Isang Gabing Regalo sa Lalaking Ikakasal

Isang Gabing Regalo sa Lalaking Ikakasal

last updateLast Updated : 2025-01-04
By:  Ilocano writer Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
16 ratings. 16 reviews
86Chapters
40.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pera! kapalit ay dangal. No choice Ang dalagang si lea na ibenta Ang pagkabirhen nito. Dahil sa kagustuhan niyang mabawi Ang lupang sinasaka ng kanyang ama na tanging ala-ala sa yumao nitong ina. Nag decision siyang ibenta Ang katawan sa Isang gabi,bilang regalo sa lalaking malapit ng ikasal at iyon ay si Alejandro Fortin. Isang bilyonaryong nagmamay-ari ng naglalakihang mall sa syudad at sa probinsya. May malawak rin na lupain. Paano Kong darating Ang araw muli silang magkita. At ito Pala Ang magiging boss nito. Makakaya kaya niyang Sabihin rito na may nabuo sa isang gabing may nangyari sa kanila.Abangan......

View More

Chapter 1

Kabanata 1 -problema

"bakit sino kayo?. At anong ginagawa ninyo sa harap ng bahay namin.?"magkasunod Kong tanong sa mga lalaking nakatayo sa harap ng bahay namin. Napabaling Ang tingin ko sa bewang Ng mga ito. Nakita Kong may nakasukbit na baril duon. Nakaramdam ako ng takot baka masasama Ang mga taong ito.

"Lea! pumasok kana sa loob ng bahay upang makapagpahinga. Ako na Ang bahala sa kanila."biglang sulpot na wika ng aking ama galing sa loob ng bahay namin.

"Kilala niyo po ba sila itay.?nagtatakang tanong ko sa aking ama.

"oo anak,Kilala ko sila. May itatanong lang sila sa akin kaya naparito sila at aalis din agad."sagot ng itay ko. Bago ako pumasok sa loob ng aming bahay ay tiningnan ko isa-isa Ang mga ito. Mukhang hindi tagarito Ang mga ito.At sa klase ng mga suot Ng mga ito ay mga body guard pero Ang isa ay iba sa kasuotan ng mga ito na may hawak na attachicase. Muli kong binalik Ang tingin ko sa aking ama.

"Sige po itay, hintayin na lang po kita sa loob."wika ko sa aking ama. Pumasok na nga ako sa loob ng bahay namin. At naupo sa upuan na kawayan rito sa maliit naming sala.Napahinga ako ng malalim. Napatingin ako sa larawan na nakasabit sa dingding. Larawan naming tatlo iyon nila inay noong nabubuhay pa ito. Napangiti ako ng maalala ko Kong gaano Magalit si inay sa aking itay kapag may Makita itong galos sa aking katawan. Naalala ko pa noong galing kami Ng paaralan ni itay at nadapa ako. Halos batuhin ni inay si itay ng kahoy . Pero kahit na ganun aking inay ay mabait ito at mapagmahal.Kaya mahal na mahal ni itay aking inay. Ngunit ,Maaga siyang kinuha Ng ama na nasa itaas. Dahil sa malubhang karamdaman.Muli Akong napabuntong hininga ng maalala ko lahat ng masasaya naming nakaraan.

Tumayo na ako upang magpalit ng damit. Pajama at sando aking sinuot. At Saka lumabas sa aking silid.Naabutan ko si itay na nakaupo sa upu'ang kawayan habang hinihilot nito Ang kanyang noo.

"Tay ,may problema po ba.?tanong ko ng Hindi makatiis na tanungin ito. Mukha kasing stress aking ama.

"Wala anak!Tara sa kusina,nakapagluto na ako ng paborito mong ulam."pagyaya sa'kin ni itay. Saka ito'y tumayo at tinungo Ang kusina. Nasundan ko ng tingin si itay mukhang may bumabagabag rito.

Sumunod na ako sa kusina.Bigla Naman Akong ginutom sa pagkain na nasa aking harapan.Paborito ko Kasi Ang adobong manok na may pinya na laging niluluto iyon ni inay noong nabubuhay pa ito. Nagdasal muna kami ni itay upang magpasamat sa biyaya na na galing sa maykapal.

Pagkatapos naming Kumain,naghugas na rin ako ng ginamit namin. Nauna ng pumasok aking ama sa kanyang silid. Napansin Kong simula ng mamatay aking ina ay dun na rin nagbago si itay. Palagi itong tahimik at laging nagkukulong sa silid nila ng aking ina.Kahit isang taon na Ang nakalipas ng Kunin samin ng panginoon. Masakit pa rin sa Amin Ang nangyaring 'yon. Marahas akong napabuga ng hangin. Kailangan ko na rin matulog. Maaga pa ako bukas para pumasok sa aking trabaho. Paglapat pa lang ng aking likod sa minipis Kong kutson ay agad Naman Akong nilamon ng kadiliman.

.......

Alas sais na ng umaaga ng magising ako dahil sa katok ng pinto sa labas. Alam Kong aking ama Ang kumakatok dahil siya lang Naman Ang kasama ko rito sa bahay. Agad Naman Akong bumangon upang Kunin Ang twalya para maligo. Bakit ba Minsan may pagkatulog mantika ako. Dapat alas singko ako gigising pero Anong oras na, alas sais na ng Umaga. Kaya talagang kailangan ko na Ng celpon upang may magamit ako sa pag-alarm. Nahihiya ako sa aking ama dahil siya palagi Ang gumigising para magluto. Dapat ako Ang gumagawa ng gawaing bahay dahil ako Ang babae.

Nagtungo ako sa likod bahay namin dahil nanduon Ang gripo at banyo. Tulad ng sinabe ko nasa labas Ang banyo namin. Kailangan ko pang mag-igib ng tubig upang may pangligo ako. Hindi kami mayaman o Hindi Naman gaanong mahirap. Sakto lang Ang pamumuhay namin.

Agad naman Akong nag-igib ng tubig at Saka pinasok sa loob ng banyo Ang timba na Puno ng tubig.. Hanggang sa simulan ko ng magbuhos ng tubig sa aking ulo. Dahil sa late na ko nagising. Mabilis lang Akong naligo.

Isang puting t-shirt at black pants aking sinuot. At ito ay uniform namin na bigay ng kumpanyang pinagtra-trabahuan namin. Wala Akong masabe sa may-ari ng mall Kong saan ako pumapasok. Maganda Ang sahod at may day-off kapag lingo. Sa isang taon Kong empleyado duon,kahit minsan hindi ko pa nakita Ang may-ari nito. Ang Sabi ng mga kasamahan ko ay baka matanda na ito. 'yon lang Naman Ang hula namin. Wala Naman masama du'on mong matanda na ito. Basta Ang importante malaki Kong magpasahod.

Humarap ako sa salamin na narito sa aking silid. Powder at liptit lang Ang nilagay ko sa aking mukha. Hindi ako sanay maglagay ng make-up sa aking mukha dahil may natural na Ang taglay Kong ganda. Umikot pa ako ng Isang beses sa harap ng salamin bago Ako lumabas sa aking silid. Upang mag-umagahan.

Nakahain na Ang pagkain at ako na lang Pala Ang hinihintay. Ngunit Wala aking ama. Napakunot Ang noo ko ng marinig ko Ang boses ni itay sa labas ng bahay namin. Mukhang may kausap ito. Sino na naman kaya Ang kausap nito. Kaya lumabas Ako ng kusina upang silipin Kong sino Ang kausap nito.

"Mr.martinez ,kapag hindi mo mabayaran Ang pagkakasanla ng lupaing ito. Mapipilitan kaming Kunin ng lupaing kinatitirakan ng iyong bahay."wika ng lalaking nakahawak ng attachicase.

"babayaran ko Ang inutang ko sa boss mo Attorney Rodriguez, ngunit paunti-unti lang. Sa ngayon Wala pa Akong pambayad ."anas ng aking ama.

"May pinermahan Kang contrata na buo at kasama na duon Ang interest Mr. Martinez. At ayaw ni Mr. Fortin Ang paunti-unti Kong magbayad."wika ng kausap ni itay.

"babalik kami rito sa susunod na lingo Mr. Martinez.At Kong Wala Kang pambayad ,Wala na kaming magagawA kundi sapilitan naming Kunin Ang lupang ito".dugtong na saad ng abogado na kausap ng aking ama. Hanggang sa Makita Kong naglakad na Ang mga ito paalis. Kasama Ang limang bodyguard nito.

Nagugulohan ako. Paanong nangyaring nakasanla na Pala Ang lupang kinatitirakan ng bahay namin. Magkano kaya Ang nautang ni itay sa taong 'yon.

Mabilis Akong bumalik sa kusina ng mamataan Kong papasok na si itay rito sa loob ng bahay. Nagkunwari Akong walang narinig. Nakita Kong seryoso Ang mukha ng aking ama at mabibigat Ang paghakbang nito. Gusto Kong tanungin Kong magkano Ang utang nito sa taong iyon. Ngunit naunahan ako ng kaba ,baka sobrang laki dahil attorney na Ang nakikipag-usap tungkol sa Perang iyon.

Ngunit, mabilis Ang kilos ko ng maalala Kong may trabaho pa Pala akong pupuntahan. Nawala sa isip ko Ang aking trabaho dahil sa pakikinig sa pinag-usapan nila. Marahas akong napahinga. Hanggang sa maubos ko na aking pagkain. Agad naman Akong nagpaalam sa aking ama. At tumango lang Ang sagot nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
jenjen
Simple lng ang kwento pero maganda. Like it
2025-06-22 11:58:59
1
user avatar
mary ann tesorero
npkaganea ng ogkukuwento
2025-05-10 10:00:45
1
user avatar
Noti Bheb
highly recommend
2025-02-07 21:42:41
1
user avatar
Ilocano writer
Sa lahat po Ng sumuporta ng aking akda" Isang Gabing Regalo sa lalaking ikakasal "maraming salamat po sa Inyo.Sana supurtahan pa rin ninyo Ang iba ko pang akda.Godbless u all po...
2025-01-06 06:21:35
5
user avatar
Ilocano writer
laktawan po Ang unang chapter 38.Salamat sa pag-unawa.
2024-11-06 09:06:51
1
user avatar
Ilocano writer
wag pong basahin Ang naunang chapter 3.Ang pangalawa po Ang basahin ninyo.Salamat.
2024-11-05 15:15:54
1
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
Maganda ang story mo Ms. author Sana tuloy2 ang update huwag sana magaya sa iba na hanggangng umpisa at hndi na itinuloy ang story
2024-10-07 18:27:40
1
user avatar
Ilocano writer
sana po basahin aking akda hanggang matapos
2024-10-05 00:39:30
3
user avatar
Ilocano writer
salamat po sa Inyo...️ God bless po
2024-10-05 00:37:00
1
user avatar
Preciousjoy Angala
sobrang ganda po ng story nato...
2024-09-30 15:19:36
1
user avatar
Jonalyn Cartagena
ang ganda po ng story,love it...
2024-09-30 13:49:40
1
user avatar
Irene Rosales DG
love it po!!!
2024-09-28 07:02:03
1
user avatar
Jane Castanires
bhe salamat Ganda into
2024-09-28 06:58:35
1
default avatar
Reymark Pasion
good job ms.A ganda po ng story.
2024-09-22 11:55:48
1
user avatar
Bratinela17
Highly recommended
2024-09-20 20:56:57
2
  • 1
  • 2
86 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status