LOGINHindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.
“Caelum, orders!” Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo. “Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray. “Yeah,” sagot niya agad, pero hindi niya kayang tumingin ng diretso. Alam niyang halata—kahit siya, hindi niya maitanggi na wala siya sa ayos. Lalo pa siyang naiinis sa sarili niya dahil doon. Pagkatapos ng shift niya, hindi na siya nagtagal. Hindi na siya tumambay, hindi na rin nakipagkwentuhan gaya ng dati. Diretso siyang umuwi, parang may hinahabol na katahimikan—pero kahit tahimik ang paligid, hindi siya makatakas sa mga iniisip niya. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay bukas pa ang ilaw sa sala. Nandoon ang Tita Sandra niya, nakaupo habang nanunuod ng TV. “Late ka na naman,” puna nito na hindi siya nililingon. “Medyo maraming tao,” sagot niya, sabay hubad ng sapatos at inilagay iyon sa shoe rack. “Hmm.” Akala niya tapos na, pero nagsalita ulit ito. “May tumawag kanina.” Napahinto siya. Hindi niya maikaila ang kaba sa dibdib. “Sino?” “Hindi nagpakilala. Nagtanong lang kung ikaw daw ‘to, tapos binaba agad.” Napakunot ang noo niya. Hindi niya maiwasang mag-isip kung sino iyon, pero wala rin siyang mahawakang sagot. “Anong number?” “Hindi ko na nakuha.” Tahimik siya sandali bago tumango. “Sige.” Hindi na siya nagtanong pa, pero may kung anong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Pumasok siya sa kwarto niya at isinara ang pinto. Sumandal siya roon sandali, napapikit, saka dahan-dahang napabuga ng hangin. Mabigat ang pakiramdam niya, kahit wala naman talagang nagbago sa paligid. Kinuha niya ang phone niya at tinitigan iyon. Walang message. Walang kahit ano. Pero kahit wala, malinaw sa kanya kung sino ang nasa isip niya. Umupo siya sa kama saka hinagod ang buhok niya at napayuko. Nahihirapan siyang tanggapin na hindi lang ito tungkol sa pera. Kung pera lang, matagal na sana siyang nakapagdesisyon. Pero may ibang kasama ito—isang bagay na hindi niya kayang pangalanan agad. Humilata siya at napatitig sa kisame, iniisip kung anong klaseng tao ang magiging siya kapag pumayag siya. “Bahala na,” sabi niya sa huli, pero kahit siya, alam niyang hindi iyon simpleng pagpapabaya. Isa iyong desisyon—at sa pagkakataong iyon ay pinili na niyang piliin ang dapat. Kinabukasan, mas inihanda ni Caelum ang sarili. Pagpasok niya sa café, awtomatikong hinanap ng mga mata niya ang mesa sa sulok. At nandoon nga si Althea—tulad ng inaasahan niya. Simpleng white candy short at pink spaghetti strap lamang ang suot nito na tinernuhan ng white pumps. Tahimik lang itong nakaupo habang sumisimsim ng kape. Napatingin si Caelum sa itsura niya. Simpleng maong pants at white T-shirt lamang ang suot niya. Sa itsura nilang dalawa, alam niya higit pa sa higit ang lamang sa kanya ng babaeng ito. Huminga siya ng malalim bago nagpasyang lumapit. “Althea,” tawag niya. Napatingin ito sa kanya. Umupo siya sa harap nito ng hindi na naghintay ng paanyaya nito. Alam niyang kailangan na niyang tapusin ang pag-iwas na ginagawa niya. “Gagawin ko.” Natahimik si Althea sandali, tinitigan siya na parang sinusukat kung gaano siya kaseryoso. “Sigurado ka na?” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napangiti. “Hindi,” sagot niya. “Pero gagawin ko pa rin.” May bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Althea—pero parang may naintindihan ito sa sagot niya. “Okay.” Pero para kay Caelum, hindi iyon simpleng “okay.” Iyon na ang punto na hindi na siya pwedeng umatras na parang walang nangyari. “May kondisyon ako,” dagdag niya agad. “Sabihin mo.” “Kapag ayaw ko na, tapos na. Walang pilitan. Walang hahabol.” Kailangan niyang maramdaman na may kontrol pa rin siya sa nangyayari, kahit kaunti. “Okay.” “At ayoko ng gulo,” dagdag niya sa mahinang boses. “Then we keep it clean,” diretsong sagot ni Althea. Blangko ang ekspresyon nitong tumitig sa kanya. Doon niya mas lalong naramdaman ang pagitan nila—kung gaano ito ka-komportable, at kung gaano siya ka-hindi. Saglita silang natahimik. Pero iba na yung klase ng katahimikan na namamagitan sa kanila. “Tonight,” sabi ni Althea. Napakunot ang noo ni Caelum. “Mamaya agad?” “Yes.” Saglit siyang natahimik. Doon tuluyang nag-sink in ang lahat sa kanya. Ibig sabihin, wala ng atrasan. Napahinga siya ng malalim, saka tumango. “Okay.”Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau
Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,
Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan
Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n
Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca
Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n







