LOGINNAALALA KO pa ang mga pangako sa akin ng asawa ko noong ikinasal kami, pero tila ba hindi rin iyon totoo katulad ng kasal namin dahil nakikita ko siya ngayong may ibang kinakalantari. At ang masaklap, mas matanda pa ito sa kaniya ng ilang taon.
Si Elvira Tinea ang advisor namin noon sa university, pero dahil isa siyang maganda at matalinong babae, kahit ang ibang mga estudyante ay nahuhumaling sa kaniya. Mapababae man o lalaki. At hindi na nga nakapagtataka na kahit ang asawa ko ay nakuha niya, dahil siya rin naman ang rason kung paano kami nagkakilala ni Iverson. It was that day when I am visiting Miss Elvira's office for counseling... Nakita kong sumilip doon at akmang papasok ang isang gwapong lalaki na humingi ng paumanhin dahil maling kwarto raw ang napasukan niya. At mukhang kahit sa kasalukuyan ay ibang kwarto ang pinapasukan niya. Napasandal na lamang ako sa pinto habang naririnig ang kanilang mahihinang ungol. Pinilit kong kumalma habang naglalakad paalis kahit na humihiwa pa rin sa dibdib ko ang sakit. Nang makabalik ako sa kotse, agad kong tinawagan ang lalaking nakausap ko sa telepono. Buo na ang desisyon ko. Kung nagawa akong lokohin ng asawa ko... Hindi ako makakapayag na magtagumpay sila sa kanilang mga plano. Pagkatapos kong gawin ang lahat para sa kaniya? Iiwan niya akong walang-wala? Hindi... Dahil ngayon... Simula sa araw na ito, kukunin ko ang lahat ng sa akin. "Miss Mireiah..." pagtawag ng attorney sa pangalan ko. Matalim akong nakatingin sa kalsada habang matigas ang mga dila sa pagsasalita. "Attorney Velasquez, I am ready to sign the inheritance agreement now." Narinig ko ang galak sa boses niya. "That is a quick decision, Miss Mireiah. In addition to that, can I ask what is your marital and childbearing status?" "Wala akong asawa, attorney, at wala rin akong anak," puno ng diin kong sambit sa kaniya. "That's good. You will inherit all the estate alone." Tinapon ko sa passenger seat ang phone ko tsaka pinaharurot ang sasakyan. Basang-basa pa ang buhok at damit ko nang makarating ako sa Law Firm na pagmamay-ari ni Attorney Velasquez. Naroon din sa opisina niya ang urn ng yumao kong ama. Ipinakita niya sa akin ang mga dokumento na nagpapatunay na ako nga ang kaisa-isang anak ni Mr. Manolo Cua. At hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay magbabago ang buhay ko. Nang matapos ko nang pirmahan ang mga necessary documents, nagpaalam na ako kay Attorney Velasquez at kinamayan siya. Sinabi niya naman na kapag kailangan ko ng tulong ay huwag akong mahiya na magsabi. Inalok niya pa sa akin na dalhin ko ang urn ng tatay ko, pero tumanggi muna ako. Ayokong malaman ng asawa ko ang tungkol dito. Mali, hindi ko nga pala siya asawa. Nagpatuloy na akong magmaneho, pero dala nang labis na distraksyon, hindi ko inaasahang may mababangga ako. Mabilis namang nakaiwas ang sasakyan na nasa unahan ko at ako naman ay napaliko rin. Mabuti na lang at naipreno ko rin kaagad at hindi naman ako tumama sa poste. And it's a good thing I had just a minor injury on the forehead. Nang matapos akong gamutin ng nurse, nagpaalam at nagpasalamat na ako sa kaniya bago lumabas sa emergency room. Napadaan naman ako sa incubation at hindi ko maiwasang may maalalang pangyayari. It was when I had an accident two years ago when my husband told and gave me my medical report. He said, I have a serious abnormality in my uterus. In short, hindi ako makakapag-conceive, kaya nagdesisyon kaming dalawa na mag-ampon na lamang. Dahil wika pa niya ay makakasama sa katawan ko kapag pinilit pa naming magsiping. Kaya kaliwa't kanan ang masasakit na salitang natanggap ko mula sa father and mother-in-law ko. "Anong ibig mong sabihing hindi kayang magbuntis ni Mireiah?! Seryoso ka ba, Iverson?!" sigaw ng ina ng asawa ko nang makauwi kami galing sa hospital. "Ma, huwag naman kayong sumigaw. Kalalabas lang ng asawa ko sa hospital. Hindi pa siya okay," pagtatanggol naman sa akin ni Iverson habang hinahaplos ang magkabilang-balikat ko. "Anong hindi pa okay?! Ako ang hindi okay, Iverson! Paano mo ipagpapatuloy ang pangalan natin kung baog ang asawa mo, ha?!" singhal naman ng tatay ni Iverson sa akin habang nanggigigil sa tsaang hawak niya na tila ba hindi nakakatulong para kumalma siya. "Pa, aksidente ang nangyari! Sinubukan naman namin! Kaso hindi talaga kaya! Kaya, pwede ba? Huwag ninyo nang pagsalitaan nang masama ang asawa ko! Asawa ko pa rin siya kahit anong mangyari!" "Hay nako, Iverson! Hiwalayan mo na ang babaeng 'yan! Walang maidudulot sa 'yong maganda ang pagkakaroon ng asawang hindi ka kayang bigyan ng anak! Magiging malungkot ka lang at magsasawa dahil kayo't kayo lang ang nakikita ninyo sa araw-araw!" Napayuko na lang ako at napakagat sa ibabang labi. Hindi ko inaasahang dahil sa isang malagim na aksidente na hindi ko naman kasalanan, magkakaroon ng alitan sa pamilya ng asawa ko. Kung naging mas maingat lang ako, hindi ito mangyayari. "Mahal, huwag mo na silang pakinggan. Hindi magbabago ang tingin ko sa 'yo pagkatapos ng nangyari. Ikaw pa rin ang mahal ko at hinding-hindi kita iiwan. Magkasama nating haharapin ang bukas," pagpapalakas niya ng loob ko. "Ay talaga naman! Tuluyan nang nabaliw ang anak natin! Nagayuma na yatang talaga ng babaeng 'yan si Iverson!" sabat ng mama niya. "Iverson! Gumising ka sa mga ilusyon mo! Concern lang kami sa 'yo ng papa mo! Bakit ka mag-iistay sa babaeng hindi ka kayang bigyan ng anak? Humanap ka ng iba! At iwan mo na siya!" Pero hindi nagpatinag si Iverson, dahil simula ng araw na 'yon ay kasama ko siya sa bawat pagsubok at masasakit na salitang ibinabato sa akin. Siya ang naging kasangga ko, isang pader na tumatayo sa unahan ko para protektahan ako... Pero akala ko lang pala 'yon... Dahil ang pader na 'yon ay naging isang kulungan para sa akin... Isang kulungan para sa maraming kasinungalingan. Nabalik ako sa reyalidad nang may tumawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na doktor na tumingin sa akin noong maaksidente ako dalawang taon na ang nakalilipas—si Mr. Choi, isang korean gynecologist sa hospital na 'to. "Miss Mireiah! Long time no see! Kumusta? Nagkaanak na ba kayo ni Mr. Iverson?" tanong niya na siyang nagpakunot sa noo ko. "Nagkaanak? What do you mean, Doctor Choi? Hindi ba't may diperensya ang matres ko?" "Huh? Sinong may sabi? Sa pagkakaalala ko ay wala namang naging epekto sa iyo ang aksidente noon." "A-anong ibig mong sabihin, Doctor Choi?" nanginginig ang mga labi ko habang nagtatanong sa kaniya. "Your uterus is perfectly fine, Miss Mireiah. Nakita ko rin ang results ng minor accident mo kanina, kaya naisipan kong puntahan ka ngayon. According to the report, you are very healthy. You can still be pregnant." Hinawakan niya ang kanang balikat ko at tinapik-tapik. "Balitaan mo na lang ako sa magiging anak ninyo ni Mr. Iverson. I would gladly accept kung isa ako sa magiging ninong," nakangiti niyang sambit bago tuluyang nagpaalam. Muli na naman akong naestatwa mula sa pagkakatayo ko, habang naaalala ang mga sinabi sa akin ni Iverson noon. Siya ang nagbigay ng medical reports sa akin galing sa doktor. Siya ang nagpaliwanag nang lahat na hindi na ako magkakaanak kahit kailan. Ibig bang sabihin ay kasinungalingan din 'yon? "Mireiah! Anong nangyari?!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Agad na umakyat sa ulo ko ang dugo. Lalo na nang haplusin niya ang magkabilang-balikat ko at suriin din ang noo kong may tapal ng gasa dahil sa natamo kong minor injury. "Okay ka lang ba? Sabihin mo sa akin, may masakit ba sa 'yo?" Meron... Marami... Lalo na't nakikita kitang kayang magkunwari sa harapan ko. Napakasakit, Iverson.KINABUKASAN, maaga akong nagising para simulan ang plano kong pagkuha sa bahay, pero nabasag ang umaga ko nang makita sina Iverson at Elvira na kapwa naka-apron at nagluluto. Kasunod si Ivan na buntot nang buntot sa kanila.Pero hindi naman ako papayag na ang umaga ko lang ang masira, dapat sa kanila rin. Tumikhim ako at mabilis pa sa alas kwatro na inalis ni Elvira ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ni Iverson. "Ikaw pala, Mireiah! Good morning! Sakto, nagluto ako ng agahan para sa ating lahat," wika ni Elvira na nagpangiwi sa akin. Sa buong pagsasama namin ni Iverson, kahit na may kasambahay kami para magluto, ni minsan ay hindi niya ako sinabayan na mag-umagahan dahil nagmamadali siyang pumunta sa trabaho.Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang hapagkainan na puro western dishes ang nakahain. Ang iba pa roon ay may mga seafood na siyang hindi ko kinakain dahil allergic ako."Paborito mo ba 'yang lahat?" tanong ko sa kaniya."Oo! Tama ka! Paano mo nalaman? Alam mo, napakabai
"Iverson!"MALAKAS na sigaw ko nang buhusan niya ako ng tubig sa mukha. Hindi ko inaakalang magagawa niya 'yon sa akin, sa harap ng bastos niyang anak, at lalong-lalo na sa harap ni Elvira. "Iverson, bakit mo ginawa 'yon kay Mireiah?" tanong ni Elvira na may halong pag-aalala, pero halata sa mukha niya na galak na galak siya. "I-I'm s-sorry, Mireiah... h-hindi ko sinasadya. Masyado lamang akong nadala sa mga sigaw mo sa bata..." paghingi niya ng paumanhin na lalong nagpapanting ng tainga ko. Magsasalita pa sana ako nang sumabat muli si Elvira. Dahil nagsidatingan na ang mga kasambahay na kapwa nasaksihan din ang nangyari, kinuha na nila si Ivan na matalim ang tingin sa akin at dinidilaan ako."Ako na munang bahala kay Ivan. Hindi makatutulong kung pangangaralan siya na may kasamang pananakit o masasakit na salita. Masyado pa siyang bata."Hindi na ako nakasagot pa dahil nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kwarto ni Ivan, habang ako naman ay nanggagalaiti pa rin kung saan ilalagay ang
"Halika na, Mireiah, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa 'yo si Ivan," pagtukoy niya sa anak namin. Tinitigan ko pa siya nang matagal habang pinipilit ibaon muna sa alaala ang lahat ng mga natuklasan ko tungkol sa pagsasama namin. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya."Ha? Ahh... Tumawag sa akin si Doctor Choi, kaya mabilis akong pumunta rito para sunduin ka."Hah. For sure, kaya siya pumunta rito ay para siguraduhing walang lalabas na katotohanan mula kay Doctor Choi, pero huli na ang lahat."Ganoon ba?" tanong ko naman tsaka naglakad pauna sa kaniya."O-oo naman! Sandali, may mga sinabi ba sa 'yo si Doctor Choi?""Tungkol saan? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya."W-wala naman. Wala naman siyang dapat sabihin sa 'yo.""Kung gano'n, wala kang dapat ipag-alala. Kinumusta niya lamang ako, tayong dalawa, Iverson. Nagtataka tuloy ako kung bakit ka nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ba't may tinatrabaho ka?" sarkastiko kong bitaw
NAALALA KO pa ang mga pangako sa akin ng asawa ko noong ikinasal kami, pero tila ba hindi rin iyon totoo katulad ng kasal namin dahil nakikita ko siya ngayong may ibang kinakalantari. At ang masaklap, mas matanda pa ito sa kaniya ng ilang taon.Si Elvira Tinea ang advisor namin noon sa university, pero dahil isa siyang maganda at matalinong babae, kahit ang ibang mga estudyante ay nahuhumaling sa kaniya. Mapababae man o lalaki. At hindi na nga nakapagtataka na kahit ang asawa ko ay nakuha niya, dahil siya rin naman ang rason kung paano kami nagkakilala ni Iverson.It was that day when I am visiting Miss Elvira's office for counseling... Nakita kong sumilip doon at akmang papasok ang isang gwapong lalaki na humingi ng paumanhin dahil maling kwarto raw ang napasukan niya. At mukhang kahit sa kasalukuyan ay ibang kwarto ang pinapasukan niya. Napasandal na lamang ako sa pinto habang naririnig ang kanilang mahihinang ungol.Pinilit kong kumalma habang naglalakad paalis kahit na humihiwa pa
HALOS mapaupo ako sa sahig dahil sa natuklasan ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang marriage certificate na nakuha ko kanina. Hindi ito maaari. Paano niya nagawa sa akin 'to?Ano itong nakikita kong kasulatan na peke ang kasal namin ng asawa ko?!Kapit-kapit ang dibdib ay nagmadali akong pumunta sa simbahan kung saan kami ikinasal ni Iverson."Miss Mireiah? Unfortunately po, wala sa parish registry ang pangalan ninyo.""P-po? Paanong wala? Dito kami ikinasal ng asawa ko!" giit ko habang mahigpit na nagagasumot ang papel na nakita ko kanina. Tandang-tanda ko pa kung paano ko ito natuklasan. Naglilinis lamang ako kanina ng kwarto namin ni Iverson nang mapag-isipan kong buksan ang closet niya at doon na nga sumampal sa akin ang katotohanan."Pasensya na po, Miss Mireiah. Kailan po ba kayo ikinasal sa simbahang ito? At sino pong pari ang nag-solemnize? Para ma-double check ko po," wika pa ng archivist na kausap ko. It's been two years







