HINDI NA MAIKAKAILA sa mukha ni Bethany ang kahihiyan na agarang lumarawan ng mga sandaling iyon nang dahil sa katanungang iyon ni Gavin. Hindi siya makapaniwala na sa mismong bibig ng abugado pa mismo talaga iyon manggagaling. Para sa kanya ay napaka-unprofessional nito na tanungin siya ng ganun ka-personal na bagay. Idagdag pang hindi naman sila magkaanu-ano o kahit magkaibigan man lang nito. Nakakainsulto sa part niya iyon, subalit pikit ang mga mata na lang niyang hindi papansinin.
“Hindi naman siguro masama kung sasagutin mo ang tanong ko.” dagdag pa ni Gavin na inip ng hinihintay ang kasagutan ng kasama niyang dalaga. “Tinatanong kita kung ilang beses mo na siyang nakatabing matulog?”
Nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Hindi niya alam kung kung required ba siyang sagutin ang tanong nito. Nanlalamig na ang dalawa niyang palad na magkasalikop na nakapatong sa kanyang kandungan. Nahulog na ang mga mata niya doon. Ilang beses pang napalunok ng laway ang dalaga. Sa totoo lang ni minsan ay hindi niya pa nagawa o naransan ang bagay na iyon kasama ang dating nobyong si Albert. Nakakatawa sa kaalaman ng iba, pero iyon ang katotohanan. Maingat siya sa katawan. Maalaga. Ni ang tumabi ito sa kanya at hindi naman sila matutulog ay hindi pa nila ginagawa, at nakakahiya ‘yung isatinig. Tiyak na pagtatawanan siya ng abugado niyang kasama na halatang interesado sa parteng iyon ng kanyang buhay. Light kisses pa lang ang nagagawa nilang magkasintahan, bukod doon ay wala na. Madalas pa nga noon ay halik sa noo at halik sa pisngi. Isa iyon sa ikinakagalit sa kanya ni Albert. Anito, pa-virgin pa raw siya.
“Kung mahal mo ako, ibibigay mo sa akin ang katawan mo Bethany!”
“Albert, mahal kita pero hindi naman ibig sabihin ay kailangang ibigay ko na sa’yo ang katawan. Ayaw mo bang matanggap iyon sa araw ng pagkatapos ng kasal natin? Hindi ba at magandang regalo ‘yun sa’yo?”
Ganito palagi ang laman ng kanilang pagtatalo. May parte din iyon sa dahilan kung bakit sila naghiwalay na dalawa. Ayaw niyang pumayag. Pero syempre hindi niya sasabihin iyon sa kasama niyang lalake. Ayaw niyang pagtawanan siya nito. Iba pa naman ang paniniwala ng lalake pagdating sa bagay na iyon. Sa nakikita niya, walang halaga ang bagay na iyon sa isang Gavin Dankworth. Isa pa, anuman ang mangyari never siyang bibigay dito.
‘No way, malabo pa iyon sa sabaw ng adobo.’
Sa halip na isatinig ang laman ng isipan ay pinili na lang ni Bethany na mariing itikom ang kanyang bibig. Wala siyang pakialam kung magalit man ito sa kanya. Karapatan niyang huwag sagutin ang ganitong tanong. Pero kung pipilitin siya nito at muling uulitin ang tanong sa ikatlong pagkakataon, mapipilitan siyang sabihin ang totoo. Bagay na ipinagpasalamat niya dahil hindi na naman nagtanong pa si Gavin matapos ng hindi niya pagsagot. Malamang nakaramdaman na rin ito na wala siyang planong mag-explain.
‘May pakiramdam din naman pala siya.’
Kunot ang noong dahan-dahang inubos ng binata ang natitirang stick ng sigarilyo, bagay na nais sanang sawayin ni Bethany dahil sa mabahong usok na nalalanghap niya. Hindi pa naman siya sanay doon. Mabuti na lang na napigilan niya ang sarili. Baka bigla siyang iwan ng lalake sa lugar, hindi pa naman niya kabisado at hindi lang iyon baka wala siyang makuhang taxi pauwi ng bahay nila. Saktong ubos noon ay siya namang galaw ng mahabang traffic na sumalubong sa kanilang nang dahil sa buhos ng ulan.
Alanganing napatingin na si Bethany kay Gavin nang walang imik na biglang itinabi nito ang minamanehong sasakyan sa gilid ng kalsada at umalis sa linya. Hindi malaman ni Bethany kung bakit biglang kinabahan. Ibinaba kasi nito ang sandalan ng upuan na animo ay may mahihiga doon.
“A-Attorney Dankworth, g-gumagalaw na ‘yung traffic,” nauutal na sambit niya at baka hindi iyon nakita ng binata. “May problema ba ang sasakyan? Bakit tayo tumatabi sa gilid—”
Bago pa man maituloy ni Bethany ang sasabihin ay nagulat na siya sa sunod nitong ginawa. Padukwang itong lumapit sa kanya, mabilis niyang iniiwas ang mukha sa pag-aakalang hahalikan siya nito. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay tinanggal ng binata ang suot niyang seatbelt at walang kahirap-hirap ang katawan niya na binuhat upang maiupo sa kandungan ng binata. Nanlalaki ang mga matang napaawang na ang bibig ni Bethany.
“W-Wait…” halos hindi lumabas iyon sa kanyang lalamunan.
Walang reaction sa mukha na hinubad ni Gavin ang suot na coat niya ni Bethany. Tumambad sa mga mata ng binata ang perpektong hubog ng katawan ni Bethany dahil sa basang damit na nakadikit sa katawan nito.
“A-Anong ginagawa mo?” sa wakas ay nagawang itanong ni Bethany na nahigit na ang hininga sa kakaibang sensasyong biglang naramdaman niya.
Lumakas pa ang buhos ng ulan sa labas ng sasakyan. Sinamahan na rin iyon ng pabugso-bugsong ihip ng hangin. Maingay na ginawa ng wipers ng sasakyan ang kanyang trabaho upang hawiin ang buhos ng ulan na umaagos sa salamin. Sumasabay ang timbre nito sa malakas na kabog ng puso ni Bethany na parang lalabas na sa loob ng kanyang dibdib. Minsan ay malinaw na makikita ang mga nangyayari sa loob ng sasakyan ng mga nasa labas, minsan naman ay hindi. Walang sinuman ang mag-aakala na may nagbabadyang kababalaghan na kaganapan sa loob ng naturang sasakyan.
“A-Attorney Dankworth…”
Hindi siya pinansin ng binatang lunoy na lunoy na sa alindog niya. Nasa malayong dako na ang imahinasyon nitong nagpatawid na sa kabilang ibayo ng dagat-dagatang pagnanasa niya sa katawan ng dalagang kasama. Sinubukan ni Bethany na lumaban pero pwersahan na siya nitong hinila palapit sa kanya at siniil ang nangangatal at namumutlang ng mariing halik. Nalasahan na ni Bethany ang laway ng binata na halong sigarilyo. Nanigas pa doon ang katawan ni Bethany. Hindi na malaman ang gagawin.
Nangunot pa ang noo ni Gavin, para siyang humahalik ngayon sa isang first timer. Gusto na niyang bawiin ang labi sa babae pero may kung anong pumipigil sa kanya na huwag gawin ang bagay na iyon. Isa pa, gustong-gusto niya ang bngo nito at ang lambot ng kanyang labi bagama’t walang reaksyon iyon. Ginalingan niya pa niya ang paghalik sa babae. Sa sobrang experience ni Gavin tungkol doon ay ilang segundo pa ay nagawa na niyang pasukuin at pasurin si Bethany kahit pa hindi ito kagalingan, na tila ba tinakasan ng lakas ng mga sandaling iyon at walang ibang choice kung hindi ang magpaubaya. Naging sund-sunuran ang dalaga na animo kapag hindi niya ginawa ay malaking kasalanan ang kanyang magagawa.
“Ganyan nga, Thanie, ganyan nga…” anas ni Gavin na binigyan na ng palayaw ang babae, nais angkinin ang pangalan nito na tanging siya lang ang tatawag at magbibigay ng anumang kahulugan. “Masunurin ka naman pala kapag pinapakiusapan.”
TINAMBOL NA SA labis na kaba ang puso ni Briel nang marinig ang sumbong ng anak. Bahagyang napaawang na ang bibig niya na nahigit ng ilang segundo ang hininga niya. Binuhat na niya ang anak, dala ng pagkataranta at adrenaline rush ay mabilis na siyang umakyat ng hagdan upang puntahan lang si Giovanni sa silid ng kanilang mga anaka. Ibinaba ni Briel si Brian sa may pintuan at napasugod ng lumapit sa kama kung saan ay naabutan niyang nakahiga si Giovanni sa paraan na iniwan ito ng anak niyang si Brian. Nakabaluktot, mariing nakabalot ang katawan sa comforter na tila ba lamig na lamig. Halos mapaso ang mga kamay ni Briel nang hipuin na niya ang noo ng dating Governor sa sobrang init. Inaapoy ito ng lagnat. Nakakasunog.“Hala, oo nga!” aniyang napahawak pa sa kanyang dibdib na nilingon na si Brian na nakatayo pa rin sa kung saan siya iniwan ng kanyang ina, “Giovanni?” marahang tapik niya sa balikat ng lalaki upang gisingin, ngunit hindi naman ito tumugon. Dahan-dahan na lumapit na si Bria
LUMABAS SI GIOVANNI ng silid upang magtungo ng kusina, naiwan ang maid kasama ni Brian habang nagluluto ang lalaki. Nakasalubong niya si Gia na karga ni Maria Gina. Kinuha niya ito nang magpakarga at isinama niya sa kusina. Panay ang halik nito sa kanyang pisngi habang nakayakap sa kanyang leeg. Kinikiskis ang kanyang pisngi sa patubong buhok sa kanyang mukha. Hindi niya ito ibinaba habang nagluluto siya ng porridge ni Brian. Iyon lang kasi ang oras na mabibigay niya sa anak dahil magiging focus muna siya sa kanilang panganay. Nang matapos na doon ay binigyan niya rin si Gia na binilinan si Maria Gina na pakainin ng niluto niyang lugaw. “Kuya Brian is sick at kailangan niya ng kalinga ng Daddy, Gia. Kapag gumaling na siya saka ako babawi sa’yo ha? Sa ngayon sa Yaya Maria Gina ka na lang muna. Be a good girl ha, Giavanna…” Tumango lang si Gia na may hawak ng kutsara, nagawa na nitong tikman ang niluto niyang lugaw. Sinundan niya ng tingin ang ama na malalaki na ang hakbang pabalik ng
HINDI NA SIYA nagawang pigilan ng inang si Donya Livia nang pilitin ni Giovanni na bumaba kahit na anong sermon pa ang gawin nito sa kanya dala ng sama ng panahon. Pinili niyang magmatigas at sundin ang kanyang gusto. Ang tanging mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang kalagayan ng kanyang anak. Hindi pwede na hindi siya bababa at hahayaan niya ang anak na mag-isa lang kasama ng kanilang mga maid. Nagsama siya ng dalawang driver para sigurado na magiging safe sila pababa. Umaga na halos ng sapitin nila ang villa sa Batangas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan na tila walang planong tumigil. May kaunting hangin na rin noon. Nag-suspend na ng pasok sa school at trabaho, maging ang ilang mga bus company ay walang biyahe. Mahahagip ang lugar nila ng bagyo na mas nagpadelikado. Hindi lang anim na oras ang naging biyahe nila kahit na walang traffic dahil madulas ang kalsada, lumagpas iyon dahil sa sama na rin ng panahon. Buong biyahe ay hindi magawang makatulog ni Giovanni. Sumasakit m
TINALIKURAN NA SIYA ni Briel at nagkukumahog na nilapitan na ang anak. Aminin man ni Briel o hindi, biglang sumama ang loob niya kay Giovanni kung ito man ang nagbigay ng parusang iyon sa anak na nawala na nga at lahat kanina doon tapos makakatikim pa ng hagupit ng parusa nito. “Brian? Get up. Bakit ka nakaluhod? Sino ang nag-utos sa’yong lumuhod ka diyan?” buo ang boses na umaahon na ang sama ng loob, halata sa timbre ng kanyang boses ang hinanakit niya.Nanatiling tahimik ang bata. Ni hindi nito magawang tumingin sa mukha ng kanyang ina dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon ay magsasalita siya ng labag sa kalooban nito. Ayaw na niyang ipakita pa ang sungay niya dito na kagaya ng ginawa niya sa ama niya kanina. Ayaw niya.“Nako-konsensya lang iyan, hija. Hayaan niyo na lang hanggang sa gumaan ang kanyang pakiramdam.” sabat na ni Donya Livia iyon, pasimple na binanggit na sa kanya ni Giovanni ang nangyari sa hospital na agad napagtagpi-tagpi kung bakit ginagawa iyon ng apo. “He is
NAITIKOM NA LANG ni Giovanni ang kanyang bibig. Ayaw na niyang mag-explain. Aminado siyang kasalanan niya naman iyon, at hindi niya malaman kung ano ang gustong mangyari ng anak. Kung itutuloy niya pa ang pakikipag-usap, baka mamaya ay umiyak lang ito at kung ano pa ang mangyari kung kaya naman siya na ang magtitimpi at magpipigil ng lahat at tatahimik na.“You lied, and I hate you for that, Daddy!” remarks pa ng anak na nakikita niya ang ugali ni Briel sa pagiging matigas, nakikita rin niya ang ugali niya ditong inilalaban kung ano ang tama doon.Pagdating nila ng mansion ay nauna na si Brian na bumaba ng sasakyan. Hindi pa nakakababa si Giovanni nang mauna na itong bumaba at nagdadabog ang mga paang pumasok. Hinayaan na lang siya ni Giovanni at hindi na hinabol pa upang pagsabihan at patuloy na sermonan. Humugot siya na lang siya ng malalim na buntong-hininga upang kalamayin ang sarili at huwag patulan ang nag-aalboroto niyang anak na may punto naman. Sinalubong ni Gia ang kapatid n
HINDI TUMUGON SI Ceska na iniisip pa rin ang hitsura ng galit na si Brian sa kanya kanina. Kahit anong waglit niya ay hindi maalis ng mukha ng bata sa kanyang balintataw. Nagui-guilty siya. Kung kaya lang niyang magsalita, sana ay naipaliwanag niya sa bata na hindi niya inaagaw ang ama nito sa kanya. Kaso ay hindi. Wala siyang kakayahan na ipaliwanag ang kanyang side. Kung kaya lang sana niyang magsalita, hindi ito magagalit nang sobra at sasama pang lalo ang loob.“Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasta ni Brian kanina, Ceska. Galit lang siya dahil alam mo naman na ang dahilan di ba? Naipaliwanag ko na iyon sa’yo dati. Ipinagdadamot niya ang Daddy niya sa’yo o kahit na sa sinong bata. Hindi lang ikaw. Inaaway nga rin noon ang pinsan niyang si Gabe at Bry kapag inaangkin ang Daddy niya.” kwento pa ni Conrad na pampalubag ng loob, “Alam mo kung bakit? Dahil uhaw siya sa atensyon ng Daddy niya. Saka, alam mo ba bata pa si Brian ay hindi na niya nakasama ang Daddy niya kaya ganun si