Chapter: Chapter 5KINABUKASAN, maaga akong nagising para simulan ang plano kong pagkuha sa bahay, pero nabasag ang umaga ko nang makita sina Iverson at Elvira na kapwa naka-apron at nagluluto. Kasunod si Ivan na buntot nang buntot sa kanila.Pero hindi naman ako papayag na ang umaga ko lang ang masira, dapat sa kanila rin. Tumikhim ako at mabilis pa sa alas kwatro na inalis ni Elvira ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ni Iverson. "Ikaw pala, Mireiah! Good morning! Sakto, nagluto ako ng agahan para sa ating lahat," wika ni Elvira na nagpangiwi sa akin. Sa buong pagsasama namin ni Iverson, kahit na may kasambahay kami para magluto, ni minsan ay hindi niya ako sinabayan na mag-umagahan dahil nagmamadali siyang pumunta sa trabaho.Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang hapagkainan na puro western dishes ang nakahain. Ang iba pa roon ay may mga seafood na siyang hindi ko kinakain dahil allergic ako."Paborito mo ba 'yang lahat?" tanong ko sa kaniya."Oo! Tama ka! Paano mo nalaman? Alam mo, napakabai
Last Updated: 2025-11-19
Chapter: Chapter 4"Iverson!"MALAKAS na sigaw ko nang buhusan niya ako ng tubig sa mukha. Hindi ko inaakalang magagawa niya 'yon sa akin, sa harap ng bastos niyang anak, at lalong-lalo na sa harap ni Elvira. "Iverson, bakit mo ginawa 'yon kay Mireiah?" tanong ni Elvira na may halong pag-aalala, pero halata sa mukha niya na galak na galak siya. "I-I'm s-sorry, Mireiah... h-hindi ko sinasadya. Masyado lamang akong nadala sa mga sigaw mo sa bata..." paghingi niya ng paumanhin na lalong nagpapanting ng tainga ko. Magsasalita pa sana ako nang sumabat muli si Elvira. Dahil nagsidatingan na ang mga kasambahay na kapwa nasaksihan din ang nangyari, kinuha na nila si Ivan na matalim ang tingin sa akin at dinidilaan ako."Ako na munang bahala kay Ivan. Hindi makatutulong kung pangangaralan siya na may kasamang pananakit o masasakit na salita. Masyado pa siyang bata."Hindi na ako nakasagot pa dahil nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kwarto ni Ivan, habang ako naman ay nanggagalaiti pa rin kung saan ilalagay ang
Last Updated: 2025-11-19
Chapter: Chapter 3"Halika na, Mireiah, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa 'yo si Ivan," pagtukoy niya sa anak namin. Tinitigan ko pa siya nang matagal habang pinipilit ibaon muna sa alaala ang lahat ng mga natuklasan ko tungkol sa pagsasama namin. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya."Ha? Ahh... Tumawag sa akin si Doctor Choi, kaya mabilis akong pumunta rito para sunduin ka."Hah. For sure, kaya siya pumunta rito ay para siguraduhing walang lalabas na katotohanan mula kay Doctor Choi, pero huli na ang lahat."Ganoon ba?" tanong ko naman tsaka naglakad pauna sa kaniya."O-oo naman! Sandali, may mga sinabi ba sa 'yo si Doctor Choi?""Tungkol saan? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya."W-wala naman. Wala naman siyang dapat sabihin sa 'yo.""Kung gano'n, wala kang dapat ipag-alala. Kinumusta niya lamang ako, tayong dalawa, Iverson. Nagtataka tuloy ako kung bakit ka nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ba't may tinatrabaho ka?" sarkastiko kong bitaw
Last Updated: 2025-11-19
Chapter: Chapter 2NAALALA KO pa ang mga pangako sa akin ng asawa ko noong ikinasal kami, pero tila ba hindi rin iyon totoo katulad ng kasal namin dahil nakikita ko siya ngayong may ibang kinakalantari. At ang masaklap, mas matanda pa ito sa kaniya ng ilang taon.Si Elvira Tinea ang advisor namin noon sa university, pero dahil isa siyang maganda at matalinong babae, kahit ang ibang mga estudyante ay nahuhumaling sa kaniya. Mapababae man o lalaki. At hindi na nga nakapagtataka na kahit ang asawa ko ay nakuha niya, dahil siya rin naman ang rason kung paano kami nagkakilala ni Iverson.It was that day when I am visiting Miss Elvira's office for counseling... Nakita kong sumilip doon at akmang papasok ang isang gwapong lalaki na humingi ng paumanhin dahil maling kwarto raw ang napasukan niya. At mukhang kahit sa kasalukuyan ay ibang kwarto ang pinapasukan niya. Napasandal na lamang ako sa pinto habang naririnig ang kanilang mahihinang ungol.Pinilit kong kumalma habang naglalakad paalis kahit na humihiwa pa
Last Updated: 2025-11-19
Chapter: Chapter 1HALOS mapaupo ako sa sahig dahil sa natuklasan ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang marriage certificate na nakuha ko kanina. Hindi ito maaari. Paano niya nagawa sa akin 'to?Ano itong nakikita kong kasulatan na peke ang kasal namin ng asawa ko?!Kapit-kapit ang dibdib ay nagmadali akong pumunta sa simbahan kung saan kami ikinasal ni Iverson."Miss Mireiah? Unfortunately po, wala sa parish registry ang pangalan ninyo.""P-po? Paanong wala? Dito kami ikinasal ng asawa ko!" giit ko habang mahigpit na nagagasumot ang papel na nakita ko kanina. Tandang-tanda ko pa kung paano ko ito natuklasan. Naglilinis lamang ako kanina ng kwarto namin ni Iverson nang mapag-isipan kong buksan ang closet niya at doon na nga sumampal sa akin ang katotohanan."Pasensya na po, Miss Mireiah. Kailan po ba kayo ikinasal sa simbahang ito? At sino pong pari ang nag-solemnize? Para ma-double check ko po," wika pa ng archivist na kausap ko. It's been two years
Last Updated: 2025-11-19