공유

Chapter 155.1

last update 최신 업데이트: 2024-11-21 21:05:00

HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila.

“Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”

“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”

“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”

“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (108)
goodnovel comment avatar
Rychelle Chloe D. Fabon
chapter plssss...
goodnovel comment avatar
Joy Grande
MS A MAY UPDATE PA BA TAYO?
goodnovel comment avatar
Inaparg Olebata Ny
ud po please ...
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 98.4

    ORA-ORADANG INAMBAHAN NA ni Bethany ng sapak si Gavin na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi sa kanyang tiyuhin. Tumawa lang ang lalaki sa asawa na agad hinuli ang palad upang yakapin lang doon. Pumalag naman si Bethany na pinandilatan na ito ng mga mata. “Bakit ikaw? Sa tingin mo hindi ka rin tumatanda? Tumatanda ka na rin, hindi mo lang pansin.”“Kaya nga,” sang-ayon ni Briel na lumabas na naman ang pagiging maldita. “Kabayo lang kaya ang tumatanda. Masyado mong dini-descriminate sa edad niya ang ama ng mga anak ko ah?” Tumawa lang si Gavin na itinaas an ang dalawang kamay bilang pagsuko. Dalawang babae ang kalaban niya. Wala siyang back up kung kaya naman kailangan na niyang itigil ang panunudyo.“Oo na, baka mamaya patawagin mo na naman ako sa’yong Tita Briel.” Hindi na rin gaanong nagtagal ang mag-asawa doon na hinatid pa ni Briel sa may pintuan ng silid. Naiwan na naman sila ni Giovanni sa gitna ng katahimikan. Tulog pa rin ito. Tumawag si Conrad upang mangumusta lang.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 98.3

    NAGAWANG PISILIN NA ni Giovanni ang kamay ni Briel sa kabila ng kanyang panghihina. Muli niyang isinara ang kanyang mga mata na bumabagsak kahit na anong pilit niyang idilat pa iyon.“Nasa hospital na tayo, wala ka ng dapat na ipag-alala. Saka, simpleng lagnat lang naman ito.” Napairap na si Briel, nagawa pa talagang sabihin ni Giovanni iyon? Simpleng lagnat? Simple lang?“Dapat kasi hindi ka na talaga bumaba. Naghalo na iyong pagod mo, stress at masama pa ang lagay ng panahon. Pwede naman kasi natin tawagan ang mga magulang ko at si Kuya Gav upang makisuyo na puntahan muna ang mga bata kung talagang hindi makakapunta ang isa sa kanila doon. Hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Alam mo namang hindi ka na bata eh, matanda ka na!” sabog na ni Briel ng kinikimkim na sama ng loob kung kaya wala ng preno ang bibig niya doon.Napahawak na sa kanyang dibdib si Giovanni na nasaktan sa huling sinabi ni Briel. Matanda na siya. Totoo naman iyon, pero ano pa nga bang gagawin niya kung hindi ang ta

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 98.2

    KALAUNAN AY DUMATING na rin ang ambulance na kanilang hinihintay. Hindi pumayag si Briel na sumama si Brian kahit na anong iyak ang gawin nito at pagpupumilit na sumama sa kanila. Kagagaling lang nito sa sakit at kung isasama niya, baka kung ano pa ang mangyari sa anak. Hospital iyon at maraming unwanted viruses. Mahina pa ang immune system nito at baka mahawa. Hindi ito pwedeng sumabay lalo pa at problemado siya ngayon kay Giovanni. Nag-iingat lang naman siya. Alam niyang nasasaktan ang anak pero para din naman dito ang ginagawa niya.“Hindi kami doon magtatagal anak, dito lang kayo. Kagagaling mo lang eh. Baka mabinat ka pa at mahawa ng kung anong mga sakit mayroon sa hospital na pupuntahan namin. Tahan na, okay Gabriano?” kumbinsi niya sa anak na nagwawala, nagpipilit na makuha niya ang kanyang gusto. Sinubukan ni Briel na pakiusapan ang anak ngunit nagwawala ito, ganun pa man ay wala pa ‘ring nagawa ang bata nang hawakan na ng mga maid at makaalis na ang ambulance na sumundo. Ibi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 98.1

    TINAMBOL NA SA labis na kaba ang puso ni Briel nang marinig ang sumbong ng anak. Bahagyang napaawang na ang bibig niya na nahigit ng ilang segundo ang hininga niya. Binuhat na niya ang anak, dala ng pagkataranta at adrenaline rush ay mabilis na siyang umakyat ng hagdan upang puntahan lang si Giovanni sa silid ng kanilang mga anaka. Ibinaba ni Briel si Brian sa may pintuan at napasugod ng lumapit sa kama kung saan ay naabutan niyang nakahiga si Giovanni sa paraan na iniwan ito ng anak niyang si Brian. Nakabaluktot, mariing nakabalot ang katawan sa comforter na tila ba lamig na lamig. Halos mapaso ang mga kamay ni Briel nang hipuin na niya ang noo ng dating Governor sa sobrang init. Inaapoy ito ng lagnat. Nakakasunog.“Hala, oo nga!” aniyang napahawak pa sa kanyang dibdib na nilingon na si Brian na nakatayo pa rin sa kung saan siya iniwan ng kanyang ina, “Giovanni?” marahang tapik niya sa balikat ng lalaki upang gisingin, ngunit hindi naman ito tumugon. Dahan-dahan na lumapit na si Bria

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 97.4

    LUMABAS SI GIOVANNI ng silid upang magtungo ng kusina, naiwan ang maid kasama ni Brian habang nagluluto ang lalaki. Nakasalubong niya si Gia na karga ni Maria Gina. Kinuha niya ito nang magpakarga at isinama niya sa kusina. Panay ang halik nito sa kanyang pisngi habang nakayakap sa kanyang leeg. Kinikiskis ang kanyang pisngi sa patubong buhok sa kanyang mukha. Hindi niya ito ibinaba habang nagluluto siya ng porridge ni Brian. Iyon lang kasi ang oras na mabibigay niya sa anak dahil magiging focus muna siya sa kanilang panganay. Nang matapos na doon ay binigyan niya rin si Gia na binilinan si Maria Gina na pakainin ng niluto niyang lugaw. “Kuya Brian is sick at kailangan niya ng kalinga ng Daddy, Gia. Kapag gumaling na siya saka ako babawi sa’yo ha? Sa ngayon sa Yaya Maria Gina ka na lang muna. Be a good girl ha, Giavanna…” Tumango lang si Gia na may hawak ng kutsara, nagawa na nitong tikman ang niluto niyang lugaw. Sinundan niya ng tingin ang ama na malalaki na ang hakbang pabalik ng

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 97.3

    HINDI NA SIYA nagawang pigilan ng inang si Donya Livia nang pilitin ni Giovanni na bumaba kahit na anong sermon pa ang gawin nito sa kanya dala ng sama ng panahon. Pinili niyang magmatigas at sundin ang kanyang gusto. Ang tanging mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang kalagayan ng kanyang anak. Hindi pwede na hindi siya bababa at hahayaan niya ang anak na mag-isa lang kasama ng kanilang mga maid. Nagsama siya ng dalawang driver para sigurado na magiging safe sila pababa. Umaga na halos ng sapitin nila ang villa sa Batangas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan na tila walang planong tumigil. May kaunting hangin na rin noon. Nag-suspend na ng pasok sa school at trabaho, maging ang ilang mga bus company ay walang biyahe. Mahahagip ang lugar nila ng bagyo na mas nagpadelikado. Hindi lang anim na oras ang naging biyahe nila kahit na walang traffic dahil madulas ang kalsada, lumagpas iyon dahil sa sama na rin ng panahon. Buong biyahe ay hindi magawang makatulog ni Giovanni. Sumasakit m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status