Share

DOMINGO SABADO: HARI NG SELDA 13

BOG!

Namilipit sa sakit na naramdaman si Rustan Ramirez. Hawak ang leeg niyang naghahabol ng paghinga, sanhi ng suntok sa lalamunan na tinanggap mula sa nakaaway.

Na sinundan pa ng isang malakas na bira sa dibdib niya!

BRAGG!

Bumaluktot ang kanyang tuhod at paluhod na bumagsak sa harapan ng taong puno ng kalupitan ang kalooban.

Walang malay na sumubsob sa paanan ng malupit na kaaway.

Walang nakakilos sa mga taong naroon. Walang nakakibo. Lahat ay naghihintay nang mga susunod pang mangyayari.

“Hindi lang ganyan ang aabutin ng kahit sinong magtatangkang kumalaban sa akin! Dahil ako ang nag-iisang hari ng seldang ito. Ako si…”

“DOMINGO SABADO!”

Napatingin ang lahat sa pumutol sa sinasabi ng hari ng selda.

“Kilala kita,” saad ng lalake, “ikaw ang pinakamalupit at may pinakamalaking chain of gangs sa siyudad na ito, isang drug lord at… ano pa nga ba? Nakalimutan ko na ‘yung, iba,e.”

Kumunot ang noo ni Domingo habang tinitingnan ang lalaking papalapit sa kanya.

“Fans kita?” Tanong niyang nang-aasar, nang ganap silang magkalapit na dalawa.

“No,” sagot ng lalake, pero napag-utusan ako ng boss ko na sabihan kang nalalapit na ang pagtatapos ng pagiging hari mo dito.”

“Gago ka, a…” Umakma si Domingo na bibirahin ang kaharap.

“May CCTV na naka-monitor sa ‘yo, Domingo,” biglang pagwa-warning ng bibirahin niya, “may bala ng baril na magpapasabog sa  bungo mo kapag sumayad sa mukha ko ang kamao mo.”

Natigilan ang hari ng selda. Nanatiling nakatigil sa ere ang kamao nito. Nagpalinga-linga sa itaas at ibaba ng kanyang kinaroroonan. Hanggang sa mahagilap ng kanyang tingin ang pulang ilaw ng wari ay sa CCTV.

Walang siyang nagawa kung hindi ang ibaba ang kamao niya.

“Sino’ng boss mo?” Mahinang tanong niya.

“Solenne Stevens ang pangalan niya. At gusto niyang malaman mo ‘yon.”

“Buhay pa pala ang hayup na babaing ‘yon!”

“Bakit nga ba hindi mo napuruhan si boss,” nambubuwisit na tanong ng kanyang kaharap, “dahil ba matanda ka na at nanginig ang iyong kamay sa pagkalabit ng gatilyo? O, laos ka na lang talaga?”

Muling kumuyom ang kamao ni Domingo. Na agad napansin ng sa kanya’y nang-iinsulto.

“May CCTV na naka-monitor sa ‘yo, Domeng,” pagpapaalala nito, “and FYI lang, nasa payroll ng boss ko ang warden ng jail na kinakukulungan mo at milyones ang donation ni boss sa kampanya at pagkapanalo ng mayor sa siyudad na ito.”

“Sino ka ba? Ano ba ang pangalan mo?” tanong ni Domingo na naku-curious.

“Yon ang hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo,” mayabang na sagot ng tinanong, “dahil mga importanteng tao lang ang binibigyan ko ng karapatang malaman ang pangalan ko!”

Hirap ang kalooban na pinigil ni Domingo ang magwala sa galit na nararamdaman. Pinigil ang paghahangad na durugin ng kanyang kamao ang mayabang na pagmumukha ng kaharap na nangmamaliit sa kanya.

“So, paano,” isang mahinang sampal ang ibinigay ng lalake kay Domingo bago nagpaalam, “magpapaalam na ako. By the way, huwag mo nga palang tangkain na tumakas ulit. Dahil may mga matang nagbabantay sa ‘yo. And shoot to kill ang order ni boss kapag tumakas ka.”

“Sabihin mo kay Solenne, walang kinatatakutan si Domingo Sabado,” pagbabanta ni Domingo, “magpakasaya siya hangga’t nakakulong ako rito. Dahil gugutayin ko ang buong katawan n’ya oras na magkita kami!”

Malutong, umiinsulto ang halakhak ng kausap niya.

“Wala kang kinatatakutan,” tanong nito na nangpo-provoke ng galit, “e, bakit ayan at kulay abo ‘yang mukha mo sa takot?”

Hindi na napigil ni Domingo ang sarili sa muling paghalakhak ng nang-iinsultong kausap.

Walang babalang umigkas ang kanyang kamao, na agad namang nailagan ng kanyang pinagtangkaang suntukin.

Hindi tumitigil sa paghalakhak na humakbang paatras ang nagpakilalang tauhan ni Solenne. Nakangising sumenyas ito ng dirty finger bago tumalikod at nagmamadaling lumabas ng selda.

*** ****

BLUFF!

Iyon ang naging conclusion ni Domingo habang paulit-ulit niyang binabalik sa kanyang isip ang mga pangyayaring naganap sa kanila ng lalaking nagpakilalang tauhan ni Solenne.

BLUFF

Dahil walang bala ng baril ang bumaon sa kanyang ulo na katulad ng ipinanakot sa kanya ng mayabang na tauhan ng babaing naging karelasyon niya maraming taon na ang nakakaraan. Ang nagsuplong sa kanya upang siya ay makulong. At nang makatakas na siya’y ang babaing iyon din ang dahilan ng muli niyang pagkakapiit sa bilangguan.

“Hayup na babae ‘yan!”

Bumangon mula sa pagkakahiga na ibinalik ni Domingo sa isip ang CCTV camera na ipinanakot sa kanya. Ini-recall sa kanyang memory ang hitsura ng CCTV na hindi naman niya gaanong napagmasdan.

FAKE!

“Pati ‘yung CCTV camera na sinasabi niya’y hindi totoo. Ginago lang n’ya ako! Pinagmukhang tanga sa harapan ng mga ka-selda ko.”

Pumupuyo na naman ang galit sa kanyang damdamin. Parang ipu-ipo na nag-iipon ng lakas at handang magwasak.

“Dumadami ang atraso mo sa ‘kin, Solenne,” pakikipag-usap niya sa babae na nasa kanyang imahinasyon, “mamalasin ka ng todo-todo sa akin kapag nagkita tayo!”

Kailangan niyang makagawa ulit ng paraan upang makatakas.

Umalis siya sa kanyang higaan at naupo sa higaan ng isang kasangga niyang natutulog. Ginising iyon.

“Bakit, Boss?” Tanong nito na agad bumangon.

“Tatakas tayo!”

*** ****

PLAK

Natigilan si Owen. Napatitig sa cover ng magasin na ibinagsak ng kiniklala niyang ina sa mesa na nasa harapan niya..

"My doppelganger!" ang mahina niyang nasambit.

Na-excite na dinampot niya ang magasin. 

Sa pakiwari niya'y para siyang nananalamin sa pagkakatitig sa naka-close  up na mukha ni Russel Rossell na siyang pabalat ng babasahin.

"Kialala mo siya?" Tanong ng inaakala niyang totoo niyang ina.

"Sino siya?" ganting tanong niya.

May kasiyahang nakalarawan sa mukha ni Gemma Garcia nang umupo ito sa sofa, katabi ng anak-anakan.

“Siya ang nag-iisang anak ng multi-billionaire na si Theodore Rossell.” pagpapakilala niya sa larawan ng lalaking pinagmamasdan ni Owen, “kamukhang-kamukha mo siya, ‘di ba,” tanong niya, “pero hindi kayo magkaano-ano,” pagsisimula na niya pagsisinungaling.

“Russell…” naalala niya si Joanne Javier, “baka siya ‘yung boyfriend nung babaing nakipag-away sa mall noon,” saad niya, “’yong ikinuwento ko sa ‘yong tinawag akong Russell.”

Nabuhay ang interest ni Gemma.

“Nakipag-away sa mall? Pinagkamalan kang boyfriend niya?”

‘Yes, Ma. 'Yung sinabi ko sa 'yong doppelganger ko."

“Doppelganger is the look alike of a living person! At totoo namang magkamukhang magkamukha kayo ng Russel na ‘to!”

Nagsimulang bumuo agad ng mga pakana ang utak ni Gemma Garcia.  

“Si Joanne Javier ang girlfriend niya,” pagbibigay alam ni Gemma sa anak, “isang beauty queen na nagmula sa South,” dagdag impormasyon pa, “at alam mo bang si Russell ang CEO ngayon ng ilang kumpanya ni Theodore Rossell? At siya rin ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Rossell!”

Kinuha ni Gemma ang magasin at hinanap mula sa mga pahina niyon ang larawan ng babaing nababalitang girlfriend ni Russel.

“Heto, ito ang larawan ni Joanne Javier na girlfriend ni Russel Rossell,” saad niyang ipinakikita ang larawan ni Joanne sa kumikilala sa kanya bilang ina, “siya ba ang nakita mo sa mall,” tanong naman.

“Yeah, ito nga!”

Nangingiting tinitigan ng ina-inahan ang anak-anakan.

“Hey, hindi ko gusto ang mga ganyan mong tingin, Mama,” wika ng anak, “kinakabahan ako sa mga tingin mong ganyan.”

“May ipapagawa ako sa ‘yo, anak.”

Malakas ang tibok ng pusong hinintay ni Owen ang iba pang sasabihin ni Gemma.

“Gusto kong magpanggap ka bilang si Russel.”  

“What? Magpapanggap akong ako si Russell Rossel? Why?” Tanong ng nagtatakang anak-anakan.

“Para makaganti ako kay Theodore Rossell.”

“Makaganti? Bakit ano’ng ginawa niyang masama sa iyo, Ma?”

Nagimulang magbuhul-buhol ng kasinungalingan si Gemma. Inihayag sa anak-anakan ang isang kuwento ng kasinungaling matagal na panahon na niyang nabuo sa kanyang isipan.

“Pinagmalupitan ka niya?” Hindik na naitanong ni Owen kay Gemma, “

“Yes, pero tiniis ko ang lahat ng iyon dahil sa kagustuhan kong makapgtapos ng pag-aaral,” umiiyak na sagot niya, “at hindi ko rin nagawang isuplong sa may kapangyarihan ang pagtatangka niyang mapagsamantalahan ako, dahil alam kong kaya niyang bayaran ang hustiya.”

Ang pag-iyak ay naging hagulgol na halos dumurog sa puso ng anak na labis na nagmamahal sa kinamulatang ina.

Niyakap niya ito. H******n sa noo, “hindi ko alam na ganoon pala ang sinapit mo noong araw,” wika ni Owen, “huwag kang mag-alala, Ma. Ipaghihiganti kita.”

Ilang sandaling nag-isip ang binate, bago muling nagsalita.

“Kaya siguro ipinahintulot ng universe na maging magkamukha kami ng Russel na ‘yon,” ang mahinang sabi, “ay upang magkaroon ako ng pagkakataon na maipaghiganti ko ang kaapihan mo sa mga Rossell na ‘yon.”

Malalim siyang bumuntunghininga. H******n ang ulo ng inaakala niyang nag-iisa niyang ina.

“Isinusumpa ko, Mama, makakamtan ng Theodore Rossell na ‘yon ang pinakamalupit na parusang maibibigay sa kanya ng sino man! Isinusumpa ko, Mama…”

Punung-puno ng kaligayahan ang kalooban ni Gemma.

Sumabog sa buong bahay ang malakas na boses ni Owen Garcia.

“Paghahandaan ko ang pagkikita natin, Theodore Rossel., isinusumpa ko, mararanasan mo ang lupit ng aking paghihiganti!”

Anak laban sa ama ang gustong mangyari ni Gemma.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status