LOGIN"Halika na, Mireiah, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa 'yo si Ivan," pagtukoy niya sa anak namin.
Tinitigan ko pa siya nang matagal habang pinipilit ibaon muna sa alaala ang lahat ng mga natuklasan ko tungkol sa pagsasama namin. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya. "Ha? Ahh... Tumawag sa akin si Doctor Choi, kaya mabilis akong pumunta rito para sunduin ka." Hah. For sure, kaya siya pumunta rito ay para siguraduhing walang lalabas na katotohanan mula kay Doctor Choi, pero huli na ang lahat. "Ganoon ba?" tanong ko naman tsaka naglakad pauna sa kaniya. "O-oo naman! Sandali, may mga sinabi ba sa 'yo si Doctor Choi?" "Tungkol saan? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. "W-wala naman. Wala naman siyang dapat sabihin sa 'yo." "Kung gano'n, wala kang dapat ipag-alala. Kinumusta niya lamang ako, tayong dalawa, Iverson. Nagtataka tuloy ako kung bakit ka nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ba't may tinatrabaho ka?" sarkastiko kong bitaw sa kaniya. Napahawak naman siya sa kaniyang kurbata at nilagawan iyon na para bang hindi siya makahinga. Umiwas pa siya ng tingin sa akin. "Oo, marami pa rin akong inaasikasong trabaho, pero ikaw pa rin ang prayoridad ko, Mireiah. Kaya halika na, ihahatid na kita sa bahay natin." "No need na, mahal ko. Kaya kong mag-drive." Pumunta na ako sa parking lot tsaka umupo sa driver's seat, pero nagbukas ang pinto ng passenger's seat at doon naman umupo si Iverson. "Oh, bakit ka sumakay? Hindi mo ba kailangang bumalik sa opisina mo? Baka may naghihintay sa 'yo." Tumingin siya sa akin nang makahulugan. "Bakit parang may nag-iba sa 'yo, Mireiah? Okay ka lang ba talaga?" Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko, pero inilayo ko iyon tsaka hinawakan ang manibela. Sinimulan kong paharurutin ang sasakyan, at napakapit na lang siya sa seatbelt niya. "Mireiah, galit ka ba sa akin? Dahil ba hindi ako madalas umuwi? I swear, babawi ako sa 'yo pagkatapos ng mga trabaho ko. Ang totoo, nagpahanda ako ng maraming pagkain—mga paborito mo... At sabay akong kakain sa 'yo. Kung gusto mo, hindi na muna ako babalik sa trabaho. I'll spend time with you tonight." Nginitian ko naman siya. "Hindi na kailangan, Iverson. You know what? Sobrang saya ko ngayong araw. I feel like my life has changed today... All thanks to you." Dahil sa mabilis kong pagpapatakbo ng kotse ay nakarating kami kaagad sa mansyon ng mga Domincillo. Hindi ko matawag na bahay namin ito dahil una sa lahat, hindi naman naging Domincillo ang apelyido ko. At isa pa, puro kamag-anak ni Iverson ang nakatira dito. Kahit na ang totoo ay ako naman talaga ang nagpundar ng limang daang metro kuwadradong mansyong ito, nang piliin kong ibenta ang negosyo ko, para tulungan si Iverson na buuin ang kaniyang kumpanya. Nang makapasok kaming dalawa ni Iverson sa mansyon, malalakas na tawanan ang sumalubong sa amin. Mula sa aming anak na si Ivan at sa isang pamilyar na boses. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Elvira sa pamamahay namin. Naglalaro siya kasama si Ivan. "Mireiah, look who's here! May bisita tayo!" pagbati ni Iverson na kumuha ng atensyon ng dalawang naglalaro sa sala. "Miss Elvira? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, habang ikinukubli ang poot at ang pagkasuklam. "Mireiah, long time no see. Parang pumapayat ka. Hindi ka ba inaalagaan ng asawa mo?" Napangisi ako. "Mine-maintain ko lang ang figure ko, Miss Mireiah. Kayo po, mukhang lumulusog kayo, ah. Busog na busog po ba kayo sa pagmamahal?" Nagkatinginan naman silang dalawa ni Iverson, bago ngumiti sa akin. "Oo, busog na busog ako sa pagmamahal, Miss Mireiah. Kumusta ka? Kumusta kayo rito?" wika niya habang hawak-hawak ang kamay ng anak ko at naglalakad nang magkasabay papalapit sa dako namin. Nilingon ko si Ivan na nakatunghay lamang kay Elvira. Ni hindi man lang bumati sa akin. Doon ako may napagtanto... Mula sa mga narinig ko kanina sa opisina ng asawa ko. Limang taon na silang mag-asawa... At limang taon na rin si Ivan... Ibig sabihin, ang kinikilala kong anak na inampon namin noon ni Iverson ay ang totoong anak nila ni Elvira? Nakakatawa. Akala ko pa naman concern sa akin si Iverson nang sabihin niyang mag-ampon na lamang kami mula sa ampunang minsan ko ring tinirhan. Ang sabi pa niya, para raw hindi na kami pagsalitaan pa ng masasakit ng mga magulang niya at hindi na i-pressure pa na magkaanak. 'Yon pala, lantaran na ang pangloloko nila sa akin. Paano nila nasisikmura itong lahat? Paano sila nakakatulog sa gabi habang may inaapakang tao? Kaya pala ganoon na lang kasutil sa akin si Ivan lalo na kapag hindi nakukuha ang gusto niya. Gusto niya pang ibalik na lang daw siya sa ampunan o kaya naman ay dalhin sa totoo nitong ina. I was on the edge of giving up the custody when Iverson persuaded me more, to be more tolerant of him, dahil naranasan ko rin naman daw maging bata at maging sakit sa ulo sa mga kumupkop sa akin. But now that they are all in front of me... Para akong sinasaksak ng libo-libong kutsilyo dahil buo silang pamilya na ngumingiti sa isa't isa. At kahit pa nang pumunta na kami sa dining room para kumain, napapansin ko ang paulit-ulit na paglagay ng pagkain ni Ivan sa pinggan ni Elvira. Gusto ko silang sumpain, pero mas pinili ko na lang na kumain nang tahimik habang nakayuko. "Mireiah, alam mo ba, may bagong sinusulat na libro si Miss Elvira tungkol sa pagiging mabuting magulang. Naghahanap siya ng tahimik na lugar... At naisip ko, dahil pareho naman tayong may mga pinagkakaabalahan... Bakit hindi natin siya patirahin dito?" Nabagsak ko ang kubyertos ko dahil sa sinambit na iyon ng asawa ko. Matalim ko siyang tiningnan, pero mukhang hindi niya nababasa ang sukdulan kong galit sa kanila. "Maaari niyang tulungan si Ivan. Tingnan mo, mukhang close na close na nga sila. Para hindi ka na masyadong mahirapan sa pag-aalaga sa anak natin, hayaan na muna natin si Miss Elvira na magbantay kay Ivan habang wala tayo rito. Makakatulong din 'yon sa pagsusulat niya." I tried my best to maintain my composure and continued eating. Nag-taingang kawali na lamang ako sa pag-aakalang babawiin niya ang sinabi niyang kalokohan, pero si Miss Elvira naman ang sumunod na nagsalita. "I'm sorry, Mireiah. Sinabi ko naman kay Iverson na huwag niya nang ipilit, pero concern lang siya sa 'yo at willing din naman akong tumulong para mas mapagaan ang buhay mo. Ako nang mag-aalaga sa bata, para makapag-focus ka sa mga kailangan mong gawin... Sa gawaing bahay..." "May mga kasambahay kami rito, kaya hindi ka namin kailangan," matigas kong litanya na siyang ikinagulat ni Iverson. Magsasalita pa sana siya nang sumigaw na naman ang pilyo naming anak—hindi, hindi ko siya anak. "You're so bad! Kaya ayokong tawagin kang Mommy, eh! Ang sama mo! I want Aunt Elvira to stay here! I want her over you!" tuloy-tuloy pang pang-uuyam sa akin ng batang lalaki tsaka ikinalabog ang bowl ng pagkain, pati na rin ang mga kubyertos na sinubukan niyang ibato sa akin. Hindi ko na napigilang mapasigaw at tumayo sa upuan ko. "Tama na! Wala kang galang sa akin! Ako ang nagpakain at nagpainom sa 'yo! Pinag-aaral kita at binibihisan ng damit! Anong karapatan mo na sigawan ako at hagisan ng kutsilyo?!" Lalapitan ko na sana si Ivan para pagsabihan nang may tumalsik na tubig sa mukha ko. Mali, hindi lang talsik, dahil nang lingunin ko kung saan ito nanggagaling... Hawak ni Iverson ang water goblet na wala nang lamang tubig dahil ibinuhos niya sa akin.KINABUKASAN, maaga akong nagising para simulan ang plano kong pagkuha sa bahay, pero nabasag ang umaga ko nang makita sina Iverson at Elvira na kapwa naka-apron at nagluluto. Kasunod si Ivan na buntot nang buntot sa kanila.Pero hindi naman ako papayag na ang umaga ko lang ang masira, dapat sa kanila rin. Tumikhim ako at mabilis pa sa alas kwatro na inalis ni Elvira ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ni Iverson. "Ikaw pala, Mireiah! Good morning! Sakto, nagluto ako ng agahan para sa ating lahat," wika ni Elvira na nagpangiwi sa akin. Sa buong pagsasama namin ni Iverson, kahit na may kasambahay kami para magluto, ni minsan ay hindi niya ako sinabayan na mag-umagahan dahil nagmamadali siyang pumunta sa trabaho.Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang hapagkainan na puro western dishes ang nakahain. Ang iba pa roon ay may mga seafood na siyang hindi ko kinakain dahil allergic ako."Paborito mo ba 'yang lahat?" tanong ko sa kaniya."Oo! Tama ka! Paano mo nalaman? Alam mo, napakabai
"Iverson!"MALAKAS na sigaw ko nang buhusan niya ako ng tubig sa mukha. Hindi ko inaakalang magagawa niya 'yon sa akin, sa harap ng bastos niyang anak, at lalong-lalo na sa harap ni Elvira. "Iverson, bakit mo ginawa 'yon kay Mireiah?" tanong ni Elvira na may halong pag-aalala, pero halata sa mukha niya na galak na galak siya. "I-I'm s-sorry, Mireiah... h-hindi ko sinasadya. Masyado lamang akong nadala sa mga sigaw mo sa bata..." paghingi niya ng paumanhin na lalong nagpapanting ng tainga ko. Magsasalita pa sana ako nang sumabat muli si Elvira. Dahil nagsidatingan na ang mga kasambahay na kapwa nasaksihan din ang nangyari, kinuha na nila si Ivan na matalim ang tingin sa akin at dinidilaan ako."Ako na munang bahala kay Ivan. Hindi makatutulong kung pangangaralan siya na may kasamang pananakit o masasakit na salita. Masyado pa siyang bata."Hindi na ako nakasagot pa dahil nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kwarto ni Ivan, habang ako naman ay nanggagalaiti pa rin kung saan ilalagay ang
"Halika na, Mireiah, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa 'yo si Ivan," pagtukoy niya sa anak namin. Tinitigan ko pa siya nang matagal habang pinipilit ibaon muna sa alaala ang lahat ng mga natuklasan ko tungkol sa pagsasama namin. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya."Ha? Ahh... Tumawag sa akin si Doctor Choi, kaya mabilis akong pumunta rito para sunduin ka."Hah. For sure, kaya siya pumunta rito ay para siguraduhing walang lalabas na katotohanan mula kay Doctor Choi, pero huli na ang lahat."Ganoon ba?" tanong ko naman tsaka naglakad pauna sa kaniya."O-oo naman! Sandali, may mga sinabi ba sa 'yo si Doctor Choi?""Tungkol saan? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya."W-wala naman. Wala naman siyang dapat sabihin sa 'yo.""Kung gano'n, wala kang dapat ipag-alala. Kinumusta niya lamang ako, tayong dalawa, Iverson. Nagtataka tuloy ako kung bakit ka nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ba't may tinatrabaho ka?" sarkastiko kong bitaw
NAALALA KO pa ang mga pangako sa akin ng asawa ko noong ikinasal kami, pero tila ba hindi rin iyon totoo katulad ng kasal namin dahil nakikita ko siya ngayong may ibang kinakalantari. At ang masaklap, mas matanda pa ito sa kaniya ng ilang taon.Si Elvira Tinea ang advisor namin noon sa university, pero dahil isa siyang maganda at matalinong babae, kahit ang ibang mga estudyante ay nahuhumaling sa kaniya. Mapababae man o lalaki. At hindi na nga nakapagtataka na kahit ang asawa ko ay nakuha niya, dahil siya rin naman ang rason kung paano kami nagkakilala ni Iverson.It was that day when I am visiting Miss Elvira's office for counseling... Nakita kong sumilip doon at akmang papasok ang isang gwapong lalaki na humingi ng paumanhin dahil maling kwarto raw ang napasukan niya. At mukhang kahit sa kasalukuyan ay ibang kwarto ang pinapasukan niya. Napasandal na lamang ako sa pinto habang naririnig ang kanilang mahihinang ungol.Pinilit kong kumalma habang naglalakad paalis kahit na humihiwa pa
HALOS mapaupo ako sa sahig dahil sa natuklasan ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang marriage certificate na nakuha ko kanina. Hindi ito maaari. Paano niya nagawa sa akin 'to?Ano itong nakikita kong kasulatan na peke ang kasal namin ng asawa ko?!Kapit-kapit ang dibdib ay nagmadali akong pumunta sa simbahan kung saan kami ikinasal ni Iverson."Miss Mireiah? Unfortunately po, wala sa parish registry ang pangalan ninyo.""P-po? Paanong wala? Dito kami ikinasal ng asawa ko!" giit ko habang mahigpit na nagagasumot ang papel na nakita ko kanina. Tandang-tanda ko pa kung paano ko ito natuklasan. Naglilinis lamang ako kanina ng kwarto namin ni Iverson nang mapag-isipan kong buksan ang closet niya at doon na nga sumampal sa akin ang katotohanan."Pasensya na po, Miss Mireiah. Kailan po ba kayo ikinasal sa simbahang ito? At sino pong pari ang nag-solemnize? Para ma-double check ko po," wika pa ng archivist na kausap ko. It's been two years







