author-banner
evelynmolintas6
Author

Novels by evelynmolintas6

Temporary Mrs. Saldivar

Temporary Mrs. Saldivar

Hindi inakala ni Maria Calderon na aalukin siya ng kasal ng sarili niyang boss na si Apollo Saldivar, kapalit ng dalawampung milyong piso. Ang dahilan? Gusto nitong patunayan sa ex-girlfriend na tuluyan na siyang naka-move on, matapos siyang iwan para sa karera nito. Kontrata lang ang kasal. Magpapanggap lang silang nagmamahalan sa harap ng ex. Pagkatapos ng isang taon, magpapaanul. Walang commitment at walang complications. Tumanggi si Maria noong una. Pero nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa kapatid, napilitan siyang pumayag. "Don’t fall in love with me, Maria. Hindi kita masasalo." 'Yan ang malinaw na bilin ni Apollo sa dalaga. "Don’t worry, Sir Apollo. I won’t. Alam ko po ang lugar ko," sagot niya. Pero paano kung kinain niya ang sariling salita? Paano kung isang araw, magising na lang siyang nahuhulog na sa lalaking hindi dapat mahalin?
Read
Chapter: Chapter 4
"G-Gagawin din ba natin yung..." Nakagat ni Maria ang labi at hindi naituloy ang tanong.Nahihiya siyang itanong iyon sa boss niya!Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya. "Anong gagawin?"Pinagdikit niya ang ibabang labi. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula na ang magkabilang pisngi niya."Yung ano...""Speak clearly, Maria, so I can understand you." Halos mag-isang linya na ang kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya.Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago niya sinabi ang tanong sa isip niya. "S-Sex. G-Gagawin ba natin iyon? Kailangan din ba natin ng anak?" tanong niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. At mas lalo lang din yatang nag-init ang pisngi niya nang matapos niyang itanong iyon dito.Napansin niya na natigilan si Apollo sa naging tanong niya. Pero nang makabawi naman ito ng pagkabigla ay nagsalita ito. "No, Maria," sagot nito sa b
Last Updated: 2025-06-08
Chapter: Chapter 3
As promised, Apollo transferred the offered amount to her account.Inakala ni Maria ay partial lang ang ita-transfer nito sa kanya pero nagulat siya nang i-check niya ang bank account at nakita niya ang balance niya. Tumatagingting na dalawampung milyon.First time na magkalaman ang bank account niya ng ganoong halaga. Gusto pa nga ni Maria na namnamin ang halagang iyon sa bank account niya. Pero naisip niya ang dahilan kung bakit mayroon siyang halagang ganoon—ang kapatid niyang si Oscar. Kaya noong may pera na siya ay dali-dali niyang tinawagan ang kanyang ina para sabihin dito na may pera na sila para sa heart transplant ng kapatid. At sinabi niya na ipa-schedule na ang operasyon nito.Tinanong naman siya ng kanyang ina kung saan niya kinuha ang pera. Sinabi na lang naman niya na pinautang siya ng boss niya nang sabihin niya dito ang sitwasyon ng kapatid. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ulit.At nang araw na din iyon ay naka-schedule na din ang operasyon ng kapatid sa s
Last Updated: 2025-06-08
Chapter: Chapter 2
Hindi pa nga tuluyang nakakapasok sa loob ng building si Maria nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bag niya.Tumigil naman siya mula sa paglalakad para kunin ang cellphone sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Napakunot naman niya ng noo nang makitang ang Mama ang tumatawag sa kanya.Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag nito."Hello?""Maria... anak."Ganoon na lang ang naramdaman na kaba ni Maria nang marinig niya ang garalgal na boses ng kanyang ina mula sa kabilang linya."B-Bakit po, Ma?""P-Papunta kami sa ospital," sagot nito sa kanya.Kumabog ang puso niya."Ano...po'ng nangyari kay Oscar, Ma?" tanong ni Maria dito. Ang bunsong kapatid agad ang naisip niya dahil sa kanilang magkakapatid ay ito ang may sakit.May congenital Heart Disease kasi ang kapatid niya. Dahil sa sakit nito ay hindi na ito nakapag-aral. Home schooled na lang ito. At kaya din napagpasyahan ng ina na tumigil ito sa pagta-trabaho para mabantayan mabuti si Oscar.
Last Updated: 2025-06-08
Chapter: Chapter 1
"Good evening, Sir Apollo. Nasa dining area na po sila Madam," bungad sa kanya ng isang kasambahay nang makarating siya sa mansyon.Humakbang siya patungo sa dining area. Malapit na siya nang maulinig niya ang mga boses galing doon. At mukhang siya lang yata talaga ang hinihintay dahil pagpasok niya ay kompleto na nga ang mga kapatid niya. Kasama ang mga girlfriend ng mga lalaking kapatid."Kuya's here!" Nakangiting anunsyo ng bunso niyang kapatid na si Venus.Dinaluhan ni Apollo ang kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Umupo naman na siya sa pwesto para makapag-umpisa na silang mag-dinner. At habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila, nililimitahan na i-topic ang tungkol sa negosyo dahil ayaw iyon ng kanyang mga magulang."Uuwi na pala ang anak ng Tita Matilde niyong si Cheska," maya-maya ay imporma ng ina sa kanila.Humigpit ang pagkakahawak ni Apollo sa hawak na kubyertos nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kanyang ina.Out of the corner of his eye, he saw his sisters Ven
Last Updated: 2025-06-08
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status