تسجيل الدخولTahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca
Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n
Hindi na nawala sa isip ni Caelum ang usapan nila ni Althea kahit natapos na ang shift niya. Pag-uwi niya, tahimik na ang bahay. Patay na ang ilaw sa sala, pero nakapatong pa rin sa mesa ang mga resibo—parang iniwan lang saglit pero hindi na binalikan. Dumaan siya roon at saglit na tumigil, kinuha ang isa sa mga papel. Electric bill. Malapit na ang due date. Napabuga siya ng hangin at ibinalik iyon sa mesa bago dumiretso sa kwarto niya. Hindi siya nag-ilaw agad. Umupo lang siya sa gilid ng kama, nakayuko, magkahawak ang mga kamay. Tahimik ang paligid, pero sa loob niya, magulo. Hindi siya sanay sa ganito—yung hindi niya alam kung anong tamang gawin. Maya-maya, kinuha niya ang phone niya. Walang message. Walang kahit ano. Hindi niya alam kung anong mas nakakainis—yung offer o yung totoo na parang kay dali lang para kay Althea na iwan sa kanya ang desisyon. Parang wala lang kung tumanggi siya. Parang wala rin kung pumayag siya. Napailing siya at humiga, tinakpan ang mukha gamit
Hindi naging maayos ang tulog ni Caelum ng gabing iyon. Paikot-ikot lang siya sa kama, nakatitig sa kisame ng maliit niyang kwarto habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang usapan nila ni Althea. Kahit anong pilit niyang iwasan, bumabalik pa rin ang lahat—yung diretsahang paraan nito ng pag-alok sa kanya, yung kalmadong boses na parang siguradong-sigurado sa bawat sinasabi, at yung offer na hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung paano tatanggapin. Napabuntong-hininga siya at tumagilid, sinubukang ipikit ang mga mata, pero ilang segundo lang, muling dumilat. “Ang gulo,” marahas niyang bulong habang napapahilamos sa mukha. Alam niyang hindi siya ganitong klase ng tao. Hindi siya basta pumapasok sa mga bagay na hindi niya kontrolado. Pero ngayon, parang hindi niya hawak ang sarili niyang desisyon.Kinabukasan, maaga siyang nagising kahit kulang sa tulog. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at dumiretso sa kusina. Tahimik ang bahay, pero may ilaw na sa sala. Naroon ang Tita
Ilang hakbang lang ang inilayo ni Caelum mula sa mesa ni Althea nang mapahinto siya. Hawak pa rin niya ang notepad, pero hindi na siya nakatingin dito. Sa halip, napabuntong-hininga siya at bahagyang napakamot sa batok Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis.“Ang gulo,” bulong niya sa sarili bago sumulyap muli kay Althea.Nandoon pa rin si Althea, prenteng nakaupo sa parehong pwesto habang hawak nito ang tasa ng kape saka dahan-dahang sumimsim. Masyado itong kalmado na parang isang laro lamang ang mag-aya ng lakaki. Hindi ito normal. Alam niyang hindi.Pero hindi rin siya makaalis.Maya-maya ay may lumapit na kasamahan niyang waiter na nakangisi. “Hoy, ayos ka lang? Kanina ka pa lutang.” Napalingon si Caelum at pilit na ngumiti. “Okay lang. May iniisip lang.” “Siguraduhin mo lang na hindi mo makalimutan yung table mo,” biro nito bago umalis. Napailing si Caelum, pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib niya. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Hindi rin siya yung
Pagbukas ng pinto ng kanyang penthouse unit ay sinalubong si Althea ng katahimikan. Dahan-dahan siyang pumasok, at agad hinubad ang heels niya habang naglalakad. Iniwan niya iyon sa may entrance, hindi na inayos. Sumunod ang blazer na basta na lang niyang isinabit sa sandalan ng sofa.Everything was in place.Malinis. Organized. Expensive.Pero walang buhay.Huminto siya sa gitna ng sala at dahan-dahang iginala ang tingin sa paligid. Dati, ginhawa para sa kanya ang ganitong katahimikan. Ngayon, parang selda na walang ibang nakakulong kundi siya lamang. “Sanay ka naman dito,” bulong niya sa sarili, pero hindi sigurado kung paniniwala pa niya ‘yon o pang-aliw lang.Lumapit siya sa mini bar, kumuha ng wine glass, at nagbuhos ng red wine. Hindi siya nauuhaw. Hindi rin niya kailangan na maglasing. Pero mas madali minsan magkunwari na may ginagawa ka kaysa makinig sa sinasabi ng utak.Bitbit ang wine glass ay pumunta siya sa glass wall at tumingin sa labas. Tanging ang ilaw ng siyudad lama
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






