Share

CHAPTER FIVE

Author: Em N. Cee
last update Last Updated: 2021-12-29 11:00:07

   "Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?"

   "Eh kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya.

   "Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" Pagtataka ko.

   "Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no."

   "Nandoon ka?" tanong ko.

   "Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa."

    "Ah, akala ko nandoon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman.

   "Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui."

   "Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko.

   "Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala namang papalit sa kanya dahil hindi pa napag-isipan ni Sir Frank kung uupo ba siya o hindi," paliwanag ni Kimverly.

   "Eh siguro, naawa na lang itong si junakis kay pudra dahil jonda na nga, no choice na siya kaya.." Naputol ang pagsasalita niya. "Ay, chosko, Florence! Dito na pala ako."

   Tumayo na siya at nagtitili, "Manong, Manong, wait, Manong! Dito na po ako! Para po!"

   Huminto ang bus at nagpaalam na siya sa akin, "See you tomorrow!"

   "See you!"

***

   "Kumusta sa bago mong opisina, anak?" tanong ni Mama sa akin habang pinagsasaluhan namin para sa hapunan ang niluto niyang sinigang.

   "Okay lang naman po. Mukhang mababait naman po ang mga tao doon." Kumuha pa ulit ako ng kanin, ang sarap kasi ng sinigang ni Mama, tamang-tama lang ang asim at alat, sabayan pa ng sawsawang patis na may sili.

   "Eh 'yong bago mong boss?" tanong niya. Alam ni Mama ang lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil close talaga kami. Bukod sa kaming dalawa lang talaga ang magkasama mula pa noon, itinuturing ko rin siyang "bestest friend" ko.

   "Feeling ko mabait din naman po. Walang ere, kasabay ko nga po mag-lunch kanina." Kaso naalala ko bigla iyong mga kuwento ni Kimverly saka kung paano siya nagmumura paminsan-minsan. "Pero 'di ko pa rin po masabi."

   Pagkatapos kumain ay si Mama na ang naghugas ng mga pinggan. Ako naman ang naglinis ng lamesa at nag-mop na rin ng konti sa kusina.

   Dahil medyo maaga pa naman at hindi pa ako inaantok, binalikan ko iyong ginagawa kong oil pastel drawing. Scenery iyon sa probinsya namin na matagal na naming hindi nauuwian ni Mama - dalampasigan na may naka-daong na mga makukulay na bangkang pangisda.

   Bukod sa wala kaming pera noon para maka-uwi sa amin, alam kong iniiwasan talaga ni Mama. Kasi hanggang ngayon, dinadala pa rin niya iyong mga naging panghuhusga sa kanya noong ipinagbuntis niya ako sa edad niyang labing-walo. Ang masaklap, hindi naman siya pinanagutan ng Papa ko, na hindi ko na nga nakilala.

   Habang ginagawa ko ang drawing ay mahina kong pinatutugtog ang playlist ko ng BTS sa phone.

   "'Cause I-I-I'm in the stars tonight.." napapakanta na nga, "So watch me bring the fire and set the night alight.."

   Ganadung-ganado na ako nang biglang mapalitan ang tumutugtog na "Dynamite" ng ring tone ko. May tumatawag pala.

   Unregistered number. Sino kaya ito?

   Tinanggap ko ang tawag. "Good evening. Sino po sila?"

   Isang baritonong boses ang sumagot sa akin, "Hi. Ako 'yong ka-chat mo sa Tinder."

   "Huh?" gulat na sabi ko. "W-wala po akong Tinder. Wrong number po kayo."

   Tatapusin ko na sana ang tawag nang tumawa iyong nasa kabilang linya. Pamilyar sa akin ang tunog ng pagtawa niya.

   "Joke lang," natatawa pa rin niyang sabi. "Si Frank 'to."

   "Sir Frank?" paniniyak ko. Baka kasi kung sinong Frank at ma-prank ako.

   "Uh-huh," sumagot siya. "Listen up, I have something to tell you."

"Ano po 'yon, Sir?" tanong ko. Gusto ko sana siyang usisain kung saan niya nakuha ang cellphone number ko, pero siyempre, siya ang boss kaya marami siyang means.

   Pero loko rin talaga itong bossing ko. Naisip pa niyang magbiro ng ganoon patungkol sa Tinder. Baka gumagamit talaga siya ng dating app na iyon? Ewan ko dito.

   "Ayokong pumasok bukas," deklara niya. "Bahala ka na sa opisina."

   Ganoon lang iyon? Ayaw niyang pumasok so hindi siya papasok? Kasisimula lang niya sa trabaho kanina tapos absent agad siya bukas?

   Ano namang paki mo kung ayaw niyang pumasok? sabi naman ng isang bahagi ng utak ko. Oo nga naman.

   "Florence..." tawag niya sa akin sa malamyos na boses. Wala sa loob na napalunok ako.

   "N-nandito pa ako, Sir." Nagpalusot na lang ako sa hindi ko agad pagsagot. "M-medyo mahina lang po ang.. ang signal ko."

   May naalala ako bigla. "Sir, paano po pala 'yong mga meeting niyo bukas?"

   "Just call them early morning tomorrow and inform them I couldn't come to work because I'm sick." Sa tono ng pagsasalita niya ay mukha namang hindi totoo ang sinasabi niya.

   Pero baka nga tunay naman kaya nagtanong pa rin ako, "Masama po ang pakiramdam niyo?"

    Narinig kong tumawa siya bago nagsalita nang seryoso, "Don't worry, it's not true. But don't tell anyone, okay?"

   Idadamay mo pa talaga ako sa pagsisinungaling, Sir.

   "May kailangan lang kasi akong asikasuhin outside of the Metro. Pero ayokong ipaalam kahit kanino," nagpaliwanag siya. "But then I'll be back the next day, okay."

   "Sir, 'pag nagtanong po sila Miss Celine o kahit sino sa office, at sinabi ko po na may sakit kayo, eh baka mag-alala din po sila," nagpaliwanag din ako. "Alam niyo na po, COVID. Baka isipin nila na me'ron kayo at mahawa sila."

   "Damn." Pumalatak siya "Alright, I'm gonna get a swab before I return to work and show everyone."

   "Okay po," sabi ko na lang kasi parang galit pa siya, nagpaalala lang naman ako. Hindi ko na rin alam kung anong isasagot doon.

   "Alright. Bye," paalam niya sabay putol ng tawag. Hindi na niya ako hinintay na makasagot.

   Tinignan ko pa ang screen ng cellphone ko pagkatapos. "Badtrip ka, Sir?"

   Nasa ganoon akong eksena nang may mag-message, galing sa number na iyon.

   BTW, thanks. Save my number. – Frank

   Okay. Eh 'di i-save.

***

   Maaga pa rin akong pumasok kahit alam kong hindi papasok si Sir Frank ngayong araw. Ayos din, magagamit ko ang oras na wala siya para mas magamay ko pa ang trabaho ko sa bagong opisina.

   Sumakay ako ng elevator at pasara na sana ang pinto pero nakita kong may paparating. Mabilis kong pinindot ang "open door" button para makahabol kung sino man itong sasakay.

   Kaso, natulala ako nang makita ko na siya sa malapitan.

   Si Sir Maui!

   Pakiramdam ko nag-slow mo ang lahat ng kilos at galaw sa kapaligiran, at sa gitna ng katahimikan naming dalawa, para bang naririnig ko na ang tibok ng sarili kong puso.

   "Are we still waiting for someone else?" tila bagot na tanong niya. Nasa loob na kasi siya ng elevator pero hindi ko pa rin pala naiaalis ang daliri ko na naka-pindot lang sa buton.

   Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tono ng pananalita niyang kasing-lamig ng yelo.

   Pero kahit ganoon ay sinikap ko pa ring maging magalang. "G-good morning po, Sir."

   Tumango lang siya, pero hindi siya sumagot - ni hindi man lang ngumiti.

   Pero kahit ganoon, guwapo pa rin siya sa paningin ko. Ang mga mata niya, kulay brown pero malamlam. Akala ko sadyang ganoon lang, pero nang malaman ko ang kuwento tungkol sa namatay niyang GF dahil sa aksidente, naisip ko na baka iyon ang dahilan kung bakit para bang laging may lungkot sa kanyang mga mata.

   Pinindot ko ang 23rd sa buttons bago pa niya ako masita ulit, baka masigawan na nga ako nito dahil mukha na akong eengot-engot. Hindi ko na siya tinanong at alam ko namang katabi lang ng opisina niya ang opisina namin.

   Sa totoo lang, parehas lang naman sila ni Sir Frank na Kastilain ang hitsura pero mas maamo kasi ang mukha ni Sir Maui. Si Sir Frank kasi iyong tipo na akala mo laging may namumuong kalokohan sa utak, hindi tulad ni Sir Maui na mukhang mabait at matino.

   Matangos din ang ilong ni Sir Maui. Perpekto ang hugis ng mga labi. Malinis tignan - walang kahit anong balbas o bigote sa mukha, clean cut ang buhok. Minsan ko na rin siyang nakitang ngumiti sa isang meeting, at na-retain na iyon sa utak ko habambuhay. Ang guwapo niya lalo! May dimple din siya sa magkabilang-pisngi.

   "Saang office ka?" biglang tanong niya sa akin.

   Parang tumugtog sa isip ko iyong Bibingka ng Ben and Ben.

   Nagsi-awit ang mga anghel sa langit..

   Mali. Pang-Christmas pala iyon.

   "Sa OVPEA po," binanggit ko iyon kung paano banggitin ng mga ka-opisina ko - O-V-Peya.

   Ito ang unang beses na kinausap niya ako sa loob ng ilang taong pagta-trabaho ko sa kumpanyang ito. Parang gusto kong magpa-ice cream sa mga ka-opisina ko mamaya.

   "Bago ka?" tanong niya ulit.

   Hindi niya siguro natatandaan na dati akong tiga-Accounting Department - hawak pa naman ng opisina niya ang departamento namin. Pero sino ba ako para magdamdam? Isang hamak na empleyado lang naman ako.

   Ipinaliwanag ko na lang, "Bago po ako sa OVPEA pero galing po ako ng Accounting Department."

   "Talaga?" Tumingin siya sa akin at nakita ko sa mukha niya na napapa-isip siya. "Parang hindi kita natatandaan."

   Awit! Hindi na awit ng anghel 'to, Florence.. aww sakit na 'to!

   "Ah, eh, Accounting Clerk lang po kasi ako noon, Sir," iyon na sa palagay ko ang pinaka-puwede kong isagot sa kanya. "K-kaya po wala po sigurong chance na magkita o magkausap po tayo."

   Tumigil ang elevator at bumukas. 23rd floor na. Tumabi ako para paunahin na sana siyang lumabas, pero sumenyas siya na ako na ang mauna. Lumabas ako at naglakad nang mabagal para sana maka-una na siya sa akin, pero naramdaman ko na nakasunod lang siya sa likuran ko.

   "Hindi ka Accounting Clerk lang," bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. In-emphasize niya pa iyong salitang "lang". "Everybody in this organization is important, so I don't want to hear you belittle yourself the next time, okay?"

   Marahang tinapik pa niya ang balikat ko bago siya naglakad at nilagpasan ako.

   Naiwan akong tulala habang nakatingin sa bulto niyang papalayo sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   EPILOGUE

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-THREE

    "Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-TWO (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-ONE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SIXTY-NINE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status