เข้าสู่ระบบKINABUKASAN, maaga akong nagising para simulan ang plano kong pagkuha sa bahay, pero nabasag ang umaga ko nang makita sina Iverson at Elvira na kapwa naka-apron at nagluluto. Kasunod si Ivan na buntot nang buntot sa kanila.
Pero hindi naman ako papayag na ang umaga ko lang ang masira, dapat sa kanila rin. Tumikhim ako at mabilis pa sa alas kwatro na inalis ni Elvira ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ni Iverson. "Ikaw pala, Mireiah! Good morning! Sakto, nagluto ako ng agahan para sa ating lahat," wika ni Elvira na nagpangiwi sa akin. Sa buong pagsasama namin ni Iverson, kahit na may kasambahay kami para magluto, ni minsan ay hindi niya ako sinabayan na mag-umagahan dahil nagmamadali siyang pumunta sa trabaho. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang hapagkainan na puro western dishes ang nakahain. Ang iba pa roon ay may mga seafood na siyang hindi ko kinakain dahil allergic ako. "Paborito mo ba 'yang lahat?" tanong ko sa kaniya. "Oo! Tama ka! Paano mo nalaman? Alam mo, napakabait ng asawa mo. Tinanong niya pa talaga sa akin kung anong gusto kong kainin. Napakaswerte mo dahil may nakilala kang sobrang considerate na katulad niya." "Talaga ba? Mukhang considerate nga siya sa lahat ng babae, maliban sa akin," mapait kong litanya na nagpawala sa mga ngiti nilang lahat. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako kumakain ng lamang-dagat, pero alam kong mahilig sa tahong ang asawa ko. Iba't ibang klase ng tahong..." wika ko tsaka umupo sa hapagkainan at naghanap ng pwede kong makain. "Miss Elvira, huwag mo nang pakinggan ang sinabi ni Mireiah. Palabiro lang talaga siya," sagot naman ni Iverson tsaka tumabi sa akin. Mabuti naman at hindi niya nakakalimutang magpanggap na ako pa rin ang asawa niya. Inahinan niya naman ako ng pritong itlog at nang lalagyan ko na 'yon nang sawsawan, may tumalsik sa kamay ko na toyo. Tiningnan ko kung saan ito nanggagaling at sumalubong sa akin ang masamang tingin sa akin ni Ivan. Katabi niya ngayon si Miss Elvira na nakabusangot ang mukha at mukhang walang gana sa pagkain ng paborito niya. "Ivan! Ano bang ginagawa mo? Pasaway ka talagang bata ka," paglilitanya ni Iverson, pero pabalang din naman siyang sinagot ng sarili niyang anak. "Bakit, Daddy? Tinapunan mo rin naman si Mommy ng tubig kahapon. Pareho lang tayo!" "A-anong sabi mo?!" Gusto kong matawa dahil natitikman ni Iverson ang pangbabastos ng sarili niyang anak. Well, kanino pa nga naman ba magmamana, kung hindi sa kaniya? Natigilan naman ako nang punasan ni Miss Elvira ng tissue ang kamay ko tsaka ibinaling ang tingin kay Ivan. "Ivan, hindi ka dapat nagsasayang ng pagkain, kahit pa condiments lang 'yan. Maraming batang nagugutom ngayon na kahit toyo ay pinagtitiisan nilang gawing ulam para makaraos lang. At isa pa, nadumihan mo ang kamay ng mommy mo. Humingi ka ng sorry sa kaniya," sambit ni Miss Elvira na siyang ikinagulat ko. Umirap naman si Ivan tsaka lumingon sa akin. Labas sa ilong niyang binitiwan ang isang salitang, "Sorry." "Alright. At pagkatapos mong kumain ay bumalik ka na lamang sa kwarto mo," dagdag pa ni Miss Elvira. Nagngitngit naman ang mga ngipin ko. Ganoon na lang 'yon? "Wait," litanya ko tsaka tumayo. Natigilan naman sa paglakad si Ivan at lumingon sa akin. Hinigit ko ang kamay niya tsaka siya itinulak sa pader. "Tumayo ka d'yan nang tuwid!" utos ko na puno ng galit. Aapela pa sana siya nang pilipitin ko ang kamay niya tsaka kumuha ng yantok para ipanghataw sa kaniyang puwetan. Malakas na iyak naman ang inginawa ni Ivan, pero hindi ko siya tinigilan. "Ayan! Para magtanda ka! Wala ka na talagang respeto sa akin! Sa akin, hindi ka nakikinig, pero sa ibang tao, ang bilis-bilis mo!" angal ko pa habang patuloy siyang pinapalo. "Tigilan mo na ako! Napakasama mo talaga! Daddy! Help! Tulungan ninyo ako sa bruhang 'to! Daddy! Aunt Elvira!" Mabilis namang lumapit sa amin si Elvira habang suot ang nag-aalalang mukha. "Mireiah, ano bang ginagawa mo? Humingi na ng tawad sa 'yo ang bata! Hindi pa ba sapat 'yon? Tigilan mo na 'yan!" Binabawi niya sa akin ang yantok, pero hindi ko ibinigay. Sa halip ay hinarap ko siya. "Bakit, Miss Elvira? Anak ko ang dinidisiplina ko! Bakit masyado kang concern? Anak mo ba 'to?! Ha?!" Hindi naman siya kaagad nakasagot. Bakas ang pamumutla sa kaniyang mukha, at ganoon din kay Iverson na hindi rin alam ang gagawing pagpigil sa akin. "Mireiah... s-sa tingin ko lang ay masyado pa siyang bata para makatanggap ng hagupit mula sa 'yo. Pwede naman natin siyang kausapin nang masinsinan. At saka, maliit na pagkakamali lang naman ang nagawa niya. Hindi naman sinasadya," pagtatanggol niya pa sa sarili niyang anak habang ako ay namamangha sa itsura niya. Basang-basa ko kung gaano siya nag-aalala para kay Ivan. Hindi ko alam na ganito pala ka-enjoyable ang makitang nasasaktan ang mga nananakit sa akin. "Anong hindi sinasadya? Narinig mo naman ang sinabi niya kanina, hindi ba? Ginaya niya ang ama niya! Kaya kung hindi tutuwirin ang maliit na pagkakamali, mas lalo silang magiging pasaway at gagawa ng mas malaking kasalanan! Hindi mo ako katulad na ang paraan ay sa masinsinang pag-uusap lang. Dahil namamalo ako! Kung hindi ko siya papaluin, ako rin ang mahihirapan sa kaniya paglaki dahil mawawalan siya ng takot sa akin!" mahaba kong litanya. Wala nang salitang lumabas sa bibig ni Miss Elvira. Si Iverson na ang umawat sa akin, pero hindi dahil sa kaniya kaya ko itinigil ang pamamalo kay Ivan. Nailabas ko na ang lahat ng galit na nararamdaman ko. Binitiwan ko ang yantok. Mabilis namang tumakbo si Ivan sa likod ni Miss Elvira at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Hinawi ko ang buhok ko at humarap kay Ivan. "Tandaan mo, Ivan. Ako pa rin ang nanay mo. Kapag ipinagpatuloy mo pa ang pambabastos sa akin, hindi lang itong yantok ang matitikman mo. Masama akong magalit. Huwag mo akong subukan." Padabog akong lumisan aa lugar na 'yon. Narinig ko pang tinawag ako ni Iverson, pero hindi ko na pinakinggan pa. Tama, doon siya manatili, dahil doon siya nababagay. Sama-sama silang magdusa sa paghihiganti ko. Matitikman nila ang laro ng isang hindi na magpapaapi. Hindi ako titigil hangga't hindi sa akin ang huling halakhak.KINABUKASAN, maaga akong nagising para simulan ang plano kong pagkuha sa bahay, pero nabasag ang umaga ko nang makita sina Iverson at Elvira na kapwa naka-apron at nagluluto. Kasunod si Ivan na buntot nang buntot sa kanila.Pero hindi naman ako papayag na ang umaga ko lang ang masira, dapat sa kanila rin. Tumikhim ako at mabilis pa sa alas kwatro na inalis ni Elvira ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ni Iverson. "Ikaw pala, Mireiah! Good morning! Sakto, nagluto ako ng agahan para sa ating lahat," wika ni Elvira na nagpangiwi sa akin. Sa buong pagsasama namin ni Iverson, kahit na may kasambahay kami para magluto, ni minsan ay hindi niya ako sinabayan na mag-umagahan dahil nagmamadali siyang pumunta sa trabaho.Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang hapagkainan na puro western dishes ang nakahain. Ang iba pa roon ay may mga seafood na siyang hindi ko kinakain dahil allergic ako."Paborito mo ba 'yang lahat?" tanong ko sa kaniya."Oo! Tama ka! Paano mo nalaman? Alam mo, napakabai
"Iverson!"MALAKAS na sigaw ko nang buhusan niya ako ng tubig sa mukha. Hindi ko inaakalang magagawa niya 'yon sa akin, sa harap ng bastos niyang anak, at lalong-lalo na sa harap ni Elvira. "Iverson, bakit mo ginawa 'yon kay Mireiah?" tanong ni Elvira na may halong pag-aalala, pero halata sa mukha niya na galak na galak siya. "I-I'm s-sorry, Mireiah... h-hindi ko sinasadya. Masyado lamang akong nadala sa mga sigaw mo sa bata..." paghingi niya ng paumanhin na lalong nagpapanting ng tainga ko. Magsasalita pa sana ako nang sumabat muli si Elvira. Dahil nagsidatingan na ang mga kasambahay na kapwa nasaksihan din ang nangyari, kinuha na nila si Ivan na matalim ang tingin sa akin at dinidilaan ako."Ako na munang bahala kay Ivan. Hindi makatutulong kung pangangaralan siya na may kasamang pananakit o masasakit na salita. Masyado pa siyang bata."Hindi na ako nakasagot pa dahil nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kwarto ni Ivan, habang ako naman ay nanggagalaiti pa rin kung saan ilalagay ang
"Halika na, Mireiah, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa 'yo si Ivan," pagtukoy niya sa anak namin. Tinitigan ko pa siya nang matagal habang pinipilit ibaon muna sa alaala ang lahat ng mga natuklasan ko tungkol sa pagsasama namin. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya."Ha? Ahh... Tumawag sa akin si Doctor Choi, kaya mabilis akong pumunta rito para sunduin ka."Hah. For sure, kaya siya pumunta rito ay para siguraduhing walang lalabas na katotohanan mula kay Doctor Choi, pero huli na ang lahat."Ganoon ba?" tanong ko naman tsaka naglakad pauna sa kaniya."O-oo naman! Sandali, may mga sinabi ba sa 'yo si Doctor Choi?""Tungkol saan? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya."W-wala naman. Wala naman siyang dapat sabihin sa 'yo.""Kung gano'n, wala kang dapat ipag-alala. Kinumusta niya lamang ako, tayong dalawa, Iverson. Nagtataka tuloy ako kung bakit ka nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ba't may tinatrabaho ka?" sarkastiko kong bitaw
NAALALA KO pa ang mga pangako sa akin ng asawa ko noong ikinasal kami, pero tila ba hindi rin iyon totoo katulad ng kasal namin dahil nakikita ko siya ngayong may ibang kinakalantari. At ang masaklap, mas matanda pa ito sa kaniya ng ilang taon.Si Elvira Tinea ang advisor namin noon sa university, pero dahil isa siyang maganda at matalinong babae, kahit ang ibang mga estudyante ay nahuhumaling sa kaniya. Mapababae man o lalaki. At hindi na nga nakapagtataka na kahit ang asawa ko ay nakuha niya, dahil siya rin naman ang rason kung paano kami nagkakilala ni Iverson.It was that day when I am visiting Miss Elvira's office for counseling... Nakita kong sumilip doon at akmang papasok ang isang gwapong lalaki na humingi ng paumanhin dahil maling kwarto raw ang napasukan niya. At mukhang kahit sa kasalukuyan ay ibang kwarto ang pinapasukan niya. Napasandal na lamang ako sa pinto habang naririnig ang kanilang mahihinang ungol.Pinilit kong kumalma habang naglalakad paalis kahit na humihiwa pa
HALOS mapaupo ako sa sahig dahil sa natuklasan ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang marriage certificate na nakuha ko kanina. Hindi ito maaari. Paano niya nagawa sa akin 'to?Ano itong nakikita kong kasulatan na peke ang kasal namin ng asawa ko?!Kapit-kapit ang dibdib ay nagmadali akong pumunta sa simbahan kung saan kami ikinasal ni Iverson."Miss Mireiah? Unfortunately po, wala sa parish registry ang pangalan ninyo.""P-po? Paanong wala? Dito kami ikinasal ng asawa ko!" giit ko habang mahigpit na nagagasumot ang papel na nakita ko kanina. Tandang-tanda ko pa kung paano ko ito natuklasan. Naglilinis lamang ako kanina ng kwarto namin ni Iverson nang mapag-isipan kong buksan ang closet niya at doon na nga sumampal sa akin ang katotohanan."Pasensya na po, Miss Mireiah. Kailan po ba kayo ikinasal sa simbahang ito? At sino pong pari ang nag-solemnize? Para ma-double check ko po," wika pa ng archivist na kausap ko. It's been two years







