Nang sumunod na araw, natutulog pa rin si Amber nang tumawag si Gideon.
“Gising ka na ba?” tanong nito.
“Kalahating gising, kalahating tulog,” halos pabulong niyang sagot.
“Then go approve your memorial,” tuyong sabi nito.
Napasimangot si Amber. “Anong ibig mong sabihin?”
Dahan-dahan siyang napaupo.
“Kalat na kalat sa internet. Bakit hindi mo tingnan at asikasuhin?”
Agad naman niyang binuksan ang social media niya. Kulang nalang ay ingudngod niya ang mukha sa hawak niyang cellphone.
Shock! Isang sikat na baguhang aktres nahuling nagtotwo-time!
Basa niya sa isip ng headline.
Isa ay picture nila ni West, at ang isa ay si Chito. Ibig sabihin ang dalawang iyon ay mula sa nangyari kahapon. Hindi siya nagulat na nahagip ito ng media, pero hindi niya inasahang sa dalawa siya malilink.
Wala ba talaga akong taste sa lalaki? Mapait niyang tanong sa sarili.
Bago pa siya makapunta sa comments ay tumawag ang kanyang ina.
“Nasa huling hantungan na niya ang Daddy mo at nasa’n ka? Nasa labas naghahabol ng lalaki? Dalawa pa.” singhal nito.
Nanatiling kalmado si Amber. “Hindi ba sinabi mong akitin ko sila?”
Nanatili siyang mahinahon kahit anong sumbat ang marinig niya.
“Ayusin mong mag-iingat ka. Baka wasakin ka ng media bago ka pa man makakuha ng mana,” babala ng Mommy niya.
Ang pamilya nila ay laman ngayon ng batikos, buti nalang ay nakapaghanda si Mildred bago pa man ito mangyari. Nagbayad ito ng isang professional media manager para madaling matunaw ang anumang kontrobersiya sa pamilya nila. Kung wala iyon, baka ngayon ay mas malala pa ang nangyari.
Gayunpaman, lapitin talaga ng iskandalo si Amber, ang mukha niya sa hot searches ay parang isang normal nang pangyayari.
“Don’t worry,” malambot na sabi ni Amber.
Habang naglalakad siya papuntang closet at pumili ng isang puting dress, tinanong niya ang kausap, “Mrs. Harrington, kapag namatay ang ama ko, ano ang una mong gagawin?”
“Ano ang gusto mong marinig? Ang magalang na sagot o ang totoo?”
“Cut the nonsense.”
“Gagamitin ko ang pera ng daddy mo para humanap ng stepfather mo,” sagot ni Mildred nang walang pag-aalinlangan, na para bang lagi niya itong naiisip.
Napangisi si Amber. “Then, para siguradong makuha mo ang gusto mo, do me a favor.”
“Anong klaseng pabor?” maingat nitong tanong.
-
Si Adam Harrington, ang ikalawang kuya ni Amber, ay nagpapatakbo ng isang logistics company mula Milchester at Zicalo. Sa lahat ng anak ng matanda, ito ang pinakamatinik, dahilan para maging mabigat niyang kalaban sa mana.
Dumating si Amber sa Sombra Logistics Park, suot ang simpleng puting dress na pinili niya kanina, nakalugay ang buhok, at nagmukhang mahinang second lead sa isang drama.
“Ano ang gusto mong pag-usapan?” tanong ni Adam, halatang minamaliit siya nito.
Tamad naman niya itong sinasagot habang pinaglalaruan niya ang kanyang buhok. “I’m here to make a deal with you.”
“Anong klaseng deal?” sumandal ito, tila iniisip nitong isa na namang may magandang mukha mula sa pamilya ang gustong waldasin ang yaman nila.
Napangiti naman si Amber. “Tungkol sa mga sikretong negosyo ng matanda at ang labindalawa niyang mga anak sa labas.”
Nanigas naman si Adam habang umiinom ng kape, pagkatapos ay maingat siya nitong sinuri. Ang kagandahan ni Amber ay mula sa ina niya, dalisay, nang-aakit, at natural na mula pagkabata. Ang pagdala niya sa sarili ay parang maharlika, puno ng pagmamalaki na nagpapadama sa iba ng kakaibang pagmamaliit sa sarili.
Nang makitang nag-alinlangan ito, alam ni Amber na naisip na rin ito ng kuya niya.
“Alam ba ni West na ginagawa mo ito?” tanong nito.
“Does it matter?” kaswal niyang sagot.
Natawa naman si Adam. “It does. Kung nasa likod mo si West, kailangan kong mag-isip nang mabuti bago pumayag.”
Nanilim ang mata niya. Minamaliit mo ba’ko?
Nagpatuloy si Adam, “Hindi santo ang matanda. Ang ilang anak sa labas ay hindi malaking bagay pero dose? Kung lahat sila ay magkakaroon ng parte, wala nang matitira sa’tin. Kung gusto mong maging kakampi ako, magpakita ka ng sinseridad. Hindi ka makakaalis sa industriya, at ang kamay ko ang marurumihan.”
Napangisi siya. “Exactly.”
“So, show me sincerity,” paghahamon nito.
“Simple. Stop the night watches. Walang puwedeng magpakita sa matanda hangga’t hindi tapos ang lahat.”
“Anong ibig sabihin niyan?”
“Kung ano sa tingin mo ang narinig mo.”
Ang ina niya parin ang legal nitong asawa, at ang paglipat ng walang kamalay-malay na pasyente ay madali lang. Iba ang bersyon ni Amber ng sinseridad, bigyan ng dahilan para mataranta ang lahat kapag hindi nila makita ang matanda.
-
“Law firm,” utos ni Amber nang makapasok siya sa kotse.
Kabado namang bumulong si Susie, “Minamanmanan ka ng media na parang kriminal. Sa susunod nalang tayo puwede?”
“Hindi ko kailangan ang showbiz, pero kailangan ko si Atty. Lancaster. Drive.”
Ang barya-barya niyang kita mula sa pag-arte ay hindi mahalaga, ang mana na matatanggap niya mula sa matanda ang tunay niyang adhikain. Gamit ang yamang iyon, kaya niyang bilhin ang buong industriya kung gugustuhin niya.
-
Pagpatak ng alas kwatro ng hapon, bumalik si West mula sa korte, Nang buksan niya ang pinto ng kanyang opisina ay tumambad sa kanya ang kalmadong nakaupo na si Amber, ang suot nito’y parang galing lang sa libing.
“Patay na ang Daddy mo?” tanong niya. Sinamaan naman niya ito ng tingin.
“So… hindi pa. Pero seryoso, parang nakadamit panlibing ka na.”
Napabuntong-hininga si Cerise. “Sa yaman mong iyan hindi mo man lang inisip magpatingin sa mata?”
Natawa naman si West at hinagis ang jacket niya sa sofa.
“Plano mo bang tumira dito?”
“Kung makakapagpapayag sa’yo, bakit hindi?”
Ni minsan ay hindi natablan ng hiya si Amber. Lagi nitong nakukuha ang gusto niya, at kung mahalaga ba ito sa kanya o itatapon nalang niya pagkatapos ay hindi kailanman naging isyu sa kanya.
Binalaan na siya ni Chito, Baliw man si Amber kung titingnan mo, matalas ito kung tutuusin.
Pinaglaruan niya ang ballpen ni West habang tinitingnan itong magtupi ng manggas.
“Nagsisisi na’ko,” bulong niya.
Napasandal naman si West. “Regret what?”
Ngumiti naman ito nang nakakaloko. “Na masyado akong naglasing noong gabing iyon at hindi ko man lang naappreciate ang katawan mo. May chance pa ba’ko?”
Tinitigan niya naman ito, “Amber, sa kasagsagan ng makabagong teknolohiya ngayon, bakit hindi mo panipisin ang mukha mo?”
Napanguo naman si Amber nang tumunog ang cellphone niya. Kaswal niya itong sinagot. Hindi man marinig ni West ang buong pag-uusap nila pero may kakaunti siyang naintindihan, “Busy ako… Wala akong oras para sa ganyan.... Ibibigay ko sa’yo ang number ng lawyer ko… Isulat mo…”
At walang pag-aalinlangan nitong binigkas ang number niya.
Pinanood niya ito, nakaupo sa upuan niya, hawak ang kanyang business card, at pinamimigay ang number niya.
Napahalakhak siya. “At kailan pa ako naging abogado mo?”
Nagflying kiss lang ito sa kanya at nagpacute. Kung hindi niya lang ito kilala ay baka nadala na ito sa inosente nitong mukha.
Nang ibaba nito ang tawag, ang cellphone naman niya ang tumunog. “I’m not his lawyer.”
Biglang naging seryoso ang tono ng tumatawag. “Si Aris ang nasa likod ng lahat ng ito. Sasabihin ko sa’yo kung anong nangyayari. Pumunta ka dito, bilis.”
Nang patayin ni West ang tawag ay ngiting tagumpay naman si Amber.
“Kapag baliin ko kaya ang binti mo, titigil ka na ba sa kakakulit sa’kin?”
Sa marangyang katahimikan ng villa ni Amber, halos hindi gumagalaw ang oras. Madilim ang silid, tanging ilang malalamlam na ilaw sa sulok ang kumikislap sa mapuputing pader, parang mga alingawngaw na hindi matahimik. Nakaupo si Blake sa isang malambot na upuang nakaharap sa salamin, hawak ang kanyang telepono habang panaka-nakang sumisilip sa babaeng nakahilata sa sofa. Si Amber, na natatakpan ang mga mata ng malamig na eye mask, ay parang inubos ang lahat ng kanyang luha buong maghapon.Hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa paligid. Ang init ng mga nangyari kanina ay nananatili sa hangin, kumakapit sa bawat sulok ng silid. Bukas pa rin ang comment section ng live broadcast ni Amber at walang tigil ang pagbulwak ng mga opinyon, paratang, at intriga mula sa mga manonood. Minsan ay hindi napigilan ni Blake ang mapangiti habang binabasa ang mga komento.Tuloy-tuloy sa pag-scroll si Blake, tila ba naghahanap ng kasagutan sa sariling tanong. Ano nga kaya ang nasa isip ni Nicolas habang nan
Pamilyar na pamilyar na ang presensya ni Amber Harrington sa presinto. Para bang bahagi na siya ng araw-araw na gulo, isang mukhang hindi na kinakailangang ipakilala. Sa dami ng beses na siya'y nasangkot sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga sikat at may pangalan, halos naging routine na sa mga opisyal ang pagtanggap sa kanya. Subalit sa likod ng kanyang matatag at magarang panlabas, alam ng lahat na hindi niya sinasadyang lumikha ng ingay. Sadyang ganito ang mundo kung saan siya kabilang, isang mundong puno ng kamera, tsismis, at kasinungalingan na binabalot ng ilaw at palakpakan.Ngunit ngayong gabi, hindi si Amber lamang ang sanhi ng kaguluhan.Nakatayo si Nathan sa gitna ng silid, basang-basa at halos hubad, parang bagong ligo sa ulan pero walang kahit anong kasariwaan sa kanyang hitsura. Sa tabi niya, si Amber ay waring bumangon mula sa isang trahedya, ang kanyang buhok ay nakalugay at basa, ang kanyang suot ay parang kinaladkad sa baha, at ang kanyang titig ay tila hindi angk
Punung-puno ng ingay ang loob ng ballroom, parang dagat na sumisigaw at umaalon. Pero sa gitna ng ingay, sa mismong sentro ng bulwagan, isang salita lang ang bumulusok na parang kidlat sa katahimikan ng mga tao.“Putangina.”Kasunod ang halakhakan. Tila ba isang kabataan ang sumigaw, nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa gitna ng kaguluhan.“Ang astig ni Amber!”“Walang awa kapag nagkakalmutan na. Walang habag.”“Sandali lang… 'Di ba si West 'yun?”Tumigil ang mundo ni Nathan. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha, parang piniga ng kapalaran at itinapon sa harap ng lahat. Nakapako siya sa kinatatayuan, parang estatwa ng kahihiyan, habang ang mga bulung-bulungan ay unti-unting lumalakas. Ramdam niya ang tibok ng puso sa kanyang tainga, bumibilis, parang tambol na nagpapahayag ng panganib. Hindi na niya kailangang lumingon. Alam na niyang pinagtatawanan siya. Nilulunod siya ng mga matang sabik sa iskandalo.Ginagawang palabas ni Amber ang kanyang pagkasira—at ginagawa niya ito nang may s
Ang hangin sa tabing-dagat ay malamig, ngunit hindi iyon sapat upang pawiin ang init ng tensyon na bumabalot sa paligid. Sa gitna ng umpukan, bumulwak ang isang tinig, malamig, matalim, at puno ng galit.“Charlene, saan ka na naman gumapang ngayon?” Malinaw at buo ang boses ng babae, tila kutsilyong dumadaplís sa balat. “Talagang wala kang hiya. At ngayon, nagpapaawa ka pa? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na kung paano mo ako dinuraan at tinapakan noon, literal. Ngayon, kunwari ka pang inosente. Noon, sobrang landi mo. Nakabuyangyang ka pa sa harap ng camera. Napanood ko ‘yon, buong-buo. ‘Yan ba ang balak mong ipamana sa anak mo?”Parang apoy na pinandiligan ng gasolina ang reaksyon ng mga tao. Mula sa mga bulong at ungol, naging lantaran ang mga reaksiyon. Napuno ng ingay ang paligid, bawat isa’y nag-aabang sa susunod na mangyayari.Ngunit hindi pa tapos ang babae. “At sasabihin mong ako ang masama? Ang tapang mong umakto, pero ngayon takot kang mapag-usapan? Kung sa sinaunang pana
“Hindi ko akalaing mahilig si Miss Harrington sa mga balita tungkol sa ekonomiya,” ani West, malamig ang tono nito habang panakaw na sinulyapan si Amber mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan.Ikinuyom ni Amber ang isang hibla ng buhok sa daliri at tumikhim, halos nakangisi. “Gusto ko lang namang mas maintindihan si Attorney Lancaster.”Kalmado ang ngiti sa kanyang labi ngunit malinaw ang intensyon sa kanyang salita. Hindi siya hangal. Hindi dapat nag-aaksaya ng panahon ang isang babae sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala. Lalo na kung sakaling ang lalaking ito ay walang-wala pala. Nakakatawang trahedya iyon.Pero sa kaibuturan ng kanyang isipan, alam niyang hindi ganoon si West. Ang lalaking ito, kaya ang kahit anong uri ng buhay, maliban na lamang sa pagiging miserable.Hindi na sumagot si West. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at may bahagyang kurbang nabuo sa kanyang labi, isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi siya naniwala sa palusot ni
Napatitig lamang si Amber kay West, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Parang may umalingawngaw na tanong sa kanyang isipan; seryoso ba talaga ito? Sa dami ng pwede niyang maramdaman sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Gusto niyang matawa dahil parang biro lang ang lahat. Ngunit may parte rin sa kanya na gustong manuntok dahil hindi niya maintindihan kung anong larong pinasok ni West, at kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop nito sa isang mundong puno ng tukso.“Sigurado akong nasisiraan ka na ng bait,” mariing sambit ni Amber, kasabay ng pagyuko upang damputin ang kanyang bra. Hindi na siya tumingin pa kay West. Sa halip, buong determinasyon siyang nag-ayos ng sarili, handang umalis, handang limutin ang kakaibang tensyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila.Ngunit bago pa siya makalakad palayo, mabilis na inabot ni West ang kanyang pulso. Mahigpit, ngunit hindi marahas. Parang sinasabi ng kanyang pagkakahawak na hindi pa tapos ang usapa