Malapit na mag- alas sais ng umaga pero hindi pa rin makuha ni Crassus na mag-prepara. Tahimik lang siya nakatanaw sa labas ng bintana. Tinitigan ang malaking front lawn ng villa niya habang naglalakbay ang kanyang isip.Kagabi pa sila natapos ni Raine sa pagtatalîk. Dalawang beses lang nangyari iyon at hindi na niya makuha pang bumwelo. Bagsak na kasi ang asawa niya bago pa maghating-gabi.Ang totoo ay palaisipan sa kanya ang sabon na ginamit ni Raine. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay wala lang iyon, at kung maririnig pa ng ibang tao ang dahilan niya ay paniguradong babansagan pa siya na oa. Hindi siya pwedeng magkamali. Pamilyar sa kanya ang amoy na iyon. Isa rin iyon sa mga sabon na ginamit ni Tia noong inaalagaan siya nito. Kaya palagi niya itong naamoy. Pero simula noong makakita na siya, hindi na niya iyon naamoy pa kay Tia. Hindi niya alam kung ano ang nangyari.Nilingon niya si Raine sa kama. Nakatihaya ito at himbing na himbing sa pagtulog.Umalis siya sa harap ng m
Habol ni Raine ang kanyang hininga habang namamangha nakatitig kay Crassus. Hinila niya ang kanyang kamay pero naging limitado ang kilod niya dahil sa posas na ikinabit nito.Napatiimbagang si Raine. "Mr. Almonte, ano na naman ba 'to?'Ngumisi si Crassus. Lumuhod ito sa kama pero hindi ito umalis sa ibabaw niya. Bigla nitong itinukod ang dalawang kamay sa pagitan ng leeg niya kaya napasinghap siya. Gulat na tinitigan niya ang kaliwang braso nito. Saka niya ito binato ng nagtataka at nakakasurang tingin."What happened Raine? Bigla ka ata naging tanga? Where is my brilliant wife. You can't think of the reason?" Crassus asked in sarcastic tone.Naikuyom ni Raine ang kanyang kamay kahit na nakaposas pa ito. "Paano ko naman mahuhulaan? Bigla ka na lang nagagalit. Naliligo lang naman ako pero paglabas ko galit ka na."Dumilim ang mukha ni Crassus. "Sagutin mo lang ang tanong ko." Ginalaw niya ang posas ni Raine dahilan upang ngumiwi ito. "Where did you get that soap?"Naningkit ang mata ni
"Crassus..." sambit ni Raine nang hindi gumagalaw. Nang maramdaman niya ang mumunting halik ni Crassus sa kanyang leeg ay napalunok siya. Nabato siya sa kanyang kinatatayuan.Tumigil si Crassus. Bigla ay nanlansik ang mga mata nito. Hinaklit nito ang kamay niya at napatiimbagang."What's that smell?" Crassus asked, almost hissing.Napailing si Raine. "H-hindi kita— aray!""Answer me!" Crassus growled.Sinubukan bawiin ni Raine ang kamay niya pero bigla ulit nito inalog ni Crassus. Napasinghap siya. Namilog ang kanyang mata nang ipinako noto ang dalawa niyang palapulsuhan sa malamig na dingding."Crassus, ano ba!" angil ni Raine. Sinubukan niya manlaban pero hindi niya kaya ang lakas nito. "Bakit ka ba nagagalit? Wala naman ako ginagawang masama sa'yo."Dumilim ang mata ni Crassus. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko," sabi niya imbes na sagutin si Raine. "Ano iyang gamit mo?"Nalukot ang mukha ni Raine. "Para lang sa sabon, nagagalit ka na?""Just fûcking answer me!" Crassus shouted at
Imbes na mawala ang inis ni Raine ay domoble pa iyon mula nang makausap niya si Tia. Dala-dala niya iyon hanggang sa kanyang pag-uwi. Kahit si Diana ay hindi na nakaimik nang sinikmatan niya ito ng tingin.Kaya pala matagal ito nakabalik kanina. Tumambay pala ito sa nadaanan nito na estante ng mga ukay-ukay. Dumikit na naman ito roon at namili ng mga damit.Wala itong kaalam-alam sa pagkikita nila ni Tia. Paano at nasa ibang parte ito ng mundo. Mabuti na lang siguro iyon. Baka kasi madamay pa ito.Sabay na sila na umuwi ni Diana, pero una niya ito pinahatid sa driver ng taxi. Pagkatapos niyon ay nagpahatid na siya sa villa. Hanggang gate lang siya nagpahatid dahil hindi pumayag ang security guard. Naintindihan naman niya ito. Mahigpit kasi si Crassus tungkol sa privacy nito. Nang sinundo na siya ni Mang Timo ay mabilis siyang pumasok sa loob ng villa. Gaya ng inaasahan niya ay hinihintay siya ni Crassus sa sala."It's almost nine, Raine. Where have you been?" Crassus asked while star
Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Blangkong tinitigan lang niya si Tia. Hinawakan pa nito ang laylayan ng dress saka humarap sa kanya. Kaagad naman itong nagtaray. Humalipkip ito habang nakairap."Lamok ka ba? tanong pa ni Raine.Kumunot ang noo ni Tia. "What did you just say?""Kasi parati ka na lang sumusulpot kahit saan," sagot pa ni Raine sa sarili niyang hugot. " Of course! I'mma star. Siyempre madalas ako may taping kahit saan lupalop pa iyan ng mundo," mayabang na sagot ni Tia."E di lamok ka nga," pangatuwiran pa ni Raine. "Kung saan maraming tao, doon ka nagngangaggat, nagpapansin."Tumatango-tango si Tia. "Atleast nasa akin ang atensiyon nila. Lalo na si Crassus. Hindi katulad mo. Nagpakahirap na pansinin."Umismid si Raine. "Baka ikaw?" Saka siya ngumisi. "Wala naman akong natandaan na kailangan ko pang gumawa ng eksena para kausapin ako ni Crassus. Siya nga naghahabol sa akin tuwing gabi. Bakit kailangan ko pa magpapansin?"Namilog ang mata ni Tia. Dinuro niya si Rain
Habang namamasyal sina Raine at Diana sa plaza ay marami na silang nakita. Doon na rin sila kumain ng hapunan dahil may nagtitinda roon ng meal set. Affordable lang iyon at mainit pa. Natatakam si Raine kaya inaya niya si Diana. Nilibre niya ito.Pagkatapos kumain ay nagpatuloy sila sa pag-wiwindow shopping. Madami silang nakita roon na magagandang bagay pero hindi makuha ni Raine na bumili. Si Diana na hindi na naman matatangal ang paa nito nang makita ang estante ng mga damit ay napabili na naman na wala sa oras."Diana, di ba kabibili mo lang din noong nakaraan? Bibili ka na naman ngayon?" Napahalukipkip si Raine.Padabog na binaba ni Diana ang damit. Binato niya ng masamang tingin si Raine. "Pera mo?""Hindi, pero ako na ang naaawa sa closet mo. Awat na nga iyan, ang dami mo pang bago," sabi ni Raine sabay hila kay Diana.Napadpad sina Raine at Diana sa isang istante na may nagtitinda ng sabon. Nagkatinginan ang magkaibigan. Wala pang isang minuto ay mabilis silang lumapit sa sale