Bata pa lang si Andreana Velasquez nang maulila siya dahil sa isang madugong ambush. Ang target sana ng pag-atake ay isa sa mga miyembro ng makapangyarihang pamilyang Vergara. Ngunit sa halip na ang mga ito ang tamaan, ang magulang ni Andrea ang nasawi—dahil kasunod nila ang sasakyang dapat sanang ambush-in. Sa isang iglap, nadamay sila sa malawakang putukan na para sa mga Vergara. Simula noon, isinisi ni Andrea sa pamilyang Vergara ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Bitbit ang galit at sakit, pinangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapanagot ang pamilyang responsable sa lahat ng kanyang pinagdaanan. At ngayon, oras na para singilin ang mga Vergara.
View MoreAndreana Steff Velazquez
I smirked to myself as I stepped out of the airplane. Kararating ko lang galing Italy, nag-vacation ng halos isang buwan. I definitely didn’t miss the Philippines, but I had no choice. This is where I live, so of course, I had to come back. At isa pa, ngayon isasagawa ang pagpapabagsak sa mga Vergara! I let out a cold chuckle. They’ll finally be destroyed…that wretched, eyesore of a family! Sinuot ko ang sunglasses ko bago ako naglakad palabas ng airport. Tumawa ako nang hindi pa ako nakakalabas ng gate at tumunog na ang cellphone ko. Let's see… this might be Scarlet or Mr. Herrera. It has to be one of them. Tinignan ko ang caller at nakitang si Mr. Herrera yon. "Hello, Mr. Herrera," I greeted. I was in a good mood despite the busy airport. “Are you already here in the Philippines, Attorney?” tanong niya. I smirked. “Oh yes, Mr. Herrera. Kakarating ko lang. If you want to meet, I can arrange a schedule today.” Kaya ‘yon ang ginawa ko. Siya ang gagawa ng kaso laban sa mga Vergara. I collected evidence he could use against them. Hindi naman matagal ang pagkikita namin… we just went over the case again para siguradong walang palya. Nakatitig ako kay Mr. Herrera habangg pinapakinggan namin ang isa sa ebidensya na nakuha ko. Isang phone record kung saan nag-uusap ang dalawang tauhan ng mga Vergara. “Wag pakialaman ang babae. Target lang si Ortega. Pero kung makialam siya—alam mo na ang gagawin,” sabi ng isang tauhan nila sa kausap niya sa phone. “Gusto ko lang malinaw... Walang ebidensyang mag-uugnay sa atin?” sagot naman ng isa pang tauhan nila. They were talking over the phone. “Wala. Lahat disposable. Sasakyan, baril, cellphone…lahat lilinisin pagkatapos. Wala tayong iniwan na bakas. Mismong si Senior Vergara ang nagplano.” “Sige. Kung ’yan ang gusto ng matanda, susunod tayo. Pero kung pumalpak ’to…” “Hindi papalpak. Basta gawin mo lang ang parte mo.” Pinag-uusapan nila ang planong ambush na gagawin nila sa Ortega na ‘to—na apparently ay kumakalaban daw sa pamilyang Vergara. They specifically mentioned that it was Señor Vergara who ordered them. I gritted my teeth when I remembered how I’m very much an orphan now because of a damn ambush! “This will ruin them,” nasasabik na sabi ni Mr. Herrera sa akin. “Yes,” nakangiti kong sagot. My voice was laced with malice. Matapos ng private meeting na iyon ay umalis na ako. Siya na ang bahala sa lahat. Wala kaming ugnayan. I didn’t give him evidence. Yon ang usapan namin. Hindi dapat ako sasabit sa kasong isasampa niya. I was betrayed! Nadawit ko pa ang kaibigan ko dahil may isang ebidensyang sa kanya galing. She was also mad at Lucian Vergara, and I somehow convinced her to help me collect evidence against them. At ngayon, tinutugis ng mga tauhan ng mga Vergara. Everything happened so fast. Isang araw, kararating ko lang galing Italy. Nag-usap pa kami ni Mr. Herrera tungkol sa kasong isasampa niya. Nakipagkita si Scarlet, ang kaibigan ko, para itanong kung itinuloy ko pa ba ang paggamit ng ebidensyang galing sa kanya…kasi takot siya sa mga Vergara, baka raw may mangyaring masama sa kanya. I was telling her to calm down when she got hysterical. Pinapakalma ko siya at sinasabing hindi kami madadawit. I trusted Mr. Herrera. And I was wrong to trust him! Hindi ko alam kung gaano kalupit ang mga Vergara, pero nagawa nila kaming i-kidnap sa isang iglap lang! “This is all your fault!” sigaw sa akin ni Scarlet, galit na galit. Nasa isang silid kami na wala ni isang bintana. Ang pintuan ay rehas. May CCTV na nagbabantay sa amin. Matapos kaming habulin ng mga tauhan ng mga Vergara at patulugin gamit ang isang drug, paggising namin, nandito na kami! And we've been here for days. Wala kaming alam sa nangyayari sa labas. Wala kaming naririnig na ingay, at pati oras ay hindi na rin namin alam. Mga tauhan lang ng Vergara ang mga nandito. Pero ang alam namin, parating din ang boss nila para i-torture kami sa kasalanan namin. As much as I don’t want to admit that it was my fault, parang kasalanan ko naman talaga! At kailangan naming makatakas dito! “What if we destroy this?” suhestiyon ko habang nakahawak sa padlock. Kanina pa ako nag-iisip ng pwedeng gawin, pero puro negative ang sinasabi ni Scarlet. “May CCTV, Andrea. At anong isisira mo dyan? Wala tayong kahit anong matigas na bagay ditong pwedeng gamitin!” frustrated niyang sagot. I sighed heavily — naiinis na! “Kung mag-isip ka rin at hindi ka puro angal dyan!” inis kong baling sa kanya. Alam ko na ang susi sa padlock na 'to ay nasa lalaking nagdadala ng pagkain sa amin. If only I could distract him and Scarlet would cooperate! Kaso parang ako lang talaga ang maaasahan dito! Napalingon ako sa labas nang marinig kong may bumukas na pintuan sa malayo. Bumaling ako kay Scarlet na halos wala sa sarili. I exhaled sharply. I have to do something! “Tangina mo, Scarlet. This is all your fault!" I screamed so loud. Kita ko ang pagkagulat niya at ang panlalaki ng mga mata niya sa sigaw ko. I tried so hard to bring tears to my eyes para maging convincing ang gagawin ko. “Andrea what…” “Shut up!” putol ko sa kanya. Mas lalo pa akong nagwala nang marinig kong may lumalapit na sa amin. “Dinamay mo ako! Tangina mo!” sigaw ko sabay na humagulgol. Scarlet couldn’t understand what was happening. She was mortified! “Anong nangyayari dito?” galit na tanong ng lalaking nagbabantay sa amin. “Iyang babaeng yan! Manggagamit!” nanlilisik na matang sabi ko. “What? Can you just shut up?!” Scarlet snapped — exactly the reaction I wanted from her. Humawak ako sa buhok ko at halos sabunutan ang sarili. “Ilabas niyo yan dito! I will kill her!” I screamed so loud again. Bumaling ako sa lalaki at nanlilisik ang mata ko sa kanya. “What the hell is your problem?” sigaw na rin ni Scarlet. I groaned angrily. Kunwari akong susugod kay Scalet nang napigilan ako ng lalaki sa labas. Nahawakan niya ako at idiniin sa rehas. Mahigpit niya akong ginapos para hindi ko malapitan si Scarlet. I was shocked that my plan worked. Tingin ko kasi ay ayaw nilang may mangyari sa amin habang wala pa ang boss nila, kaya naisipan kong mang-away. “Tumahimik kayo! Pagdating ni boss ay saka na kayo magpatayan!” sigaw ng lalaki sa amin…nagagalit narin. Kunwari akong nanlaban hanggang sa feeling ko, hindi na maramdaman ng lalaki kung kukunin ko ang susi sa gilid niya. Kinapa ko ang susi habang patuloy na nanlalaban, kunwari gustong-gusto ko talagang patayin si Scarlet. I bit my lower lip when I finally got the key! “Bitawan mo ako! Papatayin ko yang babaeng yan!” sigaw ko kahit nakuha ko na ang susi. “Ikaw ang papatayin ko kung hindi ka pa titigil!” banta ng lalaki. “Andrea, stop! Hindi lang ako ang may kasalanan dito! Ikaw rin!” sigaw ni Scarlet sa akin—now playing along with my plan. Nakita niya ang pagkuha ko ng susi. Buti na lang at wala siyang naging reaksyon doon. “Tumahimik kayo!” malakas na sigaw ng lalaki. Nawawalan na ng pasensya. I smirked secretly. Tumigil na ako dahil nakuha ko naman na ang gusto ko. We will get out of this place! Hindi ako papayag na ma-torture kami dahil sa kagagawan ko! …Sa akin siya dumiretso, nanlilisik ang mata. Medyo kinabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin.Nakahiga ako at sa gilid ko siya huminto.“You’ve been on the bed the whole day. What is your problem?” he asked. His voice was laced with irritation. Hindi niya nagawang itago. Iritado ko lang siyang tiningnan. Kita ko ang pag-igting ng panga niya nang makita niyang hindi ko naubos ang pagkain ko.“Tell me, what’s the matter?” he asked again, trying to calm his voice.Pero iritado ko lang siyang tinitigan. Why can’t he just leave me alone? Hindi siya ang kailangan ko… si Eros!Ilang minuto ang lumipas na wala akong sinasabi.“Dammit! What is your problem!” His voice thundered all around the room.Kumalabog ang puso ko sa kaba. Pero at the same time, naiinis din ako sa kanya. Sinabi ko na na ayaw ko siyang kausap!Sunod-sunod ang malalalim kong paghinga. Nagagalit siya at nagagalit rin ako dahil pinapakialaman niya ako.Nang hinawakan niya ang kamay ko para patayuin, do
I gritted my teeth. Hindi ko na siya pinansin kahit halata sa kanya na nambu-bwisit na naman siya.Pinilit ko ang sarili kong bumangon at kainin ang dinala niya sa akin. I refused to say a word to him. I refused to glance at him. Nakatuon lang ang mata ko sa tray na binigay niya. Kung nakatingin ba siya sa akin habang kumakain ako, hindi ko na alam. But he was still standing in front of me while I was eating my breakfast.“Did you have a good sleep?” tanong niya, parang nananantya ang boses niya.Pero hindi ko siya sinagot. I focused on chewing my food and pretended I didn’t hear him.“Someone’s mad early in the morning, huh?” sabi niya ulit, probably trying to get a reaction from me. But I gave none.Ilang minuto ulit siyang nanahimik, nakatayo lang sa harap ko. Pero nang mapagtanto niyang wala akong balak pansinin siya, umalis na lang siya. Lumabas siya ng kwarto without saying a word too.Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang mawala siya. Hindi ko naubos ang pagkain ko. Wala a
Wala akong nagawa nang higitin ako ni Anton papunta sa taas. And honestly, with what I heard from one of his men, natakot akong magpaiwan sa baba. Kaya nanahimik ako habang tinatahak namin pabalik ang kwarto niya.Once inside, he turned off the light. Kahit nasa loob na kami, hawak pa rin niya ang kamay ko papunta sa kama niya. Kung hindi ko pa hinigit 'yon palayo sa kanya, hindi pa niya bibitawan.He just chuckled at that and didn’t mind that I was being rude. He doesn’t care at all as long as I don’t curse.Nakatayo pa ako malapit sa kama nang humiga siya padapa ulit. I realized then that he liked to sleep in that position. Ang ulo niya ay nakaharap sa banda ng pintuan kaya somehow, kahit humiga ako, hindi naman niya ako makikita unless ibaling niya ang ulo niya sa akin.“Are you not going to sleep?” he asked huskily, his voice sounding sleepy.Hindi ako sumagot. I just sighed deeply and went to the side of the bed. Umupo ako roon at saka kinalma ang sarili ko sa mga bagay na bumaba
I glared at him. He just chuckled.I know he can brag about his body because, without question, it’s ripped and well-toned. He was just bragging to the wrong person!Nang makita kong lumapit siya sa pinto para patayin ang ilaw, tumayo na rin ako dahil hindi rin naman ako inaantok. Iritado kong kinuha ang tray sa gilid ng kama at saka dinala.“Leave that, Andrea. It’s late.”“It’s not late! It’s almost eight! Maaga pa para matulog!” sigaw ko.Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa pintuan. Akala ko pipigilan niya ako dahil matutulog siya, pero hindi. He just sighed heavily.Nang buksan ko ang pinto, akala ko isasara niya pero hindi pala. Lumabas din siya at sumunod sa akin. Nauuna akong naglalakad sa kanya. And for some reason, it bothered me that I was walking in front of him.Kaya huminto ako at bumaling sa kanya. He had that smirk when I turned to him.“What? You realized it’s late and we should just sleep?” he asked. He massaged his neck and his shoulder while still staring at me.
Tumalim ang mga mata niya sa akin dahil nanatili pa rin akong walang ginagawa. Nang makita kong uupo siya sa kama, agad kong inilapit ang mga paa ko sa katawan ko. Nakasandal ang likod ko sa headboard.“Eat!” utos niya.“Ano bang problema mo kung hindi ako kakain?” sigaw ko. “Just let me die of hunger! Hindi ka na mahihirapan kung mamatay ako!”Ang kaninang matalim niyang mata ay ngayon naging madilim na rin. Parang hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig ko—or maybe he just didn’t like being disobeyed. Either way, I liked it. I liked that he was getting affected by me refusing to eat.“I don’t care what you want to do with your own life! But you will eat because I told you to! And if I need to force you, I will. Don’t test me, Andrea.” His voice dropped low…low enough to send goosebumps all over my body.Nang kinuha niya ang tray at iniabot sa akin, ayaw ko sanang kunin. Pero the moment I saw how his knuckles turned white from clenching too hard… napilitan akong kunin yon. Nangi
Mabilis lang ang paliligo ko dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Naliligo ako pero nakakaramdam na rin ng antok. Nang matapos ako at nagpapatuyo ng buhok sa kama, hindi ko na nga napigilan. Bumibigat na ang talukap ng mata ko. Nang tumama ang likod ko sa kama, mabilis akong nakatulog. Hindi na ako binagabag ng makalat na kwarto kaya walang sumasagi sa isip ko.I refused to leave the room to avoid Anton. I wanted to sleep off my frustration… and also because of exhaustion from cleaning the mess I made… matagal akong nakatulog.Natulog ako ng hapon, around two, at nagising ako ng alas-siyete. Kita ko sa basag na digital clock. Nag-unat ako at ramdam kong medyo maganda na ang pakiramdam ko. Hindi na kagaya noong wala akong tulog na pakiramdam ko ay mababaliw na ako.Iginaya ko ang mata ko sa paligid ng kwarto at kita kong mag-isa pa rin ako. Hindi ko alam kung pumasok ba ulit si Anton sa loob matapos niyang lumabas.But then, my eyes stopped at the new lampshade beside the bed. Binasag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments