ITINIGIL ni Elise ang pagpulot ng tuyong dahon sa parking lot ng orphanage. Tinawag na kasi siya ni Sister Anna dahil magsisimula na umano ang meeting. Marami silang activities kaya hindi puwedeng palagi siyang puyat. Kailangan na niya ng maayos na matitirhan pansamantala.
Umaasa siya na nakausap na ni Sister Feliz ang pamangkin nito. Curious din siya kung sino ang tinutukoy nitong pamangkin kasi halos nasa Pampanga o Subic ang pamangkin nitong na-meet na niya in person. Si Thrasius naman ay sa Maynila naglalagi sa tuwing bakasyon. Naroon kasi ang mommy nito at may business.
Pagkatapos ng meeting ay pinuntahan niya si Sister Feliz sa nursery room. Pinatawag umano siya nito.
“Sister, pinatawag n’yo raw po ako,” aniya. Nakatayo lamang siya sa tapat ng lamesa nito.
“Ay, oo. Kasi may good news ako para sa ‘yo,” nakangiting sabi nito.
Na-excite naman siya. “Ano ‘po ‘yon?”
“Doon ka na muna mag-stay sa bahay ng pamangkin ko, Elise. Doon din ako naglalagi kung minsan. Para naman hindi ka na uupa,” anito.
Napalis ang kaniyang ngiti nang maalala ang sabi ni Sister Feliz na puro lalaki umano ang pamangkin nito. Pero wala na siyang choice. Si Grace kasi ay pinatuloy ni Sister Anna sa kombento. Ayaw naman niya roon.
“Okay lang po ba, sister? Baka hindi papayag ang pamangkin n’yo,” naiilang na sabi niya.
“It’s okay. Nakausap ko na ang pamangkin ko. Hindi naman naglalagi sa bahay ang pamangkin ko at busy sa business.”
Napanatag siya. “Sige ho,” pagkuwan ay sang-ayon niya.
“Sama ka na sa akin mamaya. Pero mauna ka lang sa bahay ng pamangkin ko para makita mo.”
“Opo.”
Hindi na maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ni Elise habang iniisip na makikitira siya sa pamangkin ni Sister Feliz. Malapit lang ang bahay nito sa orphanage at meron daw poultry business ang pamangkin nito at puwede siyang magtrabaho.
Wala siya sa mood nitong nagdaang araw lalo na’t problemado siya sa inuupahang bahay. May inireklamo siyang anak ng landlady niya na nambubuso sa kaniya sa tuwing naliligo sa banyo.
May munting butas pala itong sinisilapan doon. Nahuli niya ito noong sumilip siya sa butas. Pinagsabihan lang ito ng ina. Hindi rin siya mapakali sa mga lasingerong kapitbahay. Natatakot na siya lalo’t nati-trigger ang kaniyang trauma sa tuwing may nag-aamok na tao.
Samantalang wala naman siyang ideya kung sinong pamangkin ni Sister Feliz ang tinutukoy nito. Iilan lang sa mga Del Valle ang nakilala niya nang personal. Pero kapatid daw iyon ni Thrasius sa ama. Curious tuloy siya. Si Tristan lang ang kapatid ni Thrasius sa ama na nakilala niya nang personal pero sa Maynila iyon naktira.
And speaking of Thrasius, hindi pa siya nito kinakausap matapos ang kahibangan niya noong gabi ng reunion. Hindi rin siya makapaniwala na naisuko niya ang kaniyang inosenteng katawan sa lalaki. Nalasing siya nang sobra dahil sa tampo niya sa binata. Ni hindi niya maalala kung ano ang pinaggagawa niya kasama ito. Ang alam niya lang, pumasok siya sa kuwarto at h*nal*kan ang lalaki. She just felt her ripped virginity.
Tatlong buwan pa lang ang nakalipas simula noong muli silang nagkita ni Thrasius. Isinama ito ni Sister Feliz sa Orphanage at natuwa siya nang kilala pa rin siya nito. Kaso, pansin na niya ang malaking pagbabago nito kaya nailang siya. Hindi niya nakalimutan ang pangako ni Thrasius noon na babalik ito at liligawan siya. Ngunit tila limot na iyon ng binata.
She’s willing to do anything to win his heart. But Thrasius refused her when she confessed her feelings towards him. Hindi raw siya nito puwedeng mahalin. Iyon ang masakit na katotohanang hindi niya kayang tanggapin. Hindi siya naniwala kaya lalo lamang siyang naging desperada.
Excited si Elise sa kaniyang paglipat-bahay. Naihatid lang siya ng driver ni Sister Feliz sa bahay ng pamangkin nito’ng si Terrence. Sinabi lang sa kaniya ng driver ang pangalan ng pamangkin ni Sister Feliz. Kabado siya kasi pamilyar na sa kaniya ang pangalan nito. Pero iginiit niya na sana ay ibang tao ito at hindi iyong nakita niya sa orphanage.
Naiilang siya kasi hindi pa niya nakilala ang karamihan sa pamangkin ni Sister Feliz. Maaring nakita na niya si Terrence noong gabi sa party pero hindi lang niya nakausap. Ang dami kasing pamangkin si Sister Feliz at puro lalaki. Ang guguwapo pa at mayayaman.
Nakabukas ang main door ng dalawang palapag na bahay. Hinatid siya roon ng caretaker ng poultry at naroon naman daw si Terrence.
“Baka po may aso sa loob,” sabi niya kay Mang Toni.
“Wala po. Ayaw ni Sir Terrence ng aso sa loob ng bahay,” sabi ng ginoo.
“Okay lang po kaya na papasok na ako?”
“Oo naman. Alam naman ata ni Sir na darating ka ngayong araw. Ewan ko lang.”
“Hindi ko po alam kung sinabi na sa kaniya ni Sister Feliz na ngayon ako lilipat. Ang sabi lang kasi niya ay anytime puwede na akong lilipat dahil pumayag na ang pamangkin niya.”
“Iyon naman pala, eh. Huwag kang mag-alala, mabait si Sir Terrence. Sige na. Pasok ka na sa loob nang makapagpahinga ka.”
“Sige po, salamat.”
Nang umalis si Mang Toni ay lumapit na siya sa pintuan. Kumatok siya sa pinto kahit nakabukas. Tahimik sa loob. Bitbit ang kaniyang maleta at traveling bag ay dumiretso siya sa loob ng bahay. Namangha siya sa ganda at luwak ng salas. Halatang mamahalin ang furniture roon at ibang kagamitan. Ang gara ng chandelier na nakasabit sa kisame.
Malinis din ang bahay, maayos at maaliwalas dahil sa luwag ng espasyo at malamig sa mata dahil sa forest green na pintura ng walls. Iniwan niya sa tabi ng sofa ang kaniyang maleta at bag. Ang kintab ng cream na sahig, tila kalalampaso. Ang bango rin doon, amoy lemon mula sa air freshener.
Huminto siya sa lanai nang makarinig siya ng pamilyar na ingay. Nagmumula sa kusina ang ingay. Kinikilabutan siya habang palapit sa nakabukas na pintuan ng kusina. Kung saan-saan siya nakatingin habang papasok ng kusina.
“Ay kalabaw!” bulalas niya nang mahagip ng kaniyang paningin ang lalaki at babae na gumagawa ng milagro.
Nakaluhod ang babaeng hubad sa harapan ng nakatayong lalaki habang sinusubo ang pagkal*l*ki nito. Bigla siyang ginupo ng kaba na may kasamang hilakbot. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki kaya hindi niya namukhaan, may suot namang itim na kamesita at ang pants lang nakababa.
“F*ck!” Napamura ang lalaki at nagtaas ng salawal.
Siya ang nahiya sa nakita. Tumakbo siya palabas ng bahay na hindi dala ang kaniyang gamit. Kumabog ang kaniyang dibdib at gustong magtago na lang. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa warehouse ng mga itlog. Binundol pa niya ang lalaking nakatalikod.
“Elise?” Sambit ng pamilyar na boses ng lalaki.
Napalingon siya rito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Thrasius na siyang binunggo niya. Nag-iisa lang ito roon sa tapat ng counter.
Nakalimutan na niya ang nakitang senaryo sa kusina ng bahay at binalot ng pananabik ang kaniyang puso. Akala niya ay umuwi na ng Maynila si Thrasius. Hindi niya akalaing doon pa niya ito ulit makikita. Sinugod niya ito at niyakap ngunit tila napaso at dagli itong umiwas sa kaniya.
Animo may tumulos na punyal sa kaniyang dibdib at biglang kumirot. Mangiyak-ngiyak na tumitig siya sa binata.
“Bakit?” walang puwang niyang tanong dito.
“Sorry. I need to go. Napadaan lang naman ako rito dahil akala ko narito pa si Tita Feliz,” sabi nito.
Aalis na sana ito ngunit pinigil niya sa kanang braso. “Bakit mo ba ako iniiwasan?” gumaralgal niyang tanong.
“Pasensiya na kung umasa ka sa mga sinabi ko noon. Pero iba na ngayon, Elise. Isa pa, mga bata pa naman tayo noon at mapupusok.”
Hindi niya napigil ang pagpuyos ng kaniyang damdamin. Lalong kumirot ang kaniyang puso nang maisip na lalo siyang binalewala ni Thrasius sa kabila ng effort niya na maibigay rito ang kaniyang pagkaberhin.
“Iyan lang ba ang sasabihin mo pagkatapos ng nangyari sa atin noong gabi sa reunion?” usig niya rito.
Nagtatakang tumitig sa kaniya ang binata. Inalis nito ang kamay niya sa braso nito. “Anong nangyari sa atin?” maang nito.
Natigagal siya. Imposibleng hindi nito naalala ang ginawa nila sa kuwarto nito. Kahit lasing siya noon, alam niya’ng may nangyaring p********k sa pagitan nila. Ramdam niya na may nawala sa kaniya kahit nagising siya kinabukasan sa guest room.
Nawala siya sa wisyo noong gabi pero tumatak sa kaniyang diwa ang mga senaryo pagpasok niya sa kuwarto nito. Alam niya ang kuwarto ni Thrasius sa rest house dahil doon niya ito nakita sa unang pagpunta niya roon. May kadiliman sa loob ng kuwarto nito dahil liwanag mula sa telebisyon lang ang nagsisilbing ilaw. Pero sigurado siya na si Thrasius ang naabutan niya roon.
“Pumasok ako sa kuwarto mo noong gabi at may nangyari sa atin,” paalala niya.
Tila nakakita ng multo si Thrasius. Napamulagat ito. “Sh*t! Are you serious about that?” gilalas nitong tanong.
Ginupo na siya ng kaba. Bakit ganoon ang reaksiyon ni Thrasius? Wala ba talaga itong maalala sa nangyari?
“Seryoso ako, Thrasius. Lasing ka rin ba noon at hindi mo maalala? O baka nagkukunwari ka lang na walang alam para tumigil na ako kakahabol sa ’yo?” may pait sa tinig niyang saad.
Natigagal na si Thrasis, tulalang nakatitig sa kaniyang mukha.
“You’re kidding, right? Sa yate ako natulog noong gabing ‘yon at hindi ako lasing,” sabi nito
Napatda siya, tila nabuhusan siya ng malamig na tubig. Kung hindi si Thrasius ang nadatnan niya sa kuwarto nito, sino? Inalipin na siya ng kaba at hindi malaman ang sasabihin.
Naudlot ang usapan nila nang may dumating na lalaki.
“Bakit nandito ka?” tanong ng lalaki kay Thrasius.
Nilingon niya ang kararating na lalaki. Nagulat siya, ito ang lalaking nasa orphanage na malutong magmura, si Terrence. O baka ito rin ang pamangkin ni Sister Feliz! Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki, at naikumpara niya sa pisikal na katangian.
Nawindang siya nang matanto na kahawig ni Thrasius si Terrence maging ang taas at pangangatawan, pati buhok. Aware siya na nagtatrabaho sa navy si Thrasius kaya palaging clean-cut ang buhok. Pero bakit nito kahawig si Terrence? Litong-lito na siya. Maaring naroon din sa reunion si Terrence ngunit dahil sa kalasingan, hindi na niya napansin.
“I’m looking for Tita Feliz,” tugon ni Thrasius kay Terrence. Humakbang ito palapit sa lalaki. “Let’s talk, Terrence.”
Nawindang si Elise nang maisip na si Terrence ang kapatid ni Thrasius na tinutukoy ni Sister Feliz! Pamangkin pala ito ni Sister Feliz, at siyang may-ari ng bahay na titirahan niya pansamantala! Pakiramdam niya’y idinadarang siya sa nagliliyab na apoy, naging uneasy.
Iniwan siya roon ng dalawang lalaki kaya nag-explore na lamang siya sa malawak na warehouse upang pakalmahin ang kaniyang emosyon. Pero hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang naging reaksiyon ni Thrasius nang banggitin niya ang tungkol sa nangyari sa kanila noong gabi ng reunion. Hindi siya maaring magkamali. Si Thrasius ang kasama niya noon.
Inalipin na naman siya ng hindi mawaring kaba. Iginiit niya sa sarili na nagsinungaling lang si Thrasius at sinabing hindi ito natulog sa kuwarto nito. Pero parang may mali. Paano kung hindi nga si Thrasius ang nakaniig niya?
NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val
MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na
PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n
KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay
NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s