Nagkunwaring nag-isip si Amber. “Hindi naman imposible. Basta papayag ka muna.”
Isang gabi ulit ng pag-iisa ng kanilang mga katawan? Kumpara sa mana na nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, wala ‘yon sa kalingkingan ng makukuha niyang saya. Kung may nangyari na sa kanila, anong masama kung mangyari ulit?
Napangisi si West at binitiwan siya.
Kilalang-kilala si Amber sa Milchester sa pagiging palabiro, pero hindi siya nakakakuha ng kahit anong simpatya mula kay West.
“Attorney, huwag ka munang umalis! Pwede nating pag-usapan ‘to. Kung hindi ka pa rin masaya, mag-iisip ako ng ibang paraan.”
Hindi siya pinansin ni West at tinanggal ang kanyang wrist guard, handa nang umalis sa golf course. Pero bago pa siya makalayo, nakita ni Amber si Adam sa di kalayuan. Agad siyang lumapit kay West at hinawakan ang braso nito.
“Amber?”
“Kuya, aba’t ang swerte naman! Nagkita tayo rito.”
Nagbago ang ekspresyon ni Adam. Napako ang tingin niya sa braso ni Amber na nakapulupot kay West. “Kilala mo si Atty. Lancaster?”
“Ah!” Mapanlokong bumuntong-hininga si Amber. “Nakalimutan kong ipakilala siya sa ‘yo, Kuya. Boyfriend ko siya.”
Napakunot-noo si Adam. Ang babaeng ito… naunahan siya?
“Pinalitan mo na naman?”
Nagtaka si Amber. “Anong ibig mong sabihin na ‘pinalitan na naman’?”
Malamig na ngumiti si Adam. “Si Atty. West ay isa sa pinakakilalang batang abogado sa Milchester. Dapat mo siyang pakitunguhan nang maayos. ‘Wag kang pabago-bago ng isip, ha? Alam ko namang palit ka nang palit ng boyfriend.”
Itinuon niya ang tingin kay West, waring binibigyan ito ng babala.
Ngunit hindi nagpaapekto si Amber. Bagkus, lalo pa niyang idinikit ang sarili kay West, inilapat ang baba sa balikat nito. “Huwag kang mag-alala, Kuya! Gusto ko namang magpalit, pero sa boyfriend lang, hindi ko kailangang makipaghatian sa mana sa kung sino-sino.”
Hindi tulad mo, gago. Tatlong beses ka nang nagpakasal, at bawat isa sa mga asawa mo ay niloko ka ng tig sampung milyon.
“Sige, Kuya. Maglaro ka na lang. Paalis na kami.”
Sabay hila kay West papuntang lounge.
“Pwede mo na akong bitiwan.”
“Walang kwenta.”
Napangiti si West sa inis. Kapag may kailangan ito, sobrang tamis, parang asukal. Pero pagkatapos niyang pagbigyan, bigla siyang natatapakan ng kasungitan nito.
“O, ‘di sige. Maghanap ka ng ibang tutulong sa’yo sa kaso mo.”
Hindi man lang ito nag-abalang magpalit ng damit pang-sports. Basta kinuha niya ang kanyang mga gamit at naglakad palayo.
Pero hindi siya tinantanan ni Amber. Hanggang parking lot, nakasunod ito.
“Sigurado ka bang hindi mo talaga tatanggapin ang kaso ko? Pwede nating pag-usapan ang bayad.”
“That’s just money. Or maybe you want to be with me all night and day?” Napailing si West. “Alam mo ba kung bakit hindi kita tinutulungan?”
“Bakit?”
“Kasi ang hirap mong pakisamahan.”
Napakunot-noo si Amber. “Talaga? Kung mahirap akong pakisamahan, bakit tayo nagkakasundo sa kama?”
Narinig iyon ni Chito at nagulat. “Sandali, kama? Kailan pa?!”
Napatingin si West. “Bakit nandito ka pa rin? Lumayas ka.”
“Lumayas ka.” Ulit ni Amber.
Binuksan ni West ang pinto ng kotse, pero bago niya ito maisara, agad siyang pinigilan ni Amber, mahigpit na hinawakan nito ang pinto. “Dahil seryoso akong humihingi ng tulong, pwede bang pagbigyan mo na ako?”
Kapag humihingi ng tulong ito, palagi itong mayabang—parang sinasabing, Pinapayagan kitang tulungan ako, bakit hindi mo pa ako sinasamba?
Tinitigan siya ni West, at saglit, bumalik sa isip niya ang alaala ng kanilang kabataan.
Lintek. Muntik na naman siyang mahulog sa bitag ng babaeng ito.
Dahil sa mukha nito, nawasak siya kagabi. Kung hindi, paano niya ipapaliwanag kung bakit niya ito pinaglingkuran nang todo-todo, para lang sipain sa mukha pagkatapos?
“Amber, may tae ang sasakyan ko. Gusto mo pa ring kumapit diyan?” agad namang binitawan ni Amber ang pintuan ng sasakyan niya.
Mabilis na isinara niya ang pinto, inapakan ang gas, at umalis.
“Tsk, tsk. Miss Harrington, hindi ganyan ang tamang paghingi ng tulong.” Pilyong natawa si Chito. “Kapag humihingi ka ng pabor, dapat marunong kang s******p.”
“Hayop ka—”
Hindi pa natatapos ni Amber ang mura nang biglang sumulpot ang tunog ng nagmamadaling mga makina.
May paparating na mga motorsiklo.
Mabilis siyang umilag, pero bumalik ang isa at sumugod ulit.
Dumukwang siya sa likod ng sasakyan, binuksan ang trunk, at kinuha ang baseball bat. Isang mabilis na galaw, at binanatan niya ang motoristang paparating.
“P*ta! May batas tayo sa bansang ‘to!” sigaw ni Chito habang sumugod para tumulong. “May nakagalit ka ba?”
Humagikhik si Amber. “Ako? Galit?”
Napasinghap si Chito. “Ibig mong sabihin… anak ng tatay mo ang isa sa kanila?”
“Ayoko nang hulaan. Gusto ko pang mabuhay.”
Samantala, malayo na si West sa gulo, pero napansin niyang walang sumusunod sa kanya. Muli niyang narinig ang tunog ng mga makina.
Nag-iba ang pakiramdam niya.
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan pabalik.
At doon, nakita niya ang eksena—si Amber at Chito, napapalibutan ng mga nagmomotorsiklo.
Walang pag-aalinlangan niyang inapakan ang gas at sinagasaan ang dalawa.
Bumaba siya, kinuha ang b****a mula kay Amber, at lumingon sa kanya.
“Kailangan mo ba talaga ng ganito, eh mas malaki pa ‘to sa’yo.”
“Akin na, sandata ko ‘yan!”
“Tss. Sa likod ka.”
Nang hindi naghihintay sa sagot niya ay agad siyang bumwelo at buong lakas na pinalo ang papalapit na lalaki sa balikat.
Kung hindi mababasag ang helmet, nababali naman ang buto.
Hangang-hanga naman si Amber sa paggalaw ni West, ni isa sa mga nakapalibot sa kanila ay walang nakakalapit sa kanya.
He looked good when fighting, much better than he was moving his hips. Mahalay niyang isip.
Sa loob ng ilang minuto ay napatumba lahat ni West ang kaninang nakapalibot sa kanila.
May tinapik itong nakatumbang lalaki at tinanggal ang helmet nito. “Any idea?”
Umiling lang si Amber. “No clue.”
Dumating naman ang tinawagang pulis ni Chito, at sumama sila sa istasyon upang kunan sila ng statement sa nangyari.
Nang makaalis sila ay madilim na, lagpas alas dyes ng gabi.
“Let’s get a late-night snack. Libre ko. Pagpapasalamat kay Atty. West sa pagligtas niya sa buhay ko.” Suhestyon ni Amber.
“Timing. Gutom na’ko.” Agad namang sagot ni Chito.
Habang nagmamaneho, napatanong si West, “Sa tingin mo ba ay pinadala iyong mga lalaking iyon ng anak sa labas ng Daddy mo?”
Sumandal naman si Amber bago sumagot. “Baka?”
Napatingin siya sa pasa sa balikat niya.
“May labindalawang anak sa labas at limang tunay na anak ang matandang ‘yun. Walang will, walang verbal testament. Kaya lahat ay nag-aaway away ng makukuha nila. Syempre, kung maliit lang ang maghahati-hati, mas malaki ang makukuha.”
Hindi naman nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni West.
Isa ang daddy ni Amber sa top 50 na pinakamayaman sa bansa. Napakalawak ng kayamanan nito.
Napangisi naman si Amber. “Dapat yata habaan ko ang pasensya ko at makipagtulungan kay Adam at nang makumbinse siyang magsanib-puwersa laban sa mga gagong ‘yun.”
“That’s illegal.”
“Then, it’s a good thing everyone thinks I’m your girlfriend. Kung babagsak ako, kasama ka.”
Tila nagsisi naman si West kung bakit pa siya nakikipag-usap dito.
Nakatayo si West sa dilim, tahimik na pinapanood habang maingat na isinakay ni Dash si Amber sa sasakyan. Hindi man lang ito lumingon. Hindi nagsalita. Maingat na isinara ni Dash ang pinto, tinapik ang bubong ng kotse, at tumango kay Lilith.Bumagsak ang tingin ni West sa suot ni Dash.Basang-basâ ang harap. At may bakas ng ibang likido.Dugo.Isang pulang mantsa ang dahan-dahang kumalat sa puting tela, direkta sa ibabang bahagi ng kanyang damit.Hindi natinag si Dash. Sa halip, dumaan ito sa harap niya, tumigil sandali, at mahinahong nagsalita. “May personal ka bang galit, Attorney Lancaster?”Hindi siya sinagot ni West.Nagpatuloy lamang si Dash. “Ang pagtulak sa isang babaeng may buwanang dalaw sa pool, ganito ka ba magpakita ng kawalan ng interes?”Sumingkit ang mga mata ni West. “At sa anong posisyon mo sinasabi ‘yan?”Tuwid ang tindig ni Dash at lumingon sa kanya. “Hindi bilang kalaban mo kundi bilang host ng kaganapan ngayon. Ayoko lang ng eskandalo sa bubong ng pamilyang Lexin
Kumapit sa kanyang mga buto ang lamig, parang sumpang ayaw kumawala.Mas lalo pang isiniksik ni Amber ang sarili sa dibdib ni Dash, pilit hinahanap ang init sa gitna ng basang suot at namamasang katawan. Binalot siya ng coat ng lalaki, isang mamahaling jacket na halatang hindi para sa kanya; masyadong malaki, masyadong basa, at kulang na kulang sa ginhawa. Pero sa ngayon, iyon na ang pinakapwede niyang sandalan. Dumadaloy ang init mula sa katawan ni Dash, pilit tinatawid ang pagitan ng kanilang balat, pero hindi pa rin tumigil ang panginginig niya. Para siyang nilalamon ng bagyo sa loob ng sarili niyang katawan.Hinigpitan ni Dash ang pagyakap sa kanya. “Miss Harrington?”Pumiglas ang tinig ni Amber mula sa kanyang mga labi. Paos, basag-basag, halos hindi marinig. “Giniginaw ako. Hindi ko sinasadya.”Ang tunog ng boses niya ay tila isang batang nawawala, malayo sa dating palaban at mayabang na babae na kilala ng madla. Wala ni anino ng babaeng pinupulutan ng tsismis sa media. Sa hali
Nagmadaling dumating si Blake, hingal at namumula ang pisngi sa pagmamadali. Halos hindi pa siya nakakabawi ng hininga nang iwagayway niya ang mga kamay sa harap ni Amber, bahagyang nanunukso at bahagyang iritado.“Hindi ba dapat sabay kayong dumating?” tanong ni Mikael, bahagyang tinaas ang kilay habang pinagmamasdan ang gusot na itsura ni Blake.Napabuntong-hininga si Amber, para bang pinipiga na ang huling hibla ng kanyang pasensya. “Dapat sana. Pero may isang—”“Okay, tumigil ka na,” putol ni Blake, mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Amber ng kanyang palad bago pa ito makapagsalita. Alam na niyang walang mabuting susunod doon.Nag-aasaran pa rin sila nang lumitaw ang isang mataas at mahinhing babae. Dumating si Helena, ang presensiya niya ay agad na umagaw ng atensyon. Nakasuot ito ng itim na cheongsam, tradisyunal ang hiwa at kilos, simpl
Narinig ni Amber ang tinig ng lalaki, kalmado, magaan, masyadong magalang para maging totoo.Bahagya itong ngumiti, nakataas ang isang kilay.“Sa totoo lang, medyo masama ang loob ko kanina.” Ani Amber.Lumingon siya kay Dash at may idinagdag. “Pero kung pagbabatayan ang reputasyon ni Ginoong Lexington bilang isang ginoo, pinapatawad ko na siya.”Tahimik lang si Alina sa gilid, pinagmamasdan ang banayad ngunit tensyonadong palitan ng mga salita ng dalawa. Hindi niya lubos mawari kung anong klaseng enerhiya ang namamagitan sa kanila. Kaya’t napatingin siya kay West, saka mahinang ngumiti, at marahang pinisil ang braso ni Dash. “Dash, nasa kamay mo na si Miss Harrington.”Tumango si Dash, banayad at may dignidad. “Miss Harrington, kung maaari.”Humakbang si Amber, at pumasok sa banquet hall habang kasa
“Anong tinitingnan mo?”“Kilala mo ba si Amber?”Lumapit si Alina, tila kaswal ang tono, pero hindi maikakaila ang kuryosidad sa boses niya. Dumaan siya roon para sa ibang pakay, ngunit napahinto nang mapansin ang kapatid niyang nakatayo sa may pintuan, hindi kumikibo. Kumatok siya kanina, at nang walang sumagot, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. May naaninag siyang pigura sa loob ng banyo, ngunit sa halip na umurong, pumasok pa siya, nakatitig.Nakatayo si Dash sa may bintana, hawak pa rin ang cellphone na nakabukas. Nakatutok ang mga daliri niya sa screen, eksaktong nasa pangalan: Amber.May bumabalang ideya sa isipan niya, hindi ito pagmumuni o pagnanasa. Para itong istratehiya, isang planong unti-unting nabubuo sa pagitan ng katahimikan.“Kanina ko pa lang siya nakilala,” tugon ni Dash, sa wakas.
“Ayos lang.”Walang pakialam si Amber. Isa lang itong tennis match. Pampalipas-oras. Wala nang iba pa.Pumasok siya sa court, hawak ang raketa, at tiningnan ang kabilang dulo, sakto sa pagpasok ng isang lalaki na nakasuot ng itim na shorts at polo shirt, ang sikat ng araw ay lumilikha ng matalim na silweta sa matangkad niyang katawan.Mula sa malayo, may dating itong elegante at may awtoridad. Matikas ang tindig, tiwala sa bawat hakbang. May pahiwatig ng lakas sa kanyang pangangatawan—hindi para ipagyabang, kundi para sa tibay at tiyaga.Malayo sa estilo ni West.Maganda rin ang katawan ni West, proportyonado at maayos manamit. Pero may bahid pa rin ng pagiging marupok, gaya ng mga taong sanay sa lungsod at sa sukat na sukat na mga suit. Ang lalaki sa kabila ng court, sa kabilang banda, ay tila hinubog sa ibang mundo, parang isang taong sanay sa araw ng militar. Disiplinado. Matatag.May dignidad sa kanyang katahimikan. Tila galing sa pamilyang hindi kailanman kailangang sumigaw para