ログイン"Iverson!"
MALAKAS na sigaw ko nang buhusan niya ako ng tubig sa mukha. Hindi ko inaakalang magagawa niya 'yon sa akin, sa harap ng bastos niyang anak, at lalong-lalo na sa harap ni Elvira. "Iverson, bakit mo ginawa 'yon kay Mireiah?" tanong ni Elvira na may halong pag-aalala, pero halata sa mukha niya na galak na galak siya. "I-I'm s-sorry, Mireiah... h-hindi ko sinasadya. Masyado lamang akong nadala sa mga sigaw mo sa bata..." paghingi niya ng paumanhin na lalong nagpapanting ng tainga ko. Magsasalita pa sana ako nang sumabat muli si Elvira. Dahil nagsidatingan na ang mga kasambahay na kapwa nasaksihan din ang nangyari, kinuha na nila si Ivan na matalim ang tingin sa akin at dinidilaan ako. "Ako na munang bahala kay Ivan. Hindi makatutulong kung pangangaralan siya na may kasamang pananakit o masasakit na salita. Masyado pa siyang bata." Hindi na ako nakasagot pa dahil nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kwarto ni Ivan, habang ako naman ay nanggagalaiti pa rin kung saan ilalagay ang galit ko. "Dahil sa nangyari, mas mainam na dito muna talaga tumuloy si Miss Elvira," pahayag ni Iverson habang seryoso na naglalakad papunta sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at sinuri ang mukha kung saan nabuhusan ng tubig. Kumuha siya ng tissue para tulungan akong punasan, pero tinabig ko lang ang kamay niya. "Huwag mo akong hawakan na para bang hindi ikaw ang gumawa nito sa akin. Paano mo naaatim na saktan ako? Asawa mo ako, Iverson." "H-hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, mahal ko. Pangako, hindi na mauulit. Nadala lang ako ng galit. Hmm?" paglalambing pa niya tsaka tuluyan pinunasan ang mukha ko. Nakatitig ako sa kaniya habang nagngingitngit ang mga ngipin. Gusto ko siyang duraan ngayon din lalo't pinararamdam niya sa akin na tapos na niya akong pakinabangan. "Hayaan mo, titino rin ang anak natin. Ngayon pang nasa pangangalaga na siya ni Miss Elvira. Siguradong babait na siya sa 'yo. Pasensya ka na kung ikaw pa ang pinagbantay ko sa kaniya." "Mas makabubuti sigurong tunay niya na lang na ina ang mag-alaga sa kaniya para maputol ang mga sungay niya. Pero sabagay, matagal na nga palang patay ang nanay niya, hindi ba? Hindi tuloy siya naturuan ng magandang asal." Nag-igting ang panga niya, tsaka ibinaba ang tissue sa lamesa bago ako muling tapunan ng atensyon. "Ano bang sinasabi mo, mahal ko? Tayo na ang mga magulang niya, kaya tayo na ang magtuturo sa kaniya ng magandang asal... Well, sa tulong ni Miss Elvira. Magiging masaya din tayong pamilya, Mireiah." Hinaplos niya ang buhok ko, tsaka ako hinalikan sa noo. Napabuntong-hininga na lamang ako tsaka napailing, bago pumanhik sa kwarto ko at maligo. Pero sinundan ako ni Iverson, kaya hindi naging tahimik ang pagbababad ko sa bathtub. "Mahal ko, sige na... Pumayag ka na. Nasa crucial status ang kumpanya, at hindi natin basta-basta pwedeng iwanan dito si Ivan. Pareho tayong kailangan sa negosyo. At ngayong nagsisimula si Miss Elvira sa panibago niyang libro, samantalahin na natin ang pagkakataon. Nakita mo naman... Mukhang nakikinig sa kaniya si Ivan." Sinulyapan ko siya sandali, tsaka tinalikuran. Kumuha naman siya ng scrub at hinilod ang likod ko. "Mireiah... Please..." "May magagawa pa ba ako? Mukhang buo na ang desisyon mo," bigkas ko. Mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Sinasabi ko na nga ba't papayag ka rin! Maraming salamat, mahal ko! Ikaw talaga ang pinaka-understanding na babaeng nakilala ko! Kaya mahal na mahal kita, eh!" "Pero sa isang kondisyon..." saad ko na nagpatigil sa kaniya. Bumitaw naman siya at umupo muli sa labas ng bathtub para pakinggan ang gusto kong sabihin. "A-ano 'yon, Mireiah? Sabihin mo lang." Kinuha ko naman ang phone na nasa gilid tsaka ipinakita sa kaniya ang magandang larawan ng isang malaking bahay. "Ano sa tingin mo ang bahay na "to?" tanong ko habang nakangiti sa kaniya nang tuso. "Maganda, di ba? Commercially developed na ang area na 'to at accessible sa lahat." At isa pa, mas mahal ang bahay na ipinapakita ko sa kaniya, kumpara sa bahay na tinitirhan namin ngayon. "Napakagandang lupa... At mukhang napakataas nga ng halaga," namumutla niyang sagot. "Tama ka d'yan, mahal ko..." Hinaplos ko ang bisig niya pataas sa kaniyang batok. "Sakto, birthday ko na next month... Pwede bang ito na lamang ang iregalo mo sa akin? Please?" malumanay at puno ng lambing kong sambit sa kaniya. Sa buong dalawang taon, ako ang niloloko niya... Nawala ang lahat ng sa akin. Binitiwan ko ang sarili ko dahil siya ang inuuna ko. Ngayon na ang tamang panahon para maging mas matalino, ang isahan silang lahat... Kailangan kong bawiin ang lahat ng nawala sa akin. Binuksan ko ang butones ng suot niyang polo, tsaka siya nilapitan para halikan sa leeg. Bumulong ako sa tainga niya. "Hindi ba't ang sabi mo, gagawin mo ang lahat para sa akin? Sige na, pagbigyan mo na ako, mahal ko..." Tinagpo niya naman ang mga mata ko. "Bakit biglang gusto mong bumili ng bahay? Hindi pa ba sapat ang bahay na 'to sa 'yo?" "Hindi naman sa gano'n... Oo, maganda nga itong bahay natin, pero mas maganda 'yong value nitong nakita ko. Malaki ang potential niya na mas lumaki ang halaga. Tsaka, yung kumpanya mo, kapag mas nakakuha ka ng mga bigating investors, mas maganda ritong mag-celebrate, mag-hold ng bamquets para sa mga bisita. At isa pa, lalong babango ang pangalan mo," panunudyo ko pa. "Hindi ko na kailangang pabanguhin pa ang pangalan ko, Mireiah. Naging asawa pa lang kita, pinaganda mo na ang buhay ko. Tinitingala ako ng lahat dahil sa 'yo." "Kaya nga, di ba? Minsan lang naman ako humiling sa 'yo at ang intensyon ko naman ay para sa ikabubuti mo rin. Dali na, hmmm? Pagbigyan mo na ako," pangungulit ko pa. Hindi ako titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto ko. Gagawin ko ang lahat para makuha ang bahay na 'yon. "Hindi mo naman ako tatanggihan, di ba? Pa-birthday mo na sa akin, mahal ko..." "M-magkano ba ang bahay na 'yan?" Ngumiti ako tsaka siya binitiwan. Isinandal kong muli ang likod ko sa bathtub habang binabanlawan ang hubad kong katawan. "Hindi naman gano'n kamahal. Seventy million lang. Basic na basic sa 'yo, mahal ko." Nanigas ang mukha niya sa gulat habang ako ay nakangiti pa ring inaakit siya. Tumayo ako para makita niya ang hubad kong katawan. Napalunok naman siya nang pakisuyuan ko siyang abutan ako ng tuwalya. Siya rin ang pina-blower ko sa buhok ko. Nakatingin ako sa repleksyon namin sa salamin. "Ano? Pumapayag ka na ba? Kapalit no'n ay malaya nang maninirahan dito si Miss Elvira," pangungumbinsi ko pa. "Sige, kung gusto mo talaga ang bahay na 'yon, bibilhin ko para sa 'yo." Isang malaking ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Lalo na nang mabilis niyang tawagan ang finance department para mag-deposit ng seventy million sa personal account ko. Ang balance na dating 150,000, ngayon ay nadagdagan ng seventy million. At walang paglagyan ang kasiyahan sa puso ko. Ito pa lang ang simula, Iverson. Sa mga susunod na panahon, tuluyan ko nang masisimot ang lahat ng perang meron ka.KINABUKASAN, maaga akong nagising para simulan ang plano kong pagkuha sa bahay, pero nabasag ang umaga ko nang makita sina Iverson at Elvira na kapwa naka-apron at nagluluto. Kasunod si Ivan na buntot nang buntot sa kanila.Pero hindi naman ako papayag na ang umaga ko lang ang masira, dapat sa kanila rin. Tumikhim ako at mabilis pa sa alas kwatro na inalis ni Elvira ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ni Iverson. "Ikaw pala, Mireiah! Good morning! Sakto, nagluto ako ng agahan para sa ating lahat," wika ni Elvira na nagpangiwi sa akin. Sa buong pagsasama namin ni Iverson, kahit na may kasambahay kami para magluto, ni minsan ay hindi niya ako sinabayan na mag-umagahan dahil nagmamadali siyang pumunta sa trabaho.Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang hapagkainan na puro western dishes ang nakahain. Ang iba pa roon ay may mga seafood na siyang hindi ko kinakain dahil allergic ako."Paborito mo ba 'yang lahat?" tanong ko sa kaniya."Oo! Tama ka! Paano mo nalaman? Alam mo, napakabai
"Iverson!"MALAKAS na sigaw ko nang buhusan niya ako ng tubig sa mukha. Hindi ko inaakalang magagawa niya 'yon sa akin, sa harap ng bastos niyang anak, at lalong-lalo na sa harap ni Elvira. "Iverson, bakit mo ginawa 'yon kay Mireiah?" tanong ni Elvira na may halong pag-aalala, pero halata sa mukha niya na galak na galak siya. "I-I'm s-sorry, Mireiah... h-hindi ko sinasadya. Masyado lamang akong nadala sa mga sigaw mo sa bata..." paghingi niya ng paumanhin na lalong nagpapanting ng tainga ko. Magsasalita pa sana ako nang sumabat muli si Elvira. Dahil nagsidatingan na ang mga kasambahay na kapwa nasaksihan din ang nangyari, kinuha na nila si Ivan na matalim ang tingin sa akin at dinidilaan ako."Ako na munang bahala kay Ivan. Hindi makatutulong kung pangangaralan siya na may kasamang pananakit o masasakit na salita. Masyado pa siyang bata."Hindi na ako nakasagot pa dahil nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kwarto ni Ivan, habang ako naman ay nanggagalaiti pa rin kung saan ilalagay ang
"Halika na, Mireiah, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa 'yo si Ivan," pagtukoy niya sa anak namin. Tinitigan ko pa siya nang matagal habang pinipilit ibaon muna sa alaala ang lahat ng mga natuklasan ko tungkol sa pagsasama namin. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya."Ha? Ahh... Tumawag sa akin si Doctor Choi, kaya mabilis akong pumunta rito para sunduin ka."Hah. For sure, kaya siya pumunta rito ay para siguraduhing walang lalabas na katotohanan mula kay Doctor Choi, pero huli na ang lahat."Ganoon ba?" tanong ko naman tsaka naglakad pauna sa kaniya."O-oo naman! Sandali, may mga sinabi ba sa 'yo si Doctor Choi?""Tungkol saan? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya."W-wala naman. Wala naman siyang dapat sabihin sa 'yo.""Kung gano'n, wala kang dapat ipag-alala. Kinumusta niya lamang ako, tayong dalawa, Iverson. Nagtataka tuloy ako kung bakit ka nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ba't may tinatrabaho ka?" sarkastiko kong bitaw
NAALALA KO pa ang mga pangako sa akin ng asawa ko noong ikinasal kami, pero tila ba hindi rin iyon totoo katulad ng kasal namin dahil nakikita ko siya ngayong may ibang kinakalantari. At ang masaklap, mas matanda pa ito sa kaniya ng ilang taon.Si Elvira Tinea ang advisor namin noon sa university, pero dahil isa siyang maganda at matalinong babae, kahit ang ibang mga estudyante ay nahuhumaling sa kaniya. Mapababae man o lalaki. At hindi na nga nakapagtataka na kahit ang asawa ko ay nakuha niya, dahil siya rin naman ang rason kung paano kami nagkakilala ni Iverson.It was that day when I am visiting Miss Elvira's office for counseling... Nakita kong sumilip doon at akmang papasok ang isang gwapong lalaki na humingi ng paumanhin dahil maling kwarto raw ang napasukan niya. At mukhang kahit sa kasalukuyan ay ibang kwarto ang pinapasukan niya. Napasandal na lamang ako sa pinto habang naririnig ang kanilang mahihinang ungol.Pinilit kong kumalma habang naglalakad paalis kahit na humihiwa pa
HALOS mapaupo ako sa sahig dahil sa natuklasan ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang marriage certificate na nakuha ko kanina. Hindi ito maaari. Paano niya nagawa sa akin 'to?Ano itong nakikita kong kasulatan na peke ang kasal namin ng asawa ko?!Kapit-kapit ang dibdib ay nagmadali akong pumunta sa simbahan kung saan kami ikinasal ni Iverson."Miss Mireiah? Unfortunately po, wala sa parish registry ang pangalan ninyo.""P-po? Paanong wala? Dito kami ikinasal ng asawa ko!" giit ko habang mahigpit na nagagasumot ang papel na nakita ko kanina. Tandang-tanda ko pa kung paano ko ito natuklasan. Naglilinis lamang ako kanina ng kwarto namin ni Iverson nang mapag-isipan kong buksan ang closet niya at doon na nga sumampal sa akin ang katotohanan."Pasensya na po, Miss Mireiah. Kailan po ba kayo ikinasal sa simbahang ito? At sino pong pari ang nag-solemnize? Para ma-double check ko po," wika pa ng archivist na kausap ko. It's been two years







