“Si Daddy at ako ay nagkasundo na sasamahan namin sa dalampasigan si Tita Regina bukas. Kung sakaling biglang na lamang dumating si Mommy at sumama sa amin, magiging nakakahiya ito para sa amin.” nagsusumigaw pa ng munting bata.
“Bukod pa rito, laging masungit si Mommy, hindi maganda ang kanyang pakikitungo kay Tita Regina.” dagdag pa nito. “Binibini, siya ay ang iyong Ina. Hindi ka dapat magsalita ng ganyan. Masasaktan ang damdamin ng iyong Ina maayos ba?” mahinahong tugon ng mayordoma. “Alam ko, pero mas gusto namin ni Daddy si Tita Regina. Hindi ba pwedeng siya na lang ang maging Ina ko?” sagot ng supling. Hindi na narinig pa ni Luna ang mga salitang binitawan ng mayordoma. Siya na ang nag-alaga at nagpalaki sa kanyang anak ng mag-isa. Sa nakalipas na dalawang taon, mas marami silang oras na magkasama. Sa halip, si Aria ay mas malapit sa kanyang ama. Noong nakaraang taon, pumunta si Eduardo sa Villa Esperanza upang paunlarin ang merkado, at ang kanyang anak na babae ay kinakailangang sumama sa kanya. Dahil sa hindi niya kayang umalis ang kanyang anak, kaya natural lang na umaasa siyang makakasama niya ito. Ngunit hindi niya masikmura na makita ang kanyang anak na malungkot, kaya't kahit labag ito sa kanyang kalooban ay pumayag siya. Hindi niya inaasahan ang lahat… Nakaramdam ng lamig si Luna habang nakatayo roon, maputla ang mukha at hindi makagalaw nang ilang sandali. Isinantabi niya ang kanyang mga tungkulin at nagtungo sa Villa Esperanza. Sa pagkakataong ito, nais din niyang makasama ang kanyang Anak ng mas matagal. Ngunit nararamdaman niyang, hindi na pala mahalaga iyon. Bumalik si Luna sa silid at ibinalik sa maleta ang mga regalong dala niya mula sa Valley Heights. Ilang sandali pa, nagbalik ng tawag ang mayordoma at sinabi na dinala niya ang mga bata upang maglaro, at hiniling sa kanya na makipag-ugnayan kung mayroon siyang anumang kailangan. Umupo na lamang si Luna sa kama, nararamdaman ang kawalan at halo-halong pagkalito. Iniwan niya ang kanyang mga tungkulin at nagmamadaling lumipad papunta sa Villa, ngunit walang sinuman ang nangangailangan sa kanya. Ang kanyang pagdating ay nagmistulang parang isang biro lamang. Matapos ang mahabang oras, lumabas siya. Naglalakad na tila walang patutunguhan sa kakaiba ngunit ang lugar ay parang pamilyar sa kanya. Malapit nang mag tanghalian, naalala niya ang napagkasunduan pagkikita ni Eduardo para sana kumain sa labas. Nang maisip niya ang mga narinig kaninang umaga, habang nag-aalinlangan kung uuwi ba siya para kunin ang anak, bigla siya nakatanggap ng isang mensahe mula sa lalaki. [May mahalagang gagawin ako sa tanghalian, kaya kanselado muna ang lakad.] Aniya. Tiningnan ito ni Luna nang walang bakas na sorpresa sa kanyang mukha, dahil narin sa ito'y nasanay na. Sa puso ni Eduardo, kahit pa ito'y isang importanteng negosyo, o pagtitipon kasama ang mga kaibigan… lahat ay mas pinahahalagahan niya kaysa sa kanyang asawa. Palagi nitong hinahamak ang mga napagkasunduan nila nang walang pag-aalinlangan. Hindi nito kailanman pinapansin ang kayang nararamdaman. Nawala? Marahil noon pa man. Bulong niya sa kanyang sarili. Ngayon ay manhid na siya, at hindi na niya nararamdaman ang anumang sakit. Lalo pa ngang naguluhan si Luna. Masiglang dumating siya rito, ngunit sinalubong siya ng kanyang asawa at anak ng malamig na pagtanggap. Walang malay, nagmaneho siya patungo sa restawran kung saan sila madalas kumain ni Eduardo noon. Sa paghakbang niya patungo sa pintuan ng restawran, nahagip ng kanyang paningin ang mga pigura nina Eduardo, kasama ang anak na babae, at ang babaeng si Regina Saison. Silang tatlo ay naroon at masayang nakaupo sa isang mesa. Si Regina ay nakaupo sa isang gilid kasama ang kanyang anak na babae, nag sasabi ng mga bulong at tawa, tila masaya silang nagkukwentuhan, habang kinukulit ni Regina ang kanyang anak. Ang munting supling na si Aria ay masayang nag-uugoy ng kanyang mga paa, nagsasaya sa paglalaro kasama si Regina. Hindi niya alintana ang kalat na nagawa niya habang nagkukwentuhan sila. Nang makita ang mga pastry na kinagat ni Regina, lumapit din si Aria at kinagat din ito. Isang malambing na ngiti ang sumilay sa labi ni Eduardo habang kinukuha niya ang pagkain para sa dalawa. Ngunit kahit nakatingin siya sa kanyang anak, tila ang mga mata niya ay hindi maalis kay Regina, na para bang siya lang ang tunay na nakikita sa kanyang paningin. Ito ang kamalian na makikita sa sinasabi ng lalaki. Ito rin ang anak na kanyang ipinagbubuntis sa loob ng siyam na buwan, halos kalahati ng kanyang buhay ang kinalakihan nito. Ngumiti si Luna, habang nakatayo roon at nanood. Pagkaraan ng ilang sandali, binawi niya ang kanyang tingin, at tumalikod upang umalis. Pabalik sa Villa, binuo ni Luna ang kasunduan para sa diborsyo. Siya ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso noong kabataan niya, ngunit parang isang bituin sa kalangitan, hindi niya maabot. Kung hindi dahil sa trahedyang naganap noong gabing iyon at sa walang-tigil na pagtulak ng matanda, hindi siya mag sasang-ayon na pakasalan si Luna. Noong nakaraan, nagbabakasakali siyang paniwalaan na kung magpapakabuti lang siya, masisilayan din siya ng kanyang lalaking minamahal. Ngunit ang katotohanan ay tumama sa kanyang mukha. Halos pitong taon na ang nakalipas. Panahon na para magising si Luna sa kanyang panaginip. Matapos ilagay ang kasunduan tungkol sa diborsyo sa isang sobre, ipinagkatiwala niya ito sa mayordoma upang maibigay ito kay Eduardo, hinila niya ang kanyang maleta patungo sa kotse. Sa driver, malinaw niyang inutos, “Papunta sa airport.” Aniya.Pagkarinig nito, napangiti si Luna, isang mapait at mapanuyang ngiti.Siguro siya lang ang tao sa mundo na kailangang pagsabihang makisama at huwag awayin ang isang kabit! Dahil sa sobrang mahal ito ng sarili niyang asawa.Maging si Jeriko ay hindi rin nakatiis sa narinig. Kaya sabi niya, "Ang Annex ay hindi natatakot kay Eduardo."Dahil sa Technopath, matagal nang may proteksyon ang kumpanya nila mula sa gobyerno.Hindi nagalaw ni Eduardo ang Annex kamakailan, pero kung hindi siya nagkakamali sa proyektong tinatrabaho nila, susuportahan na rin iyon ng gobyerno sa lalong madaling panahon.Sa pagkakataong ito, malaki ang posibilidad na lalaki pa nang husto ang kumpanya nila sa loob ng isang taon. At sa pagdating ng panahong 'yon, mas lalo nang hindi kayang galawin ni Eduardo ang Annex.Kaya’t nang sabihin niyang hindi nila kinatatakutan si Eduardo, hindi iyon basta bugso lang ng damdamin o padalos-dalos na salita.Ito ay kumpiyansang pinaghirapan at pinanday mismo ni Luna para sa saril
Naalala niyang malungkot siyang pumunta sa banyo noong araw na iyon, at pagbalik niya, nakita niya ang Matandang Ginang na may hawak na dalawang sorbetes sa kamay, binili para sa kanya at kay Regina.Agad namang pinili ni Regina ang buo at walang sira.Hinaplos lang ni Matandang Ginang ang ulo niya at ngumiti. Hindi niya itinapon ang nadumihang sorbetes o pinalitan man lang ito para sa kanya.Pagbalik niya mula sa banyo, iniabot na lamang sa kanya ng tahimik ang sorbetes na may kagat, na para bang walang anumang dapat ipaliwanag.Sa yaman ng pamilyang Saison noong panahong iyon, hindi lamang isang sorbetes ang kaya nilang bilhin, kahit isang libo o sampung libo pa, kayang-kaya ng matandang ginang.Pero hindi niya man lang ito pinalitan nang ibigay ito sa kanya.Simula sa sandaling iyon, malinaw na malinaw na sa kanya: matagal nang nagbago ang puso ni Matandang Ginang para sa kanya.Hindi niya kailanman malilimutan ang mapanuyang tingin sa kanya ni maliit na Regina nang makita siyang h
"Oo, may ilang proyekto ang kumpanya ni Mr. Galang na interesado ako kamakailan, kaya dumaan ako para makipag-usap sa kanya." kalmadong sagot ni Mr. Mendez.Nang makita niyang nakatayo lang sina Jeriko at Luna sa di kalayuan at hindi lumalapit, bahagyang napahinto si Ernesto, ngunit hindi na niya ito masyadong inintindi.Si Mr. Mendez naman, na walang alam sa tensyon sa pagitan nila, ay nagtaka sa kilos ni Jeriko at inakalang may kakaiba sa kanyang asal.Pagkatapos bumati ni Mr. Mendez kina Regina at Ernesto, lumapit naman sina Matandang Ginang Saison at Korina kina Luna at Jeriko.Bilang isang negosyante, alam ni Mr. Mendez na kahit hindi pa kilala ni Jeriko ang pamilya Saison, makabubuti pa rin sanang lumapit ito at bumati bilang pagpapakita ng respeto at pakikipagkaibigan.Si Jeriko ay napatingin kay Luna.Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanila, hindi gumalaw ni kaunti.Lumapit si Matandang Ginang Saison at ngumiti nang mahinahon, "Luna, ang tagal na nating hindi nagkita." ani
"Pasensya ka na, Luna," ani Eleanor sa kabilang linya. "Kailangan kong pumunta sa probinsya bukas, kaya hindi na kita masasamahan sa pagbili ng regalo para sa kaarawan ng lola mo.""Okay lang," sagot ni Luna nang mahinahon. "Nabili ko na rin naman." aniya.Hindi pa siya kailanman nakapunta sa antigong tindahang ito. Dumaan lang siya rito para subukang suwertihin, at kung wala siyang makita na angkop, balak sana niyang mamili na lang kinaumagahan kasama si Eleanor sa ibang lugar.Hindi niya inakalang makakakita siya ng bagay na talagang swak sa panlasa niya.Nagulat din si Eleanor at agad na nagsabi, "Talaga? Ayos 'yan!"Ngumiti si Luna. "Oo nga eh."Sa puntong iyon, biglang nagsalita si Eleanor, "Nga pala, Luna, nabanggit mo nung nakaraan na nakita mo ang pamilya Saison. Nangalap ako ng balita para sa’yo nitong mga nakaraang araw. Totoo nga, balak talaga ng pamilya Saison na manirahan na dito sa kabisera. Sinasabing tumitingin-tingin na raw sila ng bahay nitong mga araw na 'to." Nang
Habang kumakain si Aria, naalala ni Luna na may kailangan siyang kunin kaya umakyat siya sa kanilang silid.Pagpasok pa lang niya, agad niyang napansin ang dalawang brokeng kahon na mukhang mamahalin sa ibabaw ng kanyang tokador.Tulad ng naunang titulo ng bahay, dahil ang mga bagay ay nakalagay sa kanyang tokador, ibig sabihin ay para sa kanya ang mga iyon.Binuksan ni Luna ang isa sa mga bilog na kahong pelus habang may pag-aalinlangan.Pagkabukas na pagkabukas ni Luna ng kahong pelus at makita ang laman nito, napahinto siya sa gulat.Ito… ay hindi niya inaasahan, ang laman pala ng kahong iyon ay ang emerald jewelry set na gusto niyang bilhin noon sa subasta ilang araw na ang nakalipas!Yung isa namang kahon ay isang mahaba at parisukat na kahon na may kabigatan.Posible kaya…Pagkababa niya ng bilog na brokeng kahon sa kanyang kamay, binuksan ni Luna ang isa pang kahon, at totoo nga, may balumbon sa loob nito.Kinuha niya ang balumbon, inilapag ito sa bilugang mesa sa loob ng silid
"Putangina!"Biglang uminit ang ulo ni Eleanor, at para bang gusto na niyang lapitan si Regina at punitin ito sa galit!"Anak lang naman siya ng kabit, tapos siya rin ay isang kabit! ano bang ipinagmamalaki niya? Pa-heartthrob pa? Sa totoo lang, isa lang siyang basura, kadiri!" singhal ni Eleanor halos hindi na mapigilan ang galit.Binuhusan ni Luna si Eleanor ng isa pang baso ng tubig at mahinahong nagtanong, "Anong heartthrob?""Si Regina!" iritang sagot ni Eleanor."Gaya nga ng sinabi nung kaibigan ni Enrico na si Drake, Montaño, ewan ko ba kung bakit lahat ng mga anak-mayamang may utak sa lipunang ginagalawan ay parang nahuhumaling sa kanya. Ngayon, ang tawag pa sa kanya, charmer daw, yung tipo raw na kinahuhumalingan ng lahat!" anito.Patuloy pa rin sa pagbulong si Eleanor, puno ng inis: "Pero sige na nga, maiintindihan ko pa kung yung mga gago lang ang nagsasabing gano’n… pero pati si Eduardo at Enrico..."Sandaling natahimik si Eleanor nang mapagtanto niyang baka nasaktan si L