공유

CHAPTER 4

작가: SPICY SINGLE
last update 최신 업데이트: 2025-01-24 21:23:51

Bumangon ako nang makatulog si Mama. Kinuha ko ang mga maruruming damit namin upang maglaba. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi siya magising.

Isang putol ng baretang sabon at isang sachet lang ng detergent powder ang ibinibigay sa amin ni Tita Jocy. Para sa isang linggong labahin na daw namin kaya ang ginagawa ko ay pinuputol ko ulit ang isang bareta para hindi kaagad matunaw.

“Tamang-tama, maglalaba ka pala. Isabay mo na ’tong mga uniporme na binili ko para kay Jovy. May sabon na din diyan. Dalawang linggo na lang at pasukan na kaya dapat malabahan na ’tong mga ’to.” Inilapag niya ang laundry basket.

“T-Tita Jocy, pwede na din po ba akong mag-enroll?” nag-aalangan na tanong ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at napakamot sa ulo. “Sige, bukas mag-enroll ka na. Magpahatid ka na lang sa Tito Vicente mo.

“Salamat po, Tita. M-May uniform na din po ba ako dito?”

“Aba! Ang galing mo naman kung ibibili din kita ng bagong uniporme? May ibinibigay sa akin si Mareng Adele na pinagliitang uniporme ng anak niya, kukunin ko mamaya para may masuot ka. Sabihan mo kasi ’yang Nanay mo na magtrabaho na. Akala mong mauubusan ng lalaki! Sinira na nga ng lalaking ’yun ang buhay ng Nanay mo tapos iniwan pa kayo. Pinag-aaral ko siya habang nagpapakahirap akong magtrabaho tapos malaman-laman ko na lang nakikipag-live in na siya sa lalaking dayo lang naman dito sa lugar natin. Ni hindi nga niya lubos na kilala ’yung tao tapos nagtiwala na agad siya.”

Yumuko ako at ipinagpatuloy na lang ang paglalaba. Hindi na lang ako kumikibo kapag ganitong nagsimula na naman siyang magsermon. Hindi natatapos ang isang linggo na hindi niya inuungkat ang naging pagkakamali ni Mama noong pinag-aaral siya ni Tita Jocy kaya saulado ko na lahat nang sasabihin niya.

“’Yang Nanay mo, maswerte siya at nakatungtong siya ng kolehiyo. Ako noon gustong-gusto ko mag-aral pero hindi ko magawa kasi wala namang kakayahan sina Mama at Papa na pag-aralin kami ng sabay-sabay. Kaya nang makapagtapos ako sa high school, nagtrabaho na kaagad ako at namasukang tindera sa bayan kasi hindi sapat ang kinikita ni Papa para mapag-aral kami.”

Panganay si Tita sa tatlong magkakapatid. Ang pangalawa ay lalaki at kasalukuyang naninirahan ngayon sa ibang bansa kasama ang pamilya nito. Si Mama naman ang kanilang bunso.

Inako na ni Tita Jocy ang responsibilidad sa pamilya nang mamatay si Lolo na pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay. Habang ang Lola naman ay isang mananahi sa bayan. Siya ang nagpaaral kina Mama at Tito Romel. Si Tito Romel ay nakapagtapos at isa na ngayong nurse sa Canada. Samantalang si Mama naman ay hanggang third year college lang dahil sumama siyang magtanan kay Papa.

Sinubukan pa daw silang paghiwalayin pero tumakas si Mama at sumama kay Papa nang bumalik na sa Maynila. Isang semester na lang daw at magtatapos na si Mama sa kursong Education pero mas pinili daw ni Mama na sumama kay Papa kaysa tapusin ang pag-aaral.

Dahil sa ginawa ni Mama, naging sakitin si Lola at ayaw magpagamot. “Kung hindi maagang kumirengkeng ’yang Nanay mo siguro hindi magiging sakitin si Mama. Baka hanggang ngayon buhay pa siya at kasama namin.”

Isa din sa nagpapabigat ng loob ni Mama hanggang ngayon ay ang pagkawala ni Lola dahil sa kaniya. Idagdag pa na ’yung taong ipinaglaban at mas pinili niya ay iniwanan din kami at mas pinili din ang ibang babae.

“Tingnan mo ang nangyari sa inyo, kinarma na agad ang Nanay mo dahil sa katigasan ng ulo niya. Kung sana nakinig lang siya sa amin at tinapos ang pag-aaral, baka buhay pa si Mama. Hindi man lang ni Mama naranasan ang magandang buhay. Muntikan pa akong hindi magkaanak dahil inuna ko siya kaysa sa pag-aasawa kahit lagpas na ang edad ko sa kalendaryo pero heto lang ang isusukli niya. Huwag ko lang talaga mapatunayan na totoo ang bali-balita tungkol sa Tatay mo. Talagang masas*mpal ko siya.” Dagdag pa ni Tita.

Damang-dama ko ang galit at hinanakit niya sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi ko akalaing nakarating na pala sa kaniya ang kumakalat na chismis tungkol kay Mama.

“Wala pong katotohanan ang mga pinagsasabi nila, Tita. Hindi magagawa ni Mama ang gano’ng bagay. Kilala n’yo naman po siguro siya.” Depensa ko kay Mama.

“Nawala na ang tiwala ko sa kaniya magmula nang magtanan siya at piliin ang Tatay mo na kakikilala lamang niya. Dayo lang ang Tatay mo. Nagbakasyon lang siya dito sa Bicol tapos sumama na siya pauwi sa Cavite.”

Isinama lang noon si Papa ng kaibigan nito na nagbakasyon sa Albay. Doon sila nagkakilala ni Mama. Ilocano si Papa pero nagtatrabaho siya sa Cavite bilang Manager sa isang restaurant.

“Kaya ikaw, huwag na huwag mong tutularan ’yang Nanay mo. Huwag kang magdadala ng kahihiyan sa pamilya natin. Hindi na sana madagdagan ang kahihiyang idinulot niya dahil talagang malilintikan ka. Aral muna bago boyfriend. Ang lalaki, nandiyan lang ’yan. Kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral, saka ka mag-boyfriend. Mahirap magkaroon ng pamilya kapag wala kang maayos na trabaho. Utak lagi ang pagagamahin, huwag ang puso. Tandaan mo ’yan, Dhanna.”

Hindi ko din siya masisisi kung bakit ang laki ng galit at sama ng loob niya kay Mama. Pero sana naman ay magawa na niyang magpatawad dahil matagal nang nangyari ang mga bagay na ’yun. Bata pa si Mama nang magtanan, nasa edad ng kapusukan.

“Mahal, sinesermonan mo na naman ba ’tong si Dhanna?” Nag-angat ako ng tingin nang biglang magsalita si Tito Vicente. Inakbayan niya si Tita Jocy.

“Pinapangaralan ko lang siya. Ayaw kong matulad siya kay Belen na nasira ang buhay at hindi na natupad ang pangarap dahil lang sa sobrang pagmamahal sa isang lalaki. Tapos ngayon ano ang napala niya, wala ’di ba? Iniwanan lang sila sa ere ” Paliwanag ni Tita kay Tito Vicente.

“Hindi naman ginusto ni Belen na iwanan siya ni Danny. Walang matinong babae ang gugustuhing maging broken family sila. Sadyang hindi lang marunong makuntento si Danny kaya siya naghanap ng iba,” malumanay na sabi ni Tito Vicente sa kaniyang asawa.

“Sa tingin mo, gusto ko din ang nangyayari ngayon sa kapatid ko? Nasasaktan din naman ako para sa kaniya. Nagdurusa siya dahil sa kagagawan niya.”

Galit na tinalikuran ni Tita Jocy si Tito Vicente. Napapailing na lang siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong asawa.

“Pagpasensiyahan mo na ’yang Tita mo, ha? Lagi ka tuloy nadadamay sa sama ng loob niya kay Belen. Mainit ang ulo niyan kasi marami ang bayarin ngayong buwan.” Hinging paumanhin sa akin ni Tito Vicente.

Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil lagi niyang inaawat at pinagsasabihan si Tita sa tuwing napagbubuntunan ako kapag mainit ang ulo.

“Ayos lang po, Tito. Nasanay na din naman po ako.”

“Siya nga pala, nakapag-enroll ka na ba?” Pag-iiba niya ng usapan.

“Hindi pa po. Pero huwag po kayong mag-alala, bukas na bukas din magpapa-enroll po ako.”

“Sige, bukas ihahatid kita sa school. Sabihin mo lang kapag may mga kailangan ka, ha? Aalis na ako para makarami ng kita.”

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 43

    “K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 42

    “Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 41

    Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 40

    “Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 39

    “Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 38

    “Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status