author-banner
marcandre.books
Author

Novel-novel oleh marcandre.books

The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Baca
Chapter: Chapter 5: TERMS OF RESILIENCE
Ang liwanag ng bagong umaga ay bumuhos sa likod ng mga bintana ng penthouse, naglilikha ng gintong repleksyon sa marmol na sahig. Sa labas, ang siyudad ay nabubuhay na para bang walang nagbabago — paulit-ulit, isang cycle. Pero para kay Bella — Isabella Alcaraz na ngayon ay Isabella Alcaraz-Veyra — wala nang paulit-ulit; hindi na siya sumusunod sa siklo.Nakaupo siya sa dulo ng breakfast table; ang porselang tasa na naglalaman ng tsaa ay nanginginig nang bahagya sa hawak niya. At sa tapat niya ay si Leon — with perfect composure, binabasa ang financial paper na para bang wala lang sa kanya ang kumakalat na mga balita sa media at bali-balita. Bella’s family affairs rose from the ashes burned by the journalist and feast by the rivals.“Relax,” he said without looking up. His voice was smooth, clipped, as if he were speaking to a junior executive, not his bride. “The scandal is contained. The tabloids are already running retractions.”Napakurap si Bella sa sinabi ni Leon. “So quickly?”H
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Chapter 4: THE WEIGHT OF HIS NAME
Ang umaga matapos ang kasal, habang ginigising ng araw ang siyudad sa labas, si Bella ay tila walang init na nararamdaman. Nakaupo siya sa dulo ng california-king bed na hindi kanya; nasa loob siya ng penthouse na hindi niya tinuring na tahanan at nakasuot ng robang pantulog na hindi niya pinili. Bawat detalye sa paligid ay sumisigaw ng karangyaan, pero para sa kanya, isa lamang itong gintong kulungan.Nakatapat sa nightstand ang vow booklet — hindi nagalaw; kapansin-pansin ang gintong lettering sa pabalat nito sa ilalim ng liwanag. My Vows. Ayaw niyang makita o mahawakan iyon, pero hindi rin niya kayang itapon. Ito ang nag-iisang bagay na pakiramdam niyang para sa kanya, kahit hindi naman talaga para sa kanya.May katok sa pintuan na pumukaw sa kanyang atensiyon. “Mrs. Veyra,” isang formal at brisk na tinig. “Sir requests you in the dining hall.”Nanlamig ang loob ni Bella sa pagbigkas ng pangalang iyon. Mrs. Veyra. Pilit niyang pinilit tumayo at sumunod papunta sa dining hall.Pagpa
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Chapter 3: BEHIND THE CLOSE DOORS
Parang malabong tubig na lang ang tingin ni Bella sa liwanag ng ballroom habang patuloy na lumalalim ang gabi. Tawanan, sigawan, kasiyahan, musika, ang pagtama ng mga wine glasses—lahat iyon ay sumasalpok sa kanya na parang rumaragasang alon na hindi na niya kayang pigilan. Ngumingiti siya kapag kailangan, tumatango at sumasagot kapag kinakausap, pero ang utak niya ay lumilipad kung saan-saan.Wala siyang nararamdaman kundi ang init ng mga kamay ni Leon at ang bigat ng pag-alalay nito sa likod niya. Hindi niya tinanggal o nilipat ang hawak. Para sa mga bisita, sweet and affectionate. Pero para kay Bella, parang kadena iyon—isang hawak na ayaw siyang pakawalan.Nang matapos na ang huling toast at final dance, unti-unti nang kumonti ang mga tao. Isa-isa silang nagsialisan, bitbit ang kani-kanilang regalo at sobre ng pera isa-isa silang nagpaalam bilang congratulations. Exhausting. Umasa si Bella na isa sa libong paalam na iyon ay para rin sa kanya—na sana makaalis na siya.But soon, the
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Chapter 2: THE COLD RECEPTION
Masigabong palakpakan ang sumalubong sa mga tenga ni Bella habang naglalakad siya sa aisle, magkahawak ng kamay nila ni Leon. Ramdam niya ang bigat at higpit ng pagkakahawak nito—para bang sinasadya siyang pabitawin. Sa likod ng kanyang belo, ngumiti siya nang tipid, natatakot na baka mabisto ng mga bisita ang katotohanan: isa lamang siyang huwad. Hindi siya ang bride na hinihintay nila. Nang malapit na sila sa pintuan, bumukas ang cathedral doors. Pumasok ang nakakasilaw na liwanag ng araw, sinabayan ng sunod-sunod na flash ng mga camera. Pilit na tinutulak ng mga guwardiya ang mga press paatras, ngunit nangingibabaw pa rin ang sigawan. “Dito! Dito po, Mr. Veyra! Isang picture pa!” Para sa lahat, ito ay isang pagdiriwang—parang koronasyon ng isang hari. Para kay Bella, isa itong panlilinlang. “Smile,” bulong ni Leon, malamig at mababa ang boses. “Don’t make them wonder why my wife is unhappy on our wedding day. You wouldn’t do that… would you?” Pinilit ni Bella na ngumiti, kahit
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Chapter 1: THE VANISHING BRIDE
Nangingibabaw at umaalingasaw ang amoy ng mabango at mga puting rosas sa hangin, halos mapuno ang loob ng bridal suite ng San Antonio de Padua Cathedral. Ang mga kristal na chandelier ay naglilikha ng maliliit na repleksyon sa mga salamin at ilang bagay sa loob ng suite, nagbibigay ng kagandahan at kaperpektuhan dito. Pero si Isabella “Bella” Alcaraz ay walang kaalam-alam kung gaano kaganda at kaperpekto ang araw na ito. Nakaupo lang siya sa dulo ng isang velvet couch, magkasaklob ang mga kamay at halos mamuti na ang mga kamao niya sa sobrang higpit. Sa tapat naman niya ay ang kanyang kapatid, prenteng nakaupo sa harap ng vanity mirror, napapaligiran ng mga bridesmaid at make-up artist. Si Marisella—ang tinaguriang Family’s Jewel ng pamilyang Alcaraz. Ang napiling mapangasawa ni Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa, at nakakatakot na bilyonaryong tagapagmana ng Veyra Global Holdings. Katulad ng nakasanayan, si Bella ay prente sa gilid lang, na para bang anino ng k
Terakhir Diperbarui: 2025-09-24
Anda juga akan menyukai
TRAPPED IN HIS WRATH
TRAPPED IN HIS WRATH
Romance · SEENMORE
25.7K Dibaca
GAME OF LOVE: Olivia Reid
GAME OF LOVE: Olivia Reid
Romance · Michelle Vito
25.6K Dibaca
Tamara, The Mafia's Gem
Tamara, The Mafia's Gem
Romance · Magic Heart
25.6K Dibaca
How to Unlove You
How to Unlove You
Romance · Sapphire Dyace
25.6K Dibaca
The Secretary's Seduction
The Secretary's Seduction
Romance · Black_Angel20
25.6K Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status