nila bilang mag-asawa.

5. Ang sinumang lalabag sa kasunduan ay may kaukulang parusa, kabilang ang legal consequences at financial penalties.

Napakuyom si Emma ng kamao habang binabasa ang huling bahagi. Financial penalties? Ibig sabihin, kung siya ang unang sumuko, may babayaran siyang halaga?

Napansin ni Chase ang reaksiyon niya. "I’m a businessman, Emma. Gusto kong siguruhin na hindi ka basta-basta aalis kung kailan mo gusto."

Tumaas ang kilay niya. "At paano naman kung ikaw ang unang sumuko?"

Ngumisi si Chase. "Hindi ako sumusuko."

Umiling si Emma. "Ang yabang mo."

Ngumiti lang si Chase na parang naaliw sa sinabi niya.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa. Ngunit nang makarating siya sa isang partikular na linya, hindi niya napigilang itaas ang tingin.

"Sa loob ng itinakdang panahon ng kasal, ang babaeng partido ay walang karapatang makipagrelasyon sa iba, samantalang ang lalaking partido ay pinapayagang makipagkita sa iba basta’t walang media exposure."

Kumulo ang dugo ni Emma. "Ano ‘to? Hindi patas!"

Nagtaas ng kilay si Chase. "Business deal ‘to, Emma, hindi fairytale romance. Besides, ano namang pakialam mo kung makipagkita ako sa iba?"

Napahigpit ang hawak niya sa papel. "Kung ikaw ay may kalayaang gawin ‘yon, dapat pantay tayo. Bakit ako hindi pwedeng makipagkita sa iba?"

Lumapit si Chase, ang mga mata nito’y nangungusap ng isang babala. "Dahil asawa kita, Emma. At ang asawa ko, hindi tumitingin sa iba."

Nanlaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa pagka-possessive ng tono nito.

"Hindi totoo ang kasal na ‘to, Chase," paalala niya. "So huwag kang magpanggap na parang may tunay tayong relasyon."

Napatitig si Chase sa kanya. "Kung gusto mong baguhin ang rule na ‘yan, then go ahead."

Nagtagal ang titigan nila, parang isang laban na walang gustong umatras. Hanggang sa si Emma na mismo ang unang umiwas ng tingin.

Huminga siya nang malalim at tumingin muli sa kontrata. Napakaraming bawal. Napakaraming kondisyon.

At napakaraming bagay na hindi pa niya alam kung kaya niyang panindigan.

"May tanong ka pa ba?" malamig na tanong ni Chase.

Muling tumingin si Emma sa lalaki, alam niyang sa sandaling pirmahan niya ang kasunduang ito, wala nang atrasan.

Humigpit ang hawak niya sa ballpen bago dahan-dahang lumagda sa papel.

Chase watched her with an unreadable expression. Nang matapos siya, kinuha ito ni Chase at siya naman ang pumirma.

Nang mailapag niya ang ballpen, nagtagpo ang tingin nila.

"Simula ngayon, Mrs. Donovan ka na," aniya ni Chase, ang boses nito ay may kakaibang lalim.

Hindi siya sumagot. Pero sa loob-loob niya, alam niyang ito na ang simula ng isang laban na hindi niya alam kung paano niya tatapusin.

Pagkalagda sa kontrata, nanatili silang parehong tahimik. Parang may bigat sa ere na hindi nila alam kung paano aalisin.

Chase was the first to break the silence. "Tomorrow, lilipat ka na sa penthouse."

Napakunot ang noo ni Emma. "Agad-agad?"

"Yes." His voice was firm, leaving no room for argument.

Napalunok siya. Totoo na ito. Wala nang atrasan.

Sa puntong ito, hindi na niya pwedeng pagdudahan pa ang desisyon niya. Kailangan niyang panindigan ang kasunduang ito kung gusto niyang mailigtas ang bahay ng kanyang pamilya.

Kinabukasan

Dumating si Emma sa penthouse ni Chase na may dalang dalawang maletang puno ng kanyang gamit. Hindi niya alam kung paano siya dapat kumilos sa lugar na ito. Alam niyang magiging tahanan niya ito sa susunod na isang taon, pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang.

Ilang saglit pa lang siya sa loob, ngunit pakiramdam niya, wala siyang karapatan na nandito.

"Ano’ng ginagawa mo sa pagtayo diyan?" tanong ni Chase, na kasalukuyang nakasandal sa may hagdan, suot ang isang itim na button-down shirt na bahagyang nakabukas sa may dibdib. "Hindi ka bisita dito, Emma. Tumira ka na dito."

Napailing siya. "Sinabi mo lang, pero hindi ko naman nararamdaman."

Naglakad si Chase palapit at tumingin sa kanya nang matalim. "Then let me make it clear—mula ngayon, dito ka titira. At bilang asawa ko sa mata ng publiko, may mga bagay tayong kailangang sundin."

"Like what?" taas-kilay niyang tanong.

Ngumisi si Chase, isang ngiting may bahid ng panunukso. "Una, sa harap ng mga tao, magpapakita tayo ng pagiging sweet couple."

Napataas ang kilay ni Emma. "Gaano ka-sweet?"

Umangat ang sulok ng labi ni Chase. "I guess you’ll find out soon enough."

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung paano niya mapagtatagumpayan ito, pero wala na siyang magagawa kundi ang sumabay sa agos.

Naglakad siya papasok, iniwan si Chase na nakatingin sa kanya.

Habang tinatanaw siya nito, isang bagay ang hindi niya napansin—ang bahagyang pagbabago sa tingin ni Chase.

At sa kabila ng lahat ng patakaran nilang dalawa, may isang bagay silang hindi isinulat sa kontrata—ang posibilidad na may mahulog.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [100]

    CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [99]

    Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nito—hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellar—panahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouse—isang mala-silid

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [98]

    Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (97)

    Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (96)

    Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder — laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets — alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (95)

    Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "What’s this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status