Theo's POV"What do you think, Theo?" anas ni kuya nang lisanin ni Ariana ang living room at nagtungo sa labas upang lapitan ang iba pang mga kasamahan nito. "Single siya, single ka, and you're both available. Hindi kaya mas maganda kung bibigyan mo ng pagkakataon na makilala niyo ang isa't-isa?"Sumabat si ate Lorie. "Oo nga. She came from a noble family, and other than that, matinong babae. Kung tutuusin ay meron nang mga naging boyfriend si Ariana, ang problema ay ayaw sa kanila ng pamilya niya.""And what makes you think na magugustuhan ako ng pamilya niya?" Pagak akong natawa. Nagkatinginan silang dalawang mag-asawa. Nagsalita si kuya Irigo, "Siguradong-sigurado kami roon, Theo. Besides, it could be arranged because that's how the business world works. Pasadahan lang natin sila ng ilang mga offers and partnerships sa kompanya natin, they'll give in eventually."Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni kuya. Bagkus ay binalingan ko ng tingin si Ariana na abalang nakikipag-usap s
Samantha's POVBumangon ako mula sa pagkakahiga nang muling rumehistro sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Karlos. 'Gusto kitang ligawan, Samantha. Wala akong pakialam kung may boyfriend ka pa. It doesn't stop me from wanting to pursue you.'Napahilamos ako sa mukha ko kasunod niyon ay ang pagtayo ko mula sa sofa. Hindi kalaunan ay hinagilap ko si Alya na sa mga sandaling iyon ay nasa kusina at nakaupo sa may dinner table. Sa harap niya ay nakatambak ang ilang mga folders na naglalaman ng iba't-ibang designs at house arrangements na siya mismo ang nag-ayos at gumawa. She's an interior designer. Gustuhin ko man siyang kausapin ngunit oras ng kanyang trabaho sa mga sandaling iyon. Nakita ko kung ano ang reaksiyon niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Karlos kanina. Kung ako ay hindi halos makaimik, siya naman ay halos hindi maipinta ang mukha. Agad siyang nag-walk out at kulang na lang ay hampasin ng kaldero si Karlos.Natawa na lamang ako sa inasta niyang iyon. Pero sa
Theo's POV"Pwede bang wag na lang akong pumunta?" iritable kong anas sabay salampak sa couch.Pagak na natawa si Neo. "Ikaw nga ang dahilan kung bakit magkakaroon ng thanksgiving party tapos hindi ka pupunta? Magbihis ka na doon. Maya-maya ay aalis na rin tayo.""Sino ba kasi ang nagpakulo ng thanksgiving party na 'yan?" Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko. "At bakit pa kailangang magkaroon niyan? I think, going to the church and praying for my successful recovery is enough.""Yeah, it is enough," anas ni Neo. "But that's not enough for ate Taylor. Siya kasi ang may gusto at nagpupumilit na mag-celebrate tayo ng okasyon na 'to. Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang concern niyon sa 'yo. Noon pa man ay siya na ang palaging nakaalalay sa 'yo lalo na kung nag-aaway kayo ni tito Irigo."I paused for a moment.Taylor.Pagkagising na pagkagising ko ay silang dalawa kaagad ni Neo ang unang-una kong hinanap. Wala akong ibang inisip nang mga sandaling iyon kundi panlulumo nang hindi ko ma
Samantha's POVPaglabas na paglabas ko sa banyo ay agad akong natigil nang maamoy ko ang mabangong niluluto mula sa kusina. Abot hanggang kwarto ang halimuyak ng pagkaing iyon habang rinig ko rin ang tunog ng kung anong ipiniprito roon. Sa mga sandaling iyon ay dali-dali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili ko. Sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay natigil ako nang mapagtanto ko na hindi si Alya ang nandoon. Agad na nabura ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko roon ang lalaking nag-alalay sa akin noong ilang araw akong nanatili sa ospital. Si Karlos Yelmas.Halata sa kanyang mukha ang sinseridad habang abalang nagluluto sa kusina. Maya-maya ay nabaling ang tingin ko sa lamesa kung saan ay may ilan na ring mga nakahain sa lamesa. Luto na ang kanin ganoon din ang iniluto niyang bacon at omelette."Good morning," bati niya na agad kong ikinaangat ng tingin sa kanya. "Kamusta ang tulog mo? Ayos lang ba?"Matipid akong ngumiti sa kanya at hindi kalaunan ay marahang tumango. "Anong gi
Alya's POVHindi ako nakaimik nang marinig ko mula kay Neo kung ano ang turing at tingin ni Mr. Irigo kay Samantha.Halos anim na taon na siyang nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang kabutihang loob ng mga Buendia sa kanya ganoon din kung paano siya ituring ng mga ito bilang isang pamilya.Sobrang saya niya kahit pa nilalait na siya ng kanilang mga kapitbahay dahil sa napili niyang trabaho. Sobrang saya niya dahil imbes na sa bakal na bato ay napunta siya sa matitinong mga tao na mayroong mabubuting loob.Pero nagkamali siya.Hindi sila tulad ng kanyang inakala.Putik?Aba! Kung hindi dahil sa best friend ko, hindi titino ang kapatid niya. Kung hindi dahil sa best friend ko, hindi magpupursige si Theo na palaguin pa lalo ang kanilang kompanya. Sino siya para pagsabihan ng ganoon si Samantha?Kung tutuusin nga magpasalamat pa sila sa kanya dahil sa dinami-rami ng naging secretary ng CEO ay siya lang ang nakatagal."Nabanggit mo na ba sa tiyuhin mo ku
Neo's POVAlas-diyes y medya na nang umuwi kami galing sa mansion.Agad na dumiretso si tito Theo sa kanyang kwarto habang ako naman ay nanatili sa living room. Napahilamos ako sa mukha ko kasunod niyon ay pabagsak akong humiga sa couch. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay pagod na pagod ako kahit pa ang ginawa lang namin sa mansion ay ang kumain at magkwentuhan.Hindi kalaunan ay bumalik ako sa kamalayan ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad akong umayos ng upo at hinarap iyon.Doon ay nakita ko ang sunod-sunod na message na nagmula kay Alya.'Ano na?''15 minutes na akong naghihintay dito sa resto na sinabi mo.''Darating ka ba o hindi?'Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mga mensahe niyang iyon. Kaya naman dali-dali akong bumangon mula sa couch sabay hablot ng nakasabit na jacket ko sa rack na malapit sa pinto.Walang isang salita kong inikot ang seradura at lumabas ng pinto. Right after I locked the door, I went to the garage. Agad akong sumakay