Share

Chapter 111: Writing a Paper

Author: Mallory Isla
last update Last Updated: 2025-01-01 19:53:08
Hindi maganda ang ekspresyon na nasa mukha ni Mavros, "Ayos ka lang ba?" kinakabahang tanong niya kay Maxine.

"Ayos lang naman ako, kuya, kumuha lang kami ng litrato sa coffee shop, ano bang nangyari?" medyo nag-aalalang sambit ni Maxine.

Huminga ng malalim si Mavros, "Si Mariana, umalis siya para iligtas ka."

"Iligtas ako? Anong ibig mong sabihin?" nanlaki ang mga mata ni Maxine.

Mabilis namang binuksan ni Mavros ang pinto ng sasakyan, "Huli na, pumasok ka muna sa kotse!"

Agad na pumasok si Maxine sa loob ng sasakyan, at sinabi rin ni Mavros sa kanya ang nangyari pagkatapos nitong sumakay.

"Ano?! Paano nangyari iyon? Low battery ang telepono ko at nakapatay, hindi ko nasagot ang tawag!" gulat na inilabas ni Maxine ang kanyang telepono.

Nakaupo sa passenger's seat ang assistant ni Mavros, naghahanap ito ng impormasyon sa lisensyadong plaka ng sasakyang lulan ni Mariana. Kumuyom ang mga kamao ni Mavros. Natanggap niya ang tawag ni Mariana habang nasa kalagitnaan siya ng me
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 136

    "Mula pa kahapon ay hinihiling na ng mga kasosyo ko sa kumpanya na wakasan ang kontrata nila sa akin. Nalulula na ngayon sa isang malaking halaga ang pabrika ng imbentaryo at hindi na ito kailanman maaaring ibenta. Ang mga tao na mga tumatawag noon sa akin ay natatakot at nagtatago na sa tuwing natanggap nila ang mga tawag ko ngayon. At ngayon na narinig mo na ang lahat ng ito, magmamatigas ka pa rin ba at hindi ka pa rin hihingi ng tawad?" Sabi ni Tyson gamit ang malalim na boses. Natigilan naman si Kaena sa kaniyang mga narinig. Bumuka ang kanyang bibig, tila may nais na sabihin ngunit mabilis din niyang itinikom iyon. "H-hindi ba ito pambu-bully? Hindi naman mali ang sinabi ko, ah." saad ni Kaena. Wala ng oras pa si Tyson para bigyang pansin ang sinabi ng kaniyang kapatid. "Bibigyan kita ng isang oras. Kapag hindi mo pa rin ito inilabas sa publiko makalipas ang isang oras ay ipapadala ulit kita sa Mental Health Center dahil sa sakit mo sa pag-iisip. Mas mapapadali nito ang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 135

    "Totoo? Ang totoo ay buong network na ang pumupuntirya sa iyo ngayon. Alam mo ba na ang lahat ng mga kalokohan na ginawa mo noon ay nailabas na sa Internet? Maging ang mga video na kuha noon ay nandoon na lahat!" Galit na sabi ni Tyson. Paano namang hindi malalaman ni Kaena ang tungkol doon? Kaagad nga niyang binasag ang sariling telepono nang makita niya kaagad ang balita. "Kuya, ngayon ay nakita mo na kung ano ang tunay na mukha ng malanding iyon. Gusto lang niyang sirain ang pamilya Ruiz at pati na rin ako! Dinala na niya ako sa isang mental hospital, pero hindi pa rin niya ako tinatantanan." saad ni Kaena. Nanatili namang malamig ang tingin sa kanya ni Tyson. "Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyan? Kung hindi mo sana iginiit na ilabas ang mga salitang iyon sa social media, sa tingin mo magkakaroon ka pa ng problema ngayon?" Hindi pa rin natitinag si Kaena, kasabay ng pag-hikbi ni Diana. Ngunit si Tyson ay hindi nakaramdam ng kahit na anumang pagkabalisa. Kakaiba

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 134

    "Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post. Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan. “Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.” "Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.” "Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!" ... Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 133

    Tumango si Mariana at muling ipinikit ang kaniyang pagod na mga mata. Kalahating tulog at kalahating gising ang kaniyang diwa nang sa wakas ay lumabas na ng banyo si Mavros na nakabalandra ang itaas na bahagi ng katawan, ang kalahating basang buhok nito ay natatakpan ng maulap na singaw ng tubig. Sa sandaling sumampa ito sa kama ay mabilis na inihagis ni Mariana ang sarili sa mga bisig ni Mavros. "Napakatagal mo naman." saad ni Mariana. "Nagising ba kita?" tanong ni Mavros pagkatapos ay inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ni Mariana. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mariana. "Hindi naman." aniya. Hinawakan niya ang mukha ni Mavros gamit ang kanyang kabilang kamay at muling nagtanong. "Bakit ka ba hingi ng hingi ng tawad kanina?" tanong ni Mariana. Bahagya ring nanlaki ang mga mata ni Mavros dahil sa tanong na iyon. "Natatakot lang ako na baka kamuhian mo ako kapag nalalasing ako." sagot Mavros. Ilang minuto pa siyang naghintay sa magiging tugon ni M

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 132

    — Samantala, sa bar na nasa loob lang din ng islang kinaroroonan nila ay nagtungo roon si Mavros, nagtungo siya sa isang sulok at saka umorder ng ilang baso ng alak. Nang matagpuan siya ni Jasver ay nakainom na agad siya ng tatlong baso ng alak. "Mavros? Bakit hindi mo kasama si Miss Ramirez at umiinom ka ng mag-isa dito?" tanong ni Jasver nang makalapit sa kinaroroonan ni Mavros. Inabot sa kanya ni Mavros ang isang buong bote ng alak na walang ekspresyon ang mukha. "Samahan mo ako at uminom ka ng dalawang bote ng alak rito." ani Mavros. Nilunok ni Jasver ang kanyang sariling laway at saka tinitigan ang buong bote ng mamahaling alak na inilahad sa kaniyang harapan sa pagkamangha. Masunurin niyang binuksan ang bote at saka nagsalin ng dalawang baso ng alak at gayon din sa baso ni Mavros. "Ano bang problema, Mavros? Broken hearted ka ba?" tanong ni Jasver kay Mavros. "Hindi." maikling sagot ni Mavros pagkatapos ay muling nilagok ang alak na sinalin ni Jasver sa kan

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 131

    Sa huli ay maingat na itinulak ni Mariana ang kabute na inihaw ni Ellie. "Ellie, subukan mo muna." aniya "Bakit? Ano ang mali?" tanong ni Ellie. Kinuha niya ang kabute at kumagat roon pagkatapos, pumihit sa mukha niya ang kulay ng atay ng baboy.“Nakakadiri!" ani Ellie oagkatapos iluwa ang kaunting pagkain na kaniyang kinagatan. "Subukan mo sa akin." May halong pagmamalaki na saad ni Jasver. Sinulyapan siya ni Ellie."Tiyak na maling paraan lang ang sinabi ni Tita Wanda, hindi ako kumbinsido, hindi ko pa rin kakainin ang sa iyo!" ani Ellie. Tinalikuran niya ang mukha ni Jasver, ngunit ang bango ng minasa na bawang ay nanuot sa kanyang pang-amoy. Nanatiling nakaupo si Maxine sa tabi ni Ellie, ngumunguya ng mga kabute sa malalaki nitong bibig, humihingal, at ang kanyang mga mata ay puno ng mga bituin. Hindi niya maiwasang bumulong sa kanyang puso, kung gaano kaya ito kasarap! Kinain niya ang mga pagkain na nasa pinggan ni Jasver, na talaga namang ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status