ค้นหา
ห้องสมุด
หน้าหลัก / Romance / Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire / Chapter 3- Nag-aalala ang tagapagmana

Chapter 3- Nag-aalala ang tagapagmana

ผู้เขียน: Gala8eaGreen
2025-01-13 23:03:31

     Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate.

     May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas.

     Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan.

    Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya.

     “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga.

     Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya makikilala ang asawa. Kahit paano nagkaroon ito ng silbi sa kanya. 

     Basta na lang niya nilapag ang nabiling prutas at inayos ang nagkalat na laruan sa lapag. Mami-miss niya panigurado ang masikip at magulong pamamahay ng kanyang tiyahin.

     Bumukas ang pinto at pumasok ang pinsan na bitbit ang anak na si Leya. Tulog ito lalo at nakasanayan na ilibot ito sa liwasan sa kabilang barangay. 

      “Nay, huwag naman ganyan. Mula sa baba dinig ko na naman ang bibig mo. Magpasalamat ka na lang na kahit papaano malaki ang maitutulong si Ate Graciella sa atin,” saad pa ni Rowena.

     Halos manlisik na lang ang mata ni Lupita sa narinig mula sa anak.

     “Baliktad, Rowena. Tayo ang umaruga sa kanya!” asik ng babae sa anak nito. “Kung hindi dahil sa amin ng tatay mo saang kangkungan kaya pupulutin ang babaeng ito? Kung may umampo sa kanya tiyak ibabalik lang din siya sa ampunan dahil wala siyang silbi!”

      Naglakad ito sa makipot na sala at biglang may naalala. “Hindi mo pa sinipot ang dapat sana katagpo mo ngayon! Ano at pipili ka pa? Malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo.”

     Naguluhan si Graciella at napakunot ang noo.

     “Bakit mo sinabi na hindi sumipot ang katagpo ko, tiyang?”

      Napapikit ito at napahawak sa batok. Humugot ng malalim na hininga bago nagsalita.

      “Baka nakita na wala namang espesyal sayo kaya lumayas kaagad? Sa itsura mo ba namang iyan sino ang mag-aaksaya ng pera at panahon para kausapin ka pa?”      Sunod-sunod na insulto ang namutawi sa bibig ni Lupita at hinayaan na lang iyon ni Graciella.

      “Tiyang, ano nga ang apelyido ng dapat sana katagpo ko?” tanong ng dalaga.

     “Zabala, iyon ang sabi ng kakilala ko,” sagot ni Lupita.

     Kinakabahan na si Graciella. Gusto na lang niya magpalamon sa lupa. Ano at mukhang mali a ning nakilala niyang tao kanina?

      Isang oras silang nag-usap ni Menard kanina pero hindi Zabala ang sinabi nito na apelyido kundi Young. Hindi man lang siya nito sinabihan na hindi ito dapat ang kanyang katagpo. Ano ang motibo ni Menard?

      Kanina lang pagkatapos umiyak, tumakbo siya at nakita sa table 12 si Menard. Panay ang paghagod nito ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na tila sinusuri siya sa ilalim ng microscope.

      Sabi nga ni Tiyang Lupita kanina, ang katatagpuin niya ay nasa trenta na ang edad at medyo may katabaan. Hindi rin ito gaano palakibo lalo at ‘di sanay na makipag-usap sa tao lalo sa uri ng trabaho nito na panay kompyuter ang kaharap maghapon. Babad ito sa trabaho at nahihiya sa mga babae.you

     Kabaliktaran sa lahat ng paglalarawan ni Tiyang Lupita si Menard. Muling kinapkap ni Graciella ang tarheta at hinanap sa kanyang telepono ang social media account ni Menard. Malayo nga sa description ng tiyahin lalo at halatang marangya ang mga larawan na nakikita niya sa profile  nito. Napangiwi siya.

     Gusto niyang tanungin si Menard pero hindi niya alam kung paano.

     “Wala na akong magagawa kahit tulungan pa kita kung ayaw mo rin tulungan ang sarili mo! Hayaan mo na lang na maging matandang dalaga ka.” Puno ng galit ng boses ng tiyahin kaya napayuko ang pinsan.

     Hinila siya ni Rowena papasok sa silid. “Huwag mo na isipin ang sinabi ni nanay. Stress lang ‘yon at medyo kapos tayo sa budget ngayon.”

Napangiti naman si Graciella. Nakapagtataka kung paanong naging mabait si Rowena kahit ubod ng sungit at m*****a ang tiyahin. Wala siyang problema sa tiyuhin, kahit pa sa asawa ni Rowena. Ang tiyahin niya lang talaga ang gigil na gigil sa kanya.

        Ang asawa ni Rowena ay malaki naman ang sahod lalo at salesman ito. Pero, sa paglipas ng mga taon, naging matumal ang benta nito kaya malamang na lumiit ang sahod nito. Wala namang masyadong pinag-aawayin ang mag-asawa maliban sa maliit na bagay.

      Nitong nakaraan nga ay napapansin niya na dumadalang na ang uwi ng mister ni Rowena dahil palaging nakadestino sa karatig probinsya. 

     

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป