“AYUN! “
Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig.
“Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake.
Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad.
Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi.
Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan.
Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot.
Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito.
“Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan.
Agad siyang kumaripas ng takbo.
“HOY!” Narinig niyang sigaw nito.
Kumakalabog ang puso sa takot na tinulinan pa niya ang pagtakbo, na wari ay nakikipagkarera ng sprint running sa Olympics.
“Huwag kang pahuhuli sa aking hayup ka,“ narinig niyang hiyaw ng humahabol sa kanya, “durug ka sa aking gago ka oras na maabutan kita.”
Mabilis siyang nagpasikut-sikot. Walang takot na tinalon ang mga sasakyang nagdaraan.
“Siguradong paglalamayan ako kapag inabutan ako ng matandang ‘to.” Ang nasa isip niyang hindi man lang lumilingon upang hindi mabawasan ang bilis ng kanyang pagtakbo.
Hanggang sa makarating sa parking place ng isang shopping mall.
Nagpasikut-sikot sa mga sasakyang naroon, naghahanap ng sasakyang puwede niyang buksan upang magamit sa pagtakas kay Domingo Sabado.
Namataan ang isang sasakyang kilalang-kilala niya, pati ang nagma-may ari niyon.
Ang sasakyan ni Joanne Javier!
Ang sasakyang kabisadung-kabisado niyang distrungkahin.
*** ****
NAGWAWALA sa galit si Joanne.
“Paano nawala ang kotse ko sa parking space nang hindi n’yo nalalaman?” Nanggagalaiting tanong niya sa guard at tagabigay ng tiket sa parking space ng Shopping Mall.
“Ma’m, iniabot po sa akin ng nagmamaneho ng inyong sasakyan ang parking tiket n’yo,” inilabas ng taga-tiket ang. "heto po.”
Maliwanag na nakasulat sa tiket na iniwan niya sa glove compartment ang numero ng parking space na pinarkingan niya ng kanyang kotse, at nakasulat din doon ang numero ng plaka ng kotse niyang nawawala.
Isang tao ang agad niyang naisip, “si Brendon,” nasambit niya na sinundan ng pagmumura, “hayup talaga’ng hayup na ‘yon. Ni hindi man lang ako hinintay!” agad niya itong tinawagan.
“Bakit mo kinuha ang kotse ko nang walang sabi-sabi?” Sita agad niya.
“Emergency!” Sagot ng kanyang tinawagan.
“At ano namang emergency ‘yon?” Singhal niya sa kausap sa telepono.
“Nandito ko sa hotel. Puntahan mo ‘ko rito at dito ko na ipapaliwanag sa ‘yo ang lahat.” Pag-iwas ni Brendon na magpaliwanag.
“Pa’no naman ako pupunta d’yan, e, dala mo’ng kotse ko?” Pagtutungayaw ni Joanne.
“Mag-rent ka na lang ng car or mag-taxi ka!”
“Hayup ka talagang Brendon ka! Lagi ka na lang may dalang problema sa ‘kin!” Gigil na saad ng babae bago tinapos ang pag-uusap nila ng kausap sa phone.
Ang hindi niya namamalayan ay lihim na nakamasid sa mga kilos niya si Owen Garcia, ang anak-anakan ni Gemma Garcia.
*** ****
NAKARATING sa hotel na kinaroroonan ni Brendon si Joanne.
“Baka dito sila nagmi-meet ni Russell Rossell” Ang nasa isip ni Owen na lihim na binuntutan ang sasakyang naghatid kay Joanne.
Palihim at maingat niya itong sinundan. Ngunit nawala ito sa kanyang paningin at hindi malaman kung saang elevator nagpunta.
“Hey, Russell,” pagbati sa kanya ng isang babae, “si Joanne ba ang hinahanap mo,” tanong nito.
“Ha...e… nakita mo ba siya?” Pabiglang naitanong niya.
“Sa seventh floor, room 704,” pagbibigay alam nito sa kanya, “ikaw pala ang katagpo niya rito, ha?” kumindat ang babae na may halong malisya.
“A…e… s-sige. Thanks.” Pag-iwas na agad ni Owen.
Nagmamadali nitong pinuntahan ang elevator at agad pinindot ang numero 7 upang makarating sa seventh floor.
“Buti na lang at wala akong nakasabay,” bulong niya sa sarili, “magkakahirapan sa paliwanag kapag may nag-urirat sa ‘kin ng kung anu-ano.”
ROOM 704
“Bakit ka basta nagpunta rito,” usig agad ni Joanne kay Brendon, “Paano kung may nakakita sa ‘yo? Kung may nakakilala sa ‘yo?”
Hindi pinansin ni Brendon ang pag-aalala ni Joanne. Agad na inabot niya sa babae ang kopa ng alak kasabay sa paghalik sa bibig nito.
“Masisira ang mga pinaplano natin kapag nabisto ni Russell ang tungkol sa atin.” Pag-aalala pa rin ni Joanne.
“Huwag mong intindihin ang Russell na ‘yon,” puno ng kayabangang saad ni Brendon, “tanga ‘yon. Manang-mana sa ama niyang kayang-kayang paikutin ng mama ko,” panlalait pa nito sa mag-amang Rossel, "uminom ka muna!” utos iyon.
Walang pag-aalinlangang inubos ni Joanne ang alak na nasa kopa.
“Bakit mo ba itinakbo ‘yung kotse ko?” tanong niya sa kay Brendon na muling nagsasalin ng alak sa kopa na kanya pa ring hawak, “ano na naman ba’ng problema mo?”
“Wala! Nakatuwaan ko lang.” Pagsisinungaling ng lalake.
Hindi na muling nakapagsalita ang babae ng siilin siya ng halik ni Brendon, matapos niyang muling sairin ang alak sa kopang hawak.
Halik na gumapang sa kanyang leeg, humagod sa kanyang balikat at bumaba sa kanyang dibdib.
Mas naiibigan ni Joanne ang paraan ng pakikipagtalik ni Brendon. Ang matapang at walang pasintabing paggalugad ng mga palad nito sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan.
Na nagpapakilig sa kanya. Nagpapainit sa bawat himaymay ng kanyang laman.
“Brendon…”
Waring hindi narinig ng lalake ang halos padaing na bulong niya. Nagpatuloy ito sa pagtatanggal ng kanyang saplot, habang ang mainit nitong palad ay patuloy na pinaiinit ang tila nagsisimula nang magbaga niyang katawan.
Nalaglag ang suot niyang damit sa kanyang paanan.
At katulad ng inaasahan ni Brendon, walang suot na panloob ang babaing laging handa sa “pakikipaglaban”.
“I love it!” Ibinulong ng lalake sa kanyang tainga, kasabay sa mahinang pagbuga ng mainit nitong hininga.
Napalunok ang babae. Sabik na hinintay ang inaasam nitong ibang pang gagawin ng lalaking kaharap.
At hindi siya nabigo sa kanyang inaasahan.
Bahagyang bumaon ang kanyang kulay pulang mahahabang kuko nang sinimulan nito ang paghalik sa kanyang kahubaran.
Alam niyang luluhod ang lalake sa kanyang harapan, at bibigyan siya nang mas matinding kasiyahan.
"Brendon..." Naibulong niya na puno ng pananabik.
Nang…
KRRRINNGG…
Sabay na napalingon ang dalawa sa pintuan .
“Room service!” ang narinig nilang wika ng tinig ng nasa labas ng pinto.
Inis na agad iniwan ni Brendon si Joanne upang buksan ang pinto. Ang gusto niya’y singhalin ang kung sino mang iyon na umantala sa nag-iinit na nilang mga katawan ni Joanne.
“Ipinadala po ng hotel manager ang pinaka-espesyal na alak ng hotel, para kay Mr. Russel Rossell,” natigilan si Brendon, “kayo po si Mr. Russel Rossell, right?”
“Ha? Ah… Oo! Oo, ako nga si Russell,” pagsisinungaling agad ni Brendon, “sige. Iwanan mo na ‘yan!”
Halos ipagtulakan na niya ang service crew ng hotel, na hindi niwasang tingnan ang babaing walang saplot na suot na nasa likuran ng inakala niyang si Russel Rossel.
**** ***
SHOCKED!
Napangangang hindi malaman ni Owen kung ano ang kanyang mararamdaman habang pinapanood ang video ni Joanne at Brendon, na palihim na kinunan ng service crew na kanyang binayaran.
...Na hindi agad niya napilit kumuha ng video sa pamamagitan ng kanyang cellphone..
“Sir, matatanggal ako sa trabaho, kapag nahuli akong kinuhanan ng video ang client ng hotel. Baka makulong pa ako!” Pagtanggi ng service crew sa ipinagagawa niya.
Inayos niya ang pagkakalagay ng kanyang cellphone sa bulsa ng polong suot ng service crew, kung paano makukunan ang nasa loob ng hotel room nang hindi mapapansin ng taong naroon.
“Sabihin mo lang na ipinabibigay kay Russel Rossell ang espesyal na alak na ‘yan,” pagpapaliwanag niya sa service crew, “basta ‘wag ka lang nerbiyosin at walang papalpak sa ipinagagawa ko sa ‘yo.”
Inilagay niya sa kamay ng service crew ang limang libong piso, kabayaran sa ipinagagawa niya.
“Alam kong malaking tulong ‘yan sa pamilya mo,” saad niya, “at sagot kita kapag nagkaproblema ka sa ipinagagawa ko sa iyo. Marami aikong konekson.”
"Pero..." Pagdadalawang isip pa rin ng service crew.
"Sinabi kong ako'ng bahala sa 'yo, e! O, ayan, ten k na 'yan," pagpipilit pa rin ni Owen na sinabayan ng paglalagay ng panbagong limang libong piso sa kamay ng kausap, "go! Gawin mo na'ng pinagagawa ko sa 'yo. Baka mainis mo na ako, e, ako pa ang gumawa ng isyu na ikakapahamak mo. Go!" Isang patulak na tapik sa balikat ang ibinigay niya sa inuutusan, na napilitan nang sumunod sa kanyang utos.
Huminga muna nang napakalalim ang lalake, bago humakbang papunta sa pinto ng room 704. at isinagawa ang ipinagagawa ni Owen.
Wari'y nabunutan ng tinik ang lalake na lapitan siya at iabot nito sa kanya ang kanyang cellphone.
“Ano nga pala ang pangalan n’yo, Sir?” Tanong ng service crew sa kanya.
Nginitian ni Owen ang nagtanong, “Russell Rossell,” pagpapakilala niya.
Biglang nagkulay suka ang service crew. Nanlalaki ang mga matang tinitigan siya.
“K-Kayo po si Russel Rossell,” nanginginig ang tinig na tanong nito, “e, ss-sino ‘yung …”
Nakatawang iniwanan na ni Russell ang service crew, na hindi na hinintay na tapusin ang sinasabi nito.
At sa mga sandaling iyon lamang niya naunawaan ang dahilan ng biglang pagkatigagal at pamumutla ng service crew nang magpakilala siya bilang si Russell Rossel.
“Hayup na babae,” nagngingitngit na nasambit niya, “nilalagyan pala ng ipot ng manenok ang ulo ng doppelganger ko!”
Hindi niya matanggap na ginagago lang ng kung sinong babae ang kanyang doppelganger. Ang lalaking aangkinin niya ang pagkatao sa nalalapit na panahon.
Dear readers, please comment. Tell me kung ano ang nagustuhan o ang inayawan ninyo sa aking isinulat para sa inyo. I need your comments to be able to write better chapters (and better scripts for the future) for your entainment. EM DEE C
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na