Share

CHAPTER 5

Author: SPICY SINGLE
last update Last Updated: 2025-01-25 21:29:12

“’Ma?”

Nagising ako kinabukasan na wala si Mama sa tabi ko. Nagtatakang inilibot ko ang tingin sa maliit naming kwarto. Bumangon ako at inalis ang kumot. Tumingin ako sa maliit na alarm clock na nakapatong sa lamesita sa may bintana. Four thirty pa lang ng umaga.

“Mama?” Tawag ko ulit sa kaniya.

Pinatay ko muna ang electric fan namin bago lumabas ng kwarto. Naamoy ko agad ang ginigisang bawang papunta pa lang ako sa kusina. Muli akong nagtaka. Hindi gumigising ng ganito kaaga si Tita Jocy. At higit sa lahat, hindi siya nagluluto.

“Si Mama kaya ang nagluluto?” tanong ko sa sarili.

At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko siyang kumakanta-kanta pa habang nakaharap sa kalan at nakatukod sa balakang ang isang kamay. Malapad akong napangiti. Nagmadali akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

“Goof morning, ’Ma! Ang aga po ninyong nagising ah!” bati ko sa kaniya.

“Good morning din, Anak! Sabi ko naman sa ’yo, ’di ba? Babawi ako. Kaya gumising ako ng maaga at ipinagluto kita. Tamang-tama at may daing akong nakita sa ref. Nagprito na din ako ng itlog kaya maupo ka na doon mahal kong prinsesa dahil ipaghahanda na kita ng makakain mo.”

“N-Nagprito pa po kayo ng itlog kahit may daing na?” kinakabahan na tanong ko. Baka kasi magalit si Tita Jocy kapag nalaman niyang maraming ulam na iniluto si Mama.

“Papalitan ko kay Ate Jocy ang mga ulam na niluto ko ngayon kaya huwag kang mag-alala.” Lumingon siya sa akin at ngumiti.

“Pero wala po tayong pera.”

Naubos na ang pera na ipon namin ni Mama. Dahil lagi siyang tulala at hindi makausap, kinuha ni Tita Jocy ang ipon namin na nagkakahalaga ng tatlumpong libo. Ang sabi niya ay siya na daw ang bahalang magtabi at mag-budget.

“Bakit, may ipon tayo ’di ba?” P*natay muna ni Mama ang kalan bago humarap sa akin.

“Kinuha po kasi ni Tita Jocy. Ang sabi niya siya na daw po ang bahalang magtabi at mag-budget. Para may pangdagdag daw sa gastusin sa araw-araw.”

Napabuntong-hininga si Mama. “Si Ate talaga, sana nagtira man lang siya kahit sampung libo.”

“Kinuha niya po lahat.”

“Hayaan mo na nga ’yun. Ayaw kong makipagtalo sa kaniya at baka isumbat na naman niya lahat nang naitulong sa akin noon.”

Gusto kong sabihin kay Mama na lagi akong sinusumbatan ni Tita tungkol sa mga naitulong at sakripisyo daw niya noong dalaga pa si Mama pero mas pinili ko na lang na manahinik. Siguro naman ay hindi na niya ulit uungkatin pa ang mga ’yon lalo na ngayong bumalik na ulit sa dati si Mama. Isa pa ay ayaw kong magkaroon ng hidwaan sa pagitan nilang magkapatid nang dahil sa akin.

“Siya, maupo ka na at ipaghahain na kita. Bakit pala ang aga mong gumising? Wala pang alas singko.” Ipinaghila niya ako ng upuan at inalalayang maupo.

“Mag-iigib po ako para may pangligo po tayo.” Inalis ni Mama ang takip ng mga pagkain. Natakam ako pagkakita sa pritong daing na bangus.

“Bakit ikaw ang mag-iigib? Hindi ba at si Kuya Vicente ang nag-iigib ng tubig para punuan ang drum sa banyo?” nakakunot ang noo na tanong ni Mama sa akin. Kumuha siya ng bandehado. Muling lumapit sa kalan at nagsandok ng sinangag.

“A-Ano po kasi... Nahihiya na ako kay Tita Jocy kaya ako na ang nagprisinta na mag-igib ng tubig sa drum.” Pagsisinungaling ko.

Si Tito Vicente dati ang laging nag-iigib ng tubig na ginagamit sa araw-araw pati na din ang pangligo. Pagkatapos niyang mag-almusal ay umiigib na siya gamit ang tricycle bago mamasada. Pero pinahinto siya ni Tita Jocy at ako na ang inuutusang umigib magmula noong laging tulala si Mama.

Bawas pa daw sa gasolina kapag ginamit ang tricycle imbes magamit pa para sa pagpapasada. Isa pang dahilan niya ay para naman daw may maitulong ako dahil wala kaming ambag sa mga gastusin sa bahay. Hindi naman daw aabot ng dalawang buwan ’yung pera na kinuha niya sa amin kaya dapat daw akong kumilos.

Noong una ay hindi pumayag si Tito Vicente sa gusto ni Tita dahil masiyado daw akong mapapagod pero kalaunan ay napapayag din siya ni Tita Jocy dahil lagi siyang binubungangaan.

“Pero kahit na, Anak! May kalakihan din ang mga drum na imbakan ng tubig! Sumosobra na talaga si Ate. Hindi na siya naawa sa ’yo!” Namula sa galit ang mukha ni Mama.

“Hayaan n’yo na po, Mama. Gusto ko din po kasing makatulong. At saka ang aga pa para uminit ang ulo mo. Ang mabuti pa, maupo na din po kayo para sabay na tayong mag-almusal.”

Tumayo ako at siya naman ang inalalayan kong maupo. Tumaas-baba ang dibdib niya dala ng galit kaya kinuhaan ko siya ng tubig para kumalma.

“Inom po muna kayo.” Inilapit ko sa bibig niya ang isang baso ng tubig.

Kumuha ako ng dalawang pinggan pati na din kutsara at tinidor matapos kong painumin si Mama. “Kain na po muna tayo, Mama.”

Dinampot ko ang bandehado at sinandukan siya ng sinangag. “Ako na anak. Ang sabi ko babawi ako sa ’yo tapos ako pa ’tong inaasikaso mo.”

Ako naman ang sinalinan niya ng sinangag pati na din ng ulam. “Huwag n’yo na po kasing masamain ’yung pagtulong ko dito kila Tita Jocy. Dapat nga po maging proud pa kayo kasi may masipag kayong anak.”

Ngumiti ako kay Mama upang makumbinsi siya na ayos lang sa akin ang pag-iigib kahit na sa totoo lang ay hirap na hirap ako dahil may kalayuan din ang poso. Apat na bahay muna ang madadaanan bago makarating doon. Kaya pagkakatapos kong umigib, pakiramdam ko ay matatanggal na ang mga braso ko.

“Kahit na. Kakausapin ko si Ate na huwag ka na niya ulit paiigibin. May tricycle naman tapos pahihirapan ka niyang umigib.” Giit pa ni Mama.

Hindi na lang ako kumibo at hindi na siya kinontra para makakain na kami. Nagprisinta akong maghugas ng mga pinagkainan namin pagkatapos naming kumain pero hindi siya pumayag.

“’Ma, magpapa-enroll po pala ako mamaya. Samahan n’yo po ako,” sabi ko kay Mama habang pinapanood siyang maghugas ng mga pinagkainan

“Magpapa-enroll?” Humarap siya sa akin.

“Opo. Two weeks na lang po at pasukan na,” sagot ko.

“Ah. Pasensiya na, Anak. Nawala sa isip ko,” napapakamot sa ulo na sambit niya.

“Ang bilis lang talaga ng panahon. Grade seven ka na pala.” Kumislap sa tuwa ang mga mata niya.

“Oo nga po, eh. Natutuwa po ako at bumalik ka na sa dati, Mama. Huwag po nating panghinayangan si Papa. Hindi po kawalan ’yung mga taong hindi makuntento at walang pagpapahalaga sa binuong pamilya. Masaya naman po ako kahit tayo lang na dalawa.”

Sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi ni Mama. Ipinahid niya ang mga basang kamay sa apron na suot niya. “Halika nga dito, payakap si Mama.”

Tinawid ko ang pagitan naming dalawa. “Maraming salamat, Anak. Salamat dahil nauunawaan mo ang sitwasyon nating dalawa. Tama ka, magiging masaya tayo kahit tayo lang na dalawa. Gusto kong mag-aral kang mabuti at tuparin mo ang mga pangarap mo. Ipakita mo sa ama mo na kaya mong maging successful kahit wala ang tulong niya.” Unti-unting nabasag ang tinig niya.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at tumingala. “Promise po, mag-aaral akong mabuti para po sa ’yo, ’Ma. Kahit anong hirap ng buhay titiisin ko maabot ko lang ang mga pangarap.”

“At sana, huwag kang gagaya sa akin na mas pinairal ang puso kaysa isip. Kahit nalaman nang mali, itinuloy pa rin. Sana piliin at kilalanin mo muna nang maigi ang isang tao bago mo bigyan ng oras at atensyon. Dahil oras na hinayaan mo silang maging parte ng buhay mo, hinding-hindi ka na makakaalis kahit malaman mong mali ang pag-iibigan ninyo.” Makahulugang payo sa akin ni Mama.

“Tatandaan ko po lahat nang mga sinabi mo sa akin ngayon, Mama.”

“Salamat naman kung gano’n. Maligo ka na maya-maya dahil magpapa-enroll ka pa. Para maihanda mo na din ang iba pang mga dadalhin mo para sa enrollment. Okay lang ba na hindi na kita samahan? Gusto ko kasing ayusin ’yung kwarto natin.”

“Okay lang po, ’Ma. Ihahatid naman po ako ni Tito Vicente.”

Tatlong baranggay pa ang madadaanan bago makarating sa school. Ang sabi dati ng kaklase ko sa Grade six ay mahigit dalawampung minuto ang biyahe papunta doon.

“Basta Anak ha, lagi mong tatandaan lahat ng payo ko sa ’yo? Mahal na mahal kita, Anak. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”

Itinatak ko sa isip lahat nang sinabi niya. Dahil gusto ko balang araw kapag nagkaroon ako ng sariling pamilya, ’yung buo at masaya lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 43

    “K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 42

    “Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 41

    Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 40

    “Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 39

    “Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 38

    “Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status